This entry is part 2 of 2 in the series Dark Rose

“Isang Hardinero Lang.”

Para kay Fatima, isang laruan lang—isang gwapong alipin na madaling mahuhulog sa kanyang patibong. Pero isang bagay ang hindi niya inasahan: isang hardinero lang… ang tatanggi sa kanya.

Sanay si Fatima na pinag-aagawan ng mga lalaki, kaya nang harap-harapang tanggihan siya ni Paulo, hindi siya makapaniwala. Isang hamak na hardinero ang nagbasura sa kanya? Impossible. Pero habang naiwan siyang nag-iisip, may isang taong lihim na nakangiti sa gilid…

Sino ang totoong naglaro? At sino ang nahulog sa sarili niyang bitag?

CHAPTER 1: Isang Hardinero

“Ang gwapo naman ng Hardinero niyo Beatriz.”

Humahangang pinagmamasdan ni Fatima ang binatang nagdidilig ng halaman sa malawak na hardin na napupuno ng makukulay na bulaklak. Mula sa swimming pool sa ikalawang palapag ng mansion, tanaw nilang dalawa ni Beatriz ang hardinerong walang pang-itaas na suot habang abala ito sa trabaho sa ilalim ng araw. Morenong-moreno ang balat nito dahil lagi itong nagbibilad sa araw ngunit lalo lang iyon nagpadagdag sa karisma ng binata.

Kinupkup ito ng ina ni Beatriz ng maliit pa lamang ito at hanggang ngayon ay nagsisilbi ito sa pamilya nila.

“Gwapo nga,” sagot ni Beatriz, ngunit walang interes ang boses. “Pero isa lang naman siyang hamak na hardinero.”.

“Ayaw mo ‘non? May sarili kang laruan kapag naiinip ka,” pilyang kindat ni Fatima sa kaibigan.

“Ni minsan ay hindi pumasok sa isip kong pumatol sa isang hampaslupa.”

“Kung gano’n okay lang ba sayong tikman ko ang hardinero niyo?” lumalim ang pagkakangiti ni Fatima sa nais niyang ipahiwatig.

“Gawin mo ang gusto mo.” Walang interes na sagot ni Beatriz bago ito sumisid sa ilalim ng swimming pool.

Pagkatapos ng hapunan,  nagmamadaling nagshower at naghanap ng mapang-akit na kasuotan si Fatima sa kwarto ni Beatriz.

“Balak mo bang halughugin ang buong wardrobe ko?” tanong ni Beatriz nang makitang abala ito sa pagpili ng damit.

“Kailangang maging kaakit-akit ako sa paningin niya para hindi siya magdalawang-isip na angkinin ako,” malanding tugon ni Fatima.

“Mukhang ikaw ang aatake sa kanya, hindi siya,” sabay tawa ni Beatriz. “Siguraduhin mo lang na hindi mo ipapahiya ang sarili mo.”

“Ako? Mapapahiya?” Tumawa si Fatima. “Wala pang lalaking nakakaligtas sa kamandag ko.”

Napili niyang isuot ang isang blackdress na backless. Tinali nito ng pa-pusod ang buhok nito upang lumantad ang makinis nitong balikat at dibdib.

“Ano, okay na ba?” tanong niya pagharap sa kaibigan.

Napailing si Beatriz. “Hindi ko maintindihan kung bakit sasayangin mo ang ganda mo sa isang hamak na katulad niya.”

“He’s hot! I don’t care!” natatawang sagot ni Fatima bago muling sinuri ang sarili sa salamin. Satisfied sa kanyang itsura, tinungo niya ang servant’s quarters kung saan naroon si Paulo—ang ‘dessert’ niya ngayong gabi.

Napapangiting kumatok si Fatima sa pintuan. Ilang sandali pa, bumukas iyon, at tumambad sa kanya si Paulo, na bagong paligo at nakatapis lang ng tuwalya sa bewang.

Napalunok ang dalaga ng makita niyang katatapos lang nitong magshower dahil nakatapis lang ito ng tuwalya sa bewang nito. Napalunok siya nang mapagmasdan ang hubad na dibdib nito—ang bawat linya ng kanyang balat ay tila nag-aanyaya na mahalikan at damhin.

“Miss Fatima?” agaw ni Paulo sa pagkakatitig ng dalaga sa katawan niya.

Ikinawit ni Fatima ang mga kamay sa leeg ng Hardinero habang nang-aakit ang kanyang mga tingin. 

“Ano pong ginagawa niyo dito?” may halong pag-aalinlangang tanong ng binata, bahagyang umiwas sa kanya.

“What do you think?” Pilyang ngiti ang sumilay sa labi ni Fatima bago niya tinulak ang binata papasok sa kwarto at isinara ang pinto. Dahan-dahan siyang lumapit dito, at marahang idinantay ang palad sa matipunong dibdib nito, unti-unting bumababa…

Biglang lumayo si Paulo. Agad niyang iniiwas ang sarili nang mabasa ang intensyon ng dalaga.

“Binigyan ako ng pahintulot ni Beatriz, kaya dapat lang na pagsilbihan mo ako ngayong gabi,” bulong ni Fatima, puno ng kumpiyansa sa kanyang boses.

Hindi naitago ng binatang hardinero ang kanyang pagkabigla sa narinig. Makikitang nabahiran ng galit ang kanyang mga mata.

“Come on, let’s have fun tonight.” Lumapit si Fatima dito at sinamantala ang pagkabigla ng binata upang hilaiin ang leeg nito at ilapat ang kanyang nauuhaw na mga labi sa labi labi nito.

Bago lumapat ang labi ng dalaga kay Paulo ay mabilis niya muli itong iniwasan. “Pasensiya na po, pero hindi ako interesado.”

Nanlaki ang mga mata ni Fatima.

Lumayo si Paulo at binuksan ang pinto. “Lumabas na po kayo.”

Gulat at matinding pagkapahiya ang bumalot kay Fatima. Hindi niya matanggap na tinanggihan siya—si Fatima Lawrence! At ang mas nakakainsulto? Isang hardinero lang ang umayaw sa kanya.

“Anong nangyari? Napakabilis naman yata?” tanong ni Beatriz nang makabalik si Fatima sa kanyang kwarto. Hindi napansin ng dalaga ang mapanuksong ngiti sa labi ng kaibigan.

“He rejected me?! Can you believe it? Ako? Si Fatima Lawrence ay inayawan ng isang Hampas lupang tauhan mo? God, I can’t believe it!”

Kinabukasan, umuwi agad si Fatima, dala ang bigat ng kahihiyan.

Samantala, napapangiti si Beatriz habang tinutungo ang greenhouse. Pagpasok niya, nakita niyang nakatalikod si Paulo, abala sa paggugupit ng isang nalalantang pulang rosas.

Tahimik siyang lumapit at marahang niyakap ang binata mula sa likuran. “Nagtatampo ka ba sa akin?” bulong niya.

Hindi ito sumagot.

“Gusto lang kitang subukan kung bibigay ka sa kaibigan ko—”

Ngunit bago pa niya matapos ang sasabihin, biglang humarap si Paulo at mahigpit na hinawakan siya sa magkabilang balikat.

“Ginago mo ako.”

Puno ng hinanakit na inatake ni Paulo ang mga labi ni Beatriz at siniil ito ng halik. Walang ingat na binuksan nito ang butones ng blusa ng dalaga. Tumambad ang maputi at makinis nitong balat na nagtatago sa loob ng elegante nitong kasuotan, madiing dinama ni Paulo ang pareho nitong dibdib.

Napapikit ng mariin si Beatriz dahil sa sakit at sarap na dulot nito sa katawan niya.

Namumula ang labi ng dalaga ng pakawalan ito ng binata.

Walang ingat na binuhat siya ng hardinero at nilatag sa pinong damo ng green house upang hubaran.

“Paano mo ito nagawa sa akin?” Sinunod nitong kinalas ang panloob na saplot, itinali ni Paulo sa dalawang kamay ni Beatriz bago nito hinila pababa ang manipis na panloob na saplot nito sa katawan.

Marahas na pinaghiwalay ni Paulo ang hita ng dalaga bago nito nilabas ang nangangalit nitong pagkalalaki. Malalim na napasinghap si Beatriz ng maramdaman niya ang matigas na bagay na walang paalam na bumaon sa kanya.

“T-That hurt!” napakagat labi si Beatriz sa kirot na dumaloy sa kanya ngunit maluwag na tinanggap ng mga hita niya ang pag-atake ng hardinero sa kanyang katawan.

“Inisip mo rin ba na masasaktan ako?” walang ingat na muling ibinaon ni Paulo ang sarili kay Beatriz. Walang nagawa si Beatriz kundi ang umungol bilang tugon sa bawat tanim na binubungkal nito sa kanyang katawan.

Humigpit ang pagkakatali ng dalawa niyang kamay sa taas ng kanyang ulo dahil sa kagustuhan nitong kumawala upang ibaon ang kanyang mga daliri sa likod ng kanyang hardinero. Hinuli ng isang palad ni Paulo ang isang dibdib ng dalaga at mariin iyong pinisil.

“Aaaah! Pau!” ungol ni Beatriz ng sabayan ni Paulo ng pag-angkin ang pagdama sa kanya. Nagpatuloy ang ginawa nitong pagbungkal ng malalim sa kanyang laman habang nakalatag ang kanyang katawan sa pinong damo na kumikiliti sa hubad niyang balat.

Kinagat ni Paulo ang kabilang balikat ni Beatriz habang labas-masok ito sa kalooban niya. “Ah! A.. Aaaah! K-Kiss m-me…” Pakiusap ni Beatriz sa kanyang kasintahan. 

Yumuko ang binata at sinalubong ang labi ng dalaga. Pinasok niya ang dila sa loob ng bibig nito tulad ng pag-angkin niya sa katawan nito.

“Nnnh…”

Mas bumilis ang bawat pagtanim nito sa katawan ng dalaga. Binuhusan ng halik ni Paulo ang makinis na leeg ni Beatriz habang hindi nito tinantanan ang maselang parte na nilulunod niya sa matinding pagniniig.

Samantala, sa labas ng greenhouse abala ang mga tauhan ng mansion sa pagwawalis at pagpupulot ng mga nalagas na tuyong dahon sa malawak na hardin. Lingid sa kanilang kaalaman ang mainit na pagniniig ng kanilang Señorita at ng hardinero nito…

Magkahalong galit, pagnanasa, at pagmamahal ang ipinaparamdam nito kay Beatriz. Ngunit kakaibang sensasyon ang dulot ng magkahalong emosyong iyon sa katawan niya. Ramdam niyang gusto siya nitong parusahan mula sa marahas nitong pag-angkin, at dama niya ang pagkasabik nito sa kanyang katawan.

Ang init ng mga halik nito ang nagpapatunay na malalim ang nararamdaman nito para sa kanya.

Wala siyang dapat ikatakot.

Hindi ito maaagaw sa kanya.

Pag-aari niya ito. Hindi ito maaring tumingin sa iba.

Napapikit ng mariin si Beatriz ng maramdaman niya ang sukdulan ng kanilang pagniniig at pagkalat ng mainit na likido sa loob niya. Ninamnam niya ang pintig ng pulso nito na nanatili sa kalooban niya.

Kinalas ng binata ang pagkakatali ng kanyang mga kamay at ang una niyang kinapitan ay ang likod ng kanyang hardinero paakyat sa batok nito. Ang mainit at malalim na paghinga nito sa kanyang leeg ay nagdulot ng matinding init sa katawan ng dalaga. Tinulak ni Beatris ang Hardinero at siya ang pumatong sa ibawbaw nito. Muli niyang naramdaman ang pagkabuhay nito sa loob niya.

“Uhh…” Nagsimulang gumalaw ang mga hita ng dalaga habang hindi pinuputol ang malalim na tingin niya sa binata.

“Akin ka lang…”  

Series Navigation<< Dark Rose