This entry is part 11 of 16 in the series Lost Heart

Dumiin ang mga daliri ni Hale sa lukot na bedsheet, halos mapunit ang tela sa tindi ng kanyang pagkakakapit. Hindi niya alam kung paano pipigilan ang sarili mula sa panginginig. Ang malamig na hangin mula sa bukas na bintana ay tila walang epekto sa nagbabagang init na bumabalot sa kanya. Parang bakal na nakakadena sa kanyang katawan ang katawan ni Ar. Bawat galaw nito, bawat pagdikit ng balat nila ay nag-iiwan ng marka. Mainit. Mabigat. Kasing bigat ng tatlong taong parusa dahil sa pagtakas niya dito.

Lumapat ang labi ni Ar sa kanyang leeg, walang pagsuyo kundi halik na mapaghiganti. Ang bawat dampi ay parang marka ng pag-aari, isang paalala kung sino ang tunay na may hawak sa kanya. Malamig at marahas ang bawat pagdiin ng labi at ngipin nito, tila binabalikan ang mga dating markang iniwan nito. Mga latay na hindi nakikita pero bumabaon sa kanyang balat.

“Enough! I can’t do this anymore!” Sumasabog ang boses niya, nangunguna ang luha’t galit sa kanyang lalamunan habang pilit niyang itinutulak si Ar palayo.

Hinawakan ni Ar ang magkabilang pulso ni Hale, itinulak ito paitaas sa ulunan—parang isang bilanggo sa ilalim ng kanyang katawan.

“You said you’re tired of running away from me. Then why are you still resisting?” malamig na tanong nito, halos hindi umaangat ang tinig.

Napasinghap si Hale nang gumapang pababa ang halik nito — mabagal, parang sinusukat ang bawat pulgada ng balat niya na matagal nitong hindi nahawakan. Walang pagmamadali. Para bang sinasadya nitong iparamdam sa kanya kung sino ang kanyang tinatakasan. At sa bawat segundo ng kanilang pagdidikit, nararamdaman niyang muli siyang kinakadena sa mundong matagal na niyang iniwan.

Ang kanyang matinding pagtanggi ay nauwi sa marahas na pag-angkin nito sa kanyang katawan.

Dalawang araw nang hindi nakikita si Hale ng mga taga isla. Dalawang araw siyang kinulong ni Ar sa kwartong ito. Dalawang araw na ang mundo niya ay umiikot lamang sa pagitan ng apat na pader at sa mga bisig ng lalaking hindi niya matakasan. Sa bawat pagtanggi ni Hale, mas nagiging marahas ang pag-angkin nito sa kanyang katawan. Pinaparamdam sa kanyang wala siyang karapatang tanggihan ito.

“Tell me…” Mahinang bulong ni Ar, pero ang tinig nito’y parang patalim sa pandinig ni Hale. Ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang tenga, ang bahagyang paggalaw ng labi nito na tila nagbabanta. “Have you ever been with someone else when you’re not with me?”

Muling nagpumiglas si Hale sa narinig, pero lalong humigpit ang pagkakahawak ni Ar sa kanya. Sa bawat galaw, ramdam niya ang poot na bumabalot sa katawan nito—ang nanunuot na hinanakit ng pag-angkin.

“Have you?” Isang malamig na piraso ng salita ang lumabas sa bibig ng binata.

“Don’t you clearly know it already if I had?!” Sumidhi ang galit ni Hale, matalim at mapait. Isang sagot na hindi inaasahan ni Ar, sapat para bahagyang mabasag ang pagdidilim ng kanyang paningin. Muli niyang hinuli ang namumulang labi ng dalaga, bago ito siniil ng halik.

Sa pagkakataong ito, naging magaan ang mga haplos at halik nito sa kanya. Nagsimulang kabahan si Hale nang mapansin niyang ang marahas nitong pag-angkin ay nauwi sa pagiging mapusok.

Pilit na pinipigilan ni Hale ang mga ungol na nais kumawala mula sa kanyang bibig. Hindi man niya gustong aminin, ngunit pamilyar ang kanyang katawan sa sensasyong hatid ng binatang Fuentero. Ang pabangong nakadikit sa leeg nito, ang mainit nitong hiningang tumatama sa kanyang balat, at ang mapaghanap nitong mga labi na bumabaon sa kanya.

Ilang gabi ang dumaan ng hindi siya pinapakawalan ng bangungot nito. Sa bawat pagsara ng kanyang mga mata, naririnig niya ang mga bulong ni Ar, nararamdaman ang mga kamay nitong gumagapang sa kanya, pinipigilan siyang lumayo. Pilit mang itanggi ng puso niya ang binata ngunit ang katawan niya’y tuluyan na nitong naangkin. Kinamumuhian niya ang sarili dahil dito.

Kasabay ng agos ng tubig ang pagpatak ng mga luha ni Hale nang buhatin siya ni Ar papasok sa shower room. Wala na siyang lakas para itulak ito; sa halip, mahigpit na nakagapos ang kanyang mga braso sa batok ng binata—hindi dahil sa kagustuhan, kundi dahil wala na siyang ibang makakapitan habang nasa mga bisig nito.

Hinaplos ni Ar ang hubad na likod ni Hale. Ramdam niya ang mga pigil na hikbi nito. Dahan-dahan, dinapian niya ng magaang halik ang mainit nitong balat.

Ang galit na nararamdaman ni Ar para sa dalaga ay tuluyang natunaw nang masaksihan niya ang panghihina nito sa kanyang mga bisig. Kung mananatili itong ganito—mahina, nakasandig sa kanya—kaya niyang limutin ang sakit ng tatlong taong pangungulila niya sa pagkawala nito.

“Hale, natatandaan mo ba nang tinanong mo ako kung bakit kita nilunod noong una tayong nagkita?” Mahinang bulong niya sa gitna ng pagbagsak ng tubig. “Ginawa ko ‘yon dahil gusto kong kumapit ka sa akin—na parang ako lang ang mundo mo, ang tanging kailangan mo para mabuhay. You made me fall for you… kaya dapat, sa akin ka lang mahulog.”

Walang tugon na narinig si Ar ng tuluyang lamunin ng pagod ang katawan ni Hale. Kinapa ng mga daliri niya ang bakas ng kanyang kamay sa leeg nito.

He lost himself again.

Mula noong iwan sila ng kanyang ina para sa ibang lalaki, nawala na ang tiwala niya sa mga babae. Para sa kanya, ang damdamin ay nagbabago, isang ilusyon na madaling masira. Kaya nang mahulog siya kay Hale, hindi niya piniling suyuin ito—pinili niyang angkinin ito. In his mind, there was no point in fighting for a woman’s heart if, in the end, she would only change—just like his mother, who abandoned their family. Ngunit habang tinititigan niya ang maamong mukha ni Hale sa kanyang bisig, isang takot ang bumalot sa kanya. What if he breaks her because of his way of possessing her?

Humigpit ang pagkakahawak ni Ar kay Hale. Hindi niya maintindihan kung bakit may kirot sa dibdib niya. Hindi ba ito ang gusto niya? Na maging mahina si Hale sa kanyang piling? Na wala itong ibang matakbuhan kundi siya lang? Ngunit bakit tila may kung anong bigat na lumulubog sa kanya?

Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang noo sa buhok ng dalaga, pilit inaamoy ang banayad nitong samyo, hinahanap ang katiyakan na kanya na ito. Ngunit ngayong nasa bisig na niya ito, may bahagi ng kanyang sarili na hindi niya gustong harapin.

Paano kung hindi ito sapat upang tuluyan itong maging kanya? Paano kung isang araw, kahit nasa mga bisig niya si Hale, hindi niya pa rin mapunan ang pangungulila niya rito?

Series Navigation<< CHAPTER 9: He Found MeCHAPTER 11: No Escape from You >>