- Lost Heart
- CHAPTER 1: Prisoner of Desire
- CHAPTER 2: Fading Reflection
- CHAPTER 3: The Lies That Bind
- CHAPTER 4: Held in the Dark
- CHAPTER 5: Bound to Him
- CHAPTER 6: When She Was Gone
- CHAPTER 7: The Life She Chose
- CHAPTER 8: A Familiar Portrait
- CHAPTER 9: He Found Me
- CHAPTER 10: His to Keep, His to Break
- CHAPTER 11: No Escape from You
- CHAPTER 12: Torn Between Us
- CHAPTER 13: Nowhere to Run
- CHAPTER 14: Buried Truths
- CHAPTER 15: The Child I Never Knew
- CHAPTER 16: Where Freedom Begins
- CHAPTER 17: The Game of Silence
- CHAPTER 18: When We Finally Stood Equal
- CHAPTER 19: The Surrender
- EXTRA CHAPTER: Island Conflict
Nagbukas si Kris ng kahon ng mga libro at magazine na kakarating lang sa isla. Hilig niyang magbasa, isang bagay na pareho nilang kinahihiligan ni Hale. Hindi lang mga libro, kundi pati mga magazine, lalo na ang tungkol sa entertainment at negosyo. Sa gitna ng pagtungga niya ng malamig na beer, halos mabilaukan siya nang makita ang isang pamilyar na mukha sa cover ng isang magazine.
Matalim ang titig ng lalaking nasa litrato. Kahit sa papel lang, ramdam ni Kris ang kilabot na dala nito.
“Fuck…” bulong niya habang mabilis na tumayo. Hindi na niya tinapos ang iniinom at nagmamadaling lumabas. Kailangan niyang makita si Hale.
Dumiretso siya sa tinutuluyan ng pinsan niya. Ngunit bago pa man niya mabuksan ang pinto, ito na mismo ang bumukas, at bumungad ang lalaking kinasusuklaman niya.
Si Ar Valerio Fuentero.
Parang kinurot ang dibdib ni Kris. Halos tatlong taon nang nakatakas si Hale mula sa bangungot na dulot ng lalaking ito. Pero heto siya ngayon, bumalik upang muling angkinin ang babaeng pilit nang kumakawala sa kanya.
Sumasabog na ang dibdib ni Kris sa galit, halos hindi siya makapaniwala. Pagkatapos ng lahat ng ginawa nito kay Hale, may mukha pa itong magpakita sa lugar na ito, sa mismong isla na naging kanlungan ng pinsan niya sa loob ng tatlong taon.
Nag-apoy ang dugo ni Kris sa matinding galit. Hindi niya kayang sikmurain ang presensiya ng demonyong ito sa harapan niya.
“You’ve got some fucking nerve showing your face here!” sigaw ni Kris, walang pakialam kung marinig man ng buong isla. “Matapos ang lahat ng ginawa mo kay Hale, basta ka na lang babalik sa buhay niya na parang walang nangyari? Na parang hindi ikaw ang sumira sa kanya?!”
Tulad ng dati, malamig at walang emosyon ang tingin ni Ar. Pero hindi siya umatras, kahit isang hakbang. Lalong nag-init ang ulo ni Kris sa kawalan ng reaksyon nito. Lumapit siya, halos idikit ang daliri sa mukha ni Ar.
“You sick, obsessive bastard,” halos pabulong pero punong-puno ng lason ang bawat salita ni Kris. “You don’t get to wreck her life again just because your twisted little brain can’t handle losing something for once.”
Bahagyang lumalim ang tingin ni Ar, ngunit hindi iyon sapat para mahimasmasan si Kris. Lalo lang siyang naging mapangahas.
“I swear to God, Ar Valerio Fuentero, if you even think about dragging her back into your fucked-up world, I will burn you to the fucking ground. I’ll make sure the whole goddamn world sees you for the soulless, obsessive piece of shit you really are.”
Sinalubong ni Kris ang matalim na tingin ni Ar, hindi natinag sa presensya ng lalaking kinatatakutan ng marami.
“You may have everything, but I’ve got nothing to lose. Kaya lumayas ka sa isla ko o sisiguraduhin kong pagsisisihan mo na bumalik ka sa buhay ni Hale.”
Bumaba ang boses ni Kris, mas nakakatakot kaysa sa kanyang sigaw kanina. Isang bulong na punong-puno ng galit at pangako ng paghihiganti.
“You destroyed her once. Over my dead fucking body will you do it again.”
Natahimik ang paligid, pero ramdam ang tensyon at poot sa dibdib niya. Siya ang nagmamay-ari ng isla, at walang lugar ang isang halimaw sa mundo niya.
“Are you done?” malamig na tanong nito. Simula nang pagbuksan siya nito ng pinto, hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.
Napasinghap si Kris. “Putang ina…”
“Do you really think you can scare me with all your empty threats?” Hindi siya pinansin ni Ar. “This island you’re so proud of? It’s hanging by a thread.” Mas naging malamig ang tinig nito.
“I spoke to your uncle,” patuloy ni Ar. “He’s more than willing to sell me this island. Everything, the land, the houses, the businesses, all of it. Do you know why? Because he doesn’t give a damn about you. Ang mahalaga lang sa kanya ay kung magkano pa ang mapipiga niya mula sa iniwang yaman ng ama mo.”
Nanlaki ang mga mata ni Kris.
Alam niya.
Alam niya ang tungkol sa tiyuhin niya, ang kasakiman nito, at ang matagal nang plano nitong bawiin ang isla, ang huling alaala ng kanyang mga magulang. Pero ang kinatatakutan niya ay binasag ni Ar nang walang pag-aalinlangan.
“Kahit bilhin mo ang isla, hindi mo hawak ang mga tao dito,” matapang na sagot ni Kris. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan. Hindi sa harap ng halimaw na ito.
Umatras si Kris mula sa pinto nang humakbang ang binatang Fuentero palapit sa kanya.
“Bakit sa tingin mo inilihim sa’yo ni Hale kung sino ako?” patuloy ni Ar habang isinara ang pinto sa likod niya. “She knows I can make every single person on this island lose their jobs, their homes, everything they’ve built here.”
“Fuck you,” napasinghal si Kris, pero ramdam niyang nadagdagan ang kanyang kaba. Dahil totoo lahat ng sinabi nito. Mahigpit na nakasara ang mga kamao niya, halos bumaon na ang mga kuko niya sa sarili niyang palad sa sobrang gigil.
Hindi niya matanggap. Hindi niya kayang lunukin na muling mahulog si Hale sa kamay ng lalaking ito. “You think you love her? Putang ina, hindi mo siya mahal, you destroy her! At paulit-ulit kang bumabalik para lang durugin ang kung anuman ang natira sa kanya.”
Humigpit ang hawak ni Kris sa sarili, pilit pinipigil ang emosyong sumusungaw sa kanyang mga mata.
“Alam mo ba kung ano talaga ang ginawa mo sa kanya?!” sigaw niya. “Alam mo ba kung gaano siya nagdusa matapos niyang tumakas sa’yo? She didn’t even know she was pregnant! She was fucking pregnant when she left you!”
Tila natahimik ang hangin sa paligid. Maging ang dagat sa di kalayuan ay naglaho sa kanilang pandinig.
“At alam mo ba kung bakit hindi niya maiwan ang islang ‘to?” Nanginig ang boses ni Kris, pero mas nag-aapoy ang galit niya. “Dahil dito nakalibing ang anak niya, ang anak ninyong dalawa! She’s been living with that guilt, blaming herself every fucking day!”
Tinitigan niya si Ar, puno ng poot ang mga mata.
“Kinuha mo ang buhay niya. Kinuha mo ang anak niya. Kinuha mo ang lahat sa kanya, kaya bakit hindi mo pakawalan?!”
Matagal ang katahimikan. Ngunit ang panlalalim ng tingin ni Ar, ang pagdidilim ng mga mata nito, ay nagbabadya ng panganib. Kilabot ang dala ng katahimikan niya, mas mabigat pa kaysa sa lahat ng binitawang salita ni Kris.
Sa kabila ng matinding galit ni Kris, tila nabuhusan siya ng malamig na tubig nang mapagtanto niyang nailabas niya ang masakit na lihim na matagal nang tinatago ni Hale. Para siyang nanlambot, nanginginig ang buong katawan sa bigat ng katotohanang nabunyag.

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.