- Lost Heart
- CHAPTER 1: Prisoner of Desire
- CHAPTER 2: Fading Reflection
- CHAPTER 3: The Lies That Bind
- CHAPTER 4: Held in the Dark
- CHAPTER 5: Bound to Him
- CHAPTER 6: When She Was Gone
- CHAPTER 7: The Life She Chose
- CHAPTER 8: A Familiar Portrait
- CHAPTER 9: He Found Me
- CHAPTER 10: His to Keep, His to Break
- CHAPTER 11: No Escape from You
- CHAPTER 12: Torn Between Us
- CHAPTER 13: Nowhere to Run
- CHAPTER 14: Buried Truths
- CHAPTER 15: The Child I Never Knew
- CHAPTER 16: Where Freedom Begins
- CHAPTER 17: The Game of Silence
- CHAPTER 18: When We Finally Stood Equal
- CHAPTER 19: The Surrender
- EXTRA CHAPTER: Island Conflict
Ang malalakas na alon ang nagsilbing musika sa islang hindi pa nadidiskubre ng maraming turista. Sa loob ng tatlong taon, nagawa ni Hale na maitago ang sarili sa likod ng ibang pagkatao. Walang sinuman ang nakakilala sa kanya rito, maliban sa nag-iisang taong pinagkakatiwalaan niya—ang kanyang pinsang si Kris.
Nang makalaya siya sa binatang Fuentero, sinubukan niyang bumalik sa kanyang pamilya. Ngunit sa pagbabalik niya, natagpuan niyang hindi na siya bahagi ng kanilang buhay.
Ang kanyang ama, ay masaya na sa piling ng kanyang nakababatang kapatid. Ang kanyang ina, na dating babaeng isinakripisyo ang pangarap para sa pamilya, ngayon ay isa nang kilalang direktor at producer.
Hale stood there, watching from afar, waiting for even a flicker of sadness in their eyes. A trace of longing. A hint of pain. But there was none.
Wala ni isang bakas na hinahanap pa siya ng mga ito.
She realized it then.
She had already died in their hearts.
Umatras ang mga paa niya, nagbago ang kanyang direksyon at hindi na siya bumalik sa mga ito. Hinayaan niyang isipin nilang wala na siya.
Napagtanto niyang sa puso ng kanyang pamilya, siya ay tuluyan nang namatay. Tila isa siyang multong nilamon ng nakaraan, isang aninong hindi na nila hinahanap.
At sa muling pagtakas niya, isang tao lang ang alam niyang matatakbuhan.
Ang kanyang pinsang si Kris.
Matagal na itong namumuhay mag-isa sa isang isla na minana mula sa kanyang mga magulang. Ang huli nilang pagkikita ay noong ilibing ang mga magulang nito na parehong nasawi sa aksidente. Isinuko ni Kris ang lahat ng ari-arian sa kapatid ng ama nito maliban sa islang ito—ang tanging lugar kung saan marami itong alaala ng mga magulang nito. Simula noon, tila naglaho ito sa mundo.
Ngunit nang panahong desperado si Hale, ito ang unang sumagi sa isip niya. Alam niyang hindi maiisip ni Ar na hanapin siya rito.
Nang unang dumating siya sa isla, hindi makapaniwalang sinalubong siya ni Kris.
“Fuck, Hale! I thought you were dead!” bulalas nito, hindi alintana ang bumabagsak na ulan sa kanilang paligid. Halata sa boses nito ang pinaghalong pagkagulat at tuwa, ngunit nang malaman nito ang buong kuwento, mabilis itong napalitan ng galit.
“That’s fucked up, Hale! We should report this!”
Napayuko si Hale, ramdam ang pagod sa kanyang puso. “Ayoko na, Kris… Hindi ko na siya kayang harapin. Pagod na ako. Alam kong ikaw lang ang makakaintindi sa akin. I want to live for myself this time. Ayoko nang makipaglaro sa kanya. Ayoko na… Tulungan mo ako.”
Tinitigan siya ni Kris bago ito bumuntong-hininga. “Damn it, Hale…” Pero sa huli, pumayag ito sa isang kondisyong kailangan niyang magbago.
Dito nagsimula ang pagbabagong buhay ni Hale. Binago niya ang dating sarili, pinutol ang mahabang buhok, sinuot ang panlalaking damit, at kahit ang paraan ng kanyang pananalita at kilos ay kanyang binago. Naging estranghero siya kahit sa sariling repleksyon.
Wala nang bakas ni Hale ang naiwan. Ito ang naging bago niyang katauhan sa loob ng tatlong taon na paninirahan sa isla.
Sa isang coffee shop malapit sa dalampasigan, abala si Hale sa paggawa ng kape. Ang tunog ng espresso machine ay sumasabay sa mahihinang bulungan ng mga bisita. Sa kabila ng kanyang pagbabagong anyo, hindi maikakaila ang kakaibang aura niya, may kung anong misteryo sa kanyang presensya na umaakit sa iba.
“Excuse me, miss—ah, I mean, bro?”
Napatingin siya sa lalaking nasa harap niya. Isang photographer na nagbabakasyon sa isla. Nakangiti ito habang pasimpleng kinukunan siya ng litrato.
“Excuse me, did I say you could?” malamig niyang tanong.
Ngumiti lang ang lalaki. “Pasensya na. You just have this… interesting vibe. Parang may kwento ka.”
Matalim siyang tumingin bago inabot ang inorder nito. “Burahin mo. Ngayon na.”
Napailing ang photographer at tumalikod, ngunit hindi rin nagtagal at muli siyang sumulyap kay Hale.
Bumalik ang atensiyon ni Hale sa bagong order. Hindi ito ang unang beses na may nagpakita ng interes sa kanya, pero tulad ng dati, malamig ang pagtanggap niya. Ang simpleng pagpapakita ng mga ito ng interes ay sapat na upang lumayo ang loob niya. Hindi na niya muli gustong mahulog sa kamay ng iba.
Sa loob ng tatlong taon, ibang buhay ang natagpuan niya. Malayo sa kanyang pamilya, at malayo sa binatang Fuentero. Sa isla, wala siyang ibang inaalala kundi ang simple at tahimik na mga araw na dumarating sa kanya.
Ngunit kahit na malaya siya sa pisikal na pagkakakulong, may bigat pa rin sa kanyang dibdib. Para bang may bigat pa ring hindi niya mawaglit. Pakiramdam niya, kahit anong gawin niya, hindi pa rin siya ganap na malaya.
Tulad ng tatlong taon na ang nakalilipas, noong sinubukan niyang tumakas.
Three years ago…
Ang pagkakataong matagal nang hinihintay ni Hale ay dumating sa paraang hindi niya inaasahan.
Isang aksidente.
Lunod sa tensiyon ang buong mansyon nang bumagsak ang sasakyang sinasakyan ni Ar mula sa isang matarik na kalsada. Agad itong isinugod sa ospital, at sa unang pagkakataon sa loob ng dalawang taon, nagkaroon ng puwang si Hale upang makatakas. Alam niyang kung hindi siya aalis ngayon, hinding-hindi na siya magkakaroon ng isa pang pagkakataon.
Tahimik siyang gumalaw, tangan ang ilang piraso ng damit at perang palihim na ibinigay sa kanya ng isang hindi niya inaasahang tutulong sa kanya—si Al, ang nakababatang kapatid ni Ar.
“Bakit mo ako tinutulungan?”
Nakatayo si Al sa may pinto, nakapamulsa at malamig ang titig. “You know, Hale, I’ve seen a lot of crazy things in my life, but my brother losing his damn mind over one woman?” He let out a dry chuckle, shaking his head. “Ano bang ginawa mo sa kanya? I’ve never seen him this obsessed with anything—or anyone—before. It’s almost impressive.”
Hindi tumugon si Hale kundi hinablot ang huling saplot at pinasok sa kanyang bag.
Dumilim ang anyo ni Al, tumalim ang tingin nito kay Hale nang makita niyang walang pag-aalinlangan sa mga kilos nitong iwanan ang kapatid niya.
“Umalis ka na bago pa nila mapansin.” Seryoso si Al. “At kung may halaga pa sa’yo ang buhay mo, huwag ka nang babalik. Dahil kapag nahuli ka ni Kuya…”
Hindi na kailangang marinig ni Hale ang huling banta nito.
Mabilis siyang tumalikod at tumakbo.
She didn’t look back.
She didn’t even hesitate.
For the first time, she wasn’t afraid.
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Hale ng marining ang tunog ng espresso machine.
Matapos ang buong araw niya sa coffee shop, dumiretso si Hale sa bar ni Kris.
Kinawayan siya ng pinsan niya nang makita siya nito ngunit hinarang ang kanyang paningin ng binatang huminto sa harap niya.
“Hey, want a drink with me?”
Hindi ito pinansin ni Hale at dumiretso sa pinsan niya.
Humagalpak ng tawa si Kris nang umupo siya sa tabi nito.
“Pang-ilan na ‘yan, Hale? Hindi ko na mabilang! Hindi ko alam kung magaling lang ang disguise mo o sadyang masyado ka lang talagang charming kahit sa boyish look mo!”
Wala siyang naging tugon sa komento nito.
Napabuntong-hininga si Kris bago ito yumuko at seryosong tumingin sa kanya. “Hale, you need to loosen up. Hindi mo kailangang seryosohin, just let yourself feel again. Hindi mo deserve ang trauma na iniwan niya.”
Nagpatuloy ito, marahang iginugulong ang baso sa pagitan ng mga daliri. “Alam kong takot kang masaktan ulit, pero Hale, the only way to truly be free is to stop living in his shadow. Hindi mo kailangang manatiling nakatali sa alaala ni Kiel. You don’t have to love someone right away, but you owe it to yourself to at least try. Don’t let what he did define you.”
Tahimik si Hale, nakatitig sa mapulang alak sa kanyang baso.
Ngumiti si Kris, nagtaas ng baso na parang nagpapatost. “Malay mo? Ang pag-ibig, minsan hindi hinahanap—kusang dumarating.”
Napatigil si Hale, tila binalot ng katahimikan ang paligid.
Pumikit siya, hinahayaang lumubog ang salitang iyon sa kanyang puso. Ngunit sadyang malalim ang iniwang sugat sa kanya ni Ar…
And no matter how much she ran, she could still feel the chains he left behind.

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.