- Ang Nakatagong Bituin ng Imperyo
- ANBNI | 1: Ang Punong Heneral Ng Imperyong Salum
- ANBNI | 2: Kamatayan Ang Hatol Sa Sinomang Lumabag Sa Kautusan
- ANBNI | 3: Ang Prinsesa Ng Emperatris
- ANBNI | 4: Ang Pagbabalik Ng Pangalawang Xuren Ng Zhu
- ANBNI | 5 : Ang Mabining Fenglin
- ANBNI | 6: Siya Ang Gusto Ko
- ANBNI | 7: Pinapangako Kong Ibabalik Kita
- ANBNI | 8: Ang Pang-anim Na Prinsipe
- ANBNI | 9: Sino Ang Nagpabalik Sa Kanya?!
- ANBNI | 10: Pulang Parada
- ANBNI | 11: Ni Anino Niya Ay Di Ko Nanaising Makita!
- ANBNI | 12: Ang Emperatris Ng Salum
- ANBNI | 13: Muling Tagpo
- ANBNI | 14: Ang Imbitasyon Ng Punong Guro
- ANBNI | 15: Nahanap Ko Na Siya
- ANBNI | 16: Mas Mapapanatag Ako Kung Ikaw Ang Nasa Tabi Ko
- ANBNI | 17: Magagawa Ko Bang Bitawan Ang Aking Konsorte?
- ANBNI | 18: Ikaw Ba Ang Pangalawang Xuren Ng Punong Heneral?
- ANBNI | 19: Ang Emperatris Ng Imperyong Salum
- ANBNI | 20: Huwag Kang Lalayo Sa Tabi Ko
- ANBNI | 21: Ligaw Na Palaso
- ANBNI | 22: Pulang Aklat
- ANBNI | 23: Ang Anak Ng Punong Ministro
- ANBNI | 24: Hindi Mo Siya Kailangan
- ANBNI | 25: Dequan
- ANBNI | 26: May Nagmamay-ari Na Sa kanya
- ANBNI | 27: Unang Yugto Ng Paligsahan
- ANBNI | 28: Ang Tinatagong Kahinaan Ng Zhu
- ANBNI | 29: Huling Yugto ng Paligsahan
- ANBNI | 30: Ang Puting Ibon
- ANBNI | 31: Ang Prinsesa Ang Pinakasalan ko
- ANBNI | 32: Anong Ibig Ipahiwatig Ng Lu Ryen?
- ANBNI | 33: Ang Ikalawang Prinsipe
- ANBNI | 34: Nahulog Ang Loob Niya Sa Prinsesa
- ANBNI | 35: Ang Fenglin ng Lu Ryen
- ANBNI | 36: Hindi Ko Makakalimutan Ang Insultong Ito
- ANBNI | 37: Iilan Lamang Ang Nakakaalala Sa Kanya
- ANBNI | 38: Ang Simula Ng Paglalakbay Sa Kaharian Ng Nyebes
- ANBNI | 39: Ang Imbitasyos Ng Dalawang Prinsipe
- ANBNI | 40: Kasiyahan Sa Tahanan Ng Punong Opisyal
- ANBNI | 41: Nais Mong Hamunin Ang Mga Maharlika?
- ANBNI | 42: Paano Kami Magtitiwala Na Hindi Mo Kami Ipapahamak?
- ANBNI | 43: Heneral Yulo
- ANBNI | 44: Nangako Ka Sa Aking Babalikan Mo Ako
- ANBNI | 45: Dalawang Aninong Magkasalikop
- ANBNI | 46: Ang Kasunduan
- ANBNI | 47: Huling Patak
- ANBNI | 48: Bakit Ang Taong Iyon Pa Ang Napili Nito?
- ANBNI | 49: Ang Nakakapasong Halik
- ANBNI | 50: Pribadong Kasiyahan
- ANBNI | 51: Yara
- ANBNI | 52: Kaylan Man Ay Hindi Niyo Ako Naging Pag-aari
- ANBNI | 53: Xirin Qin
- ANBNI | 54: Ano Pang Panghahawakan Ko Upang Ako Ang Piliin Niya?
- ANBNI | 55: Ang Bihag Na Mangangalakal
- ANBNI | 56: Ano Man Ang Gawin Mo, Hindi Magbabago Ang Nararamdaman Ko
- ANBNI | 57: Ang Itinakdang Pagtitipon
- ANBNI | 58: Nais Mong Panindigan Ko Ang Aking Pangako?
- ANBNI | 59: Sa Ilalim ng Mapusyaw na Ngiti
- ANBNI | 60: Bangungot Ng Nakaraan
- ANBNI | 61: Ang Lihim ng Palasyo
- ANBNI | 62: Ang Lason Ng Ligaw Na Damdamin
- ANBNI | 63: Ang Paninindigan ng Isang Zhu
- ANBNI | 64: Unang Halik
- ANBNI | 65: Sa Anino ng Fenglin
- ANBNI | 66: Pagsisimula ng Panibagong Panig
- ANBNI | 67: Sa Ilalim ng Hatol ng Xuren
Maagang bumalik ang Lu Ryen sa Palasyon Xinn. Hindi na nito tinapos ang tatlong araw na handog para sa pumanaw na Punong Ministro.
Sa kanyang pagbabalik, hindi lamang ang apat na Xienli ang naghihintay sa Lu Ryen kundi maging ang Prinsesa ng imperyal.
Marahang nilayo ni Sena ang sarili sa Lu Ryen ng masilayan niya ang mga gintong ornamento na nakakabit sa buhok ng Pangunahing Konsorte na sumisimbulo ng titulo nito.
“Hiniling ko sa Mahal na Emperador ang maaga mong pagbalik ng malaman ko ang sinapit mo sa pangangaso.”
Dumantay ang mga daliri ng Prinsesa sa palad ng Lu Ryen hanggang sa tuluyan niya iyong sakupin. Di nito alintana ang mga lingkod sa paligid, maging ang apat na Xienli ay lumalim ang pagkakayuko. Batid ng Prinsesa na hindi siya ipapahiya ng Lu Ryen sa harap ng kanilang mga katiwala. Ipaparamdam ni Keya sa Lu Ryen ang kapangyarihan ng kanyang estado sa loob ng kanilang matrimonya.
“Nais kitang kausapin, maaari natin itong ituloy sa iyong silid upang ika’y makapagpahinga.”
Hindi na hinintay ng Prinsesa ang tugon ng Lu Ryen kundi ito mismo ang nagdala sa Lu Ryen sa silid nito. Hindi tumanggi ang Lu Ryen ngunit nanatili din itong walang tugon hanggang sila’y mapag-isa sa silid.
Nadama ni Keya na may kakaiba sa Lu Ryen, malamig ito noon subalit ang mga mata nito ngayon ay mistulang malinaw na tubig na di nadadapuan ng anumang alon. Bago pa rumagasa ang pangamba sa kanyang dibdib ay matapang na sinalubong ni Keya ang tingin ng Lu Ryen.
“Nang araw na tumungo ka sa pangangaso ay ang araw na opisyal kong inokupa ang silid na nakalaan sa akin sa iyong Palasyo.”
“Ang Palasyong Xinn ay handog ng Emperador sa araw ng ating matrimonya. Ano mang nasasakupan ng pader ng palasyo ng imperyal at ng Imperyong Salum ay pag-aari ng iyong pamilya. Walang dahilan upang hingin mo ang aking pahintulot.”
Napapasong pinakawalan ni Keya ang kamay ng Lu Ryen. Nais niyang kilalanin siya ng Lu Ryen bilang opisyal nitong kabiyak ngunit hindi niya gustong marinig ang distansiya sa tinig nito na tila sila’y estranghero sa isa’t-isa. “Alam mong hindi iyon ang nais ko mula sa’yo. Ang gusto ko’y tanggapin mo ako bilang iyong Konsorte.”
“Kung ganon, nais kong tanggapin mo ang isa sa aking napiling Xienli na maging aking Pangalawang Konsorte.” Ang bigyan si Sena ng Titulo ang isang naisip na paraan ni Yura upang maprotektahan ito.
“Lu Ryen?!” Nabasag ang boses ni Keya sa narinig. “I-Isang hamak na Fenglin–“
“Sa tahanan siya ng Zhu lumaki, higit pa sa Fenglin ang halaga niya sa akin.”
Hindi iniwasan ni Yura ang kamay ng Prinsesa ng lumapag ito sa kanya. Batid niyang malalim na ang sugat na iniinda nito. Hindi sapat ang parusang ito kumpara sa kasawiang sinapit ng Prinsesa ng dahil sa kanya.
Mistulang si Keya ang nasaktan ng mapagtanto niyang napagbuhatan niya ng kamay ang kanyang Lu Ryen. Nanginginig ang kamay na binawi niya ito. Ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng pait sa sino mang nasaktan niya, subalit ng mga sandaling iyon ay mas malubha ang hapding bumabalot sa kanya.
Nagmamadali ang hakbang na bumalik si Keya sa silid na inokupa niya sa Palasyong Xinn. Nakuha niya ang gusto niyang lumipat sa palasyo nito subalit pumayag ito hindi dahil sa kanya kundi dahil sa Fenglin nito. “Bakit mo ito ginagawa sa’kin?”
“Kamahalan?” Nababahalang puna ni Chuyo sa Prinsesa ng magsimulang maghubad ng mga ornamento ang Prinsesa. Maging ang ilang hibla ng mga buhok nito ay nahugot kasama ng mga nahubad na ornamento.
“Kamahalan, humanahon po kayo. Kayo na po ang nagsabing hindi kayo papayag na diktahan ng Lu Ryen ang nararamdaman niyo.” Nakaramdam ng takot ang Punong Lingkod ng muli niyang nasaksihan kung paano baliin ng Lu Ryen ang matayog na Prinsesa ng Imperyal.
Naglabas ng malalim na hininga si Yura ng mapag-isa siya sa silid. Huminto ang kamay niya sa pagkalas ng kanyang kasuotan ng mapansin niya ang makinang na bagay na nakalatag sa kanyang eskritoryo.
Dumaan ang malakas na hampas ng alon sa mga mata ng Lu Ryen ng makilala nito ang gintong kwintas na nabiyak sa gitna. Nahati man ito ay hindi maaaring hindi makilala ni Yura ang pangalang nakaukit sa ginto.
Napakapit ang isang kamay ni Yura sa gilid ng eskritoryo, sa kabila ng matinding alon na dumadaloy sa kanyang dibdib ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang piraso ng papel na nakatupi sa tabi nito.
Pagbuklat niya ay muli niyang nabasa ang pamilyar na sulat na matagal ng bumabagabag sa kanya.
Mariing naikuyom ni Yura ang palad kasama ang piraso ng papel. Sa loob ng mahabang panahon na kanyang pagtatago, hindi niya lubos naisip na darating ang sandaling ito. Buong akala niya’y malalim na ang pagkakabaon ng maskara sa kanyang balat at walang sino man ang makakadiskubre nito.
Marami pa siyang bagay na kailangang isakatuparan, hindi niya pa naibibigay ang hustisiya sa kalaspastangang ginawa ng Ikalawang Prinsipe kay Sena. Hindi maaaring magwakas dito ang lahat.
Batid niyang sa sandaling mailantad ang lihim niya, magdedeklara ang Zhu ng digmaan sa pamilya ng imperyal, sila ang magsusulong ng malaking rebelyon sa lupaing iningatan at prinotekthan ng Hukbong Goro.
Hindi gustong masaksihan ni Yura ang dugo ng mga tao ng Salum sa kamay ng kanyang Ama. Hindi niya ito maaaring biguin. Hindi sa kanya magwawakas ang sinumpaan nitong katapatan sa imperyo.
“Sinanay kita hindi para sumama sa akin sa pakikidigma kundi upang maprotektahan mo ang sarili mo. Pinagbawalan kitang pumasok sa hukbo hindi dahil hindi ko kinikilala ang kakayahan mo kundi dahil kapatid kita. Hindi ko gugustuhing maukit sa isipan mo ang bawat patak ng dugo na binibuwis sa digmaan. Ngunit ngayon, nakikiusap ako sayo na protektahan mo ang pamilya natin. Huwag mong hayaang mapahamak ang ating angkan. At huwag mong papayagang magbuwis ng buhay ang ating mga kapatid na mandirigma sa mga laban na walang kabuluhan.”
Binangon ni Yura ang nabubuwag niyang damdamin, hindi para sa kanya kundi para sa kanyang pamilya. Binuksan niya ang kanyang palad at muling binasa ang nakasulat sa piraso ng papel.
Maraming pagkakataon upang ilantad nito ang kanyang lihim, subalit nanatili ito sa dilim. Bumalik kay Yura ang mga alaala niya sa taong ito, hindi niya mapunto kung kaylan nito nadiskubre ang lihim niya at kung paano nito iyon natuklasan.
Inangat ng mga daliri ni Yura ang biyak na gintong kwintas.
“Hindi ko man naprotektahan ang kinabukasan mo ngunit nakikiusap ako sa iyong huwag mong tatalikuran ang iyong sarili. Huwag mong kakalimutan kung sino ka.”
“Ina… Patawarin mo ako kung nabigo kita. Marahil hindi nakalaan para sa akin ang pangalang ito.”
Tunay na hindi ito nakatadhana sa kanya. Sa sandaling tinanggap niya ito, trahedya ang hatid nito sa mga taong mahal niya sa buhay.

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.