This entry is part 18 of 20 in the series Rebellious Wife

May hawak na kutsilyo si Sin habang pinag-aaralan ang mga ingredients sa harapan niya. Ngayon ay nagsisisi na siya kung bakit pinaalis niya ang lahat ng mga katulong dahil ayaw niyang makita ng mga ito ang gagawin niya, lalo na’t alam niyang may 99% chance na papalpak siya. Ito ang kauna-unahang beses na magluluto siya. Sa buong buhay niya ay hindi niya pa iyon nagagawa. Ang tanging alam niya lang gawin ay utusan ang mga katulong na pagsilbihan siya. Kapag nasa kusina ang Mommy niya at si Cash para magluto, lagi siyang umiiwas. Naalala niya noong sinubukan niyang magluto ng fried chicken, napaso siya ng mantika sa kamay kaya simula noon ay hindi na siya lumalapit sa kitchen.

Ngunit ngayon ay nagawa niyang bumalik—it was all because of Seth! Birthday nito ngayon at balak niyang ibigay dito ang pinakamahal na regalong kaya niyang ibigay, pero ang hiniling nito ay simpleng dinner lang kasama siya, at gusto nitong siya ang magluto noon para dito. She watched videos on YouTube and even read articles, but she couldn’t make herself start! Marahil isang oras na siyang nagbabalat ng patatas. Kahit anong gawin niya ay hindi iyon kasing-perfect ng nakita niya sa internet. Biglang naslice niya ang patatas sa gitna at nahulog ang kalahati sa sahig, kasama ng mga nauna niya pang eksperimento. Nagmistulang madumi ang kusina niyang kanina lang ay napakalinis.

“Oh my God?” nagulat siya nang biglang may sumulpot sa likod niya.

“Shit! Cash, I almost cut my hand!” turan niya sa kapatid.

“Nagtaka ako kung bakit ni isang katulong ay ‘di ko makita sa paligid, at heto ka…” napakunot-noo ito. “What are you doing?!”

“I ask that question myself a hundred times today. What the hell am I doing?! But you’re here now, so…” Inabot niya dito ang kutsilyo.

“Nasaan ang mga katulong mo?” tanong nito habang kinukuha ang kutsilyo mula sa kanya.

“I gave them a day off. Birthday ngayon ni Seth, at hiniling niya sa aking ipagluto ko siya para sa dinner namin, but I don’t know where to start.” Nakita niyang napangiti ng pilya ang ate niya. “What?”

“I never heard Sin cooking something for her boyfriends.”

“He’s not my boyfriend.”

“Yes, he is your husband.”

“My husband?”

“Hanggang ngayon ba ay di pa rin nagsi-sink in sa’yo na pag-aari ka na ni Seth at pag-aari mo na siya? And you are starting to behave like a real wife, and that only means one thing.”

“I know where you’re going—”

“You’re starting to like him! I’m so happy for you, baby girl.”

“Shut up. Can we just start this?” tukoy niya sa harap nila.

Nagsimula silang magluto ni Cash. Napakalinis nitong magluto. Kapag ito ang gumagawa ay parang napakadali ng lahat, pero kapag siya, parang dumadaan siya sa butas ng karayom. Ang sabi ng mga naging professor niya ay siya ang pinakamatalino sa klase. They were all big, fat liars!

“I would never cook again!” wika niya nang matapos sila.

“Pero mas matutuwa si Seth kung ikaw ang magluluto para sa kanya, kaya dapat ngayon pa lang magsimula ka nang mag-aral magluto.”

“Sis, do you really think I can do this?” tanong niya habang tinuturo ang na-prepare nilang dinner.

“W-Well, mahihirapan ka sa umpisa—”

“That’s it. I quit. This is the first and the last time na magluluto ako. Red is going to make fun of me if he learns about this,” bulong niya sa sarili.

“I think it’s time for me to go bago pa dumating ang lover mo,” wika ng ate niya. Lumabas sila ng kitchen. Nakita niya ang mga paper bag sa living room.

“Nakalimutan kong dalhin kahapon. Ito ang mga binili ko sa Paris para sa’yo, and this…” may kinuha ito sa bag, “regalo ko kay Seth.” Inabot nito sa kanya ang isang maliit na kahon.

“Thank you.”

“See? If two people get married, they become one. Hindi mo pa lang narerealize, pero nakikita kong nagsisimula na iyon sa’yo ngayon.”

“Ate, if you start acting like this, hihiramin ko ulit si Kean.”

“Okay, I’ll stop.” Hinatid ito ni Sin sa pinto.

“I love you.”

“I love you more.”

Rebellious Wife

CHAPTER 16: His to Hold CHAPTER 18: The Final Vow