Ito ang unang beses na nagsabay silang mag-umagahan ni Seth simula ng ikinasal sila. Sinasadya ni Sin magising ng tanghali para di niya ito maabutan dahil maaga ang pagpasok nito sa trabaho ngunit tinanghali din ito ng gising kaya hindi niya ito naiwasan. Nagtaka siya kung bakit hindi ito maagang pumasok gayong masyadong mahalaga dito ang bawat oras. Marahil ng maging Chairman ito ay naging ginto na ang mga oras nito. Itinuon ni Sin ang kanyang atensiyon sa mainit na kape. Pareho silang tahimik na nag-uumagahan ni Seth. Dahil siguro ayaw nilang mawalan ng gana sa pagkain kaya nanatili silang walang kibo. Napansin niya ang tensiyon ng tatlong katulong na nagsisilbi sa kanila. Ito ang unang beses na pinagsilbihan sila ng mga ito ng magkasama. At sa tuwing nag-uusap sila ni Seth ay nauuwi ito sa mainit na argumento. Natural na tensiyon ang mararamdaman ng mga ito kung ganito ang mga Amo na pinaglilingkuran ng mga ito.

“Hindi ka ba papasok ngayon?” basag ni Sin sa katahimikan.

“Gusto mo na akong umalis?”

“Can’t you just answer my question?” nagsimulang umanghang ang tono niya.

“Masama ang pakiramdam ko.” balewalang sagot nito at ipinagpatuloy ang pagkain. Ngayon lang napansin ni Sin na namumutla ito.

“Bakit di ka magpacheck-up?”

“I just need a rest.” pinunasan nito ng napkin ang bibig at uminom ng tubig. Di naiwasang titigan ni Sin ang malambot at mapupula ngunit medyo namumutlang labi ni Seth. Nabawi niya agad ang tingin bago siya nito mahuling nakatingin dito. What is she doing? “I’m going back to my room.” Si Seth na nanghihinang tumayo. Tumango lang si Sin ng di tumitingin dito at itinuon ang atensiyon sa pagkain. Nang makaalis ito ay tinawag ni Sin ang isa sa mga katulong.

“Uminom na ba siya ng gamot?”

“Opo.”

“Good.” Good? Nag-aalala ba siya dito? Ipinilig niya ang ulo. “I-check niyo siya mamaya, tawagan niyo si Dr. Foz kung sa tingin niyong lumubha ang sakit niya.” No. Hindi siya nag-aalala dito, nag -aalala siya sa kumpanya. Magiging malaking problema kung magkakasakit ang Chairman ng Valcarcel Group. Kaylan pa siya naging concern sa kalagayan ng Kumpanya? Hirit na tanong ng malikot na isip ni Sin. Pagkatapos mag-agahan ay binabad niya ang sarili sa pagbabasa ng magazine at pagsagot sa mga tawag ni Leo tungkol sa mga investment niya. Mayamaya ay nag-aalalang tinawag siya ng isa sa mga katulong.

“Ma’am, si Sir po!”

Mabilis ang mga hakbang na pinuntahan niya si Seth sa kwarto nito. Nakita niyang nanginginig ang buo nitong katawan. Dinama niya ang noo nito, inaatake ito ng matinding lagnat. Dumating ang Doctor ng pamilya nila at tinignan ang kalagayan ni Seth. “Kumontra ang gamot na ininom nito na mas lalong nagpalala sa sakit niya. But don’t worry, I injected him the medicine he needs, kailangan niya lang ng aalalay sa kanya ngayong gabi dahil hindi agad eepekto ang gamot na binigay ko sa kanya.”

“I understand. Thank you.”

Umupo si Sin sa dulo ng kama ng mapag-isa sila ni Seth sa kwarto nito. Hindi na ito nanginginig tulad kanina ngunit mabigat parin ang pag-hinga nito. “So this guy can get sick too huh?” lumapit siya sa tabi nito at itinaas niya ang kumot hanggang sa dibdib ni Seth. Wala parin itong malay hanggang ngayon, mukhang pinatulog lang ito ng naunang gamot na ininom nito. Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa ng magazine habang nagbabantay siya sa tabi ni Seth. Pagkalipas ng ilang sandali ay naramdaman niyang pabaling-baling ito sa tabi niya. Nahulog ang wet towel na nilagay niya sa noo nito. Nag-alala si Sin ng makita itong hindi komportable. Hindi pa ito nakakainom ng tubig mula pa kanina. Kahit gusto niya itong bangunin ay mukhang imposible dahil nanghihina ito. Nang kumalma si Seth ay inayos niya ang kumo’t at pagkakahiga nito.

Kinuha niya ang baso na may lamang tubig at uminom mula roon. Dinala niya ang labi niya sa bibig ni Seth. Pinainom niya ito ng tubig na galing sa kanya. He looks so weak and fragile ng mga sandaling iyon. Maging siya ay hinihila narin ng antok. Humiga si Sin sa tabi nito at sumiksik sa ilalim ng kumot. Hindi niya namalayang nakatulog narin siya.

Hirap na ibinuka ni Seth ang mga mata niya. Nawala na parang iglap ang bigat sa katawan niya. Hindi niya inaasahan ang makikita niya sa kanyang paggising ng umagang iyon. Natutulog si Sin sa kanyang tabi. Naagaw ng pansin niya ang isang bucket ng tubig at towel. Ibig sabihin ba nito si Sin ang nag-alaga sa kanya kagabi? Hindi makapaniwalang tanong niya sa sarili. Hinarap niya si Sin na natutulog habang nakakubli sa tabi niya. Ito ang unang beses na nagising siya kasama ito. Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha nito. This breathtaking beauty is his wife. Hindi niya napigilan hindi tikman ang perpektong ukit ng labi nito. At dampian ng halik ang tungki ng ilong nito, maging ang nakapikit nitong mga mata. Pinigilan niya ang sariling muling angkinin ang labi ni Sin bago pa ito magising. Idinikit ni Seth ang noo sa noo ni Sin. “Why don’t you let me in?” bakit di siya nito bigyan ng pagkakataong iparamdam ang pagmamahal niya para dito? Bumangon na si Seth at hirap na iniwan ang asawa sa kanyang kama bago pa siya makagawa ng bagay na kamumuhian ni Sin.