Q: Kelan kayo nag-uupdate ng ANBNI?
A: Wala akong fix na date kaya ayaw kong mangako pero isa lang ang sigurado ako, tatapusin ko ang novel ‘to.
Q: Bakit hindi kayo nag-uupload ng mature story niyo sa Wattpad?
A: Nadala na ako, ayokong mareport ulit at madelete yung account ko. Kung may sarili akong website magagawa ko ang lahat ng gusto ko.
Q: Ba't bigla kayong nawawala? ilang beses na kayong gumawa ng website pero nawawala rin baka ganon din yung mangyari sa website na 'to.
A: Ouch! Totoong nawala yung mga website na ginawa ko pero nakuha sa akin yung mainhost kaya wala akong nagawa kundi isurender. Pero akin na ang hosting na ito at binili ko na yung pangarap kong domain name na gift ko sa sarili ko kaya imposibleng maglaho ulit ang website na ito. PROMISE.
Q: Anong nangyari sa mga iba niyong story?
A: NAWALA. Kung nalulungkot kayo mas nagluluksa ako. Sobra ang tiwala ko sa wattpad kayo dun na mismo ako nagsusulat kaya nung madelete ang account ko. Nabura narin ang original copy ko. Shaket. Pero okay lang, kung hindi dahil sa wattpad hindi ako makakaconnect sa mga readers ko kaya thankful parin ako.
Q: Anong nagbibigay ng motivation sayong magsulat?
A: Yung pakiramdam na hindi lang ikaw ang nakakakilala sa mga character na sinusulat mo. Kapag sinasabi ng mga readers na namiss na nila si Yura pakiramdam ko nabubuhay yung mga character, mas lalo akong napapamahal sa kanila kaya hindi ko magawang iwanan yung story nila kahit matagal ko ng nabakante. Kaya sa mga mahal kong readers, importante sakin na maramdaman ko ang presense niyo. Kayo ang tumutulak sa aking magsulat. Hindi ko lang story ‘to kundi story natin ‘to.