- I Need A Man Not A Boy
- Chapter 1: Lalaking Hindi Ko Dapat Pagnasaan
- Chapter 2: Mainit Na Bisita Sa Gabi Ng Ulan
- Chapter 3: Ang Kasalanang Hindi Ko Matanggihan
- Chapter 4: Sa Kanyang Bisig, Ako’y Nawawala
- Chapter 5: Lihim Na Uhaw
- Chapter 6: Ako O Siya
- Chapter 7: Pusong Nilamon Ng Tukso
- Chapter 8: Sa Akin Ka Pa Rin
- Chapter 9: Gabi ng Pagtakas
- Chapter 10: Lason sa Laman
- Chapter 11: Sa Pagitan ng Lihim at Paghihiganti
- Chapter 12: Sa Likod ng Galit
- Chapter 13: Sa Pagitan ng Ama at Anak
- Chapter 14: Pagbabalik sa Init ng Yakap Mo
Sa pagitan ng pagtanggi at pagsuko.
Lahat ng dapat at hindi dapat ay naglaho.
Si Hux, isang lalaking matagal nang nakapako sa responsibilidad, sa tamang landas, sa pagiging ama—ngayon ay isang lalaking bumibigay sa tukso.
At si Katty, ang babaeng minahal ng anak niya.
Ang babaeng hindi niya dapat hinahawakan, hindi niya dapat tinutukso, hindi niya dapat inaangkin.
Pero sa gabing ito, sa pagitan ng dilim at liwanag ng lungsod, siya mismo ang humakbang papunta sa kasalanan.
Nanghihina si Katty sa kamay niya, ang mga pinong daliri nito’y nakabaon sa kanyang likod, parang tinutulak siya palapit habang siya naman ay pilit lumalaban sa sariling damdamin.
Sa bawat paghalik niya sa balat nito, sa bawat haplos ng kanyang mga kamay, isang katotohanan ang lalong bumibigat sa kanya—hindi ito isang pagkakamaling dulot ng panandaliang tukso.
Hindi lang ito simpleng pagnanasa.
Isang pangamba ang bumabalot.
Dahil alam niya.
Simula pa lang nang unang dinala ni Zavier ang dalaga sa bahay nila, nakita na niya ang init ng mga tingin nito sa kanya.
Ang pinakamasakit? Kahit si Zavier, minana ang tipo niya sa isang babae.
Si Katty ay hindi lang basta maganda, may apoy sa loob nito, isang alab na hindi natatakot lumaban para sa gusto nito.
Ganoon din ang ina ni Zavier noong una niya itong minahal. Isang babaeng matapang, malakas, at hindi naduduwag.
At ngayon, heto si Katty, isang anino ng nakaraan, mas masidhi, mas mapangahas.
Tulad ng ina ni Zavier, tulad ng babaeng minahal niya noon… si Katty ay babae ring tumutukso sa kanyang paninindigan.
At sa gabing ito, hindi siya ang ama ni Zavier.
Hindi siya ang lalaking responsable at matuwid.
Siya lang si Hux, isang lalaking may nais, at isang lalaking nahuhulog sa tukso.
Nang igiya niya si Katty pababa sa couch, ang init ng katawan nilang dalawa ay tila apoy na hindi na mapapatay.
Hinila niya ang dalaga, isinandal sa kanya ang katawan, at sa halip na lumaban, nagpatangay ito sa kanya.
Narinig niya ang mahina nitong pag-ungol nang pagapangin niya ang kanyang labi pababa sa leeg nito, habang ang kamay niya ay gumuhit sa hubog ng katawan nito.
“Hux…” Mahina at may halong kaba ang tinig ni Katty, pero hindi ito lumayo. Sa halip, mas mahigpit pa ang paghawak nito sa batok niya.
Marahang inipit ng mga labi niya ang korona nito. Pinaikot-ikot ng dulo ng kanyang dila hanggang sa umani ito ng hindi maipaliwanag na daing mula sa dalaga.
Napamura si Hux sa isip. Alam niyang mali ito, pero paano siya lalayo kung si Katty mismo ang umaakit sa kanya?
“Dapat nating ihinto ‘to,” mahina niyang sabi sa pagitan ng pagtikim niya sa dibdib ng dalaga, pero kahit siya ay hindi kumbinsido sa sarili niyang salita habang pinipisil ng daliri niya ang kabila nitong korona, at muling ilubog ang isa sa kanyang bibig, umani ito ng malalim na ungol mula sa dalaga.
Ang isang kamay ni Hux ay abala sa paghubad ng huli nilang saplot.
“Ayoko,” bulong ni Katty. “Ayokong huminto.” Ulit nito habang humigpit ang kapit sa braso ni Hux.
Hinaplos ni Hux ang pisngi nito, tinignan ang mga matang punong-puno ng pagnanasa at kaba.
Alam niyang nasa isip rin nito si Zavier.
Alam nilang pareho kung gaano kasakit ang maaaring idulot ng ginagawa nila.
Pero sa gabing ito, wala silang ibang mundo kundi ang isa’t isa.
Hinila niya si Katty, at muling nagtagpo ang kanilang labi, mas mapusok, mas matindi.
Siya ang gumabay sa katawan nito, hinaplos ang bawat pulgada ng makinis nitong balat, isinulat sa bawat halik ang lihim na hindi na mabubura.
Napasinghap si Katty nang maramdaman ang mainit na kamay ni Hux sa kanyang pusod, unti-unting gumagapang pababa sa kanyang kaselanan.
Gumuhit ang daliri nito na tila nangtutudyo.
“Shit, Hux…”
Kumawala ang impit ng ungol mula sa kanya ng maramdaman ang pagbaon ng daliri nito sa kanya. Mistulang sinusukat ang lalim ng kanyang lagusan.
Malalim na pagsinghap at mariing pagbaon ng mga daliri nito ang nagpaliyad sa kanyang katawan at pagdiin ng mga daliri ng paa niya sa carpet.
Ang gaspang sa palad nito, ang haba ng mga daliri nitong naglalaro sa kanya ay tila nakamamatay na parusa. Parusang nagdudulot ng libo-libong kuryente sa kanyang katawan.
“Oh shit…” ungol ni Katty ng maging mas mapangahas ang lalim ng paglusob ng daliri nito sa masikip niyang lagusan.
Hinawakan siya ni Hux sa bewang, hinapit siya palapit sa katawan nito hanggang sa halos wala nang espasyo sa pagitan nila.
“Katty, alam mong mali ‘to,” bulong ni Hux, pero sa paraan ng pagdampi ng kanyang labi sa leeg ng dalaga, iba ang mensahe ng init ng halik nito.
“Mali… pero gusto mo rin, ‘di ba?” Puno ng hamon ang tinig ni Katty, ang mga mata niya ay nanunukso habang hinahaplos ang dibdib ng lalaki. “Gusto mo ‘ko, Hux.”
Napapikit si Hux, isang saglit na pakikibaka sa sariling moralidad—pero nang maramdaman niyang muli ang lambot ng labi ni Katty laban sa kanya, bumigay na siya nang tuluyan.
Muling umarko ang katawan ni Katty ng maramdaman ang malalim ng pagkalkal ng mahahaba nitong daliri sa kanyang kaibuturan.
Ang bawat paghagod nito ngayon ay hindi na nagdadalawang-isip.
Ang bawat galaw ay puno ng pananabik, kumakawala ang pagnanasang hindi na mapipigilan.
Muling napaungol si Katty sa pagitan ng kanilang mga halik. “Hux…”
Sinakop ni Hux ang leeg nito ng mas malalim pang halik, hinayaan ang kanyang mga kamay na gumuhit ng apoy sa katawan ng dalaga.
Mula sa leeg, bumaba siya sa balikat nito, at nang maramdaman niyang nanginginig si Katty sa mapangahas niyang kamay, napangiti siya sa sarili.
“You like that?” bulong niya, malalim ang boses, halos isang ungol.
“Yes,” napahugot ng malalim na hangin si katty, sinisikap na habulin ang kanyang hininga, ang mga daliri niya ay bumaon sa buhok ni Hux. “More.”
Lalong naging mapusok ang galaw ng mga daliri niya sa kaselanan ng dalaga.
“Katty…” tawag nito sa pangalan niya na may kaakibat na malalim na pagnanasa ang kanyang tinig. “Sabihin mong tumigil ako.”
Pero hindi niya ginawa. Sa halip, napasinghap siya, idinikit ang katawan dito at bumulong, “Huwag kang titigil.”
At iyon lang ang kailangang marinig ni Hux.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.