This entry is part 10 of 21 in the series Lost Heart

Maagang nagising si Hale, kasabay ng pagmulat ng langit mula sa dilim patungo sa unang liwanag ng umaga. Bago pa tuluyang sumikat ang araw, binuksan na niya ang pinto ng coffee shop—isang tahimik na sulok sa tabing-dagat kung saan madalas magtipon ang mga mangingisda, turista, at lokal na residente ng isla.  

Habang hinihintay ang unang customer ng araw, inihanda niya ang mga coffee beans at inayos ang basket ng mga pastries na inihurno niya kagabi. Ang amoy ng nilulutong coffee beans at mainit na tinapay ay humalo sa maalat na simoy ng dagat, Isang kombinasyong pamilyar at nagpapagaan ng pakiramdam niya.

Habang tinatapos ang pag-aayos, dumating ang una niyang customer, si Mang Isko, isa sa mga pinakamatandang mangingisda sa isla.  

“Gaby! Naaamoy ko na naman ‘yang masarap mong kape,” nakangiting bati nito.  

Napangiti si Hale at hinandaan ito ng paborito nitong brewed coffee. Gaby, ang bagong pangalan na naging katauhan ni Hale sa loob ng tatlong taon.

Kinuha ni Mang Isko ang mainit na inumin na may munting ngiti. “Aba’y salamat, Gaby! ano kaya ang gagawin ng isla kung wala ka?”

Dumating ang ilan pang mga lokal upang mag-agahan sa coffee shop niya, nagdadala ng kwentuhan at halakhak sa loob ng café. Habang gumagawa siya ng mga order ng mga ito, naaaliw siyang nakikinig sa kanilang usapan—mga balita tungkol sa huling nahuling isda, ang parating na piyesta sa bayan, at ang mga bagong turistang dumating sa isla.  

Matapos ang umagang abala sa coffee shop, isinara niya ito saglit upang makapunta sa kanyang paboritong lugar—ang dagat. Nagsuot siya ng kanyang rash guard at kinuha ang surfboard na nakasandal sa gilid ng shop.  

Sa baybayin, sinalubong siya ng grupo ng mga batang mangingisda.

“Ate Gaby! Kasama ka ba ulit sa amin mamaya?” tanong ng isa habang bitbit ang isang basket ng bagong huling isda.  

Ngumiti siya. “Oo naman,”  sagot niya, sabay abot sa dala niyang paper bag na may lamang bagong lutong mga bread. “Pero bago ‘yan, mag-snack muna kayo habang naghihintay ng susunod na alon.”

Masiglang kinuha ng mga bata ang paper bag at sabay-sabay na nagpasalamat. Isa-isa nila itong kinain habang nakatingin sa alon, makikita ang kanilang pakasabik na maglaro sa tubig.

Matapos ang ilang oras ng pagsu-surf at pakikipaglaro sa dagat, bumalik siya sa dalampasigan upang tumulong sa mga matatandang nagbibilad ng isdang tuyo. Maingat niyang inayos ang mga isda sa malalaking lambat upang matiyak na matutuyo ito nang pantay sa ilalim ng araw.  

“Gaby, ang sipag mo,” biro ni Aling Pasing habang nilalapag ang isa pang basket ng isda. “Isang turista lang ang makakita sa’yo rito, sigurado akong bibili agad sila ng isdang tuyo!”

Napailing si Hale habang tinutulungan ang matatandang mangingisda.

“Maiba ako, dito ka na ba talaga sa isla mananatili? Paano ang buhay mo sa siyudad?”

Napangiti lang si Hale. “Mas gusto ko ang tahimik na buhay dito sa isla, Aling Pasing. Ang dami nang nangyari noon… masaya na ako dito.”

Napansin ni Aling Pasing ang saglit na lungkot sa mga mata ng dalaga, kaya tinapik niya ito sa balikat. “Alam mo, Gaby, minsan hindi mo kailangang takasan ang nakaraan. Darating ang araw, babalik at babalik ito sa’yo. Kaya pag dumating ang oras na ‘yon… handa ka dapat.”

Napatingin si Hale sa malawak na dagat, tila nag-iisip. Para sa kanya, ito ang naging kanlungan niya—ang lugar kung saan siya muling bumuo ng tahimik na buhay. Ngunit hindi niya alam na sa kabila ng payapang isla, may isang taong papalapit na upang guluhin ang katahimikang iyon.

Pagbalik ni Hale sa coffee shop, napako siya sa kinatatayuan. Muli niyang nakita ang likod na naging bangungot niya sa loob ng mahabang panahon. Sumikip ang dibdib niya, at sa isang iglap, nabitiwan niya ang surfboard na kanina’y mahigpit niyang hawak.

Mabilis niyang inilibot ang paningin, pilit na tinutukoy kung may iba pa itong kasama, kung may nagmamanman sa kanya. Ngunit wala. Tanging siya at ang lalaking buong buhay niyang iniiwasan.

Alam niyang maaaring dumating ang araw na matagpuan siya nito, lumipas na ang mga taon, inakala niyang napagod na ito sa paghahanap sa kanya. Ngunit ngayon, narito ito sa kanyang harapan.  

Subalit pagod na siya. Pagod na siyang magtago.  

Sa halip na umiwas o tumakas, tulad ng madalas niyang gawin noon, nanatili si Hale. Hinayaan niyang magtagpo ang kanilang mga mata—hindi na siya ang dating Hale na umiiwas dito. Dahil inakala niya noon, mayroon pa siyang babalikan, subalit ngayon, wala ng mawawala sa kanya kaya ano pang dapat niyang katakutan?

Humakbang palapit si Ar, ang malamig na titig nito ay may dalang panganib.

“Did you have fun leaving my side?”

Muling nasilayan ni Ar ang mga matang lumalasing sa kanyang isipan—mga matang puno ng galit at bahid ng takot, subalit nanatiling sumasalubong ng kanyang tingin.

Umangat ang kamay ni Ar sa leeg ni Hale, hinigpitan ang hawak habang malamig ang titig.

“You left me when I was on the brink of death. So tell me, Hale, how will you make it up to me?” hinila ito ng binata palapit sa kanya bago nito hinuli ang mga labing matagal nang nawalay sa kanya.

Sinubukang manlaban ni Hale ngunit lalo pang humigpit ang hawak nito sa kanyang leeg, at nadudurog ang kanyang labi sa marahas nitong paghalik.

Nauuhaw pa rin na binitiwan ni Ar ang mga labi ng dalaga. Hiindi ito sapat upang punan ang mahabang panahong nawala ito sa kanya. “Or will you just leave me heartlessly again?”

“Just kill me!” mariing sagot ni Hale, nakatingin ng diretso sa mga mata ni Ar. “I’d rather die than be your prisoner again.”

“You don’t get to decide that.”

Hinapit ito ni Ar sa bewang, pinipilit ang katawan ni Hale na dumikit sa kanya. Ramdam ng dalaga ang init ng kanyang balat, ang bigat ng kanyang presensya—ang parehong presensyang kinatakutan niya noon.

“Kung gusto mong mamatay, Hale…” ibinulong nito sa tainga niya, “…then you should have done it years ago. Because now, I’m never letting you go again.”

Nanatili si Hale sa mahigpit na pagkakahawak ni Ar, ramdam ang bawat pintig ng puso niya—hindi dahil sa takot, kundi sa galit. Alam niyang hindi ito aalis nang hindi siya isinasama, ngunit sa pagkakataong ito, hindi na siya magpapadala sa takot.

“At kung hindi ako sumama?” Mahinahon niyang tanong, subalit ang determinasyon sa kanyang boses ay matalim na tila patalim.

Isang mapanganib na ngiti ang lumitaw sa labi ni Ar bago ito yumuko, malapit sa kanyang tainga. “Then I’ll burn this island to the ground, and I’ll make you watch.”

Alam ni Hale na may laman ang banta ni Ar—hindi ito nagbibitaw ng salitang hindi nito kayang gawin. Subalit sa kabila ng pangamba, nanatili siyang matigas.  

“Then burn me with them. Believe me, Ar, I’d rather die here than be with you again.”

Lumuwag ang pagkakahawak ni Ar kay Hale nang maramdaman niyang hindi na niya ito mahawakan—hindi lang pisikal, kundi pati sa damdamin. Para bang hindi lang anyo nito ang nagbago, kundi maging ang puso nito.  

Sa unang pagkakataon, isang malamig na katotohanan ang tumama kay Ar.

Hindi na siya ang mundo ni Hale.

Lost Heart

CHAPTER 8: A Familiar Portrait CHAPTER 10: His to Keep, His to Break