Maririnig ang mga halakhakan sa loob ng isang simpleng tahanan.
Tinadtad ni Sin ng halik si Kean, ang eight-month-old na pamangkin niya. Tuwang-tuwa naman itong pinaglalaruan ang kanyang buhok. Sinunod niyang pagpagin ng halik ang tiyan nito na alam niyang kiliti ng bata kaya sunod-sunod ang tawa nito sa kanya. Napapangiti namang pinapanood sila ng magulang ni Kean.
“Sindra, mahilig ka talaga sa mga bata, bakit di ka magseryosong maghanap ng lalaking magbibigay sayo nito? Nasa tamang edad ka na para mag-asawa. Sa tingin ko ‘yan lang ang magpapabago sayo.”
Nakasimangot na hinarap ni Sin si Cashierrie. Ang ate niya, at Mommy ng bata. Nakaakbay naman dito si Ken, ang asawa nito. Nasa loob sila ng living room at nasa kandungan niya ang bata na kanina niya pa pinanggigigilan. Tuwing linggo ay binibisita niya ang mga ito. Simula ng pumanaw ang magulang nila ni Cashierrie, ang mga ito na ang tinuturing niyang tahanan, kaya ganoon nalang ang pagmamahal niya sa kanyang pamangkin. Idagdag pang ito ang unang apo ng magulang nila, kaya mahal na mahal niya ang bata.
“I’m hurt. Am I really that bad?” maingat na siniksik ni Sin ang mukha sa tiyan ng bata. “What do you think Kean? Huh baby? Sa tingin mo bad ang Tita Sin mo?” tanong niya sa bata habang hinahalikan ang mga maliliit na kamay nito.
“Sin, kulang nalang kainin mo na ang anak ko.” natatawang saway ni Ken.
“Well, masisi mo ba ako? Kung may makakakita sa atin iisipin talaga nilang ako ang magulang ng bata dahil nakuha niya ang lahat ng features ko.” kung titignan nila ang mga picture niya ng baby siya, para talagang kambal sila ni Kean, lalo na siguro kung babae ito.
“Hay, ipinagdarasal ko na mukha mo lang ang mamana niya.” Dagdag ni Ken.
“Why? I’m smart and hot. Why can’t he be like me?” maliliit na tawa lang ang sagot ng baby na parang naintindihan ang sinabi ni Sin. Nahawa naman silang tatlo sa tawa nito kaya muling napuno ng halakhakan ang buong kwarto.
Hinatid si Sin ng Ate niya sa pinto. “Bakit hindi ka nalang dito magstay? Wag mong sabihin sa aking hindi ka nanaman uuwi sa bahay?” Tukoy nito sa main house nila.
“Cash, relax. Kaya ko ang sarili ko.”
“Hindi naman ako sayo nag-aalala kundi sa mga taong pinupuntahan mo. Hindi ko nga alam kung manhid ka lang o sadyang wala ka lang pakialam. But Sin, you need to behave. Makakarma ka sa ginagawa mo.”
“Oh Cash, my beautiful sister. I would never hurt them. I will love them.”
Napailing nalang ang Ate niya na parang di alam ang gagawin sa kanya. Hinalikan niya ito sa pisngi. “Bye Sis!” nagpaalam na siya bago pa siya nito hilain pabalik ng bahay nito. Wala na itong nagawa ng sumakay siya ng kanyang sasakyan. Mabilis na pinatakbo niya ang sasakyan dahil alam niyang may naghihintay sa kanya. Nakarating agad siya sa town house ni Cade. Hindi na niya kailangang kumatok dahil pinagbuksan na siya nito ng pinto.
“You’re late,” sita nito sa kanya.
“I’m sorry.” lumapit siya dito at dinampian ng halik ang labi ng binata. Saglit itong natigilan bago siya nito hinila sa loob. Napangiti siya sa ginawa ni Cade dahil unti-unti na niyang napapasok ang mundo nito. Isa itong Chef ng hotel na lagi niyang pinupuntahan, doon niya ito nakilala. Tahimik at hindi ito mahilig makipag-usap. Nakuha nito ang atensiyon niya ng makita ni Sin ang kakaibang dedikasyon nito sa pagluluto. Naisip niya kung mas masarap ba itong halikan kaysa sa mga pagkaing ginagawa nito? Isang pilyang ngiti ang sumilay sa labi niya ng malaman niya ang sagot. Hindi siya nito binigo dahil isa na ito sa mga paborito niya. Dinala siya nito sa dining room, nakahanda na ang mga paborito niyang pagkain na metikoloso nitong hinanda. Sinadya niyang hindi magdinner sa Ate niya dahil dito.
Tahimik silang kumakain ni Cade, ramdam niya ang mga tingin nito sa kanya kapag di siya nakatingin dito. He’s cute… Naaaliw siya sa katahimikang meroon sila. Dahil madalas, iyon ang kailangan niya. Nang matapos ang dinner, dinala siya nito sa kwarto na hinanda nito para sa kanya. “You’re not coming?” sinusubukan niya ito, kung hanggang kaylan nito paninindigan ang pagiging ginoo.
“Sin, I want something serious.”
Hindi nakaligtas kay Sin ang hinanakit sa tinig nito.
Dumampi ang daliri ni Sin sa labi ng Binata, “Right now, I’m serious.” hinila niya ang batok ni Cade. Kinagat niya ang ibabang labi nito na ikinabigla nito ngunit unti-unti din itong tumugon sa halik niya. Napangiti siya ng maramdaman niya ang pagkauhaw nito sa labi niya. Mabilis na tinapos niya ang halik kahit gusto niya pang magbabad sa mga labi ng binata. “Good night.” pinigilan nitong habulin ang labi niya.
Pumasok si Sin sa loob ng kwarto at di niya napigilang mapangiti pagkasara niya ng pinto. He’s adorable. Ngunit naglaho ang ngiti niya ng makita niya ang mga miss calls sa phone niya. Napakunot-noo siya ng makita pangalan sa screen. Jeff…
Sinagot ni Sin ang tawag ng muli itong tumunog. “Hey babe?” napahawak siya sa noo ng marinig ang boses ng lalaki sa kabilang linya.
“Hey,” malamig na sagot ni Sin, sumandal siya sa pinto habang pinapagalitan niya ang sarili kung bakit siya nainvolve sa lalaking ito. Si Jeff ay isang ramp model na nakilala niya sa isang party. Nalasing siya noon kaya hindi niya ito napag-aralang mabuti. It’s just a one-night stand. Hindi siya interesadong ituloy ang nangyari sa kanila. Kaya naman nababahala siya sa ginagawa ni Jeff ngayon. Napabuntong-hininga na lamang siya habang sinusuklay ng daliri ang mahaba niyang buhok. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito dahil ilang beses na niya itong pinagdaanan sa mga lalaking dumaan sa kanya, kaya naman iniiwasan niya ang mga tulad nito at pinipili niya lamang ang mga lalaking hahawakan niya. Ngunit di niya akalaing muli siyang magkakamali kay Jeff. Napailing siya sa sarili.
“I miss you. When can I see you?”
“Fuck off!” gusto niyang sabihin dito pero pinigilan niya ang sarili. “Okay, I’ll just call you when I have time, maybe next week?”
“Great.” anito at hindi naitago ang excitement sa tinig nito.
She rolled her eyes. Kung tatanggihan niya ito, lalo lang itong maghahabol. And she doesn’t plan to play hard to get. Mas lalo lang manggigigil ang lalaki sayo. She know the rules. Isinantabi ni Sin sa isipan niya si Jeff at nagsimula na siyang maghubad para magshower. Subalit lingid sa kaalaman ni Sin na meroon pang mas malaking problema ang naghihintay sa kanya.
Leave a Reply