May hawak na kutsilyo si Sin habang pinag-aaralan ang mga ingredients sa harapan niya. Ngayon ay nagsisisi na siya kung bakit pinaalis niya ang lahat ng mga katulong dahil ayaw niyang makita ng mga ito ang gagawin niya lalo na at alam niyang may 99% na chance na papalpak siya. Ito ang kauna-unahang beses na magluluto siya. Sa buong buhay niya ay hindi niya pa iyon nagagawa. Ang tanging alam niya lang gawin ay utusan ang mga katulong na pagsilbihan siya. Kapag nasa kusina ang Mommy niya at si Cash para magluto ay lagi siyang umiiwas. Naalala niya ng sinubukan niyang magluto ng fried chicken ay napaso ng mantika ang kamay niya kaya simula noon ay hindi na siya lumalapit sa kitchen. Ngunit ngayon ay nagawa niyang bumalik, it was all because of Seth! Birthday nito ngayon at balak niyang ibigay dito ang pinakamahal na regalong kaya niyang ibigay pero ang hiniling nito ay simpleng dinner lang kasama siya at gusto nitong siya ang magluto noon para dito. She watch the videos on youtube she even read the article but she can’t make herself to start?! Marahil isang oras na siyang nagbabalat ng patatas. Kahit anong gawin niya ay hindi iyon kasing perfect ng nakita niya sa internet. Biglang naslice niya ang patatas sa gitna at nahulog ang kalahati sa sahig kasama ng mga nauna niya pang eksperimento. Nagmukhang maduming lugar ang kanina lang na napakalinis na kusina niya.
“Oh my God?” nagulat siya ng biglang may sumulpot sa likod niya.
“Shit! Cash I almost cut my hand?” turan niya sa kapatid.
“Nagtaka ako kung bakit ni isang katulong ay di ko makita sa paligid at heto ka..” napakunot-noo ito. “What are you doing?!”
“I ask that question myself a hunderd times today. What the hell am I doing?! But you’re here now so..” Binigay niya dito ang kutsilyo.
“Nasaan ang mga katulong mo?” kinuha nito sa kanya ang kutsilyo.
“I gave them a day off. Birthday ngayon ni Seth at hiniling niya sa aking ipagluto ko siya para sa dinner namin but I dont know where to start.” Nakita niyang napangiti ng pilya ang ate niya. “What?”
“I never heard Sin cooking something to her boyfriends.”
“He’s not my boyfreind.”
“Yes he is your husband.”
“My husband?”
“Hanggang ngayon ba ay di parin nagsisink-in sayo na pag-aari ka na ni Seth at pag-aari mo na siya. And you are starting to behave like a real wife and that only means one thing.”
“I know where you going-“
“You’re starting to like him! I’m so happy for you baby girl.”
“Shut up, can we just start this?” tukoy niya sa harap nila. Nagsimula silang magluto ni Cash, napakalinis nitong magluto. Kapag ito ang gumagawa ay parang napakadali ng lahat pero pag siya ay parang dumadaan siya sa butas ng karayom. Ang sabi ng mga naging professor niya ay siya ang pinakamatalino sa klase. They were all a big fat liar! “I would never cook again!” wika niya ng matapos sila.
“Pero mas matutuwa si Seth kung ikaw ang magluluto para sa kanya kaya dapat ngayon palang magsimula ka ng mag-aral magluto.”
“Sis, do you really think I can do this?” tinuro niya ang naprepared nilang dinner.
“W-Well, mahihirapan ka sa umpisa-“
“That’s it I quit. This is the first and the last time na magluluto ako. Red is going to make fun of me if he learn about this.” Bulong niya sa sarili.
“I think it’s time for me to go bago pa dumating ang lover mo.” Wika ng ate niya, lumabas sila ng kitchen. Nakita niya ang mga paper bag sa living room. “Nakalimutan kong dalhin kahapon. Ito ang mga binili ko sa paris para sayo, and this..” may kinuha ito sa bag. “Regalo ko kay Seth.” Inabot nito sa kanya ang isang maliit na kahon.
“Thank you.”
“See? If two person get married they become one. Hindi mo palang narerealize pero nakikita kong nagsisimula na iyon sayo ngayon.”
“Ate, if you start acting like this hihiramin ko ulit si Kean.”
“Okay I’ll stop.” Hinatid ito ni Sin sa pinto.
“I love you.”
“I love you more.”
Leave a Reply