Nakarinig ng malalakas na tahol si Sera. Natigil ang pagtatahi niya ng kanyang damit ng marinig ang mabangis na ingay ng hayop na nanggagaling sa kaliwang parte ng kabundukan. Pakiramdam niya ay napakalungkot ng hayop na ito dahil ramdam niya ang sakit sa bawat ungol na binibitiwan nito.
“Sera,” sumilip ang kanyang Ina sa kanyang silid. “Magsara ka na ng iyong bintana at siguraduhin mong nakakandado ito.”
“Opo Inay.” Magalang na sagot ng dalagita.
“Naku, kinikilabutan ako sa tuwing maririnig ko ang tahol ng itim na lobo sa gubat.” Napayakap sa sarili ang Ina ni Sera na tinatayuan ng balahibo. “Kaya ikaw anak mag-iingat ka, sa tuwing sasapit ang dilim siguraduhin mong nasa loob ka na ng bahay.”
“Opo. Wag po kayong mag-alala Inay. Hindi naman po siguro bababa ang lobo sa bayan.”
“Kung sabagay, sige matulog ka na bukas mo na tapusin iyang pagtatahi mo anak.”
“Sige po.” Itinabi ni Sera ang damit na tinatahi at hinintay na isara ng kanyang ina ang pinto ng kanyang kwarto. Pinatay niya ang kandila sa tabi at maingat na humiga bago niya binalutan ng kumot ang sarili. Sobra ang pag-iingat sa kanya ng kanyang magulang dahil nag-iisa siyang anak ng mga ito. Lalo na ng dumating siya sa edad na labing anim na taong gulang. Ayon sa kanyang ina, nagsisimula na daw magpakita ang kanyang kagandahan bilang isang babae na nagdadalaga. Napapailing na lamang di Sera sa sa tuwing tinataboy ng mga ito ang mga lalaking lalapit sa kanya. Dumami ang kanyang mga manliligaw na maging taga ibang bayan ay dumadayo sa lugar nila upang makita lamang siya. Kaya hindi niya masisisi ang kanyang magulang kung bakit lalong naging mahigpit ang mga ito sa kanya. Isang bihasang mangangaso ang kanyang Ama habang ang kanyang Ina ay kilalang magaling na manggagamot. Kaya maraming pumupunta sa kanila upang humingi ng lunas sa kanyang ina. Siya naman ang alalay nito habang tinuturuan at hinahasa siya nito para maging tagapagmana nito sa hinaharap. Kilala ang pamilya nila sa buong bayan dahil parehong importanteng tao ang kanyang magulang sa kanilang lugar.
Kuntento na si Sera sa masaya at tahimik na pamumuhay nila kasama ang magulang niya.
Kinaumagahan ay niyaya siya ng kanyang Ama na mamitas ng mga ubas sa nakita nitong nakatagong paraiso sa gubat. Aksidenteng natagpuan nito ang lugar habang nangangaso ito. Hinahabol nito ang isang baboy ramo ng maligaw ito sa lugar na iyon.
“Itay! Napakarami naman po ng mga ubas dito at mukhang malulusog!” natutuwang namimitas si Sera habang nilalagyan ng ubas ang kahon na kahoy na hawak niya.
“Nabigla rin ako ng matagpuan ko ang lugar na ito. Hindi ko akalaing may nagtatago palang ganito sa gubat. Kaya naman sikreto lang natin itong dalawa anak. Kahit sa Inay mo ay wag mong sasabihin dahil sigurado akong pagnalaman niya ito ay kung ano-ano nanamang eksperimento ang gagawin niya sa mga prutas na ito.”
“Opo, kilala ko si Inay, siguradong hindi niya nga ito tatantanan.” Pareho silang tumatawa ng kanyang Ama ng may marinig silang kalukos sa paligid na nagpatigil sa kanilang dalawa.
Alertong nagmasid ang kanyang ama at dahan-dahang inilabas nito ang pana. Napangiti ito ng makita ang buntot ng baboy ramo. “Nandito kalang pala nagtatago…”
Naramdaman ng hayop ang paglapit ng Itay niya kaya mabilis itong tumakbo palayo sa kanila. Agad namang hinabol ito ng kanyang Ama.
“Tay! Matutuwa si Inay pag nahuli niyo ‘yan. Ako na pong bahala dito.” Natutuwang pahabol ni Sera dito, sineyasan naman siya nito habang hinahabol ang baboy ramo. Nagpatuloy si Sera sa pamimitas ng mga ubas habang paminsan-minsan ay tumitikim rin siya.
Napakatamis ng prutas, kasing tamis ng mga ngiti ng dalagita. Lingid sa kanyang kaalaman na may dalawang pares ng mga mata ang tahimik na nagmamasid sa kanya. Sinabayan niya ng pag-awit ang pagpipitas ng mga prutas. “Malalim ang gabi… Malamig ang gabi… Ako’y nag-iisa at walang katabi…” Napakalamyos ng tinig ni Sera kaya maging mga ibon sa sanga ay sumasabay sa himig niya. Ang napakalambot na galaw ng kanyang katawan ay lalong dumagdag sa kanyang nakakaakit na alindog. Maging bathala ay bababa at luluhod sa harapan ng dalagita…
At maging ang halimaw na nakatago sa makapal na mga halaman ay mapapaamo niya gamit lamang ang kanyang tinig…
Mapupula at malambot na mga labi. Itim at malinaw na mga mata. Malambot at makinis na balat na kahit mismong diyosa ng gubat ay mahihiyang tumabi dito. Napakabangong halimuyak na naggagaling sa kaakit-akit nitong katawan ang pupukaw sa natutulog na pagnanasa ng mga lalaki dahil sa napakatamis na katawan ng dalagita. Nangangabib na mapitas ito ano mang sandali…
Iyon ang nararamdaman ngayon ng mabangis na hayop. At kung nasa anyo ka ng isang halimaw maging ang iyong pag-iisip ay magiging halimaw narin.
Natigilan si Sera sa pagkanta ng gumalaw ang makapal na mga halaman. Namanhid ang buo niyang katawan at bahagyang namutla ang kanyang mga labi ng lumabas ang ulo ng isang mabangis na lobo. Nais niyang sumigaw ngunit kahit na mahinang tinig ay walang lumabas sa kanya. Napaatras si Sera ng unti-unting lumitaw ang katawan ng malaking itim na lobo papunta sa kanya. Ito na ba ang sinasabi nilang halimaw sa gubat? Napatid ang paa ng dalagita sa pag-atras na ikinabagsak niya sa damo.
Hindi mapigilan ni Sera ang panginginig ng buo niyang katawan ng sinimulan siyang paikutan ng higanteng lobo. Nakita niya kung paano tumulo ang laway sa bibig ng mabangis na hayop at ang matutulis nitong mga pangil habang umaangil sa kanya na parang gutom na gutom na ano mang oras ay nais siya nitong lamunin ng buhay.
Sa buong buhay niya ay ngayon lamang siya nakaramdam ng ganitong takot sa kanyang dibdib. Pakiramdam ng dalagita ay ano mang sandali ay mawawala na siya sa mundo at maiiwan niya ang kanyang mga magulang na nangungulila sa kanya. Tanging ang mga ito lamang ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon. Napapikit siya ng mariin at handa ng salubungin ang kanyang kamatayan ng lumapit sa mukha niya ang bibig ng lobo na parang binabantaan na siyang tapusin. Tumayo ang balahibo sa kanyang batok ng maramdaman niyang dinilaan nito ang kanyang leeg na animo’y tinitikman muna siya bago siya wakasan. Napahigpit ang kapit ni Sera sa makapal na damo.
“Sera?!” Napamulat ang dalagita ng marinig ang boses ng kanyang Ama. Makikita ang takot sa mga mata nito para sa kaligtasan niya. Matapang na humarap dito ang higanteng lobo, mas matangkad pa ang mabangis na hayop sa kanyang Ama. Itinutuk ng kanyang Ama ang itak nito sa higanteng lobo. Ngunit kahit saang anggulo ay alam niyang walang laban ang kanyang Ama, kahit isa pa itong bihasang mangangaso dahil ito ang unang beses na nakatagpo ito ng ganito kalaking hayop.
“Itay!” Napasigaw si Sera sa takot ng atakihin ito ng itim na lobo. Dinaganan nito ang itay niya at narinig ng dalagita ang mabangis na angil nito sa kanyang Ama. Huminto ang kanyang paghinga at para siyang nauupos na kandila habang hindi niya magawang ialis ang tingin sa mga ito.
Tumayo sa pagkakadagan ang lobo at nakita niyang inamoy-amoy nito ang kanyang Ama. Mayamaya ay nilingon siya ng lobo, tila may malalalim itong pag-iisip ng magtama ang kanilang paningin. Nilagpasan nito ang kanyang Ama at iniwan sila na mistulang naparaan lamang ito. Mabilis na tumakbo si Sera sa kanyang Itay. Tinignan niya ang buo nitong katawan ngunit wala siyang nakitang kahit ano mang galos sa katawan nito. Nakakamangha man ang nangyari dahil pareho silang iniwang buhay ng mabangis na lobo na sinasabing pumapatay ng kahit na sinong mang makita nito. Nagpapasalamat siyang hindi nito sinaktan ang kanyang Ama. “Itay..” niyakap ng dalagita ng mahigpit ang kanyang ama at ganoon din ito sa kanya na parang pareho silang takot mawala ang isat-isa.
Pag-uwi nila sa kanilang tahanan ay binulabog ng Ama niya ang kanilang mga kapit bahay upang ipagyabang sa mga ito na nakaengkwentro nila ang halimaw sa gubat na kinatatakutan ng lahat. Ang iba ay hindi naniniwala dito ang iba naman ay naaaliw sa kwento nito habang ang Ina ni Sera ay napapailing sa tabi ngunit mababakas ang pag-aalala sa mukha nito ng makitang maputla siya. Lumapit ito sa kanya at binigyan siya nito ng tubig.
“Ano bang nangyari? Totoo ba ‘yang pinagsasabi ng Ama mo?”
“‘Nay, hindi naman po gumawa lang ng kwento si Itay-” natigilan si Sera ng marinig ang boses ng kanyang Ama sa labas ng kanilang kubo habang pinaliligiran ito ng mga tao. ” ..marahil nasobrahan niya lang po..” wika niya ng marinig niyang sinabi ng kanyang Ama na nasugatan daw nito ang Itim na lobo.
“Ewan ko ba, basta ang mahalaga ay ligtas kayong nakabalik sa akin. Wag ka na ulit sasama sa Itay mo sa gubat. Mamaya at pagsasabihan ko siyang magdoble ng ingat sa pangangaso.”
Hindi na lamang nangatwiran ang dalagita kahit na hindi siya sang-ayon na hindi na bumalik sa gubat. Iyon lang kasi ang nagiging libangan niya maliban sa pagtitimpla ng gamot. Matapos ang nangyari sa kanila ng kanyang Ama kanina ay dapat mas lalo siyang matakot na bumalik sa gubat ngunit baliktad ang kanyang naramdaman kundi nabawasan ang takot niya dahil hindi naman pala totoong halimaw na pumapatay ng tao ang itim na lobo.
Pagsapit ng gabi… kumalat na ang dilim sa paligid. Lahat ng mga tao ay nagsarado na nag kanilang mga pintuan at bintana. Walang makikitang tao sa labas ng kanilang mga bahay. Nagsimula naring umilaw ang mga kandila sa bawat tahanan.
Samantala… May apat na mababangis na paa na may matutulis na mga kuko ang bumaba at tumapak sa lupa ng kabayanan. Hinahanap ang halimuyak ng dalagitang kanyang natagpuan. Magpahanggang ngayon ay hindi matanggal sa isip ng itim na lobo ang kagandahang kanyang nasaksihan. Bumabagabag sa kanya ang napakalambot nitong katawan at mapupula nitong mga labi na nagpapalabas sa halimaw niyang damdamin na maangkin ito.
Sinundan niya ang sariwang amoy na hanggang ngayon ay di mawalawala sa kanyang matalas na pang-amoy. Natagpuan niya ang isang munting kubo. Nagliwanag ang kanyang pulang mga mata ng matagpuan niya ang kanyang hinahanap. Nagtago siya sa likod ng mga halaman na naroon ng makita niyang nasa bintana ang dalagita. Sumilip ito sa labas na parang nararamdaman nito ang kanyang presensiya at maingat na isinara nito ang bintana. Lalong nadagdagan ang paghangad niyang makuha ito ng muli niya itong makita.
Sera… narinig niyang ito ang pangalan ng binibini ng tawagin ito ng ama nito. Napakatamis ng pangalan nito, kasing tamis ng halimuyak ng dalagita. Humaba ang kanyang mga pangil at lalong nagliwanag ang kanyang mga mata habang bumabaon ang kanyang mga kuko sa lupa. Ginawa ng itim na lobo ang lahat upang kalmahin ang kanyang sarili. Kung gugustuhin niya ay kayang-kaya niya itong kunin sa pamilya nito at gawing bihag ngunit hindi iyon ang nais niyang mangyari. Kahit na ilang beses siyang nasawi sa pagpapaibig sa babae. Muling nabuhay ang pagnanais niyang magmahal at mahalin muli ng dumating ang dalagita sa kanya.
Hindi lamang ang katawan nito ang gusto niyang kamkamin kundi maging ang puso’t kaluluwa nito… Hihintayin niyang sumapit muli ang bilog upang muli niya itong magkita…
Leave a Reply