“Nakatulog ka ba ng mabuti?” tanong ng Ate Jara niya, pagpasok niya sa kitchen. Naabutan niya itong nagluluto ng breakfast nila.
Itinago ni Fara ang pamumula ng kanyang mukha, “Oo naman ‘te, namiss ko po ‘yung kwarto ko.” sisiguraduhin ni Fara na siya ang maglalaba ng bedsheet na naging saksi sa kapusukasn nila ni Ken kagabi.
“Bakit parang puyat at pagod ka?” dumagundong ang tunog sa dibdib ni Fara ng hindi nakaligtas ate niya ang panghihina niya. Sa totoo lang ay nanakit ang kanyang katawan sa magdamag na pagpapahirap sa kanya ni Ken. Hindi pa ito nakuntento sa kama at sinubukan siya nitong angkinin sa pader na tabi ng bintana habang nakatayo sila, at sa antique na upuan ni niregalo sa kanya ni Tita Eliza. Himala nalang na walang nakarinig sa kanila. Napakagat labi siya, lalong nadadagdagan ang kasalanan niya sa mga ito.
“Okay lang ako Ate, nakatulog ako ng mabuti.” pinilit niyang pasiglahin ang boses at ang ekspresyon niya.
“Mabuti ka pa, ako hindi nakatulog dahil napakalakas ng hilik ng Kuya Ian mo.” natatawang wika nito.
“Si Ate talaga,” nakahinga siya ng maluwag at tinulungan niya itong maglagay ng filling sa bread habang nagpriprito ito ng bacon at egg. “Kamusta ang pagpapatayo niyo ng mga bagong apartment?” apartments and town houses ang iniwan ni Tita Eliza sa Ate at Kuya Ian niya na naalagaan at napalago ng mag-asawa.
“Sa ngayon, maayos ang lahat, nabili naman ng Kuya mo ang lahat ng kailangang materyales.”
“Kung may kailangan kayo, sabihin mo lang sa akin Ate, tutulong ako.”
“Salamat Fara,”
“Para saan naman?”
“Dahil lagi kang nandyan para sa amin ng Kuya mo, at kahit malaki na si Ken, inaalagaan mo pa rin siya.”
Kinurot ng konsensiya ang dibdib niya. “Ate-“
“Good morning.” nahinto si Fara ng may yumakap sa kanya mula sa kanyang likod at hinagkan ang gilid ng ulo niya na nagdala ng libo-libong kuryente sa kanyang katawan. Nakalimuntan niyang nasa harapan nila ang Ate niya.
“Hay naku, noon at ngayon napakalambing sayo ng batang ‘yan,” nakangiting kumento ng Ate Jara niya sa ginawa ni Ken.
Pasimpleng tinanggal niya ang mga kamay ni Ken at lihim na pinagsabihan ito gamit ang tingin niya. Ngunit hindi siya nito pinansin dahil ng tumalikod ang Mommy nito sa kanila, mabilis na siniil siya nito ng halik sa labi. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. He’s bold and daring.. Napahawak siya sa labi niya at pinigilan ang pamumula. I’m only letting you do this to me just once. Just once. Kumbinsi ni Fara sa sarili at pilit na tinataboy ang init sa pisngi niya.
Dalawang gabi pa siyang nagstay sa Ate niya ngunit sinigurado na niyang nakasara ang kanyang mga bintana. Natuto na siya, mahahalatang nagtatampo sa kanya si Ken dahil hindi na siya nito kinukulit. Subalit kailangan niya itong gawin upang matutunan nitong kontrolin ang sarili nito. Dahil maging siya ay madaling hilain ng tukso, hindi niya ito kayang tanggihan pag nagsimulang uminit ang katawan niya.
Hindi rin siya natiis ni Ken dahil hinatid siya nito bago siya umalis. Sinigurado niyang nakapasok ang Ate niya sa loob bago niya ito hinarap.
“You know I need to do that right?” hindi siya nito sinagot at nagkibit-balikat lang. “Ken..?” nakasimangot ito at nakita niyang sinasadya nito iyon. Napangiti siya, dinala niya ang isang kamay sa batok nito at hinila ito pababa sa kanya upang pagtagpuin ang mga labi nila. Hindi ito tumugon sa halik niya at hinayaan siyang angkinin ang labi nito. Nang babawiin na niya ang labi niya, bigla siya nitong kinabig at sinandal sa pinto ng sasakyan niya. Pinalalim nito ang halik… Bumukas ang mga mata ni Fara, nakita niya ang mariing pagkakapikit ni Ken. Nahaplos ang puso niya. Naramdaman niya ang pangungulila nito sa kanya kahit na magkasama sila sa iisang bahay. Kailangan niya ba talagang gawin iyon? Gusto niyang magsisi dahil hindi niya ito pinatuloy sa kwarto niya ng dalawang gabi, ngunit hindi ibig sabihin ng pag-iwas niya dito ay hindi niya kailangan ng yakap at halik nito. “I’m sorry..” nasambit niya ng maghiwalay ang labi nila.
Wala sa sariling bumitaw siya dito at lumayo ng makita niyang parating ang isang sasakyan na huminto sa tabi nila. Natigilan siya ng mapagtanto ang ginawa niya.
“You’re not sorry.” malamig na wika nito.
“Ken, I didn’t-“
“Ken?!” isang pamilyar na mukha ang lumabas sa kotse at pumunta sa direksyon nila. “Oh my God It’s you!” yumakap ito ng mahigpit kay Ken. “Look at you..” humahangang tinitigan nito si Ken. “Your… Hot..” napakagat labi ito at natigilan ng mapunta sa kanya ang tingin nito. “Ate Fara?”
Nagtaka siya ng makilala siya nito ngunit ang mas inaalala niya ay nakahawak parin ito kay Ken at walang ginagawa si Ken para ilayo ito.
“It’s me! Tricia. Don’t you remember?”
Pamilyar ang mukha nito sa kanya. Ito ang kababata ni Ken na madalas makipaglaro sa bahay nila…
“Come on! Let’s play!” tawag ng six year old na si Tricia kay Ken.
“No. I don’t want to,” inabala ni Ken ang sarili sa mga robots niya at di pinansin si Tricia na nagdala ng isang baby toy.
“Please Ken? Ako ang Mommy at ikaw ang Daddy, tapos ito ang baby natin.”
“Yuck! Why would I do that? I don’t even like you.”
“It’s just a play!” nagpapadyak na parang maiiyak na wika ni Tricia.
“Kids, walang mag-aaway.” dumating si Fara galing sa school, at naabutan niya ang dalawang bata na nag-aaway sa living room. Nagliwanag ang mga mata ni Ken ng makita ang napakagandang Tita nito.
“Okay!” si Ken na lumapit kay Fara.
“Really?” masayang tanong ni Tricia dahil pumayag na si Ken sa gusto niya.
“Ako ang Daddy, si Tita Fara ang Mommy, at ikaw ang baby namin.”
“Huh?!!” nanlaki ang mata ni Tricia.
Natatawang ginulo ni Fara ang ulo ni Ken. “Wag niyo muna akong idamay sa laro niyo dahil gagawin ko pa ang mga assignments ko. Next time nalang okay?” hinalikan ni Fara ang pisngi ni Ken bago pumasok sa kwarto niya.
“Yes, I remember you.” nakangiting sagot ni Fara kay Tricia. Pinakawalan nito si Ken at siya naman ang niyakap nito.
“God Ate Fara, ang ganda mo pa rin! Sobrang namiss ko kayo.” natutuwang hinagkan nito ang pisngi niya. Noon pa man ay malambing na bata na si Tricia, at mukhang magpahanggang ngayon ay hindi ito nagbago. Kung hindi naassign sa malayo ang Ama nitong sundalo ay hindi ito lilipat ng lugar. “Nagretired na si Papa at nagdecide kaming dito na ulit titira. Magiging magkapit-bahay na ulit tayo.” masayang balita nito, at muling napunta kay Ken ang atensyon nito. “May girlfriend ka na ba?” diretsong tanong nito. Kinabahan si Fara sa di malamang dahilan, siya ang tinignan ni Ken bago lumipat ang tingin nito kay Tricia.
“I think, I should go. May importante pa akong lalakarin.” wika niya at niyakap si Tricia. “Good to have you back.” huling sinulyapan niya si Ken bago siya sumakay ng kanyang sasakyan.
She’s a coward…
She hated herself for being like this.
She’s running away again..
Running away from him…
Too scared to hold his hand. Too afraid to tell them that he is mine! And yet.. She have the nerve to get jealous? To be possesive of him? She is the worst!
Mabilis na tinabi niya ang sasakyan sa gilid ng isang flower shop. Pinatong niya ang noo sa manibela at huminga ng malalim. Hindi niya alam kung anong dapat niyang gawin? Ngayon lang siya nahirapan ng ganito. Marami mang pagsubok na dumaan sa buhay niya pero nalagpasan niya ang lahat ng iyon. Hindi siya nahirapan ng maaga siyang nawalay sa magulang niya. Hindi siya nahirapang mag-adjust sa bago niyang tahanan sa piling ni Tita Eliza. Hindi siya nahirapan sa study niya, at siya ang nakakuha ng scholarship sa abroad sa dami ng kasabay niyang nag-apply. Top student siya ng makagraduate at agad na nakakuha siya ng trabaho. Nakapagpundar siya ng malaki at nakapagtayo ng sarili niyang negosyo. Every plan she make is smooth and perfect. Ni minsan ay hindi siya nagkamali, every choices she made is always the best option. Hindi man siya nakapaglaan ng oras sa pag-ibig, hindi niya iyon pinagsisisihan dahil alam niyang hindi siya nag-iisa. Alam niyang kahit saan siya magpunta, o ano mang gawin niya, may pamilya siyang uuwian at iyon ay sa piling ng Ate niya, sa pamilya nito na tinuturing niyang pamilya niya narin. At si Ken, ang pinakaimportante sa buhay ng Ate at Kuya Ian niya.. Napakaimportante ng mga ito sa kanya. Kaya hindi niya mapapatawad ang sarili kung siya ang maging dahilan ng pagkasira ng masayang pamilya ng Ate Jara niya. Ngunit kahit alam niyang hindi dapat, alam niyang may masasaktan siya, at alam niyang ito ang unang maling desisyon na gagawin niya sa buhay niya. Hindi niya parin ito kayang pakawalan… Hindi niya kayang pigilin ang sarili niyang mahalin ito.. Hindi niya ito kayang isuko.. Napakasama niya ba para maghangad ng sobra na hindi niya kayang panindigan? Pinahid niya ang mga luhang nag-uunahang tumulo.
Leave a Reply