- Lost Heart
- CHAPTER 1: Prisoner of Desire
- CHAPTER 2: Fading Reflection
- CHAPTER 3: The Lies That Bind
- CHAPTER 4: Held in the Dark
- CHAPTER 5: Bound to Him
- CHAPTER 6: When She Was Gone
- CHAPTER 7: The Life She Chose
- CHAPTER 8: A Familiar Portrait
- CHAPTER 9: He Found Me
- CHAPTER 10: His to Keep, His to Break
- CHAPTER 11: No Escape from You
- CHAPTER 12: Torn Between Us
- CHAPTER 13: Nowhere to Run
- CHAPTER 14: Buried Truths
- CHAPTER 15: The Child I Never Knew
Sumunod na araw, bumalik si Hale sa kanyang coffee shop, nakipag-surf kasama ng mga bata, at tumulong sa mga matatandang mangingisda sa pagbibilad ng huling isda. Sa kabila ng pagpipilit niyang bumalik sa dati, isang anino ang laging nasa likuran niya.
“Gaby,” bulong ni Aling Pasing habang nag-aayos ng lambat. “Sino ‘yung binatang laging nakasunod sa’yo? Ang gwapo ah!”
Napahinto si Hale, sa gilid ng mata niya, kita niyang nakangiti at nagbubulungan ang mga babaeng mangingisda, halatang kinikilig sa presensiya ng lalaking tinutukoy ni Aling Pasing. Sanay na silang makita siyang may kausap na turista, pero ngayon lang nila nakita na may lalaking madalas na kasama niya.
“Kaibigan ko po siya mula sa siyudad,” sagot niya, pilit na inililihim ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi maintindihan ni Hale kung ano ang pinaplano ni Ar. He wasn’t forcing her to leave with him, but he never once left her side. Pilit niyang binalewala ang presensiya nito ngunit hindi rin siya pinapatulog ng banta nito sa kanya.
Sa di kalayuan, nakasuot ng sunglasses si Ar, tahimik na pinagmamasdan si Hale mula sa lilim ng isang puno. Hindi niya maiwasang pagmasdan kung paano ito nakangiti habang nakikipag-usap sa mga bata, kung paano ito tumutulong sa mga mangingisda na animo’y matagal na niyang ginagawa. Hindi niya alam na may ganitong bahagi si Hale—na kaya nitong makisalamuha sa mga bata at matatanda sa isla. Lumaki ito sa isang marangyang pamilya na hindi sanay sa hirap, pero tila hindi ito nahirapang makisama sa simpleng buhay dito. Binago man nito ang anyo nito ay nakikita parin ni Ar ang Hale na nakilala niya. The way she smelled, the depth in her eyes, the softness of her body. She was still his Hale. But he wanted to see more. Gusto niyang makita ang mga bagay na hindi nito pinahihintulutang makita niya.
“Are you really that serious about my cousin?”
Napatingin si Ar sa likuran niya. Si Kris, naka-de-kuwelyong puting polo at shorts, nakasandal sa puno, may hawak na beer. Diretso ang tingin nito sa kanya, matalim at may bahid ng panunuya.
“I hope you’re not just another heartless bastard na magpapakasal sa iba matapos malaman na nawawala ang fiancée niya.” Sumimsim ito sa beer at ngumisi. “O isang psychopath na gusto siyang ikulong at gawing pagmamay-ari niya. Newsflash, she’s been through hell. Kaya kung isa ka lang sa mga hayop na ‘yon, sabihin mo na ngayon—dahil kung hindi, I swear, this island will be your grave.”
Hindi natinag si Ar. Sa halip, tinanggal nito ang sunglasses at tumingin nang diretso kay Kris. “How are you different? Did you truly help her or trap her again in this island?” malamig nitong tanong. “Hindi siya nababagay sa lugar na ito. She can’t spend the rest of her life here.”
Natigilan si Kris. Sinusuri kung gaano karami ang alam nito tungkol kay Hale. “She will never leave this island. Meron siyang hindi kayang iwan sa lugar na ito.”
Nagtatanong ang tingin ni Ar.
“She’ll tell you when she’s ready. And if not, maybe you’re not worth it.”
Naglakad na si Kris palayo, patungo kay Hale, iniwan si Ar na nakatanaw pa rin. Ano pa ang hindi niya alam? Ano ang nangyari sa tatlong taon na nawala si Hale sa kanya?
Bumalik si Hale sa coffee shop matapos niyang tulungan ang matatanda. Nadatnan niyang maraming customer ang naghihintay sa pagbubukas niya.
Sumunod na dumating si Ar at nakita niyang abala si Hale sa pagtanggap nito ng mga order. Noong una ay akala niya’y inaabala lamang ni Hale ang sarili sa lugar na ito, ngunit habang nagmamasid siya sa dalaga, nakita niyang dito ibinuhos ni Hale ang panahon nito ng mawala ito sa tabi niya.
Nagulat si Hale nang biglang lumapit si Ar at tahimik na sinimulang tulungan siya sa paggawa ng kape gamit ang espresso machine. Ramdam niya ang bigat ng tingin nito habang abala siya sa pagtanggap niya ng mga order.
Akala niya’y manonood lang ito—katulad ng dati—pero nagulat siya nang bigla itong humawak ng tasa at walang sabi-sabing sinimulang gawin ang proseso. Hale watched, half-expecting him to fumble with the machine, but to her surprise, Ar executed every step with precise, effortless movements. The way he ground the beans, tamped them down, and pulled the espresso shot—it was flawless, as if he had done it a hundred times before. Parang alam na alam nito ang ginagawa, na para bang dati na itong barista.
Napako si Hale sa kinatatayuan. Hindi niya maintindihan kung bakit pero may kung anong bumigat sa pakiramdam niya habang pinapanood si Ar. Ito ba ang paraan ni Ar para ipakita sa kanyang pinahahalagahan nito ang mga bagay na importante sa kanya? The sight of him doing this for her felt almost unnatural, unsettling even. Hindi siya sanay na ginagawa nito iyon para sa kanya. Hindi siya nakaramdam ng ganito ng bigyan siya ni Ar ng mga mamahaling alahas o ano mang materyal na bagay na kaya nitong ibigay. Ang lahat ng iyon ay walang espesyal na kahulugan para kay Hale.
Bumalik si Hale sa pagtanggap ng order at pilit na ibinaling sa ginagawa ang kanyang atensiyon kahit nanganganib ang pagkalat ng kakaibang kaba sa kanyang dibdib.
Hindi lamang nanatili si Ar sa tabi niya kundi sinubukan din nitong gawin ang mga bagay na ginagawa niya. Kung sa tingin nito ay magbabago ang desisyon niya dahil sa ginagawa nito, isa iyong malaking pagkakamali. Dahil sa umpisa palang ay mali na ang naging simula ng relasyon nila ni Ar. Hindi niya makita ang sarili niyang malaya sa tabi ng binata. Mas nangingibabaw ang madilim na karanasan niya sa mundo nito. Huli na upang baguhin nito ang isip at nararamdaman niya. Hindi nito mabubura ang malaking pilat na ito mismo ang may gawa.
Habang sinasamahan ni Hale ang mga bata sa dagat, biglang may isang batang hindi lumitaw sa ibabaw ng tubig. Agad siyang kinabahan at sumisid para hanapin ito, pero isang malakas na bisig ang pumigil sa kanya.
Si Ar.
Bago pa siya makapalag, ito na mismo ang lumusong sa ilalim ng tubig. Ilang saglit lang, umahon ito, buhat ang bata na agad huminga at umiyak.
Nanghihina ang mga paang tumakbo si Hale sa kinaroroonan ng mga ito.
Dumako ang tingin niya kay Ar ng pinasa nito sa bisig niya ang bata. Hindi niya akalaing kayang gawin ni Ar ito. Hindi ito ang Ar na kilala niya. Ito ang lalaking walang pakialam sa ibang tao. Alam niyang kaya nitong abandonahin ang sinuman ng walang alinlangan, pero ngayon… ngayon, iniligtas nito ang isang inosenteng bata.
“Why did you save him?” hindi mapigilang tanong ni Hale ng bumalik sila ng shop.
“Then should I watch you put yourself in danger?” malamig na sagot nito. “Don’t ever do that again.”
Hindi maintindihan ni Hale kung ano ang dapat niyang maramdaman. Niligtas lamang ni Ar ang bata dahil ayaw nitong mapahamak siya. He’s still the same Ar three years ago.
“You should keep him,” bulong ni Kris kay Hale ng marinig nito ang pag-uusap nila ni Ar.
Hinarap ni Hale ang pinsan niya ng makita niyang lumabas si Ar ng coffee shop upang sagutin ang tawag nito sa phone. “Kris, hindi mo alam ang sinasabi mo.” Kung alam lang nito kung sino si Ar, natitiyak ni Hale na hindi makakatapak ang binatang Fuentero sa islang ito. Inilihim niya ito dahil ayaw niyang madamay ang pinsan niya.
“Pakiramdam ko marami ka nang naopen sa kanya tungkol sa sarili mo. So why can’t you give him a chance? Maaari mo nang iwanan ang islang ito at magsimula ulit.”
“Kris, hindi ko iiwan ang islang ito, hindi ko kayang iwan…” Hinaplos ni Hale ang kanyang tiyan, tila hinahanap ang bakas ng isang nakaraan na hindi na niya maibabalik.
Nawala ang ngiti ni Kris. “I’m sorry.” Hinawakan nito ang nanginginig na kamay ni Hale. “Pero hindi mo iyon kasalanan. Hindi mo alam na nagdadalang-tao ka noon.”
“But I could’ve saved the baby if I stayed with him… but I didn’t. I recklessly ran away to save myself.”
Ito ang lihim na hindi kayang buksan ni Hale kay Ar. Alam niyang may karapatan itong malaman iyon dahil ito ang ama, subalit natatakot siyang gamitin ito ni Ar upang matali siya sa tabi nito. In the end, she’s still selfish for choosing herself.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.