Sinasabi ng matatanda na may halimaw na namumuhay sa kailaliman ng kagubatan-isang mabangis na itim na lobo na hindi dapat lapitan. Ngunit ang hindi alam ng lahat… ang halimaw na ito ay isang isinumpang engkanto, nakakulong sa isang katawan na hindi kanya.
Matagal na niyang tinalikuran ang pag-ibig. Walang babaeng lupa ang kailanman ay naglakas-loob na mahalin siya. Sa bawat pagtanggi at pagtataksil, lalong lumalim ang kanyang galit sa mga tao-hanggang sa dumating siya.
Isang dalagitang nagbago ng lahat.
Hindi lang katawan nito ang nais niyang angkinin, kundi pati puso’t kaluluwa. Ngunit magiging sapat ba ang pag-ibig upang basagin ang sumpang bumalot sa kanya? O isa na namang trahedya ang magaganap sa pagsapit ng bilog na buwan?
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.