This entry is part 19 of 20 in the series Rebellious Wife

Kinakabahan siya matapos niyang maprepare ang dinner sa table. Kahit alam niyang walang problema sa pagkain dahil si Cash ang tumulong sa kanya hindi niya parin maiwasang kabahan. Calm down, Sin. Why don’t you relax a bit? Everything is perfect. It’s going to be fine. Kinumbinsi niya ang sarili. Nagulat siya nang may yumakap sa likod niya. Why is everyone doing this to her?

“I miss you…” bulong ni Seth bago hinalikan ang gilid ng leeg niya. Kinalas niya ang kamay nito na nakatali sa tiyan niya at hinarap ito. Sinalubong niya ng halik ang mga labi nito. Pinutol niya agad ang halik bago pa iyon lumalim.

“So…” itinuro niya ang table.

“You prepared this?”

“Dapat ang tanong mo ay kung ako ba ang nagluto niyan,” kunwaring nakasimangot na wika niya.

“Hindi ako kumain para maubos ko ang niluto mo.”

“Dahil inaasahan mo nang papalpak ako kaya ginutom mo ang sarili mo para mapilitan kang kainin ang niluto ko?”

“Sin, kahit hindi pa masarap ang pagkaing ihahain mo, basta nanggaling sa’yo, kakainin ko.”

Hindi naitago ni Sin ang ngiti sa labi niya. “Happy birthday.”

“Thank you.” Nakahinga ng maluwag si Seth nang masuyo niya ang asawa.

Iniabot din ni Sin ang regalo ni Cash. “Gift ni ate para sa’yo. Kung di siya dumating, sigurado akong sasakit ang tiyan natin ngayong gabi,” natatawang komento ni Sin. “But I sliced the onion,” giit niya. “Did you know I cried a lot because of it?” dagdag pa niya dito.

Pinigilan ni Seth ang ngiti niya. “I’m sorry,” hinalikan niya ang gilid ng mata ni Sin, dahilan upang mapapikit ito.

Pagkatapos ng dinner, lumabas ang dalawa ng mansion para maglakad sa malawak na garden. Maliwanag ang buwan kaya naman iyon ang naging ilaw ng paligid. Kahit marami nang nabago sa loob at labas ng Old Mansion ng Valcarcel, makikita pa rin ang iniwang history ng lugar. Ang mga lumang rebulto at ang old fountain sa gitna ng garden ay naingatan at maayos na naipreserve ng pamilya nila.

Humigpit ang hawak ni Seth sa kamay ni Sin. Gusto niyang makasigurong hawak niya ito. Subalit kahit natutuwa siyang kasama na niya ito ngayon, hindi pa rin naaalis ang kaba sa dibdib niya. Natatakot siyang magising isang araw na ilusyon lang ang lahat ng ito.

“Bakit parang hindi ka masaya?” tanong ni Sin nang mapansin niyang matagal nang nanahimik si Seth. “I told you, we should celebrate it with everyone—”

“Sin, ikaw lang ang kailangan ko.” Huminto si Seth at hinarap ito. “Marahil sa’yo, hindi ka makukumpleto kung wala ang mga kaibigan mo, ang kapatid mo, o si Leo. Pero para sa’kin, kahit wala ang Valcarcel, kung mananatili ka sa tabi ko, wala na akong ibang kailangan.”

Tila hinaplos ng malamig na yelo ang dibdib ni Sin sa narinig. “You don’t trust me.” Dinala niya ang kamay ni Seth sa kanyang dibdib. “Naiintindihan kong mahihirapan kang pagkatiwalaan ako pagkatapos ng mga nangyari sa atin. Kapag sinabi ko sa’yo ngayong mahal kita, iisipin mo na hindi ikaw ang unang lalaking sinabihan ko nito. Hindi kita masisisi kung pakiramdam mo na walang malalim na kahulugan sa akin ang mga ginagawa ko para sa’yo. Pero Seth, ayokong isipin mo na mananatili akong manhid sa sandaling mawala ka sa akin. Nang panahong sinukuan ako ng lahat, ikaw lang ang nanatili sa tabi ko. Ikaw lang. Kaya bigyan mo ako ng pagkakataon dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nararamdaman mo pa rin na hindi kita kailangan.”

“Sin—”

Mariing hinagkan ni Sin ang labi ni Seth. “Hindi ako makukumpleto kung wala ka sa tabi ko,” bulong niya dito sa gitna ng mga halik.

Umangat ang kamay ni Seth sa batok ni Sin. Tinugon niya ang mga labi nitong sumusuyo sa kanya. Tila nais nitong pawiin ang lahat ng sakit na pinadama nito sa kanya noon. Sapat na ang mga dampi ng halik ni Sin upang maglaho ang kaba sa dibdib niya.

Wakas.

Series Navigation<< CHAPTER 17: Slices of AffectionSPECIAL CHAPTER: Unfinished Games >>