This entry is part 1 of 16 in the series Lost Heart

Lost Heart

Dalawang taon. Dalawang taon na siyang nakakulong sa mundong ginawa ni Ar-isang mundong wala siyang boses, walang kontrol, at walang pag-asa. Kinuha nito ang lahat sa kanya-ang kalayaan niya, ang mga taong mahal niya, at maging ang sarili niyang buhay.

Kinulong siya ng binatang walang puso ngunit may matinding obsesyon sa kanya. Isang obsesyon na hindi niya maintindihan, hindi niya matakasan.

Bawat sandaling lumillipas ay iniisip niya kung may katapusan pa ba ang bangungot na ito. Kung may pagkakataon pa siyang tumakas. Pero paano? Hanggang kailan siya magpapakahon sa mundong hindi niya pinili?

Series NavigationCHAPTER 1: Prisoner of Desire >>