- I Need A Man Not A Boy
- Content Warning – I Need A Man Not A Boy
- Chapter 1: Lalaking Hindi Ko Dapat Pagnasaan
- Chapter 2: Mainit Na Bisita Sa Gabi Ng Ulan
- Chapter 3: Ang Kasalanang Hindi Ko Matanggihan
- Chapter 4: Sa Kanyang Bisig, Ako’y Nawawala
- Chapter 5: Lihim Na Uhaw
- Chapter 6: Ako O Siya
- Chapter 7: Pusong Nilamon Ng Tukso
- Chapter 8: Sa Akin Ka Pa Rin
- Chapter 9: Gabi ng Pagtakas
- Chapter 10: Lason sa Laman
- Chapter 11: Sa Pagitan ng Lihim at Paghihiganti
- Chapter 12: Sa Likod ng Galit
- Chapter 13: Sa Pagitan ng Ama at Anak
- Chapter 14: Pagbabalik sa Init ng Yakap Mo
Malakas ang buhos ng ulan. Sa labas ng gusali, halos hindi na niya maaninag ang daan dahil sa dilim at patuloy na pagbagsak ng tubig mula sa langit. Nanginginig si Katty habang nakasilong sa may entrance, yakap ang sarili habang inaantay ang sasakyan ni Zavier.
Sabi nito, susunduin siya.
Pero isang mensahe ang nagpabingi sa kanya sa paligid.
“Kat, may biglaang event. Hindi ako makakaalis. Si Dad na lang ang susundo sa’yo. Ingat ka.”
Muntik niyang mabitawan ang phone niya.
“Si Hux?”
Kumirot ang sikmura niya sa hindi maipaliwanag na kaba.
Nang huminto ang isang itim na SUV sa harapan niya, napalunok siya. Dahan-dahang bumukas ang bintana, at isang pamilyar na mababang boses ang umalingawngaw sa pagitan ng patak ng ulan.
“Halika na. Mabasa ka lang lalo diyan.”
Si Hux.
Hindi siya dapat nag-aalangan, pero may kung anong humihila sa kanya para magdalawang-isip. Hindi niya alam kung ito ba ay dahil sa ulan, sa lamig, o sa init na pilit niyang isinasantabi sa loob niya.
Pero wala na siyang pagpipilian.
Dali-dali siyang sumakay sa sasakyan, at pagkapasok niya, saka lang niya napansin kung gaano siya kabasa.
Ang manipis niyang damit ay dumikit sa katawan niya, binabakat ang bawat hubog ng kanyang katawan. Ang manipis na tela ay hindi naging hadlang para lumitaw ang maseselang bahagi niya, lalo na’t malamig ang paligid.
Nanlaki ang mga mata niya nang mapansing nakatingin sa kanya si Hux.
Isang saglit lang.
Isang segundo lang.
Pero sapat na iyon para manginig siya sa hindi maipaliwanag na dahilan.
Nagmamadali niyang tinakpan ang sarili gamit ang bag, kahit alam niyang huli na ang lahat.
Narinig niya ang malalim na paghinga ni Hux bago ito mabilis na nag-ayos ng upo, iniiwas ang tingin sa kanya. “Pasensya ka na. Dapat si Zavier talaga ang susundo sa’yo.”
Umiling siya, pilit na iniwas ang tensyon sa pagitan nila. “Okay lang po.”
“Wala kang jacket?”
Napalunok siya. Bakit ang init ng sasakyan kahit malamig sa labas?
Umiling siya, at sa isang iglap, hinubad ni Hux ang suot nitong coat at iniabot sa kanya. “Isuot mo.”
Muli siyang natigilan, lalo na nang maramdaman ang init ng tela sa balat niya. Amoy niya ang pabango nito—sandalwood at musk, may halong lalaking-lalaki at amoy-katawan.
Nag-init ang pisngi niya. “Salamat po.”
Pero nang maisuot niya ang coat, lalo lang niyang naramdaman ang init nito, at sa kaloob-looban niya, alam niyang hindi ito dahil lang sa ulan.
Pagkarating nila sa condo, inisip niyang mabilis na lang siyang bababa, pero tila hindi siya makatayo agad.
“Hihintayin kitang makapasok.” Malalim ang titig ni Hux, para bang inaalam kung okay siya.
Dapat ay bumaba na siya, pero hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya nang bumaling siya rito, tiningnan ito nang matagal, at saka bumulong ng, “Gusto mo bang pumasok muna?”
Nakita niya ang bahagyang pagngiti ni Hux, pero may pag-aalinlangan sa mukha nito. “Sigurado ka ba?”
Tumango siya, hindi na nag-iisip.
At iyon ang simula ng tuluyang pagkawala ng linya sa pagitan nila.
Sa loob ng condo, tahimik silang dalawa.
Siya ang unang bumasag ng katahimikan. “Gusto mo ng kape?”
Ngunit hindi sumagot si Hux. Nakatingin lang ito sa kanya, sa basang damit niyang ngayon ay bahagyang tuyo na pero nananatiling manipis.
Napalunok siya. “Hux?”
Napapikit ito at bumuntong-hininga, bago dahan-dahang lumapit.
“Kailangan ko ng umalis.” Anito pero hindi ito gumagalaw.
Si Katty naman, parang hinihigop ng presensya nito. Hindi niya alam kung ano ang sumasapi sa kanya, pero bago pa siya makapag-isip, lumapit na siya nang tuluyan, hinawakan ang coat nitong suot niya, at saka mahina ngunit may panunuksong bumulong…
“Bakit hindi mo pa gawin?”
Kumunot ang noo ni Hux. “Ano?”
“‘Yung gusto mong gawin.”
Alam niyang naglalaro siya ng apoy. Alam niyang mali ito.
Pero sa halip na lumayo, bumaba ang mga mata ni Hux sa labi niya.
At iyon lang ang naging hudyat.
Isang iglap lang, at naramdaman niyang nasa dingding na siya, ang mainit na katawan ni Hux nakadikit sa kanya, at ang labi nito ay nasa kanya—mainit, malalim, at puno ng pananabik na tila kay tagal nang pinipigil.
Napaungol siya sa pagitan ng halik, napakapit sa damit nito, habang si Hux naman ay hinawakan ang bewang niya, hinapit siya palapit, hindi binibigyan ng pagkakataong makawala.
Napaangat siya ng ulo nang bumaba ang halik nito sa leeg niya, pababa sa balikat.
Nanginginig siya, pero hindi dahil sa takot.
Hinila niya ang damit nito, at nang mahubad ito, napakagat siya sa labi.
Gaano ba ka-perpekto ang lalaking ito?
“Hux…”
Huminto ito, tinitigan siya nang malalim, na para bang kahit ito mismo ay hindi makapaniwala sa nangyayari.
“Kailangan nating huminto.” Mahina ang tinig nito, pero hindi ito umaatras.
Sa halip na tumigil, hinawakan ni Katty ang mukha nito, inilapit muli sa kanya.
“Ayokong huminto,” bulong niya.
At iyon lang ang kailangang marinig ni Hux.
Muling nagtagpo ang labi nila, mas mapusok, mas mapangahas . Bumaba ang kamay nito sa hita niya, iniangat siya mula sa sahig, at isinandal sa dingding, ang katawan niya’y nakapulupot dito, ang init nilang dalawa’y nag-aapoy.
Nakalimutan nila ang dapat nilang papel.
Wala nang Zavier.
Wala nang tama o mali.
Ang natira na lang ay ang init ng tukso—at ang kapwa nilang desisyong bumigay sa isa’t-isa.
Ang apoy na gumagapang sa kanilang balat ay hindi lang pagnanasa, kundi isang bagay na mas malalim, mas mapanganib.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.