“Nasaan siya?” tanong ni Seth sa isang katulong pagdating niya. Mabilis na tinapos niya ang board meeting para maaga siyang makauwi.
“Umalis po si Ma’am pagkaalis niyo kaninang umaga Sir, halos magkasunod lang po kayo.”
“At hanggang ngayon ay hindi pa siya dumarating?”
“O-Opo.” kinabahan ang katulong ng makita ang galit sa mga mata ng Amo niya.
“Sinabi niya ba sa inyo kung saan siya pupunta?”
“Hindi po pero narinig ko pong kausap niya si Sir Leo sa telepono.”
Agad na nilabas ni Seth ang phone at tinawagan ang Secretary ni Sin, hindi sinasagot ni Sin ang mga tawag niya kaya wala siyang ideya kung nasaan ito.
“Nasaan siya?” agad na tanong ni Seth kay Leo pagkasagot nito sa tawag niya.
“Nagkita kami kaninang umaga para papirmahan sa kanya ang ilang dokumento, pero pagkatapos ng meeting namin hindi ko na alam kung saan siya pumunta.”
“Paanong hindi mo alam kung nasaan siya? Trabaho mong alamin ang mga schedule niya.”
“Ginagawa ko lang po kung anong inuutos niya.”
“Sinasabi mo ba sa akin na wala akong karapatan na malaman kung nasaan siya? She’s my wife! Hindi ito ang unang beses na nangyari ito kaya huwag mo akong bibigyan ng parehong rason.” Biglang natigilan ang sekretary sa kabilang linya. Alam ni Seth na alam nito kung nasaan si Sin. Halos tatlong linggo na silang nagsasama ni Sin, at lagi nalang itong nawawala at uuwi kung kailan nito gusto. Kaya naman maaga siyang umuwi ngayon upang maabutan niya ito. Hindi nito pwedeng gawin sa kanya ang ginagawa nito ng dalaga pa ito. Ang hindi ito mahawakan at ikulong sa mga yakap niya ay kaya niyang tiisin. Ngunit ang mawala ito sa paningin niya ng wala siyang pahintulot ay hindi niya papayagan. Isa ng malaking bagay sa kanya ang maging asawa niya ito, ni maging sa panaginip ay hindi niya akalaing pwede itong mangyari. Nabigla man siya sa naging desisyon ng Ama niya ay may malaking parte niya ang natuwa. Ito na ang pinakamalaking regalo na natanggap niya dito. Alam ba ng Ama niya ang nararamdaman niya para kay Sin? Ilang beses na sumagi ang tanong na iyon sa isip niya. Binigyan siya nito ng malaking dahilan upang gawin ng maayos ang trabaho niya sa Valcarcel Group. Kaya naman ngayong may karapatan na siyang angkinin si Sin na pag-aari niya na kung dati ay napakalabong pangarap lang, hindi niya ito pakakawalan. Kaya niyang maghintay na humilom ang galit nito sa kanya at mawala sa puso nito ang kapatid niya. “Please. Just tell me where she is,” kaya niyang magpakumbaba para dito.
“Sir, I really should not tell you this.” Huminga ng malalim ang secretary ni Sin sa kabilang linya. “S-she’s with a friend,” naramdaman niyang nagdadalawang isip itong sabihin sa kanya kung sino ang kasama ni Sin ngayon. Ngunit binigay nito sa kanya ang address. Mabilis na pinahanda ni Seth ang kanyang sasakyan at pinuntahan ang lugar.
Napapailing si Leo ng binaba nito ang phone matapos ang tawag nito kay Seth. Napako ang tingin niya kay Sin na tahimik na umiinom sa gilid ng bar. “Do you have to make me do this?”
“Do what?”
“This? Why do you have to make him believe that you’re having an affair?”
“Lying for me is always been part of your job, it’s nothing compare to the past things you had done for me.”
“But this time, your married. Hindi mo na pwedeng gawin ang ginagawa mo noon.”
“Why? Are you scared of him?”
“Hindi siya ang pinili ng Uncle mo dahil anak niya ito. Nakita niyang kaya nitong lagpasan ang mga nagawa nitong accomplishment sa kumpanya. He is capable on anything he sets his mind to, nasaksihan ko iyon ng bumagsak ang isa sa malaking project ng kumpanya at halos kalahating bilyon ang maaaring mawala pero nagawan niya iyon ng paraan. Ibinigay ito sa kanya ng Uncle Steve mo dahil alam nitong wala na iyong pag-asa, at para narin magkaroon ito ng pagkakataong sirain si Seth at ibuhos dito ang sisi, ngunit hindi nito akalaing sa ginawa nito ay makikilala ang kakayahan ni Seth sa pamamahala.”
“Wow, I didn’t know you respect someone like this. I’m jealous.”
Napabuntong-hininga si Leo kay Sin at napilitang lagukin ang laman ng alak nito na di nito ginagawa pag nasa trabaho ito.
“Such man should never bow his head to anyone. He’s the chairman, but he begs me just to know where you are? Can you believe that?”
“If you like him that much why you didn’t tell him the truth?”
“You know why,”
Natawa si Sin sa frustrated na sagot ni Leo.
“Well, I probably should go now.” hinawakan niya ang balikat ni Leo. “Relax, I won’t do anything to your Great Chairman.”
Nabulabog si Sin sa biglang pagbukas ng pinto ng kwarto niya. Pumasok si Seth ng walang paalam.
“Where have you been?”
“Do I have to report everything to you?”
“Gawain ba ng matinong babae ang umuwi ng ganitong oras ng gabi?”
“Well I’m sorry, hindi ako matino.”
“Sin? Stop acting like this.”
“Then you must stop acting like a nagging wife. I have my freedom before our marriage. Do you really expect me to change that for you?”
“Yes. Because we’re now married. You can’t just date random guys. You’re not a whore.” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kabilang pisngi ni Seth. Nakita ni Sin kung paano namula ang mukha nito, napaatras siya ng isang hakbang. Ngunit huli na dahil agad na nahawakan nito ang batok niya at siniil siya ng halik bilang parusa. Agad na naalarma ang katawan niya. Inipon ni Sin ang buong lakas niya para itulak ito. Kusa naman itong humiwalay sa kanya ng maramdaman ang pagpupumiglas niya.
“If it’s sex you want, you can do it with anyone. I don’t give a damn! But don’t you dare lay your hands on me!” namumula sa galit na lumabas si Sin ng kwarto.
“Where are you going?” tanong ni Seth ng lumabas siya ng pinto at sinundan siya nito.
“I’m leaving because I’m fucking sick of you!” hindi na siya napigilan ni Seth ng sumakay si Sin ng kanyang sasakyan at mabilis iyong pinaandar. Nakita niya ang emosyon sa mga mata ni Seth ng bitawan niya ang masasakit na salita dito. She was disgusted from the kiss. May kakaiba iyong epekto sa kanya na hindi niya inaasahang mararamdaman niya dito.
Leave a Reply