- Rebellious Wife
- CHAPTER 1 : Chaotic Comfort
- CHAPTER 2: Between Love and Temptation
- CHAPTER 3: Unyielding Heiress
- CHAPTER 4: Chained by the Past
- CHAPTER 5: Unfinished Business
- CHAPTER 6: A Deal Sealed in Betrayal
- CHAPTER 7: Shattered Truths and Unforgiven Night
- CHAPTER 8: Vows of Deception
- CHAPTER 9: His Claim, Her Rebellion
- CHAPTER 10: When Love Feels Like a Cage
- CHAPTER 11: Between Hate and Tenderness
- CHAPTER 12: Embracing the Scars
- CHAPTER 13: Shattered Boundaries
- CHAPTER 14: Broken and Conflicted
- CHAPTER 15: The Apology
- CHAPTER 16: His to Hold
- CHAPTER 17: Slices of Affection
- CHAPTER 18: The Final Vow
- SPECIAL CHAPTER: Unfinished Games
“I still can’t believe it.” Si Drew na di makapaniwala habang nakatitig kay Sin.
Tinignan naman ito ni Sin ng matalim. Isa itong Ramp Model na madalas nagiging cover ng mga sikat na magazine. Nasa isang bar sila kasama sila Kace, Axel, at Selene. Ngayon lang ulit nakumpleto ang grupo. Kababalik lang ni Selene galing New York. Isa itong professional photographer kaya madalas itong napapadpad sa iba’t ibang panig ng mundo. Kung saan-saan ito napupunta; malalaman mo na lang isang araw na nasa Africa na ito, kahit kailan lang sila nagkita sa isang party.
“Oh, come on! Guys? You know what I mean, it’s Sin we’re talking about here—she’s untamable!” natatawang wika ni Drew. Napapailing naman si Selene sa tabi niya habang nilalaro ng daliri nito ang labi ng kopita.
“Shut up, Drew.” Napipikong saway ni Sin dito at inubos ang laman ng kanyang alak.
“So? Kamusta ang buhay may asawa? Ikaw ba ang nagtitimpla ng kape niya sa umaga at nagpapatulog sa kanya paggabi?” tanong ni Drew sa kanya. Hindi tulad ni Axel, ang naging reaksyon nito kaya di niya malaman kung dapat ba siyang matawa o mainis.
“Hindi ko lubos akalain na babaliktad ang posisyon natin, Sin,” si Kace na napapangiti naman sa tabi ni Drew. “Kung dati, ako ang pinag-iinitan n’yo ni Axel, ngayon alam mo na kung anong pakiramdam ng nasa posisyon ko.”
“Kace, hindi ko kailangang marinig ngayon ang mga hinanakit mo sa akin. Tama na si Drew, ‘wag mo nang dagdagan.”
Parehong nagtawanan ang dalawa nang makita nilang naiinis si Sin. Siniko ni Sin si Axel na kanina pa tahimik sa kaliwa niya. “Why don’t you join them?”
“They are jerks. Just ignore them,” sagot nito sabay salin ng alak sa sarili niyang baso.
“And you’re not?” nakangising tanong dito ni Selene.
“You never ask me anything,” ani Sin kay Selene. Kung ang tatlo ay kung ano-anong tanong ang binabato sa kanya, ito naman ay nakikinig lamang sa kanila.
“I don’t need to ask just to hear you making excuses,” komento nito na hindi na niya ikinabigla. Noon pa man, kilala na niya itong marunong magbasa ng tao.
“That’s why I hate that part of you.”
“Liar.” Pareho silang nagtawanan nito. Tumayo siya at hinila si Selene. Iniwan nila ang tatlo na sinundan lang sila ng tingin. “Girls talk,” kinindatan ni Selene ang mga ito bago sila makalayo.
“Hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman,” pagtatapat ni Sin nang makahanap sila ng pwesto malayo sa mga tao. “Masyado akong naging mayabang at hindi ko namalayang naghuhukay ako ng sarili kong libingan.”
“Ano ba talaga ang nangyayari sa’yo? Bakit kahit sa akin ay hindi mo kayang sabihin?” may himig ng matinding pag-aalala sa tinig ni Selene para sa kaibigan.
Natahimik si Sin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa labas ng building. Nasa pang-labing-anim na palapag sila kaya kita ang mga sasakyan at maliliit na building sa baba.
“It’s okay, Sin. Matagal mo nang tinatago ‘yan sa dibdib mo. Alam kong mahirap ito para sa’yo, pero kailangan mo na ‘yang ilabas.”
Huminga nang malalim si Sin bago pinakawalan ang pangalang sa isip niya lang nagagawang tawagin. “Bryan.” Nakagat niya ang ibabang labi. Nakita niyang naghihintay lang si Selene sa mga susunod niyang sasabihin at nakahanda itong makinig. “I could never get rid of him.” Naninikip ang dibdib niyang humugot ng hangin si Sin. “And Seth…” Napapikit siya ng mariin. Naramdaman niyang lumipat si Selene sa tabi niya at pinisil ang palad niya. “Dapat ba akong magalit sa sarili ko o maawa sa kanya dahil labis ko siyang nasasaktan? Akala ko mababawasan ang guilt na nararamdaman ko kung magagawa kong saktan ang taong kinamumuhian ni Bryan, pero bakit pakiramdam ko mas lalo akong nagguilty sa ginagawa ko?” Mahigpit na niyakap siya ni Selene at nanghihinang pinatong niya ang mukha sa balikat nito.
“Bakit ba pinahihirapan mo ang sarili mo? Bakit hinahayaan mong ikulong ka ng nakaraan mo? Kaya maging buhay mo ngayon ay nagugulo dahil hindi mo siya mapakawalan.” Hindi na kailangang marinig ni Selene ang buong kwento; noong minsang malasing si Sin, nailabas nitong lahat sa kanya ang tungkol sa pinsan nito. Hindi man iyon matandaan ni Sin, nanahimik na lamang siya at hinintay ang sandaling ito na ang kaibigan niya ang magsasabi sa kanya.
ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Napupuno ako ng galit sa sarili ko. Kaya naging patalim ako nang dumating ang taong gustong yumakap sa akin kahit tinataboy ko na ang lahat. Ibinuhos ko sa kanya ang lahat ng galit na iniipon ko.”
“Sin…”
“He made me feel safe. I’m not used to it. I feel like I don’t deserve to be loved or to love someone.” Mahigpit na niyakap ni Selene ang kaibigan.
“Kamusta na kayong dalawa ni Sin?” iyon ang unang tanong ng ama ni Seth pagpasok niya sa cellar nito. Naroon ito at nagpupunas ng mga koleksiyon nitong alak. Para siyang pumasok sa interrogation room sa paraan ng pagtatanong nito.
“Mas kumalma na siya nitong mga nakaraang araw.” Inikot ni Seth ang tingin sa paligid ng cellar upang hindi salubungin ang tingin ng kanyang ama.
“Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko.”
“Dad—”
“Son, mahal ko si Sindra. Kung gaano ka kahalaga sa akin, ganoon din siya katimbang sa puso ko. Alam kong mahal mo rin siya, Seth. Noon pa mang mga bata kayo, madalas kitang mahuling nakatingin sa kanya. At hanggang ngayon ay hindi nagbago ang mga tinging iyon. Naliligaw siya, Seth. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, at kailangan ka niya para magkaroon ng direksiyon ang buhay niya. Ito ang dahilan kung bakit ko kayo pinagkasundo. Hindi lang dahil gusto kong mawala ang pagtutol sa’yo ng mga kapatid ko kundi dahil alam kong siya ang kailangan mo, Seth, at ikaw ang kailangan niya.”
“Ang kailangan namin ay panahon, Dad. Kahit ngayon lang, pabayaan n’yo kaming dalawa. Sa ginagawa n’yo, lalo lang siyang lumalayo sa akin. I needed her to trust me. I wanted her to come to me on her own without you controlling everything.” Saglit na natahimik ang ama ni Seth.
“Naiintindihan ko.”
Umangat ang tingin ni Seth dito. “Dad—”
“Go on, son. Do what you need to do. Alam kong wala na akong dapat ipag-alala.” Pinisil ni Sutto ang balikat ng kanyang anak.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.