- Lost Heart
- CHAPTER 1: Prisoner of Desire
- CHAPTER 2: Fading Reflection
- CHAPTER 3: The Lies That Bind
- CHAPTER 4: Held in the Dark
- CHAPTER 5: Bound to Him
- CHAPTER 6: When She Was Gone
- CHAPTER 7: The Life She Chose
- CHAPTER 8: A Familiar Portrait
- CHAPTER 9: He Found Me
- CHAPTER 10: His to Keep, His to Break
- CHAPTER 11: No Escape from You
- CHAPTER 12: Torn Between Us
- CHAPTER 13: Nowhere to Run
- CHAPTER 14: Buried Truths
- CHAPTER 15: The Child I Never Knew
- CHAPTER 16: Where Freedom Begins
- CHAPTER 17: The Game of Silence
- CHAPTER 18: When We Finally Stood Equal
- CHAPTER 19: The Surrender
- EXTRA CHAPTER: Island Conflict
Malalim ang tunog ng makinang nagmomonitor sa puso ni Ar, ang bawat beep ay tila bumabanda sa katahimikan ng kuwarto. Mahinang ugong ng oxygen machine ang bumubulong sa hangin, kasabay ng tunog ng intravenous drip na dumadaloy sa kanyang ugat. Ang ilaw sa kisame ay malamlam, at ang amoy ng gamot ay bumabalot sa buong silid.
Mabigat ang kanyang talukap, tila may nakadagan sa kanyang ulo. Dahan-dahan, nagmulat si Ar. Una niyang nakita ang puting kisame, ang malalabong anino ng fluorescent light na bumubulag sa kanyang paningin. Sinubukan niyang igalaw ang kanyang daliri, ngunit mahina ang mga ito. Kasabay nito, naramdaman niya ang malamig na metal ng pulse oximeter sa kanyang hintuturo.
Napuno ng pasa ang kanyang katawan, ngunit hindi iyon ang pumukaw sa kanyang isipan. Tuluyan siyang nagmulat, unti-unting lumilinaw ang kanyang paningin.
“You’re finally awake,” malamig na tinig ngunit may bahid ng pag-aalalang boses ang narinig niya.
Si Al.
Sinubukang gumalaw ni Ar, ngunit dumaan ang matalim na sakit sa kanyang tagiliran. Napakunot siya, saglit na napapikit bago muling minulat ang kanyang mga mata.
“Where is she?” garalgal niyang tanong.
Tahimik na tumitig sa kanya si Al, ang mukha nito’y puno ng tensyon at may bakas ng puyat. Halatang ilang araw na itong hindi natutulog nang maayos. Ngunit sa halip na sagutin ang tanong niya, bumuntong-hininga ito at tumayo mula sa upuan nito. Kumuha ito ng baso ng tubig mula sa tray sa gilid at iniabot sa kanya.
“Drink first,” mahina nitong sabi.
Inabot niya ang baso, nanghihina ang kamay niya habang dahan-dahang inilapit ito sa kanyang mga labi. Ang unang lagok ng tubig ay malamig, dumulas ito pababa sa kanyang tuyong lalamunan. Ilang segundo siyang tahimik bago muling ibinalik ang baso sa tray.
Ngunit kahit nilamon ng katahimikan ang kuwarto, may isang bagay na hindi niya magawang iwaglit sa kanyang isipan. May isang bagay na kulang.
May isang taong dapat ay nandoon sa tabi niya.
Mas matigas na ang tinig niya ngayon. “Where is she?”
Nagkatinginan sila ni Al. At sa isang iglap, alam niyang may hindi tama. Ang paraan ng pagkuyom ng kamao ni Al, ang paraan ng pag-iwas nito sa kanyang mga mata, isang bagay ang hindi nito sinasabi sa kanya.
“Nasaan siya, Al?” ulit niya, mas mariin ang boses.
Napapikit si Al, pilit na pinapakalma ang sarili. Ngunit sa huli, hindi niya napigilan ang pagbugso ng galit.
“Damn it, Ar! You almost died, but that woman is all you think about?!” galit na sabi ni Al, ang kanyang tinig ang tuluyang gumising kay Ar.
“Wala na siya, Ar. Tumakas siya. Umalis siya noong araw ding naaksidente ka. And she didn’t even look back. Not even once.”
Pagkarinig nito, pilit na bumangon si Ar, hindi inalala ang mga benda sa kanyang katawan o ang mga tubong nakakabit sa kanya. Mas matindi ang nag-aalab na galit sa kanyang dibdib.
“Where?” malamig niyang tanong habang pilit na tinatanggal ang IV sa kanyang braso.
“Ar, stop!” sigaw ni Al, mabilis na lumapit upang pigilan ang kapatid. Ngunit malakas si Ar, kahit may sugat pa ito. Hinawakan niya ang damit ni Al, mahigpit na piniga na parang kaya niyang baliin ang buto ng sinuman sa galit niya.
“You let her go!” sigaw niya, puno ng panunumbat. “You should’ve stopped her! You should’ve fucking done something!”
Mabilis namang sinubukang itulak ni Al si Ar pabalik sa kama, ngunit hindi bumibigay si Ar. Napuno ng ingay ang kuwarto nang magsimula silang magpambuno, nag-aalab ang tensyon sa pagitan nila. Pumasok ang mga nurse, nag-aalalang sinubukang paghiwalayin sila, ngunit walang sinuman ang gustong bumitaw.
“She left you, Ar! What the hell do you think you’re doing? You almost died! And yet, you’re still chasing after someone who never wanted to stay?!” bulyaw ni Al habang pilit siyang isinasandal pabalik sa kama.
Hingal na hingal si Ar, nanginginig ang mga kamay sa galit. “You don’t get to decide that for me! You had no right!”
Matalim ang titig ni Al. “And you think you had the right to keep her like a prisoner?! Open your damn eyes, Ar! You’ve lost her! No amount of searching will bring her back if she doesn’t want to be found.”
Sa wakas, bumigay ang katawan ni Ar. Bagsak siyang bumalik sa kama, malalim ang paghinga, nanlalabo ang paningin dahil sa galit at pagod. Nanginginig ang kanyang kamay, mahigpit na nakakuyom sa bedsheet.
Matapos makalabas sa ospital, agad na bumalik si Ar sa kanyang mansyon. Hindi pa man lubusang gumagaling ang kanyang sugat, pinuno na niya ng utos ang kanyang mga tauhan. Araw-araw, may bagong report ng mga lugar kung saan nila hinanap si Hale, mga hotel, probinsya, maging sa ibang bansa, ngunit wala siyang natagpuan.
Sa tuwing may negatibong resulta ang paghahanap, mas lalo siyang nagiging malamig.
“Find her. I don’t care how much it costs. I don’t care how long it takes. Just bring her back.”
Sa bawat araw na lumilipas nang wala si Hale, mas lalong lumalalim ang dilim sa kanyang mga mata.
Bumalik si Ar sa kanyang opisina na parang hindi siya halos nagpahinga ng ilang linggong nakalilipas.
“Sir, here are the new reports for the Singapore expansion—”
“I don’t care. Just make sure it gets done.”
Tahimik ngunit puno ng tensyon ang bawat meeting. Ang kanyang mga empleyado ay nag-aalalang lumapit sa kanya, takot sa biglaan niyang pagsabog ng galit. Hindi ito nagpapakita ng kahit anong emosyon maliban sa inis at kawalan ng pasensya.
Kahit si Al ay napansin ito.
“You’re losing it, Ar,” matalim nitong sabi isang gabi habang nag-iinom sila sa opisina.
Hindi ito sumagot. Tanging ang tunog ng basong ibinaba ni Ar sa lamesa ang naririnig.
Sa loob ng kanyang mansyon, wala nang katahimikan. Ang bawat gabi ay naging impyerno para kay Ar. Sa halip na matulog, madalas siyang naglalakad sa hallway, dumadaan sa dating kwarto ni Hale, kung saan niya ito huling nakita.
Minsan, hinahawakan niya ang doorknob, iniisip kung bubuksan niya ba. Ngunit sa huli, palagi niyang tinatalikuran ang pinto, puno ng galit ang kanyang dibdib.
Sa ilang beses na hindi siya makatulog, mas pinili niyang gumamit ng alak upang mapanatag ang kanyang isip. Ngunit kahit anong dami ng inumin niya, hindi nito napapawi ang pagkauhaw niya—ang uhaw na muling makuha si Hale.
Habang patuloy ang kanyang paghahanap, sinubukan ni Al na ibaling ang atensyon ni Ar sa iba. Sunod-sunod ang mga babaeng ipinakikilala nito—mga elegante at makapangyarihang babae na maaaring umagaw ng atensyon ng kapatid niya. Isang gabi, nagpasya si Al na ipatawag ang ilan sa mga kilalang babae sa kanilang social circle, mga dalaga mula sa prominenteng pamilya na hindi lang magaganda kundi may pinag-aralan at may karisma.
Sa isang marangyang bar, nakaupo si Ar sa isang pribadong booth habang ang tatlong babaeng inimbita ni Al ay nagkukuwentuhan, pilit siyang kinakausap.
“So, Ar… I heard you just recovered. Must have been a terrifying experience,” ani Samantha, isang anak-mayamang sanay sa atensyon ng mga lalaki.
Hindi sumagot si Ar. Ininom niya lang ang alak sa baso niya, malamig ang tingin habang nakatitig sa kawalan.
“You’re looking quite well, though,” sabat ni Janine, ang isa pang babaeng naroon. Dahan-dahan niyang hinawakan ang braso ni Ar, bahagyang ipinaparamdam ang kanyang intensiyon. “Maybe you need something… or someone to take your mind off things?”
Biglang kumuyom ang kamao ni Ar bago mabilis na itinaboy ang kamay ng babae palayo sa kanya. “Get your hands off me.” Ang malamig na boses nito ay sapat upang mawalan ng kulay ang mukha ng babae.
Napangisi si Al at sumandal sa upuan. “Come on, Ar. Give yourself a break. You’ve been brooding for weeks. She’s gone. Move the fuck on.”
Hindi sumagot si Ar. Bagkus, kinuha niya ang bote ng alak at, sa isang iglap, inihagis ito sa dingding. Tumalsik ang bubog at tumilapon ang pulang likido na animo’y dugo, kasabay ng kilabot na dumaloy sa katawan ng mga babae.
Mabilis na nagsialisan ang mga ito, hindi na nagpaalam.
“Are you crazy?!” sigaw ni Al, agad na tumayo, hindi makapaniwala sa nasaksihan. “Do you really have to go that far?”
Hindi sumagot si Ar, ngunit ang titig niya ay puno ng isang bagay na hindi pa niya ipinapakita sa publiko—isang galit na hindi niya na kailanman natutunang pigilan.
He was always in control. Always composed. But now, he was unraveling.
Hanggang sa dumating ang isang gabi kung saan natagpuan ni Al si Ar sa loob ng isang bakanteng silid sa mansyon, nakaupo at walang imik. Ngunit ang unang napansin ni Al ay ang dugo sa kanyang mga kamay—hindi dugo ni Ar, kundi ng isa sa mga tauhan nito. Sa paligid, nagkalat ang mga basag na bote ng alak, wasak na muwebles, at mga papel na punit-punit.
“Ano ‘to, Ar?” malamig na tanong ni Al, pilit pinapanatili ang kontrol sa kanyang galit.
Dahan-dahang tumingin si Ar sa kanya, walang emosyon ang mga mata. “They failed,” maikli nitong sagot.
Napatingin si Al sa gilid, kung saan nakasalampak sa sahig ang isa sa mga tauhan ni Ar, duguan ang mukha at nanginginig sa takot.
Their father’s story was playing out once again.
Ngunit sa pagkakataong ito, may nakita si Al na mas malalim at mas mapanganib. Nawasak ang kanilang ama dahil sa babaeng nag-abandona dito.
Pero si Ar?
He wasn’t breaking. He was becoming something else.
“You’re losing control,” madiin na sabi ni Al. “This isn’t you.”
Hindi sumagot si Ar. Sa halip, tumayo ito at dahan-dahang naglakad palapit kay Al, bitbit pa rin ang nakakatakot na katahimikan.
“Then tell me, Al… what should I do?” bulong nito, puno ng banta.
Wala siyang makapang tugon para dito, hanggang sa lagpasan siya ni Ar at nagtuloy ito palabas. Dumako ang tingin ni Al sa magulong silid at sa mga tauhan nitong halos hindi na makagalaw sa takot. Bumalik ang tingin niya sa likod ng kapatid niyang unti-unting nilalamon ng kahibangan dahil sa isang babaeng walang damdamin para dito.
Napapikit si Al. He couldn’t let history repeat itself. He wouldn’t let Ar suffer the same fate. This had to end before it destroyed his brother completely.

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.