Napahinto sa pag-iyak si Sera ng magpakita sa kanya ang itim na lobo. Hindi siya umatras tulad ng ginawa niya noong unang nakita niya ito kundi siya mismo ang humakbang palapit dito. Nawala ang ano mang takot at pangamba sa dibdib niya ng magtama ang mga mata nila ng halimaw. Wala siyang makitang bakas ng ano mang kabangisan sa mga mata nito kundi puno iyon ng takot …at pagmamahal…? hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanyang haplusin ang mukha nito. Napangiti siya ng makitang pumikit ang itim na lobo sa napakaamong paraan at dinama ang haplos niya. Nais niyang pawiin ang lungkot ng nakita niya sa mga mata nito.
Gumalaw ang mga ulap na tumatakip sa buwan at unti-unting nagliwanag sa madilim na parte ng gubat. Palapit ng palapit sa kanila ang liwanag ng buwan hanggang sa madaanan sila nito. Napapikit siya ng masinagan ang kanyang mga mata dahil sa liwanag nito at sa pagmulat niya hindi ang itim na lobo ang kanyang nakita kundi ang misteryosong lalaki.
Hinawakan nito ang kamay niya na nasa mukha nito at dinampian iyon ng halik.
Parang tumigil ang kanyang paghinga ng unti-unting naging malinaw sa kanya ang lahat. Hindi siya makapaniwalang iisang nilalang ang itim na lobo at ang mahiwagang lalaki na nakilala niya sa gubat na ito. Nanginginig ang kanyang mga kamay at hindi niya mapigilang mapapikit. Totoo ba ang nakita niya? Naramdaman niyang tinanggal ng lalaki ang kamay niya sa mukha nito at tumalikod ito sa kanya.
“Maari ka ng umalis at huwag na huwag ka ng babalik sa gubat na ito dahil sa oras na bumalik ka… buhay mo na ang kukunin ko.” Malamig na wika nito sa kanya. Ngunit hindi nakaligtas kay Sera ang sakit sa bawat salitang binibitiwan nito. Ito ang unang beses niyang narinig ang boses nito at hindi niya inaasahang iyon ang mga salitang una niyang maririnig sa lalaking bumihag sa puso niya. Sunod-sunod ang pagpatak ng mga luha niya kasabay ng pagbuhos ng ulan.
Tinawid ni Sera ang pagitan nila at niyakap niya ito ng mahigpit. “K-kung ganon…” ibinaon ng dalagita ang mukha sa likod nito habang umaagos ang luha niya. “Kunin mo na ako…”
Natigilan ang itim na lobo sa narinig. Bigla niyang hinarap ang dalagita at mahigpit na hinawakan ang magkabilang braso nito. Nakita niya ang namumula nitong mata na siya ang dahilan ng pag-iyak nito. Parang tinutunaw ang puso niya sa bawat patak ng luha nito. “Hindi ka ba natatakot sa akin?”
“N-Natatakot, natatakot akong mawala kang muli na parang walang nangyari sa ating dalawa.”
Hindi na napigilan ng itim na lobo ang kanyang damdamin. Sinakop niya ang mga labi ng dalagita at hinalikan ito ng mahigpit. Bawat patak ng ulan sa kanilang balat ay lalong tumitindi ang lalim ng kanilang mga halik. Ang pangungulila nila sa isat-isa ay nadarama sa bawat pagtatagpo ng kanilang mga labi. Hindi nila inda ang malakas na buhos ng ulan kahit pareho na silang basa ilalim ng bilog na buwan.
Isinandig ng itim na lobo ang katawan ni Sera sa malaking puno at pinaulanan ng halik ang labi nito. Magkahalong tamis at tubig ng ulan ang mga halik ng mabangis na lobo sa leeg at dibdib ng dalagita. Hindi na siya nakatiis na tanggalin ang saplot nito na humaharang sa kanyang damhin ang hubad nitong balat. Walang paalam na pinunit niya sa katawan nito ang telang tumatakip sa nakakabighani nitong katawan.
Lumuhod siya sa harap nito na parang isa itong diyosa habang binabasbasan niya ang kayamanang tinatago nito sa kanya. Humahalo sa pagbuhos ng ulan ang mga ungol ng dalagita. Ipinatong niya sa kanyang balikat ang isang hita nito upang lalong mahukay ng kanyang bibig ang kaselanan nito. Napakapit ang isang kamay ni Sera sa ulo niya at ang isa ay sa punong kinasasandigan nito.
Dumadaloy ang tubig ulan sa mukha ni Sera pababa sa kanyang leeg… dibdib… at pababa pa sa kanyang puson hanggang sa tuluyan itong bumaba sa pagitan ng kanyang mga hita na ngayon ay sinasakop ng kanyang itim na lobo. “…Ngh…” lumipat ang isang kamay ni Sera sa ulo nito ng maramdaman niyang tinulak ng dila nito ang kasuluksulukan niya. “Ah…”
Matapos kapangahasan ng itim na lobo kaselanan ng dalagita, umangat ito upang sakupin ang labi ni Sera na pinaubaya niya ng buong puso. Bumaba ang kamay lalaki sa bewang niya at inangat siya nito hanggang sa di na niya matapakan ang mga damo. Ikinawit niya ang kanyang mga hita sa likod nito hanggang sa matapat ito sa kanya. Napasinghap siya ng maramdaman kung gaano ito kahandang angkinin siya.
“Sera…” Kay tamis pakinggan ng kanyang pangalan mula sa bibig nito. Napapikit ang dalagita ng mariin at nakagat niya ang labi niya ng maramdaman niya ang unti-unti nitong pagpasok sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon ay tuluyan niya muling sinuko ang sarili dito.
“…Aaaahh…” ramdam niya ang dahan-dahan nitong paggalaw na mas lalong nagpayanig sa bawat sulok ng kanayang laman. Nakagat ni Sera ang balikat nito sa tindi ng sensasyong binibigay nito sa kanya. “Ha..ngh..” bawat pag-angkin nito ay parang nilalamon nito ng buong-buo ang kanyang katawan.
Lalong lumakas ang pagbuhos ng ulan na parang nakikisabay sa tindi ng kanilang pag-iisa. Lumalalim na ang gabi ay lumalalim din ang hukay ng itim na lobo sa katawan ng dalagita. Tila inuukit nito ang sarili sa katawan ni Sera. Napakatagal na panahon niya itong hinintay kaya naman hindi niya maipaliwanag ang sumisilab na pagkauhaw na nais niyang iparamdam sa babaeng bumihag ng halimaw niyang damdamin.
Bahagyang nagliwanag ang katawan ng itim na lobo bilang hudyat na nabasag na ang sumpang nagpahirap sa kanya sa napakahabang panahon. Ang itim nitong mga mata at buhok ay napalitan ng ginto. Nagliwanag din ang mga halaman at mga puno sa paligid ng itim na gubat. Kumalat ang makukulay na mga bulaklak sa paligid nila. Bumalik ang hiwaga at mahika sa katawan ng itim na lobo na ngayon ay isa na muling tunay na engkanto. Ang madilim na gubat ay tuluyan ng naging isang paraiso.
Kumikinang ang bawat hibla ng buhok ng engkanto maging ang ginto nitong mga mata.
Pagkagulat at pagkamangha ang nararamdaman ni Sera ng mga sandaling iyon. Nasa harapan niya ang pinakamagandang lalaki sa balat ng lupa… Hinaplos niya ang ginto nitong buhok na parang yumayakap sa kanyang mga daliri. Yumuko ang engkanto at sinalubong ang mga labi ni Sera, puno ng pagmamahal na tinugon niya ang halik nito.
Tumigil ang ulan at naglaho ang makapal na ulap sa kalangitan. Muling nagliwang ang paligid. Ang dating itim na gubat ngayon ay naging pinakamaliwanag na parte na ng kagubatan.
Nagbukas ang paraiso sa mga tao at hindi na nila muling nasilayan ang itim na lobo. Kasabay noon ang pagkawala ng pinakamagandang dalagita sa bayan.
Makalipas ang mahabang panahon… nagpapakita ang dalawang engkantong magkasintahan sa gubat. Makikita daw ang mga ito sa mahigawang parte ng gubat na tinatawag na nila ngayong…
Puting paraiso…
WAKAS.
Leave a Reply