“Yes?” 

Hindi nakaligtas sa kay Sin ang mabilis na sulyap ng receptionist sa kabuuan niya at ang pagkakataas ng isang kilay nito sa kanya. Ramdam niya rin ang mainit na pagkakatingin nito sa bag niya na mabibilang lang sa daliri ang nagmamay-ari. Marahil iniisip nito kung ano ang ginagawa ng isang Hot Model na tulad niya sa lugar na ito?

“Do you have an appointment Ma’am?” ulit na tanong nito, naroon parin ang nanunuring tingin ng receptionist sa kanya. Well, hindi niya ito masisisi dahil tatlong taon na siyang hindi tumatapak sa kumpanya. Ang secretary niyang si Leo ang naghahandle ng lahat ng mga appointment niya.

Si Leo ang bestfriend niya simula pa ng high school. Scholar ito, at dating student council president. Dito niya pinapagawa ang mga assignment at project niya, mula pa noon ay naging assistant na niya ito. Napansin niya ang talino at karisma ng lalaki noong unang kita niya palang dito sa library, nagkaroon sila ng mainit na argumento dahil hindi niya binalik ng maayos ang mga libro sa mga shelve at ito bilang SSC President ng school ang tanging naglakas loob na sitahin siya. Pag-aari ng pamilya niya ang Valcarcel Academy kaya naman para lamang siyang naglalaro habang nag-aaral. Walang sino man ang magkakamaling bungguin ang Valcarcel na tulad niya, ngunit si Leo, kahit pa isa itong scholar ng paaralan ay hindi nagdalawang isip na itama ang mali niya. Simula noon alam na niya na kailangan niya ang isang tulad nito sa kanyang tabi. Nang magkasakit ang Ina nito sa sakit na cancer, binigay niya ang lahat ng tulong upang mapahaba ang buhay ng Ina nito. Nais niyang magkaroon ito ng utang na loob sa kanya na hindi mababayaran ng panahon. Ang katapatan nito kapalit ng lahat ng binigay niya dito. Pinag-aral niya si Leo sa kolehiyong pinasukan niya na di tumatanggap ng mag-aaral na walang mabigat na background. Dinamitan at itinira niya si Leo sa kanyang Mansion. Tanging ang Ina lamang ni Leo ang natitirang pamilya nito, kaya upang lubos na buong tapat itong maglilingkod sa kanya, itinuring niya itong pamilya. Iyon lang siguro ang tamang ginawa niya para dito.

“There’s a shareholder meeting, and I’m one of the stockholders.” biglang tumuwid ang pagkakatayo ng receptionist sa narinig.

“I’m sorry-“

“Miss Sindra.” putol ng isang sopistikadang babae dito na lumapit sa kanya. Ito ang secretary ni Uncle Stern. “Mag-sisimula na po ang meeting, kailangan na po kayo.”

“Okay.” nakita niyang namutla ang receptionist ng iwan nila ito.

“I didn’t mean to scare her,” komento niya habang papasok sila ng elevator. Sinilip siya ni Tanya sa gilid ng mga mata nito, at pasimple itong napailing.

“You’re wearing a jean and sunglasses, walang mag-iisip na shareholder meeting ang pupuntahan mo.”

“So, I can’t blame her huh?”

“Yes.”

“You know, kung wala kalang crush sa Uncle ko, I might really like you Tanya.” Natigilan ang secretary sa tabi niya. “Walang pinagkaiba ang Uncle Stern ko sa ibang mga lalaki, paano niya tatanggihan ang isang napakagandang dalagang tulad mo kung kusa mong binubuka ang sarili mo sa kanya?” pagdidiin ni Sin na ikinanlamig nito. Nahuli niyang nagtatalik ang mga ito sa mismong bahay ng Uncle Stern niya habang nagbabakasyon si Auntie Sofia sa brazil. Iyon ang nangyayari kapag bigla siyang susulpot ng walang paalam. Di sinasadyang nakita niya ang mga ito sa library ni Uncle Stern. Ngunit pagkatapos noon ay umakto siyang parang walang nangyari dahil alam niyang lilipas din ang pagnanasa dito ng Uncle niya.

“M-Miss Sin-“

“I really scare people whether I like it or not.” bumukas ang pinto ng elevator. “Stay away from him, while I’m asking you nicely.” nakangiting banta niya sa secretary bago siya lumabas ng elevator at iniwan itong may takot sa mga mata. Dumiretso si Sin sa conference room na tanging siya na lamang ang hinihintay. Kahit di niya alamin ang nangyayari ay alam na niyang nasa tensiyon ang lahat. Tumahimik lamang ang mga ito ng pumasok siya. Naroon ang magkakapatid at ang ilan sa mga asawa ng mga ito, maging ang iba pang mga boardmember.

“Sindra.” pag-acknowledge ni Uncle Sutto sa presensiya niya. Bawat salita nito ay may awtoridad. Kaya naman ito ang paborito niya sa lahat ng kapatid ng kanyang Ama. Too bad, she’s on the other side, at siya ang malaking kalaban nito. She never thought that this day would come. Parang kaylan lang ng karga-karga siya ni Uncle Sutto sa mga balikat nito.

“Hi Uncle,” Simpleng bati niya dito na tila hindi apektado sa tensiyon sa paligid niya, hindi rin nakaligtas sa kanya ang presensiya ng nasa tabi ng Uncle Sutto niya. Seth. Nang unang pinakilala ito ni Uncle Sutto bilang anak nito ay tinanggap na niya ito bilang pamilya at kapatid. Kaya hindi niya mapapatawad ang ginawa nito sa kanya. Idagdag pa ang sama ng loob na nararamdaman niya dahil ito ang pinili ni Uncle Sutto at hindi siya. Ngayon, mas lalo niyang nauunawaan ang naramdaman ni Bryan noon para kay Seth.

Umupo siya sa tabi ni Uncle Stern at doon muling nagsimula ang matinding tensiyon. Bago nag-umpisa ang shareholder voting right, kinumpirma ni Uncle Sutto ang isang kasunduan na sinang-ayunan na ng lahat. “What agreement?” bulong niya kay Uncle Stern.

Kunot-noong hinarap siya nito. “Hindi ‘bat nabanggit ko na sa iyo na kung makukuha mo ang mas malaking voting right. Ibibigay nila ang share nila sayo. At ikaw na ang mamahala ng kumpanya.”. Alam niyang siya ang isa sa malaking parte ng kasunduang ito, nais niya lang itong linawin.

“Kung ganoon, ibibigay ko naman ang share ko kung ako ang matatalo.” tumango naman si Uncle Stern ngunit may makikitang pag-aalinlangan sa mga mata nito na di na niya napansin.

“I will not let that happen.” tugon nito.

Nahuli niya ang tingin sa kanya ni Seth. Tahimik ito sa isang tabi habang pinaubaya nito ang lahat ng desisyon sa Ama nito. Naiinip na hinihintay ni Sin na matapos ang pagbibilang. Plano niyang puntahan si Cade pagkatapos nito. Makalipas ang ilang sandali ay natapos ng mabilang ang voting right at iproproklama na ang resulta. Sa totoo lang ay wala siyang pakialam kung manalo man siya o hindi, ang mahalaga ay nagawa niya ang parte niya.

Napatayo sa kinauupuan si Uncle Stern matapos marinig ang resulta. “Are you really going to give it to that child?!”

“He’s my son! At nasa kanya ang lahat ng karapatan upang manahin ang posisyon ko.” Tulad ng inaasahan ni Sin kay Uncle Sutto. Kahit nagsanib pwersa na ang mga kapatid nito laban dito ay di parin ito natitinag. Napakaswerte ni Seth na may taong sumusuporta sa kanya ng ganito.

“Let’s just accept it Uncle.” hinawakan niya ang kamay ni Uncle Stern upang huminahon ito. Nakita niya ang guilt sa mga mata nito. Ang buong share niya ang isinugal nito sa laban kaya hindi niya ito masisisi.

“I’m sorry,” lingid sa kanyang kaalaman na may ibang ibig sabihin ang hinihingi nito ng tawad sa kanya.

“Don’t be,” she reassured him.

“Hindi pa tayo tapos.” si Uncle Sutto, alam niyang ikukumpirma ulit nito ang napagkasunduan. Ngunit hindi inaasahan ni Sin ang sumunod na inanunsiyo nito. “Makakasal si Sindra kay Seth, at nais kong maganap ito bago lumipas ang buwan na ito.”

Saglit na natigilan si Sin at kinumpirma sa isip kung tama ba ang narinig niya. This is absurd. “Uncle! This is the craziest thing I have ever heard!” siya naman ang napatayo.

“Pinili mo ito Sindra. Simula ng tanggapin mo ang kasunduan at pirmahan ang kontrata ay dapat naging handa ka sa ano mang pwedeng mangyari. Ito ang napagkasunduan namin ng mga tiyuhin mo.”

“This is insane. Walang nagsabi sa akin na pakakasalan ko ang anak mo Uncle!”

“You think this is a game Sindra? I watch you grow up and you never did anything seriously. Ito na ang tamang panahon para ayusin mo ang buhay mo.”

“By marrying your son? We’re cousin for God sake!”

“And no one acknowledge that! Lahat ng tao sa kwartong ito ay sumang-ayon sa kasunduang. Binigay nila ang parte nila sayo, kasama doon ang tiwala nila. Panahon na para maging responsable ka sa mga desisyon mo.”

Nanlamig ang buong katawan ni Sin… Pagkalipas ng anim na taon ngayon lang muli siya nakaramdam ng matinding takot. Hangal siya para isiping matatakasan niya si Uncle Sutto pagkatapos ng ginawa niya. Tinignan niya ang mga Uncle at mga Auntie niya na tahimik lang sa tabi ngunit makikitang sumasang-ayon ang mga ito sa plano ni Uncle Sutto. Doon na nanghina ang tuhod niya ng wala siyang makitang kakampi, hanggang sa magtama ang mga mata nila ni Seth. You’re going to regret this. Iyon ang pinapahiwatig ng mga tingin niya dito.