Bumaba si Sin ng kanyang sasakyan at tumambad sa kanya ang nagliliwanag na lake . Ang repleksiyon ng bituin at buwan ay makikita mo sa katawan ng lake na parang nakulong sa tubig ang kalangitan.
Stuck.
Iyon ang tamang tawag sa kanya ngayon. Umupo siya sa mga damo at sumandal sa gilid ng kanyang sasakyan. Hanggang ngayon ay nakakulong parin siya sa mga alaala ni Bryan.
“Did you know that I’m starting to get tired of you?” Bumangon siya sa pagkakaupo at tinanggal ang sandal niya. Isinunod ni Sin ang kanyang damit ng makaramdam siya ng matinding init sa katawan. Tuluyan na siyang walang saplot ng lumapit siya sa lake. Marahan niyang nilubog ang sarili sa tubig. Malamig ang tubig, kabaliktaran ng nararamdaman niya ngayon. Wala siyang pakialam sa lamig ng tubig at lumangoy pa sa kalagitnaan ng lake. Nagbabakasakaling makakalimutan niya ang ibat-ibang emosyong sumasalakay sa kanya ngayon. Nang mapagod ay nagpalutang na lamang siya sa ibawbaw nito. She doesn’t know what she wants anymore. It’s torturing her, pinikit niya ang mga mata ng masinag siya sa liwanag ng buwan. Ito rin ang buwan na naging saksi sa kanila ng gabing iyon.
“Tinatakot mo si Kean, hindi siya sana’y na tahimik ka.” sita ni Cashierrie sa kapatid. nakatitig lang kay Sin ang batang buhat niya na parang inoobserbahan siya. Dinampian niya ng halik ang noo nito na ikinakiliti ng bata.
“Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin sayo. Hindi ko din inaasahang mangyayari ito. I’m sorry that I’m leaving you all that and I was not there to defend you.” nalulungkot na wika ni Cash sa kapatid.
“Don’t say that, you and Kean are enough.” dinala ni Sin si Kean sa dibdib niya at niyakap ito.
“Halos isang linggo ka ng hindi umuuwi kay Seth. Paano kung makarating ito kay Uncle? I don’t want you to be in trouble again.”
Pagkatapos sabihin iyon ng ate niya ay nag-ring ang cellphone ni Sin at nakita niyang si Uncle Sutto ang tumatawag. “It’s too late,” ibinigay niya si Kean kay Cashierrie at sinagot ang tawag. “Yes Uncle?”
“Sin, what do you think you’re doing? Come home, right now!” Galit na utos nito bago siya pinatayan. Nakita ni Sin ang pag-aalala sa mukha ng ate niya.
“Don’t worry Sis, makikinig lang ako ng sermon niya.” tumayo na siya at inihatid siya nito sa pinto.
“I love you.” hinalikan siya ng ate niya sa noo.
“I love you more.” kinuha niya ang kamay nito at hinalikan ang likod ng palad nito. Saka siya nagpaalam at sumakay ng sasakyan niya pabalik sa main mansion.
Naghihintay sa kanya ang dalawa sa living room. Walang emosyon ang mga mata ni Seth ng makita niya ito. Bigla namang tumayo si Uncle Sutto ng dumating siya.
“Kaylan ka ba magiging responsable sa mga aksiyon mo? I’m really disappointed Sin.” Iyon ang unang bungad nito sa kanya. Hindi niya masalubong ang galit na tingin ni Uncle Sutto. Dahil parang Ama narin ang tingin niya dito, hindi niya kayang mangatwiran kahit marami siyang gustong isumbat dito. She knows when to be a bitch and when to behave. Sa ngayon hindi niya gustong bigyan ng dahilan na madagdagan ang galit ng Uncle niya. “Kung di ko pa kayo bibisitahin, hindi ko malalaman ang sitwasyon niyo.” Mula kay Seth ay bumalik ang atensiyon nito sa kanya. “This is your house, this is your home, and that man is your husband! It’s your duty to stay with him! Do I have to do this to make you understand?!” para siyang bata na pinagsasabihan nito. “Ito ang isang rason kung bakit ko kayo pinagkasundo ni Seth, kung si Cashierrie may maayos at tahimik na buhay ikaw naman ay walang direksiyon! Akala mo ba hindi ko alam ang mga nangyayari sayo? Pagkatapos mamatay ng mga magulang mo pinabayaan mo na ang sarili mo Sin. Hindi ito ang gustong mangyari ng mga magulang mo sayo.”
“Then why it had to be him?!” hindi niya na napigilang isumbat dito.
“Dahil kung sino lang ang lalaking ibibigay ko sayo ay sigurado akong mas malala pa ang gagawin mo. And Seth?!” si Seth naman ang binalingan ni Uncle Sutto. “If you cannot even handle your wife, paano mo hahawakan ang isang malaking kumpanya at ang libo-libo mong empleyado?”
“Dad,” napatayo si Seth, “I don’t have the right to control her.”
“She’s your wife! You have every right!” nagpalit-palit ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Seth. “Fix this! Kayong dalawa ang pundasyon ng Valcarcel, hindi ko hahayaang masira ang ipinundar na dugo’t pawis ng mga naunang Valcarcel ng dahil sa inyong dalawa. Naiintindihan niyo ba?” hindi sumang-ayon si Sin subalit wala rin siyang lakas ng loob mangatwiran pagkatapos siyang sabunin nito. “I need a proof,” sinalubong ni Sin ang seryosong mukha ng Uncle niya o mas tamang sabihing Ama na niya ngayon. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa susunod na sasabihin nito.”I am expecting my grandchild,” bumuka ang bibig ni Sin ngunit walang salitang lumabas. Matapos bitawan ni Uncle Sutto ang mga salitang iyon ay iniwan na sila nito.
Lumipas ang mahabang sandali na nanatili silang tahimik ni Seth.
“If you didn’t leave me this would never happen.” basag nito sa katahimikan.
“Kung nagsalita ka lang sana baka nagbago pa ang isip niya. hindi nila tayo dapat pakialaman dahil problema natin itong dalawa .”
“Ganon din sayo, bakit pagdating sa akin marami kang naisusumbat pero pag nasa harap ka na ni Dad, wala akong marinig galing sayo. Dahil alam mong tama siya. Wag na tayong maging makasarili Sin, hindi na natin ito matatakasan.”
“So anong gusto mong sabihin? Sundin natin ang hinihiling niya? Just. Kill. Me.” nagmamadaling umakyat si Sin ng kanyang kuwarto matapos itong iwan. Hindi niya pa naaayos ang sarili niya, kaya paano niya paninindigan ang pagkakaroon ng anak? Kung iniisip ng Uncle Sutto niya na mapipilitan siyang maging responsable kapag naging Ina na siya ay nagkakamali ito.
Sinundan ng tingin ni Seth ang likod ni Sin hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Napapikit siya ng mariin at huminga ng malalim. Bumalik narin siya sa kwarto niya at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng report ngunit kahit anong gawin niyang pag-okupa sa sarili ay ni isang salita sa report ay walang pumapasok sa isip niya. Binitiwan niya ang mga papeles sa kamay. Napako ang tingin niya sa dingding. Katabi niya lang ang kwarto ni Sin. Kasing kapal at kasing tigas ng dingding na iyon ang distansiya na naghihiway sa pagitan nila. Hindi niya lubos akalain na ganoon kalalim ang galit nito sa kanya. Kahit wala na si Bryan ay wala parin siyang laban dito. Hindi niya mapapalitan ang kapatid niya sa puso ni Sin. Inilibing narin nito sa hukay ang puso nito ng araw na mawala si Bryan.
Nanatiling nakatayo si Sin sa harap ng kama niya matapos niyang magshower at mapatuyo ang buhok. Hinablot ni Sin ang unan at pinaghahampas sa kama, halos mapunit ang mga ito sa kamay niya. Nanggigigil na binaon ni Sin ang mukha sa unan bago sumigaw ng malakas. Bakit parang siya ang napaparusahan at hindi ito?!
Leave a Reply