Nagsalubong ang kilay ni Sin ng makita niya ang tatlong pamilyar na sasakyan sa kanyang garahe. Kilala niya ang mga nagmamay-ari ng mga ito. Ipinarada niya ang kanyang sasakyan sa gilid. At nagtatanong ang mga matang bumaba siya. Sinalubong siya ng isa sa kanyang katulong.
“Kanina pa po naghihintay ang mga Uncle niyo sa inyo.”
“No way.” nagkaroon siya agad ng ideya sa pagbisita ng mga ito sa kanya. Nag-aalangan na pumasok siya sa mansion, hanggang sa makita niya ang mga ito sa living room na abalang nagtitipon-tipon upang tikman ang koleksiyon niyang mga alak sa mini bar.
“Guys, pagkatapos kong paghirapang kolektahin ang mga alak na ‘yan, kayo lang pala ang uubos?” sabay-sabay na napalingon sa kanya ang tatlong matatangkad na lalaki na may kanya-kanyang hawak na kopita. Kahit pa matanda na ang mga ito ay naroon parin ang tikas sa kanilang tindig at ang magaling na pagdadala nila sa kanilang sarili. Hindi mo maitatangging naging heartthrob sila ng kanilang kabataan. Napailing siya, “Am I in trouble?”
Sabay-sabay ding napangiti ang mga ito ng makita siya. Oh no… Napaatras siya ng isang hakbang ng mahulaan niya ang gagawin ng mga ito sa kanya. Wala na siyang nagawa ng yakapin siya ni Uncle Brock at guluhin ang buhok niya ni Uncle Stern, kinurot naman ni Uncle Maurice ang kanyang magkabilang pisngi. Hindi niya masisi ang mga ito dahil puro lalaki ang anak nila. Sila lang ang naisilang ng Ate niya na babae sa pamilya. Kaya maging mga Auntie niya na mga asawa ng mga ito ay pinag-aagawan silang magkapatid. “Please, maawa kayo sakin.” natatawang pinakawalan siya ni Uncle Brock. “Uncle, gusto mo ba akong patayin sa yakap mo?” reklamo niya dito.
“Yan ang parusa mo dahil hindi mo kami naisipang bisitahin kahit minsan lang,” wika ni Uncle Brock at binalikan ang kopita nito na may lamang pang alak.
“Kaya ba sinugod niyo ako dito?” nakangiting sagot niya. Naglabas din siya ng kopita at nagsala ng alak.
“Sindra, meroon tayong kailangang pag-usapan.” Biglang naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Uncle Stern. Napansin niyang ganoon din ang dalawa.
Makalipas ang kalahating oras na pagpapaliwanag ng mga ito at diskusyon sa pagitan nila ay naging malinaw na sa kanya ang lahat. Wala na siyang magagawa kundi sundin nalang ang plano ng mga ito.
“Okay, gagawin ko ang gusto niyo. Pero sigurado akong hindi ito magugustuhan ni Uncle Sutto.” sumusukong wika niya.
“Isang malaking kahibangan ang ginawa niya. Bakit natin ilalagay sa kamay ng batang iyon ang ating kumpanya? Isa pa, nararapat lang na isang tunay na Valcarcel ang magmana nito.” si Uncle Maurice na hindi maitago ang galit sa tinig nito.
Naiintindihan ni Sin ang pinanggagalingan ng mga ito. Ngunit gusto niya muna sanang maghintay na patunayan ni Seth ang sarili nito, dahil isang malaking tanong sa kanya ang tiwalang binigay dito ni Uncle Sutto. Malaki ang respeto niya kay Uncle Sutto, kasama na roon ang mga desisyon nito. Dahil ganoon din ang kanyang Ama dito. Gusto niya mang tanggihan ang plano sa kanya ng tatlong Ginoo ay di niya magawa. Dahil mahalaga ang mga ito sa kanya na itinuring niya ng mga Ama, sasamahan niya ang mga ito. Isa pa, interesado rin siyang makita ang magiging resulta ng gagawin nila.
“Kung narito lang si Bryan ngayon, Hindi na sana mangyayari ‘to.” Nakaramdam si Sin ng kirot ng marinig ang pangalan ni Bryan. Bumabalik ang mga alaala nito sa kanya…
“Anong problema? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo Sindra?” Nasa terrace siya ng makita siya ni Bryan. Hindi niya namalayang nilapitan siya nito. “Come on, tell me.” Sinalubong niya ito ng tingin.
Paano niya ba sasabihin ditong ito ang laging laman ng mga panaginip niya kaya di siya makatulog kagabi. Simula ng madiskubre niya ang tunay niyang nararamdaman para dito ay lagi na siyang okupado. Natatakot siyang mahalata nito iyon.
“Sindra? Okay, kung di ka komportableng pag-usapan hindi na kita pipilitin. Pero bakit pakiramdam ko iniiwasan mo ako? Akala ko ba best friend tayo? Wala tayong tinatagong lihim sa isat-isa?” Inakbayan siya nito, bigla siyang nakaramdam ng kakaiba kaya kinakabahang agad na tinanggal niya ang kamay nito sa likod niya at lumayo dito.
“Sindra?” Nagtatakang tanong nito.
“This is insane,” napahawak siya sa noo. Gusto niyang magalit sa sarili kung bakit ganito ang nararamdaman niya para sa pinsan niya na halos kapatid na niya. He must think I’m crazy, marahil baliw na nga siya. Oo, dahil hindi maiisip ng matinong tao ito. Bumaba ang mga kamay niya sa mukha. Di niya namalayang umiiyak na siya. Nag-aalalang hinawakan ni Bryan ang magkabilang balikat niya.
“Anong nangyayari sayo Sindra? Please, answer me.” Hindi niya ito masagot kaya niyakap siya nito ng mahigpit dahil hindi nito alam ang gagawin. Wala na siyang lakas para itulak ito dahil nanghihina na siya at gusto niyang ibuhos sa pag-iyak ang nararamdaman niya. Lingid sa kanyang kaalaman na mula sa malayo ay naroon si Seth na nagmamasid sa kanila.
“Sindra?” Naputol ang pagbabalik tanaw niya ng tawagin siya ni Uncle Stern.
“Uncle?”
“Kailangan namin ang suporta mo.”
“Naiintindihan ko, hindi ko kayo iiwan sa ere,” nakangiting sagot niya upang pagaanin ang loob ng mga ito.
Matapos nilang mag-dinner ay isa-isa ng nagpaalam ang mga ito sa kanya.
Natigil siya sa pag-akyat sa hagdan ng mabasag ng isang maid ang vase na kinalalagyan ng mga paborito niyang bulaklak.
“Don’t touch it.” Pigil ni Sin dito pero huli na, dahil nahawakan na ng katulong ang nabasag na piraso ng vase at nasugat na ang daliri nito. Muling natigilan si Sin ng maramdaman niyang pamilyar sa kanya ang nangyari.
“Don’t touch it!” Nagulat si Sin sa biglang pagsulpot ni Seth. Pero huli na ang babala nito dahil nahawakan na niya ang bubog at naramdaman na niya ang kirot sa daliri niya. Kasunod noon ang pagdugo nito na ayaw ng tumigil. Nag-aalalang nilapitan siya ni Seth at kinuha ang kamay niya na may sugat. Agad na dinala nito sa bibig nito ang daliri niya at sinipsip ang dugo.
“Ew, are you a vampire?”
Shut up.
Iyon ang mensahe ng mga mata nito. Nakangiting tinitigan niya ito at hinayaan ito sa ginagawa. Nakaramdam siya ng kakaiba ng magtama ng matagal ang mga mata nila, habang ang daliri niya ay nanatili parin sa bibig nito. “So, does it taste good?” Aniya para matanggal ang kanyang pagkailang. Sa wakas ay pinakawalan nito ang daliri niya.
“Why did you touch it?”
“I don’t know, my hand just moves on its own.” Napapailing nalang na hinila siya ni Seth para kumuha ng first aid kit. Nagtatakang tinignan niya ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kamay niya.
Napapikit ng mariin si Sin habang pilit na binubura sa isipan niya ang nakaraan.
“Ask someone to help you with that,” tukoy niya sa sugat ng katulong bago siya pumasok sa loob ng kanyang silid.
Leave a Reply