This entry is part 11 of 12 in the series Uncontrolled

“Tita? Are you sad?” Pinunasan ng maliit na kamay ni Ken ang sariwang luha sa pisngi ni Fara.

Nasa hospital sila ngayon dahil nasaktan ang tuhod ni Fara sa pagpa-practice niya para sa isang cheerleading competition. Dahilan ito upang hindi siya makasama sa kompetisyon kahit na matagal na niya iyong pinaghandaan.

“Painful?” tukoy ni Ken sa nakabenda niyang tuhod. Makikita ang pagkakakunot ng noo nito, na para bang siya mismo ang nasasaktan.

“No, honey. It’s not. Tita is okay.” Masuyong hinaplos ni Fara ang pisngi ng pamangkin.

“Then why are you crying?”

Napakatalino talaga ng pamangkin niya. Hindi niya ito mailigaw.

“Because… my team didn’t make it to the grand finals…” Hindi alam ni Fara kung maiintindihan ng five-year-old na si Ken ang sentimyento niya, ngunit gumaan ang loob niya sa paglalabas ng hinaing dito. He never failed to comfort her.

“Don’t worry, Tita. I will protect you so you won’t cry anymore.”

Nakangiting pinisil ni Fara ang ilong nito. “You will?”

Nilagay ni Ken ang isang kamay sa dibdib. “I promise. Because you’re my princess, and a prince will always protect his princess.” Inabot ni Ken ang mukha ng dalagita at dinampian ng halik ang noo nito…

Life is full of contradictions…

He wanted to give her the world.

And now, he wanted to take everything from her.

Blind her, so she doesn’t have a choice but to hold on to him.

He promised to protect her.

But the truth is… he wanted to break her…

Halos paliparin ni Ken ang sasakyan habang dumidiin ang pagkakahawak niya sa manibela.

He knows he’s dangerous. Hindi niya kayang kontrolin ang sarili niya. Hindi niya kayang kontrolin ang nararamdaman niya para kay Fara.

Kung ayaw niyang kamuhian siya nito, kailangan niyang lumayo upang hindi niya na ito masaktan. Ngunit isipin pa lang niyang hindi na niya ito makikita, parang hindi na siya makahinga.

“Y-you’re hurting me…”

Agad niyang hininto ang sasakyan sa gilid ng daan at lumabas. Ilang beses niyang sinipa ang gulong sa harap upang ilabas ang galit sa sarili.

Huminga siya nang malalim at sumandal sa pinto ng sasakyan. Hinawakan niya ang kanyang noo, itinakbo ang kamay pataas sa kanyang buhok hanggang sa batok niya.

Limang sasakyan ang dumaan bago niya napakalma ang sarili.

Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at muli siyang nagmaneho pabalik kay Fara.

Pagbukas niya ng pinto ng kwarto nito, nakita niyang mahimbing na itong natutulog. Naroon pa rin ang bahid ng kapusukan na ginawa niya rito kanina. Umupo siya sa gilid ng kama at pinunasan ang tuyong mga luhang naiwan sa pisngi nito.

He made her cry… He made her like this.

Yumuko siya upang dampian ng halik ang labi nito.

Nagising si Fara na may mga brasong nakayakap sa kanya. Binalot ng mainit na yakap ang hubad niyang katawan, na natatakpan lang ng manipis na puting tela.

Ramdam niya ang mainit na hininga na tumatama sa batok niya. Parang nababara ang kanyang lalamunan at hindi niya magawang magsalita.

Nang akmang kakalas siya sa mga braso nito, lalo pang humigpit ang pagkakayakap ni Ken at isiniksik nito ang mukha sa batok niya. Napapikit siya nang mariin sa ginawa nito.

“Hindi kita hinanap dahil gusto kong hanapin mo ako.”

Natigilan si Fara at nagmulat ng mga mata, ngunit nanatili siyang nakatalikod dito.

“Hindi kita tinawagan dahil hinihintay ko ang tawag mo.”

Naramdaman niya ang mainit na halik ni Ken sa hubad niyang balikat.

“Walang nangyari sa amin ni Tricia. Hindi ko kayang yumakap ng ibang babae maliban sa’yo.”

Nanlalabo ang mga matang hinarap ito ni Fara. Nang maghiwalay ang labi niya, sinalubong iyon ng halik ni Ken.

Slowly and gently… He kissed her softly.

Binalot ng kiliti ang puso niya sa simpleng halik nito. Napawi ang lahat ng sakit na nararamdaman niya. Isang hiwaga kung paano iyon nagagawa ni Ken.

Nang maghiwalay ang kanilang mga labi, dinampian nito ng halik ang kanyang noo, sunod ang tungki ng kanyang ilong. Matagal silang nagtitigan, para bang nangungusap ang kanilang mga mata.

Hindi nila kayang mawala ang isa’t isa.

Gaano man kalalim ang sakit, mas nanaisin nilang pagdaanan ito kung ang isa’t isa ang dahilan nito.

Alam ni Fara na mas pipiliin niyang tahakin ang mapanganib na daang ito kung hawak niya ang kamay ni Ken. Ang hapding idinulot nito sa kanya ay unti-unting natutunaw habang nararamdaman niyang siya lamang ang nakikita nito.

Tinawid ni Fara ang pagitan nila at inangkin ang labi ni Ken.

Hinayaan nitong umibabaw siya, at siya ang nagdala ng kanilang halik.

Naramdaman niyang gumapang ang kamay nito sa ilalim ng kumot at dinama ang kanyang likod, paakyat sa kanyang batok.

Pinutol niya ang halik nang makaramdam siya ng kirot sa kanyang sentro.

“Breakfast?” pag-iiba niya ng usapan.

“Shower.”

Napasinghap siya nang bigla siya nitong buhatin at dalhin sa shower room.

“Ken?”

Pinaliguan siya nito ng halik at itinuloy ang naudlot niyang sinimulan kanina…

Habang nagluluto si Fara ng agahan nila, pinapapak naman ni Ken ang leeg niya.

Matapos niyang maluto ang pancakes, gusto nitong subuan niya ito. Napangiti siya dahil iyon ang madalas niyang gawin noong maliit pa ito.

But this time, siya ang nakaupo sa kandungan nito.

Pagkatapos niya itong subuan, isusunod nito ang kanyang daliri. Isa-isa nitong titikman.

It’s like he’s eating the pancake and her at the same time.

“Stop,” natatawang saway niya rito.

Pumatong ang kamay nito sa batok niya at siniil siya ng halik. Nalasahan niya ang strawberry flavor sa halik nito.

Kumapit ang kanyang mga kamay sa balikat nito habang pumasok ang dila nito sa loob ng kanyang bibig, tinutukso ang kanyang dila.

Bigla niya itong tinulak at tinakpan ang kanyang bibig nang maramdaman niyang sumama ang timpla ng kanyang sikmura.

Mabilis niyang hinanap ang sink at isinuka ang lahat ng inalmusal niya kanina.

Gulat siyang napatingin sa kanyang repleksyon sa salamin.

Paano niya nakalimutan ang pinakaimportanteng bagay?

Nag-aalalang sinundan siya ni Ken.

Naghilamos siya at nilinis ang kanyang bibig.

Kumuha naman si Ken ng tuyong towel at maingat na pinunasan ang kanyang mukha.

Kagat-kagat ang ibabang labi, pinagmasdan niya ito.

“Are you okay?”

Namuo ang takot sa kanyang dibdib, ngunit nanaig ang kagustuhang ipaalam ito kay Ken.

Hinawakan niya ang kamay nitong abala sa pagpupunas sa gilid ng kanyang labi.

“I’m pregnant.”

Uncontrolled

CHAPTER 7: Cold Embrace CHAPTER 9: His to Keep