- Uncontrolled
- Prologue
- CHAPTER 1: Breaking the Boundaries
- CHAPTER 2: A Love Once Innocent
- CHAPTER 3: Surrendering to Temptation
- CHAPTER 4: Secrets Behind Closed Doors
- CHAPTER 5: The First Wrong Decision
- CHAPTER 6: The Call That Broke Me
- CHAPTER 7: Cold Embrace
- CHAPTER 8: His Touch, Her Weakness
- CHAPTER 9: His to Keep
Natigilan si Ken nang makita nito si Fara na nanginginig at pinipigilan nitong umiyak kahit namumula na ang mukha nito.
Natauhan ito nang mapagtantong nakasuot lang si Fara ng manipis na roba at tumitingin dito ang mga taong dumaraan sa kanila. Agad na hinubad ni Ken ang jacket at itinakip kay Fara saka ito binuhat sa mga bisig nito palabas ng hotel.
Wala itong narinig na anumang pagtutol mula kay Fara nang isakay niya ito sa kanyang sasakyan. Tahimik na umiiyak si Fara habang nagmamaneho si Ken.
Nag-uumapaw ang galit sa dibdib ni Ken dahil sa sobrang pagtitimpi. Para itong sakit na iniwasan ni Fara pagkatapos ng nangyari sa kanila.
Hindi maipaliwanag ni Ken ang kaba sa dibdib niya habang hinihintay ang tawag ni Fara, ngunit walang dumating. Ilang beses nang kinulit ni Ken ang mom nito na imbitahin si Fara na mag-dinner sa kanila, ngunit lagi iyong tinatanggihan ng dalaga.
Ilang beses din siyang pumunta sa shop nito ngunit lagi siyang tinataboy ng staff ni Fara. Kaya hinintay ni Ken na lumabas si Fara ng shop, ngunit nagmamadali itong sumakay ng sasakyan kaya sinundan niya ito.
Hanggang sa pumasok si Fara sa Grand Hotel upang makipagkita sa ibang lalaki, hindi na napigilan ni Ken ang sarili nang makita nitong nag-check-in ang mga ito.
“Why?!” Napahigpit ang pagkakahawak ni Ken sa manibela.
Napapitlag si Fara at gulat na napatingin dito.
“You let me embrace you, you called my name many times, so why?!” may hinanakit sa himig nito.
“Kapatid ako ng mommy mo, pamangkin kita! Naiintindihan mo ba kung anong mararamdaman ng magulang mo kapag nalaman nila na may nangyari sa atin? Kahit na hindi kayo tunay na magkadugo, anak ka pa rin ni Ate. Hindi dapat nangyari sa atin ‘yon,” paliwanag ni Fara.
“And what about me?! You promised, and like a fool, I believed you. Ngunit mukhang ako lang ang nakakaalala noon dahil binabalewala mo ang nararamdaman ko.”
Naguguluhang nagtatanong ang mga mata ni Fara kay Ken, patunay na hindi nga nito naaalala ang ipinangako nito.
“Ken—”
Biglang huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay ni Fara.
“Hindi mo na kailangang gumawa ng dahilan o gamitin ang pagiging isang pamilya natin para itulak ako palayo sa’yo. Naiintindihan ko na. Dapat hindi ako umasa sa isang pangakong walang kahulugan,” malamig na wika nito.
“Wag kang mag-alala, ako na ang lalayo sa’yo.”
Nakita ni Fara ang kirot sa mga mata ni Ken.
Gusto niya itong yakapin, ngunit pagkatapos nito, anong gagawin niya?
Pinigilan niya ang sarili.
Nanatili sa kinatatayuan si Fara habang tinatanaw niya ang papalayong sasakyan ni Ken.
Hindi ito ang gusto niyang mangyari. Alam niyang hindi na niya maibabalik ang dati nilang relasyon, ngunit hindi niya gustong masira ang relasyon nila bilang pamilya.
Subalit mas mainam na ito bago pa lumaki ang pagkakasala niya sa Ate niya at sa pamilya nito.
Ang Ate niya na hinangad ang isang simpleng pamilya—natatakot siyang isipin kung anong mararamdaman nito kapag nalaman nito ang nangyari sa kanila ni Ken.
Nagtagal si Fara sa shower room dahil doble ang ginawa niyang paglilinis ng katawan.
Nitong mga nakaraang linggo ay hindi siya komportable dahil madaling uminit ang katawan niya.
Pinatuyo niya ng towel ang basa niyang katawan paglabas niya ng shower.
Madalas siyang mapagkamalang seventeen dahil sa korte ng kanyang katawan, na lihim niyang kinagagalit dahil maging mga teenager ay pinopormahan siya.
Ang ideal man niya ay ten years older than her dahil gusto niya ng lalaking mas mature kaysa sa kanya.
Ngunit sinong mag-aakala na ang pinatulan niya ay sampung taon na mas bata sa kanya?
Matapos niyang mapatuyo ang buhok gamit ang blower, kumuha siya ng manipis na puting blouse pantulog.
Iyon lamang at underwear sa baba ang suot niya.
Nang harapin niya ang kanyang kama, bumalik ang eksenang inaangkin siya dito ni Ken.
Muli na namang uminit ang katawan niya kahit katatapos niya lang mag-shower.
Nagdesisyon siyang ayusin ang mga gamit niya sa mini library upang libangin ang sarili.
Minsan sa isang linggo lang niya pinapatawag ang caretaker ng bahay dahil hindi niya gustong may gumagalaw sa mga gamit niya.
Mas gusto niyang siya ang nag-aayos nito.
Dati nang nakaayos ang mga libro, ngunit ang iba ay hindi niya naibalik ng maayos dahil sa pagmamadali.
Natabig niya ang isang photo album kaya nahulog ito sa wooden floor.
Nakita niya ang mga litrato nila ng Ate niya habang naglalakbay sila sa Tagaytay.
Ito ang koleksyon ng pinakamalalaking event sa buhay nila ng Ate niya—litrato ng Ate niya noong graduation nito at ang wedding nito kay Kuya Ian.
Nang malaman ng mga ito na hindi sila magkakaanak, sobrang nasaktan ang Ate niya dahil alam nitong ito ang dahilan.
Binalak pa ng Ate niyang makipaghiwalay kay Kuya Ian dahil dito, ngunit dahil mahal na mahal ito ni Kuya Ian, nagdesisyon itong mag-ampon.
Doon dumating sa buhay nila si Ken.
Sampung taong gulang siya noon.
Siya ang naging pangalawang ina nito at laging siya ang kasama ng Ate niyang mag-prepare ng birthday party nito noong bata ito, hanggang sa makakuha siya ng scholarship sa abroad para makapag-aral siya ng kolehiyo roon.
Ngunit bago siya umalis, dumalo muna siya sa 8th birthday ni Ken.
Iyak ito nang iyak nang malaman nitong aalis siya.
Ganoon kalapit ang loob nito sa kanya.
“No, no… Don’t go. Please, Tita Fara, don’t leave me! I love you so much…”
Mahigpit ang pagkakayakap ng batang si Ken kay Fara matapos ang birthday party nito.
“Ken, aalis na ang Tita Fara mo. Dapat nakangiti kang nagpapaalam sa kanya,” si Jara, ang mommy ni Ken, na napapangiti sa tabi nila.
“Oh baby, I love you too. Babalik din naman si Tita,” alo ni Fara dito at lumuhod sa harap ni Ken upang magpantay sila.
“Then promise me one thing,” sumisinghot-singhot na wika nito habang pinupunasan ang mga luha nito.
“Anything, baby.”
“Marry me. When I get taller than you, you have to marry me.”
“My, anong gagawin mo, Fara? Mukhang hindi ka na magkakaboyfriend niyan,” natatawang wika ni Jara dahil sa seryosong proposal ni Ken.
Maging si Ian ay napapangiti sa inaakto ng anak.
“Promise me!” si Ken na hindi pinansin ang mga magulang.
“Okay, okay, I promise,” napapangiting kinintalan ni Fara ng halik ang noo ng pamangkin.
Napahugot ng malalim na hininga si Fara nang mapagtanto niyang iyon ang tinutukoy ni Ken na ipinangako niya.
“Oh God, he can’t be serious?”
Pinanghawakan talaga nito ang pangako niya, pero napakabata pa nito noon. Binalik niya ang photo album sa shelf. Mas matangkad na nga ito nang husto sa kanya. He looked really mature for his age and attractive—very attractive. Malakas ang sex appeal nito kaya napakaimposibleng walang lumalapit na mga babae rito at hindi ito nagkainteres sa kahit kanino.
Nabulabog siya sa pag-aayos nang mag-ring ang phone niya. Tumayo siya at kinuha ang phone sa side table saka iyon sinagot.
“Yes, ‘Te?”
“Oh, Fara, alam mo ba kung nasaan si Ken ngayon?” Nag-aalala ang tinig ng Ate niya, kaya bigla siyang kinabahan.
“I don’t know, Ate. What happened?”
“Hindi na naman siya umuwi ngayon—magdadalawang gabi na. Nag-aalala na kami ng Kuya mo dahil hindi man lang tumawag o nag-iwan ng message. Nalaman namin mula sa isa sa mga kaibigan niya na nakita siya sa isang bar kagabi. God, Fara, anong nangyayari sa batang ‘yon? Hindi naman siya ganito.”
“What? Why would he do this?”
“I don’t know. Hindi na siya humihingi ng advice sa akin tulad ng ginagawa niya noon, kaya hindi ko alam kung anong pinagdaraanan niya. Anyway, if ever na makita mo siya, please let me know.”
“Okay, I understand.”
Nakita niya ang malakas na buhos ng ulan sa labas ng glass wall. Nagsimula siyang mag-alala nang magpaalam ang Ate niya.
Ken… Ano bang gagawin ko sa’yo?
Kasalanan niya ba kung bakit nagkakaganito si Ken? He was a sweet child. He loved to comfort her. Ano bang nagbago?
Pagkatapos niyang makagraduate, may nag-offer agad sa kanya ng trabaho. Nagustuhan niya ang working place niya kaya nagtagal pa siya sa abroad. Nang bumalik siya, seventeen na si Ken. She remembers he hated being called a baby dahil hindi na raw siya bata.
Ang akala niya ay lumayo na ang loob nito sa kanya dahil sa tagal ng panahon na hindi siya bumalik. Ngunit bigla siya nitong binibisita para magpatutor sa mga subject nito. Napansin niyang matalino ito at hindi na nito kailangang magpaturo sa kanya. Natuwa siya dahil naisip niyang gumagawa ito ng paraan para muling mapalapit sa kanya.
Hanggang sa pinayagan niya itong mag-overnight dahil inabutan na ito ng gabi, at nag-aalala siyang bumiyahe ito lalo na’t malakas ang ulan. Lingid sa kanya, iyon na pala ang gabing lalong magpapalabo sa kanilang relasyon…
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.