Maririnig ang mga tapak ng mataas na takong sa palapag ng isang gusali. Isang matangkad na dalaga na iisiping isang ekspertong modelo ang makikitang naglalakad. Ang tempo ng mga kilos nito ay nakakakuha ng pansin ng sino mang madaraanan nito. Isang malusog na lalaki ang tumigil upang sundan ito ng tingin. Pinigilan nitong lumunok ng laway ng bumaba ang tingin nito sa hita ng dalaga.
Inayos ni Sin ang pagkakatali ng buhok niya kahit wala siya sa harap ng salamin. Ginagawa niya iyon habang naglalakad sa hallway ng condominium ng kanyang kaibigan. Wala siyang pakialam dahil alam niyang maganda siya kahit na saang anggulo. Hindi sa pagyayabang pero hindi lingid sa kanyang kaalaman na kaya niyang mang-akit ng lalaki sa loob lamang ng isang segundo. Napangisi siya sa naisip. Huminto si Sin sa harap ng isang pinto. Kinuha niya ang wallet at inilabas mula roon ang isang manipis na ID, isiniksik niya iyon sa gilid ng pintuan. Nagslide ito pababa sa doorknob na ngayon ay hawak na niya at sinusubukang buksan. Natigilan si Sin ng biglang may tumikhim sa likod niya. Sumilip siya sa kanyang likod at nakita niya si Axel na salubong ang kilay.
“Seriously?” napapailing na tanong nito sa kanya.
“Shut up,” tinignan niya lamang ito ng matalim bago niya pinagpatuloy ang ginagawa. “Sinong nagsabi sa kanya na kumuha ng condo sa lumang building na ito na kahit ang lock ay old school parin.”
“Kahit sinong makakita sayo iisiping magnanakaw ka. Papasukin mo ang condo ng kapatid ko gamit ang ID mo? Come on Sin, is that even working?”
“Watch me.” Mahinang bulong ni Sin sa sarili nang marinig niya ang malutong na tawa ni Axel sa likod niya at hindi ito pinansin. Natutunan niyang magbukas ng mga lock na pinto dahil lagi siyang kinukulong ng mommy niya sa kanyang kwarto para di siya makagimmick kasama ang mga barkada niya, subalit madalas niya itong nagagawan ng paraan. Napangiti si Sin ng marinig niya ang click sa lock. Tumayo siya ng tuwid at muling hinarap si Axel, binuksan niya ng napakaluwang ang pinto. Nagustuhan niya ang nakita niyang reaksiyon dahil hindi man lang nito nagawang isara ang bibig.
“Your-“
“Amazing, I know.” putol niya sa sasabihin nito at pumasok sa loob, sinundan naman siya ni Axel.
“Unbelievable! Pwede ka namang kumatok tulad ng ginagawa ng mga normal na tao, bakit kailangan mo pang gawing komplikado ang lahat?” naguguluhang wika nito.
Nabitawan ni Kace ang hawak na apple ng makita nitong pumasok ang dalawa sa kwarto niya. “Paano kayo nakapasok?” naguguluhang tanong nito. Natatawang napapailing na lang si Axel ng makita niya ang reaksiyon ng kapatid.
Komportableng namang umupo si Sin sa mahaba at malambot na sofa habang kinakagat ang nasalo niyang apple na nahulog ni Kace. Kinuha niya ang remote sa center table at pinalitan ang channel. Umupo naman sa tabi niya si Axel at nakikagat din sa apple na hawak niya.
“Dapat tinawagan niyo muna ako bago kayo pumunta dito.” Reklamo ni Kace na nakitabi din sa kanila. “Paano nalang kung may-“
“You just break up with Tracy, kaya alam kong mag-isa ka ngayon at nagkukulong dito. We’re here to comfort you.”
“Comfort me?” Natawa si Kace sa sinabi ng dalaga na tila nakarinig siya ng isang malaking kalokohan. “Marunong ka ba ‘non Sin? Gusto mo lang makita ang miserable kong sitwasyon kaya ka nandito ngayon.”
Hindi mapigilang matawa ni Axel sa sagot ng kapatid niya, hindi niya ito masisisi dahil may katotohanan ang sinabi nito.
“Kace, how could you?” hinawakan ni Sin ang dibdib at umarteng nasaktan. “Alam mo naman kung gaano kita kamahal? Gusto ko lang malaman mo na tama ang hinala ko noon ng sinabi ko sayong maluwag ang panty ni Tracy, kahit na sino basta gwapo ay papatulan niya.”
“Sinasabi mo bang pinatulan niya lang ako dahil sa mukha ko?” Painosenteng sunod-sunod na tumango si Sin dito. “Oh, fuck you Sin, hindi ka nakakatulong, lalo mo lang binubudburan ng asin ang sugat ko.”
“Wow! Mukhang malalim nga ang pasang iniwan ni Tracy sayo, wake up Kace! She’s not that great, wala nga siya sa kalingkingan ng heels ko.”
Hindi maipinta ang mukha ni Kace sa narinig, maging si Axel ay gustong masuka. “Oh, the great mighty Sin, walang sino man ang pwedeng ikumpara sayo. Dahil ikaw lang naman ang babaeng matapos akong halikan, gigising ka lang kinabukasan na parang walang nangyari!” naibulaslas nito subalit agad ding nagsisisi at gustong bawiin ang sinabi.
“Woah, woah,” si Axel na halatang natutuwa sa pinuntahan ng usapan nila. Nakagat naman ni Sin ang ibabang labi niya. “Alam mo namang mahina ako sa mga lalaking umiiyak.” balewalang sagot ni Sin na ikinapikon ni Kace.
“Parepareho lang kayong mga babae,”
“At kasasabi mo lang kanina na hindi mo ako maikukumpara sa kanila?” nakangising balik ni Sin.
“Oh, I hate you Sin,” si Kace na biglang tumayo at padabog na sinara ang pintuan ng kwarto niya.
“But I love you Kace!” natatawang wika ni Sin na hindi rin nakatiis at sinundan ito upang lambingin.
Napapailing nalang si Axel na naiwan sa mahabang sofa. She’s insane, bold and playful. Hindi niya maintindihan kung bakit natitiis parin nila ito.
Leave a Reply