- I Need A Man Not A Boy
- Chapter 1: Lalaking Hindi Ko Dapat Pagnasaan
- Chapter 2: Mainit Na Bisita Sa Gabi Ng Ulan
- Chapter 3: Ang Kasalanang Hindi Ko Matanggihan
- Chapter 4: Sa Kanyang Bisig, Ako’y Nawawala
- Chapter 5: Lihim Na Uhaw
- Chapter 6: Ako O Siya
- Chapter 7: Pusong Nilamon Ng Tukso
- Chapter 8: Sa Akin Ka Pa Rin
- Chapter 9: Gabi ng Pagtakas
- Chapter 10: Lason sa Laman
- Chapter 11: Sa Pagitan ng Lihim at Paghihiganti
Napayuko si Hux habang nagmamaneho pauwi. Hindi dahil sa pagsisisi, kundi dahil sa bigat ng pakiramdam na hindi niya mawari kung saan nanggagaling. Ang katawan niya’y busog sa init ng gabing nagdaan, pero ang isipan niya ay magulo. Mula sa likod ng kanyang mga mata, naroon ang anino ni Jade—ang mainit niyang mga labi, ang gaspang ng kanyang mga palad sa balat ng babae. Ngunit sa kanyang tainga, hindi si Jade ang naroon.
“I want you tonight.”
Ang boses ni Katty ay malamig, diretso, walang espasyo para sa pagtanggi. At pagkatapos no’n, basta na lang siyang pinatayan ng tawag.
Napasapo siya sa kanyang sentido. Anong ginagawa niya? Dapat ay hindi ganito ang epekto nito sa kanya. Ngunit heto siya’t minamaneho ang sasakyan papunta dito, tulad ng isang lalaking hinila ng sariling kadena.
Pagdating niya sa condo ni Katty, hindi pa siya nakakasagot sa katok niya nang bumukas na ang pinto. Nakaharap agad siya sa titig nitong matalim, puno ng isang tahimik na bagyong hindi na kailangan ng salita para maramdaman.
“Pumasok ka,” malamig na utos nito.
Nilagpasan siya ni Katty at diretsong pumasok sa loob. Bahagyang tumalikod ito, parang inaamoy ang hangin.
“Amoy babae ka.”
Tila isang bombang sumabog ang mga salitang iyon. Sumunod ang katahimikan. Nagtagpo ang kanilang mga mata—si Hux, kalmado, si Katty, matigas ang mukha pero may namumuong apoy sa ilalim ng kanyang balat.
“Iyan lang ba ang sasabihin mo?” aniya, isinasara ang pinto sa likuran niya.
“Are you playing with me?” bulong ni Katty, nanginginig ang mga kamao. “Huwag kang magpaka-inosente, Hux. Alam mo kung ano ang pinag-usapan natin.”
“Wala sa usapan natin na titigil ako,” aniya, mababa ang boses, halos isang bulong. Lumapit siya, hinahamon ito sa tingin. “Sinabi ko sa’yo—hindi tayo nakatali sa isa’t-isa, pareho natin itong ginusto.”
Napangisi si Katty, pero walang saya roon. “Gano’n ba?”
Isang segundo lang ang lumipas bago niya binitawan ang sunod niyang mga salita—matalim, pinuputol ang pasensya ni Hux tulad ng isang patalim na tumatarak sa laman.
“Kung gano’n, okay lang na may magpagalaw din ako kay Xavier?”
Nagbago ang ekspresyon ni Hux. Mula sa pagiging kalmado, parang isang patalim ang dumaan sa kanyang mga mata. Hindi siya sumagot.
Hindi na nagulat si Katty nang marahas siyang hilahin ni Hux, ang kanyang katawan bumagsak sa ibabaw ng mesa sa gitna ng sala.
Napaigtad siya, hindi sa sakit kundi sa kilabot ng tensyon sa pagitan nila. Hindi niya maipaliwanag, pero parang isang matinding pagsabog ang sumabog sa loob niya.
“Hux—”
Hindi niya natapos ang sasabihin. Ang kanyang mga braso ay naipit sa pagitan ng kanyang katawan at ng ibabaw ng mesa. Ang init ng katawan ni Hux ay dumagan sa kanya, walang pag-aalinlangan, walang sinasayang na sandali.
Napakapit si Katty sa gilid ng mesa, nanginginig ang mga daliri sa pagitan ng kanyang mahigpit na pagkapit. Ang poot, ang selos, ang pagkasuklam na umapaw sa kanyang dibdib—lahat ng iyon ay unti-unting natutunaw sa init na ibinibigay nito.
Nagsimula sa isang halik—hindi malambing, hindi mapanuyo, kundi malupit, mapag-angkin. Parang hayok si Hux, parang may nais patunayan sa bawat pagsakop ng kanyang labi, sa bawat pagkagat at paghigop na tila nais ipaalala kay Katty kung kanino siya dapat nabibilang. Ang palad nito ay mahigpit na nakakapit sa kanyang balakang, dinidiin siya sa ibabaw ng mesa, waring tinatatak sa katawan ng dalaga ang kanyang presensya.
Nagpatuloy sila, sa pagitan ng mga ungol, ng bawat tunog ng nagtatagpong balat, ng bawat mabigat na hiningang parang apoy na hindi kayang patayin ng alinmang tubig. Sa bawat pag-indayog, sa bawat pagbaon ng kanilang galit at pagnanasa, napupuno ng halinghing at mararahas na buntong-hininga ang silid. Ang mesa sa ilalim ni Katty ay bahagyang gumagalaw, sumasabay sa ritmo ng kanilang katawan, sa matinding banggaan ng kanilang emosyon.
Minsan, sa pagitan ng matitinding sandali, dumidilim ang paningin ni Katty, na parang lumulutang siya sa hangganan ng tamang pag-iisip at walang kontrol na pagnanasa. Napapairi siya sa hapdi, napapapikit sa kiliti, napapabuka ang kanyang mga labi para huminga, ngunit bawat hininga ay may kasamang ungol na lalo pang nagpagalit kay Hux.
Nakabuka nang maluwang ang kanyang mga hita, bahagyang nanginginig, tinatanggap ang init at bigat ng katawan ni Hux. Ang haba at tigas nitong tumatagos sa kanyang laman. Parang isang alon ng init ang bumalot sa kanya sa bawat pagdikit ng kanilang balat, bawat paglalim ng koneksyon nilang parehong hindi maipaliwanag. Ang kanyang dibdib ay mabilis na bumabagsak-taas, ninanakawan siya ng hininga ng hindi matatawarang bugso ng emosyon—galit, selos, pagnanasa—lahat ng ito’y bumalot sa kanya, dinudurog ang natitira niyang katinuan.
Mariing gumagasgas ang kanyang likod sa ibabaw ng matigas na mesa sa bawat galaw ni Hux. Ang gaspang ng kahoy ay bahagyang kumikiskis sa kanyang balat, ngunit hindi iyon sapat para mahila siya pabalik sa realidad. Naiiwang hungkag ang kanyang kweba sa bawat paglabas nito, at bago pa ito tuluyang magsara, muli itong bumabalik upang punuin siya—isang paulit-ulit na siklo na parang nililito ang kanyang diwa.
Hindi niya mapigilan ang sunod-sunod na mga ungol na bumibigkas ng isang katotohanang hindi niya kayang itanggi—na sa kabila ng lahat, siya’y alipin ng sariling laman. At sa bawat tunog na lumalabas sa kanyang bibig, lalong tumitindi ang paraan ng pag-angkin ni Hux, na para bang nais nitong burahin ang kahit anong bakas ng ibang lalaki sa kanyang isipan.
Walang laban ang kanyang katawan—malambot, mahina, isang talulot na inaanod sa alon ng mas malakas na pwersa. Ang init ng katawan ni Hux ay parang apoy na bumabalot sa kanya, nagpapanginig sa kanyang laman, nagpapawala ng kanyang kontrol. Pakiramdam niya’y unti-unti siyang binabaha ng emosyon, nilulunod sa isang bagay na hindi niya matakasan. At sa kanyang isipan, isang bagay lang ang sigurado—hindi niya kayang mawala ito.
Mas naging mabagsik ang mga galaw ni Hux, parang nais niyang ibaon sa laman ng dalaga ang galit na hindi niya maipahayag. Hindi sapat ang halik, ang haplos, ang bawat pag-angkin. Gusto niyang burahin sa isip ni Katty ang pangalan ni Xavier, gusto niyang iparamdam dito na kahit kailan, kahit anong mangyari, walang ibang lalaking makakahawak dito nang ganito.
Hanggang sa pareho silang bumigay. Hanggang sa ang apoy na matagal nang naipon ay tuluyang sumabog, nilamon sila pareho ng init, ng galit, ng pagkagumon sa isa’t isa. Nanginginig ang katawan ni Katty nang yakapin siya ni Hux mula sa likod, ang noo nito nakapatong sa kanyang balikat, ang kanilang hininga magkahalo, mabigat, pagod ngunit puno ng kabaliwan.
At sa labas ng kanilang mundo, sa gilid ng dilim, may isang pares ng mata ang tahimik na nakamasid.
Si Xavier.
Sa kanyang mga mata, walang galit. Tanging sakit at pagkawasak lamang.
Nasaksihan niya ang sariling ama na humihigop ng bawat halinghing ng kanyang kasintahan. Pinanood niya ang katawan nilang nagsasanib na parang larawang inukit upang sirain siya.
Ang bawat malaswang ingay na dulot ng kanilang pagsasama ay parang latigong humahampas sa kanyang pandinig. Ramdam niya ang kirot, ang hapdi ng pagtatraydor, pero higit sa lahat, ang marahang pagkalason ng kanyang puso.
Hindi namalayan ng dalawa ang pagpasok at paglabas niya sa loob ng condo. Sa loob ng isang taon, hawak niya ang susi ng unit ni katty—isang bagay na minsan ay inakala niyang tanda ng tiwala at koneksyon nila. Ngunit ngayon niya lang ito nagamit, at hindi niya akalaing ganito ang sasalubong sa kanya.
Isinilang ang isang bagay na mas malalim pa sa galit.
Isang maitim na binhi ng paghihiganti ang nagsimulang umusbong.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.