- Lost Heart
- CHAPTER 1: Prisoner of Desire
- CHAPTER 2: Fading Reflection
- CHAPTER 3: The Lies That Bind
- CHAPTER 4: Held in the Dark
- CHAPTER 5: Bound to Him
- CHAPTER 6: When She Was Gone
- CHAPTER 7: The Life She Chose
- CHAPTER 8: A Familiar Portrait
- CHAPTER 9: He Found Me
- CHAPTER 10: His to Keep, His to Break
- CHAPTER 11: No Escape from You
- CHAPTER 12: Torn Between Us
- CHAPTER 13: Nowhere to Run
- CHAPTER 14: Buried Truths
- CHAPTER 15: The Child I Never Knew
- CHAPTER 16: Where Freedom Begins
- CHAPTER 17: The Game of Silence
- CHAPTER 18: When We Finally Stood Equal
- CHAPTER 19: The Surrender
- EXTRA CHAPTER: Island Conflict
Matapos ang huling pagkikita nila sa museo, hindi na muling nagpakita si Ar. Wala na ang aninong sumusunod sa bawat hakbang niya. Wala na ang presensyang ramdam niya sa bawat lungsod. Sa una, iyon ang hinihintay niya, ang katahimikan na matagal niyang hinangad.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may kakaibang puwang na sumulpot. Sa gabi, sa pagitan ng mga pahina ng librong binabasa niya, nagsimulang lumitaw si Ar sa kanyang mga panaginip. Hindi bilang banta, kundi bilang alaala.
Minsan panaginip lang siya’y nakaupo sa isang café, nakatingin, walang sinasabi. Minsan naman, hawak nito ang kamay niya, mahigpit, matigas, parang noong dati. May mga gabing naaalala niya ang mga mata nitong nakatitig nang malalim, o ang halik nitong puno ng pwersa at pagkasabik. At sa bawat paggising, naiwan sa kanya ang tanong.
Bakit siya muling bumabalik sa isip niya, ngayong wala na ito?
“Maybe it’s trauma,” bulong niya minsan sa sarili. “Maybe scars just find their way back.”
Ngunit habang lumilipas ang linggo, hindi iyon sapat na sagot.
Isang gabi, habang nasa Berlin, nakaupo sila ng mga kaibigan sa isang maliit na pub. May live music, may halakhakan ng mga turista, at ang lamig ng beer ay sumasabay sa usapan.
“Gaby, you’ve been so quiet tonight,” sabi ni Rina, nakasandal na sa mesa.
Napatawa si Hale. “Just tired. Jet lag, maybe.”
“Or maybe…” singit ni Elisa, nakatitig sa kanya. “You’re thinking of someone.”
Umiling siya, halos automatic. “No. I don’t think so.”
Si Mateo, na may dalang camera kahit saan, ngumiti at nagbiro. “If I didn’t know you, I’d say you look like someone in love.”
Napailing siya, natawa ng mahina. “That’s crazy. Falling in love with someone who…” Naputol ang boses niya, hindi naituloy. “It doesn’t make sense.”
Tahimik ang mesa. Kahit ang ingay ng pub, parang naglaho sa sandaling iyon. Si Elisa ang unang nagsalita. “Love doesn’t always make sense.”
Naramdaman niyang uminit ang mukha niya. Agad niyang binago ang usapan, nagbiro tungkol sa kanta ng banda sa gilid. Natawa silang lahat, ngunit sa loob niya, alam niyang may tinamaan silang puntong pilit niyang iniiwasan.
Pag-uwi niya sa hostel, matagal siyang nakatulala sa kisame. Hindi niya kayang tanggapin ang ideya. Hindi posibleng mahalin niya ang taong minsang gumapos at sumira sa kanya. At paulit-ulit niyang sinabi sa sarili: hindi iyon pag-ibig.
Pero kahit anong pagdeny niya, bumabalik pa rin sa isip niya ang tanong ng mga kaibigan.
Dumaan ang mga araw, naging linggo, naging buwan. Sa bawat nobelang sinusulat niya, may karakter na may bahid nito. Hindi niya inamin, pero sa ilalim ng lahat, si Ar pa rin ang ugat ng mga linyang kanyang binubuo.
Isang umaga, nakatanggap siya ng tawag mula sa Pilipinas. Si Al.
“Hale,” mabigat ang boses nito, “si Ar… nasa ospital.”
Napatigil siya. Hindi na siya nagtanong kung bakit o gaano kaseryoso. Ang unang ginawa niya ay mag-book ng pinakamabilis na flight pabalik ng Maynila. Hindi niya maipaliwanag kung bakit. Basta kumilos ang katawan niya bago pa makasunod ang isip.
Pagdating niya sa ospital, pilit niyang pinaniwala ang sarili na wala siyang dapat gawin kundi kumpirmahin na ayos lang ang lahat, at aalis siya bago pa man may makakita. Ngunit nakasalubong siya ni Al sa hallway.
“Hale.” Hinarang siya nito. Kita agad ang pagod sa mukha, ang bigat ng mga mata. “Don’t go.”
Nagpilit siyang ngumiti. “I just… wanted to check. Nothing more.”
Umiling si Al, halos desperado ang titig. “Simula nang hindi ka na niya sinundan, bumalik siya sa trabaho. At mula noon, puro trabaho na lang ang ginawa niya. Wala nang pahinga. Hanggang sa bumagsak siya.”
Walang lumabas na salita mula sa kanya.
“Hindi ko na alam kung paano siya tutulungan,” dagdag ni Al. “I’m his brother, but I can only do so much. And you…” saglit itong natigilan, saka nagpatuloy, “ikaw lang ang naging dahilan kung bakit pinipilit niyang magbago. Sa’yo lang umiikot ang mundo niya.”
Napakagat-labi si Hale. Ramdam niyang nanginginig ang kamay niya.
“Sobra na akong naaawa sa kapatid ko,” sabi ni Al, mababa ang boses. “At hanggang ngayon, dinadala ko pa rin ang guilt na ako ang nagpatakas sa’yo noon. Please, Hale. Bigyan mo siya ng isa pang pagkakataon. Not for what he did. But for what he’s trying to be.”
Napapikit siya. Hindi niya alam kung na-convince ba siya ng mga salita ni Al o gusto lang niyang malaman kung ano talaga ang nararamdaman niya. Ngunit sa dulo, naglakad pa rin siya papunta sa silid.
Pagpasok niya, tumigil ang oras. Nandoon si Ar, nakahiga, walang malay, payat at maputla. Sa unang pagkakataon, hindi niya ito nakita bilang Ar na bumilanggo sa kanya. Nakita niya ang isang lalaking wasak, pagod, at tila iniwan ng lahat. Ang dating matalim na titig ay napalitan ng kahinaan. At doon, may sumundot na sakit sa kanyang dibdib, mas matindi kaysa alinmang sugat na naranasan niya.
Naupo siya sa gilid ng kama. Ilang minuto lang sana, ngunit naging oras. Pinagmamasdan niya ang bawat paghinga nito, ang payat nitong mga kamay na minsang gumapos sa kanya. Ngayon, tila ba iyon ang pinakamahinang kamay na nakita niya.
At sa katahimikan ng silid na iyon, natanggap niya ang katotohanang matagal niyang tinatanggihan.
Hindi niya alam kung kailan nagsimula, hindi niya alam kung paano. Ang alam lang niya, sa kabila ng lahat, iyon ang katotohanan. Ang pinakamalupit na biro ng tadhana, at ang pinakamalinaw na sagot sa nararamdaman niya para dito.
Gusto sana niyang takasan ito. Pero nanatili siya.
Ilang oras ang lumipas bago gumalaw si Ar. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata. Sa una, parang hindi nito maiproseso kung sino ang nasa tabi niya. Ngunit nang makita siya, nanigas ang katawan nito, parang nanaginip.
“Hale…” bulong nito, halos hindi marinig. Inangat ang kamay at marahang hinaplos ang pisngi niya, parang hindi makapaniwalang totoo.
Hindi siya umatras. Hinayaan niyang manatili ang kamay nito.
“I thought I was dreaming,” sabi ni Ar, boses ay basag at pagod.
“You’re not,” sagot niya.
Tahimik silang dalawa. At sa katahimikan na iyon, nawala ang lahat ng tanong.
Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya umiyak. Tanging isang malalim na hinga lang ang pinakawalan niya, tanda ng pagsuko.
At sa wakas, bumulong siya ng mga salitang hindi na niya kayang ipagkaila.
“I don’t know when it happened. I don’t even know how. But it’s real. And I’m done fighting it.”
At sa unang pagkakataon, hinayaan niyang mahalin ito.
Hindi iyon simula ng perpektong kwento. Pero iyon ang dulo ng pagtanggi, at ang umpisa ng isang katotohanan na wala na siyang laban.
Minsan, kahit ang sugat, nagiging tahanan.
WAKAS.
Thank you for finishing the story. If you want to help me maintain the website, you can donate any amount here: DONATE

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.