This entry is part 14 of 16 in the series I Need A Man Not A Boy

Mag-iisang buwan na.

Isang buwan na ang dumaan na hindi nagpapakita si Hux, isang buwang hindi nagparamdam kay Zavier at Katty. Para bang nalunod ito sa katahimikan, nilamon ng mundo, at nilimot ang lahat.

Kahit punong-puno ng galit si Zavier, hindi niya magawang balewalain ang pagkawala nito. Iba ang ama niya. Mula’t simula, ito ang kasama niya sa bawat yugto ng buhay niya, mula pagkabata, sa lahat ng tagumpay at kabiguan. Hindi ito katulad ng inang iniwan siya. Hindi niya masikmurang mawala rin ito.

Pero ngayon, tila wala na talaga ang kanyang ama. Hindi niya nagawang magalit dito o ilabas ang hinanakit niya dahil mas pinili nitong maglaho. 

Hindi matanggap ni Zavier na wala siyang nararamdamang tuwa matapos niyang makapaghiganti sa mga ito. 

Sa kabilang bahagi ng lungsod, sa isang private condominium sa Wide Jade, naroon si Hux—tahimik, at tila naghahanap ng kasagutan sa katahimikan ng paligid. Tanging ang kanyang hininga at hininga ng nasa tabi niya ang kanyang naririnig.

Kasama niya si Jade, ang babae na naging karamay niya matapos siyang iwan ng kanyang ina ni Zavier pagkatapos nitong manganak. Mula noon, naging madalas na ang ugnayan nila—nagtagpo, naghiwalay, at ngayon, magkasama muli… bilang isang kasunduang sila lamang ang nakakaunawa.

Nakadapa si Jade sa kanyang dibdib, hinihingal, basang-basa ng pawis. Katatapos lamang nilang magtalik. Sa pagitan ng kanilang mga hininga, naroon ang katahimikan—na pamilyar sa kanilang dalawa.

Bumangon si Jade, tinapik ang matigas na dibdib ni Hux.

“Wala ka ba talagang balak bumalik?” tanong niya, malambing pero may halong pangungulit.

“Why?” malamig ang sagot ni Hux, hindi man lang tumingin sa kanya. “Are you tired of me?”

Umikot ang mga mata ni Jade sabay buntong-hininga. Pinakiramdaman niya ang kirot sa kanyang balakang, at isang pilyang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.

“Tired?” bulong niya habang marahang hinihimas ang tiyan at puson. “How could I ever get tired of you when you’re the only one who can satisfy me?”

Ngumisi siya, at walang abiso’y muling humiga sa tabi nito. Ramdam niya ang bigat ng presensya ni Hux, ang katahimikang mas malakas pa sa alingawngaw. Dinama niya ang kumakalma nitong laman, nagsimulang magtrabaho ang kanyang kamay. Nang maramdaman niyang muli ang paninigas ng pagkalalaki nito, ay hindi na siya nag-atubiling sakyan itong muli.

“If you ask me to marry you, I would gladly agree…” aniya, sabay baon sa naninigas na laman ng lalaki.

Napaungol si Hux, pero hindi nagsalita. Tila hinayaan lang ang babae sa kanyang ginagawa. 

“Ahhh… I’ll never get enough of you. Napalunok na ungol ni Jade.

Malalim ang titig ni Hux sa kanya—misteryoso, territorial, parang may sinasakal at kinakalaban sa loob.

Ngunit iyon mismo ang lalong nagpapabaliw kay Jade.

Naaalala niya ang dati. Sa kolehiyo, halos sambahin siya ni Hux. Pero nang dumating ang labis na pag-angkin nito, nasakal siya. 

Iniwan niya ito, iniwan niya ang pagmamahal nito, at pinili ang career.

Hindi niya alam na huli na ang lahat. Iba na ang laman ng puso ni Hux nang balikan niya ito. May nabuntis itong iba at tinanggihan nitong makipagbalikan sa kanya, mas pinili nitong maging ama dahilan kung bakit naghanap siya ng ibang lalaki na maaaring higitan si Hux… pero wala siyang nahanap.

Ngayon, kahit wala siyang karapatang na angkinin ito ng buo, narito siya’t nakasakay sa lalaking mahal pa rin niya. Lalo niyang binilisan ang paggalaw sa ibabaw nito, dama ang init ng kanyang laman habang ang mga mata ni Hux ay nanatiling malamig.

Siya lang ang lalaking nagpaparamdam sa kanya na babae siya. Sa mundo kung saan siya ang laging dominante, si Hux lang ang lalaking nagpapalambot ng kanyang puso.

At kung ang kapalit ng lahat ay ang panandaliang init na walang pangako mula dito… tatanggapin niya.

Samantala, sa kabilang dako ng lungsod, nakaupo si Katty sa bench ng campus, hawak ang resulta ng kanyang exam. 

Bagsak.

Pero may kakaiba. Hindi siya kinakabahan. Hindi siya nag-aalala sa pagbaba ng score niya.

Dahil ang isip niya ay wala roon—nasa gabi ng pagtataksil, sa malamig na tingin ni Hux, sa sandaling huling nakita niya ito bago ito tuluyang nawala.

Bumigat ang dibdib niya.

Sa gilid ng kanyang paningin, nakita niya si Zavier—ang lalaking minsan niyang minahal, minsang pinaniwalaang makakasama niya ng matagal.

Mabilis siyang lumapit dito bago pa ito makapasok sa sasakyan.

“Alam mo ang tungkol sa amin kaya mo ‘yun ginawa?” diretsong tanong niya, hindi na kayang itago ang sakit.

Tumigil si Zavier, humarap sa kanya, at tinitigan siya ng parang hindi na siya kilala.

“You both betrayed me.”

Puno ng galit ang mga mata nito—pero sa ilalim ng galit na iyon, may nakatagong sakit, at pagkabasag.

“This is all your fault,” singhal nito, nanlilisik ang mga mata. “Inaakit mo siya. Nilandi mo ang Dad ko—kaya nasira ang relasyon naming mag-ama!”

Bawat salita’y parang sampal na tumatama sa pisngi ni Katty. Hindi man malakas ang tinig ni Zavier, ramdam ang poot, ang hinanakit, ang basag na tiwalang hindi na muling mabubuo.

Napayuko si Katty. Hindi siya makatingin. Hindi siya makapagsalita. Masakit—sobrang sakit—pero mas masakit tanggapin na may bahid ng katotohanan ang lahat ng paratang nito.

At sa gitna ng katahimikan, sa gitna ng init ng mga salita at lamig ng pagitan nila, ay binitiwan niya ang salitang hindi niya kailanman inakalang sasambitin.

“I-I’m pregnant.”

Mabilis ang pag-ikot ng mundo. Pero para kay Zavier, tumigil ang lahat. Parang may humigop sa lahat ng hangin sa paligid. Hindi siya gumalaw. Hindi siya umimik. Napako siya sa kinatatayuan, mga mata’y nakatitig sa kanya ngunit waring hindi siya nakikita.

Nanuyo ang lalamunan ni Zavier . Naghigpit ang panga. Nanlambot ang mga kamay.

Parang binasag ng isang simpleng pangungusap ang buong pagkatao niya.

Sa dami ng tanong na gustong sumabog mula sa kanyang bibig—kanino? kailan?—wala ni isa ang lumabas. Ang tanging naroon ay ang bigat ng katotohanang bumagsak sa balikat niya.

Ilang segundo lang, pumasok si Zavier sa kotse at pinaandar iyon. Tila may pilit na tinatakasan.

Naiwan si Katty sa gilid ng kalsada, nanginginig, pinipigilan ang malalalim na mga hikbi na pilit kumakawala sa kanyang dibdib. Namumugto ang mga mata niya habang ang luha ay walang patid na dumadaloy sa kanyang pisngi. Nagsimulang kumalat ang takot sa kanyang katawan—hindi lamang dahil sa mga salitang binitiwan ni Zavier, kundi sa kawalang-katiyakan sa mga susunod na araw.

Ang lamig ng hangin ay tila tumatagos sa kanyang buto, pero mas malamig ang katahimikang iniwan nito. Hindi niya alam kung saan kakapit. Parang nawala sa kanya ang lahat—ang tiwala, ang pagmamahal, ang lahat ng inakala niyang gusto niyang makuha noon.

Pumikit siya nang mariin, pilit pinipigilan ang sigaw na gusto nang kumawala. Ngunit sa loob niya, isang piraso ng puso niya ang tuluyang nadurog. Wala siyang ibang maramdaman kundi ang matinding kirot na lumulukob sa kanyang dibdib, habang ang pagkabigla sa kanyang ipinagtapat ay unti-unting lumulubog sa reyalidad.

Nag-iisa siya ngayon. At sa kabila ng lahat, naglalakad siya sa landas ng hindi niya alam kung saan patungo.

Sa salamin ng kotse, nakita ni Zavier ang eksenang iyon—ang babaeng minsan niyang minahal ay durog na durog, nakayuko sa gilid ng kalsada, habang pinipigilan ang sarili sa pagbugso ng iyak. At sa kabila ng galit na matagal niyang inipon, may kung anong kumurot sa kanyang puso.

Napatingin siya sa rearview mirror, at kasabay ng pag-ikot ng manibela, bumalik din ang alaala ng kanyang ina—ang babaeng unang nag-abandona sa kanya. Si Katty… kahawig nito. Mula sa mga mata hanggang sa ngiti.

Ngayon, nauunawaan na niya.

Batid niyang iyon ang dahilan kung bakit nahulog ang ama niya kay Katty. Ang pagkakapareho. Ang alaala. Ang pagkukulang.

At masakit mang aminin, alam niyang hindi lang ang ama niya ang naakit sa aninong iyon. Siya rin.

“Fuck,” bulong niya, habol ang hininga, habang pinipigilan ang matinding galit.

Pinaikot niya ang kotse at binalikan ang babaeng iniwan niya lang ilang minuto ang nakalilipas.

Paglapit niya kay Katty, binuksan niya ang bintana. Tahimik pa rin ito, nanginginig, at tila wala sa sarili.

“Get in,” mahinang utos niya, halos hindi marinig, pero sapat na para makuha ang atensyon ni Katty.

Napatingin ito sa kanya, litaw sa mga mata ang pagkalito, ang takot, at ang kaunting pag-asa na pilit nitong pinipigil.

At sa saglit na iyon, pareho nilang alam—hindi pa tapos ang lahat. 

Tahimik ang loob ng sasakyan habang nakaparada ito sa gilid ng kalsada. Tanging ang mahinang hum ng makina at mabigat na paghinga ng dalawa ang bumabalot sa espasyo. Si Katty ay nasa passenger seat, nakatingin sa labas ng bintana habang pinipigilang muling umiyak.

Zavier kept his eyes on the road ahead, his grip tightening on the steering wheel. 

Halatang pinipigilan niyang mapuno ng emosyon ang kanyang tinig nang sa wakas ay buksan niya ang bibig.

“Sino ang ama?” mahina ngunit matigas niyang tanong.

Walang sagot si Katty agad. Saglit niyang ipinikit ang mga mata, huminga nang malalim, at saka nagsalita, halos pabulong, “I’m six weeks pregnant.”

Bahagyang lumuwag ang hawak ni Zavier sa manibela. Parang may tumulak sa dibdib niyang pinipigil huminga. Anim na linggo. Walang duda—ang Dad niya ang ama ng dinadala nito.

Tumango siya, pinilit ang sarili na manatiling kalmado.

“Let’s find him,” mahina pero determinado niyang sabi.

Napalingon si Katty. Kita sa mga mata niya ang kaba, takot, at pagdadalawang-isip. “Hindi niya ito matatanggap…” bulong niya, halos hindi marinig, ngunit sapat para mag-iwan ng bigat sa hangin.

“Kilala ko ang ama ko,” sagot ni Zavier, malamig pero matatag ang boses. “He may be distant, cold, and difficult… but he never abandoned me. He won’t abandon this child.”

Napatingin siya sa mga kamay ni Katty—nanginginig. Kaya agad siyang lumingon dito, unti-unting lumambot ang tinig. “Even if he won’t… I would help you. I’m not going to let you do this alone.”

Umiling si Katty. Ang sagot niya ay buo, kahit may takot sa likod ng mga mata niya.

“No,” mariin niyang sabi. “I won’t raise this child if he won’t accept it.”

Sa simpleng linyang iyon, naroon ang bigat ng kanyang determinasyon. Hindi ito hiling. Isa itong paninindigan. Hindi niya kayang palakihin ang batang bunga ng isang relasyong puno ng sakit, kung ang ama nito ay hindi kayang panagutan at tanggapin ito. Para kay Katty, ang pagyakap sa batang nasa sinapupunan niya ay pagsalba rin sa sarili—sa dignidad, sa pagkalugmok, at sa mga desisyong kailangang tumama kahit masakit.

Tahimik si Zavier. Wala siyang maisagot. Pero alam niyang mula sa sandaling ito, hindi lamang siya ang iniwang sugatan.

Series Navigation<< Chapter 11: Sa Pagitan ng Lihim at PaghihigantiChapter 13: Sa Pagitan ng Ama at Anak >>