This entry is part 17 of 20 in the series Rebellious Wife

Limang araw na ang lumipas mula nang sinundo ni Sin si Seth sa hotel. Simula noon ay sabay na sila nitong nagbibreakfast at nagdidinner. Sa mata ng ibang tao, tila normal silang mag-asawa, ngunit ang hindi lamang nila ginagawa ay ang matulog sa iisang kwarto. Marami nang dumaang lalaki sa kamay niya, ngunit lahat sila ay panandalian lamang. Mahirap pukawin ang kanyang interes, ngunit mabilis din itong maglaho. Dahil hindi siya naghahanap ng lalaking makakasama niya nang matagal, kundi naghahanap siya ng lalaking magpapalimot sa kanya sa nakaraan.

Ngunit ngayong ang nakaraang iyon ang naging kasalukuyan niya, hindi mawari ni Sin kung ano ang dapat niyang maramdaman. Nagising siya sa malalim na pag-iisip nang tumunog ang phone niya. Lumabas si Sin ng kanyang kwarto at sinagot ang tawag ni Cash.

“Maghohoneymoon kayo?” Napapangiting tanong niya. “Right, malapit na pala ang anniversary niyo ni Ken.” Bumaba siya ng hagdan papunta sa living room. “Really? Of course it’s okay na iwan mo sa akin si Kean. I don’t care kung ilang araw o taon pa kayong magstay sa Paris,” natatawang wika niya dito. “I know, ako na ang bahala sa baby niyo.”

“Cash?” si Seth na kasunod niya palang bumaba ng hagdan.

“Yes, she’s asking me to take care of Kean dahil maghohoneymoon sila sa Paris ni Ken, kaya susunduin ko na ang mga gamit ng bata.”

“Can I come? Gusto ko rin makita si Cashirrie.”

“Sure. Let me just call Leo para i-cancel ang appointment ko today.” Pagkatapos niyang tawagan si Leo, ay sumakay na sila ng sasakyan nito.

“Nakikita kong malalim ang tiwala mo sa kanya,” anito habang nagmamaneho. Lumipat ang tingin ni Sin dito mula sa bintana.

“Si Leo? Simula pa nang high school magkasama na kami. Nasasakyan niya ang lahat ng ginagawa ko, pero minsan mas maingay pa siya sa Mommy ko kapag pinapagalitan ako,” napapailing na wika ni Sin. Hindi niya napansing humigpit ang pagkakahawak ni Seth sa manibela.

“Ilang taon na kayong magkasama?”

“Hm, nine years. He has been living with me since high school. Nang mag-asawa si Cash, I never felt alone because he has always been with me. Marahil kung wala siya sa tabi ko, marami na akong nagawa na pagsisisihan ko ngayon.”

“Sin, naging kayo ba ni Leo?” Natigilan si Sin sa tanong ni Seth.

“What? No. He never looked at me that way.” Maya-maya ay napansin niyang natahimik si Seth sa tabi niya. Napakunot-noo siya nang mabasa ang nasa isip nito. “Are you thinking me and Leo—oh Seth, if you have been stalking me for years, dapat alam mong magkaibigan lang kami.”

“Bakit pakiramdam ko kahit wala na si Bryan, may papalit at papalit pa rin sa lugar niya, at sa nakikita ko… hindi ako iyon.” Biglang naging blanko ang ekspresiyon ng mukha ni Seth. Gustong malaman ni Sin kung hanggang saan ang hangganan ni Seth.

“At kung mangyari nga iyon, handa ka na bang isuko ako?”

Bigla itong nagpreno at tumigil sila sa tabi. Hinarap siya nito. “Nang wala ka pa sa tabi ko, ni minsan ay hindi ako sumuko sa’yo. Sa tingin mo ngayong nasa tabi na kita, ibibigay pa kita sa iba?” Tinawid ni Seth ang pagitan nila at inangkin ang labi ni Sin.

Saglit na natigilan si Sin sa ginawa ni Seth, hindi siya umiwas ngunit hindi rin siya tumugon sa halik nito. Hinayaan niya si Seth na paglaruan ang mga labi niya. Ang akala niya’y magiging mabilis na halik ay unti-unting lumalim. Hinawakan ni Seth ang batok ni Sin at mas lalo pa nitong pinalalim ang halik. Habang nagtatagal ang halik lalo itong nauuhaw. Nakaramdam si Sin ng matinding init, kahit hindi bihasa ang mga labi ni Seth kabaliktaran ang naging epekto nito sa kanya. Bago pa may maganap sa kanila sa loob ng sasakyan, kumalas na si Sin sa mga labi nito.

“We should go,” si Sin na binaling muli sa bintana ang tingin at kinakabahang napahawak sa labi niya.

Bahagyang napangiti si Seth bago nagpatuloy sa pagmamaneho. Sapat na sa kanya ang hindi pagtanggi ni Sin sa halik niya.

“Kean?! My cute little nephew!” Tinadtad ni Sin ng halik ang mukha nito na ikinakiliti ng bata. “Can I take him with me now?” nagmamakaawang pakiusap ni Sin sa ate niya.

Natatawang binalingan ni Cash si Seth. “Okay lang bang mag-stay sa inyo si Kean ng isang linggo?”

“He’s always welcome,” magalang na sagot ni Seth dito. Noon pa man ay laging nakikinig si Seth sa Ate Cash niya.

“I told you it’s okay, Cash. He’s our nephew. Isa pa, ngayon ko pa lang masosolo si Kean.”

“Kaya nga natatakot kami na baka pagbalik namin ay ‘di mo na ibalik si Kean sa amin,” si Ken na parehong ikinatawa ng mag-asawa.

“Huwag kayong mag-alala, tutulungan ko si Sin na alagaan si Kean,” nakangiting tugon ni Seth sa mga ito.

“O siya, siya. Papayag akong dalhin mo si Kean, pero dito kayo magdidinner ngayong gabi,” natutuwang wika ni Cash.

Mabilis na naging komportable si Seth sa pamilya ng ate ni Sin, at mabilis din nitong nakuha ang loob ni Kean na minsan ay nagpapabuhat pa dito. Hindi lubos akalain ni Sin na mahilig din ito sa bata. Pagkatapos nilang magdinner, sinama na nila si Kean sa pag-uwi. Buhat-buhat niya si Kean pababa ng sasakyan habang bitbit naman ni Seth ang mga gamit ng bata.

“Sa kwarto ko siya matutulog,” paalam ni Sin kay Seth. Kinuha naman ng katulong ang bitbit nito. Sinabayan siya ni Seth sa pag-akyat at binuksan nito ang pinto ng kwarto niya habang karga niya ang natutulog na si Kean. Maingat na inilapag niya ito sa kama niya. “Sweet dreams, baby,” hinalikan ni Sin ang tungki ng ilong ng bata. Natutuwang pinagmasdan sila ni Seth.

“I didn’t know you love kids.”

“Same with you.”

Kinabukasan ay sabay nilang pinaliguan si Kean. Dumaan ang mga araw na napuno ng tawa ng bata ang mansion. They were like a perfect family. Maging ang mga katulong ay naninibago sa bagong hangin na dumating dahil wala na silang naririnig na mainit na argumento nila ni Seth. Natapos ang isang linggo, at totoo ngang ayaw niya pang ibalik si Kean sa mag-asawa na bagong dating sa Paris. Sinundo ng mga ito si Kean sa mansion.

“Sigurado ba kayong wala pa kayong jetlag? Baka hindi niyo mabantayan si Kean ng maayos,” si Sin sa Ate niya.

“Seth, pwedeng hawakan mo ang asawa mo dahil mukhang wala itong balak ibigay ang anak ko,” anito ni Ken kay Seth.

“Bakit ‘di na lang kasi kayo gumawa ng baby niyo ni Seth para may sarili ka nang pinangigigilan,” natigilan ang ate niya sa sinabi nito. “U-Um, well, sinasabi ko lang naman…” depensa agad nito.

Hindi mapigilang matawa ni Sin sa reaksiyon ng ate niya. “Don’t worry, sis. Pag-iisipan namin ‘yan ni Seth,” hinatid nila ang mag-asawa sa sasakyan hanggang makasakay ang mga ito.

“Pag-iisipan ang alin?” tanong ni Seth sa kanya nang makapasok sila ng mansion.

“What? About having a baby? Did you really seriously take that?”

“You never thought of having kids with me?” seryosong tanong ni Seth na nagpatigil kay Sin. Nakita niya ang lalim ng tingin nito sa kanya at ang nasagap niyang pait sa tinig nito. Parang may bagay na pumiga sa puso ni Sin nang makita niya ang ekspresyon ni Seth na tila nasugatan sa sinabi niya.

“Wala akong sinabing ayokong magkaroon ng anak sa’yo. Ang ibig kong sabihin ay hindi pa tayo handa para diyan,” pag-iiwas ni Sin.

Hindi sanay si Sin na lagi niyang ipinagpapaliwanag ang sarili niya sa kanilang dalawa ni Seth. Nasanay siya na siya ang kumokontrol sa lahat ng kanyang naging karelasyon; hindi siya nalalagay sa ilalim, kundi siya ang laging nagmamanipula. Subalit iba na ang sitwasyon niya ngayon kay Seth, dahil pareho nilang hawak ang isa’t isa.
Pero bakit hindi niya gustong makita ang sugat na ekspresyon sa mukha ni Seth? Nais niyang pawiin ang lahat ng sakit na ibinigay niya dito.

Hinila ni Sin ang batok ni Seth at siniil ito ng halik bago niya pinakawalan ang tila namamagang labi nito.

“This is how you should kiss someone you like. Paano tayo magkakaroon ng anak kung hindi ka pa marunong humalik?”

Hindi pa nakakabawi si Seth sa unang halik na natanggap niya kay Sin nang muling balikan ni Sin ang labi niya…

Bumagsak ang mga katawan nila sa kama. Gumapang ang mga halik ni Seth sa mga labi at leeg ni Sin, habang gumagapang naman ang kamay niya sa likod nito. Napapikit nang mariin si Sin nang dumaan ang mga labi ni Seth sa gilid ng kanyang leeg. Nagigising ang mga natutulog na balahibo sa kanyang balat.

“Seth…” naramdaman niyang isa-isa nitong binuksan ang mga saplot na bumabalot sa katawan niya. Naghahabulan ang kanilang mga labi na tila uhaw na uhaw sa isa’t isa. Tinulungan ito ni Sin na hubarin ang sarili nitong damit. Nang muling lumapat ang labi ni Seth sa kanya, pareho na silang walang saplot. Gutom at nangangapa ang mga kamay ni Seth sa balat ni Sin. Ang damdamin na matagal nitong tinitimpi ay lumalabas sa kanyang mga haplos at halik.

Ngayon, alam na ni Sin ang dahilan kung bakit hindi niya makalimutan ang nangyari sa kanila, kahit marami nang lalaking dumaan sa kanya. Tuluyan nang nalalantad sa kanya ang katotohanang hinahanap niya ang init ng haplos at halik nito. Hindi siya makawala sa mga labing mapusok na nagnakaw ng una niyang halik.

She wanted him.

She always wanted him.

Hindi ito matanggap ni Sin kaya nabulag siya ng galit niya—galit niya sa sarili dahil tinalikuran niya ang nararamdaman niya para kay Bryan ng gabing iyon. Hinayaan niyang sakupin siya ng kapatid nito na lubos niyang kinamumuhian. She betrayed her feelings, and she betrayed him. Bryan was close to her because she would always choose him. Ni minsan ay hindi siya nagdalawang-isip na piliin ito. Siya ang nag-iisang tinuturing nitong kakampi. Hindi na mahalaga kung nasa tama ito o mali, dahil alam nitong ano man ang gawin nito, lagi niya itong dadamayan.

Kinain siya ng guilt na nararamdaman niya kaya nagawa niyang parusahan si Seth at ang sarili niya. Nakagat ni Sin ang balikat ni Seth nang simulan nitong pag-isahin ang kanilang katawan. Ang kanilang malalim na paghinga, ang mainit nilang balat na nagsasanib-puwersa, ay nilamon ng lumiliyab na apoy. Pareho silang gutom sa isa’t isa at wala sa kanila ang gustong bumitaw. Nagawa na nilang pakawalan ang isa’t isa noon, kaya ganito na lamang ang takot nilang maghiwalay muli. Hinanap ni Sin ang labi ni Seth bago siya kainin ng dilim…

Dumating ang umaga, at nagising si Sin na may nakapulupot na hubad na katawan sa likod niya. Nakita niya si Seth na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Humarap siya dito at hinayaan itong yumakap sa kanya. Kahit na tulog ito, hindi pa rin siya nito gustong pakawalan. Umangat ang kanyang isang kamay at hinaplos ang mukha ni Seth. Dumaan ang kamay niya sa noo nito, pababa sa tungki ng ilong hanggang sa mapupula nitong mga labi.

He was like perfection.

How can she be so blind not to see this beautiful man in her arms?

Dinampian niya ng halik ang labi ni Seth bago niya isiniksik ang sarili sa dibdib ng asawa.

Series Navigation<< CHAPTER 15: The ApologyCHAPTER 17: Slices of Affection >>