- Uncontrolled
- Prologue
- CHAPTER 1: Breaking the Boundaries
- CHAPTER 2: A Love Once Innocent
- CHAPTER 3: Surrendering to Temptation
- CHAPTER 4: Secrets Behind Closed Doors
- CHAPTER 5: The First Wrong Decision
- CHAPTER 6: The Call That Broke Me
- CHAPTER 7: Cold Embrace
- CHAPTER 8: His Touch, Her Weakness
- CHAPTER 9: His to Keep
“I’m pregnant…”
Nabitiwan ni Ken ang towel na hawak nito at napatitig nang matagal sa kanya. Bumaba ang kamay ni Fara sa tiyan niya.
What if he doesn’t want this? Bumigat ang kanyang paghinga habang hinihintay ang sagot nito.
“I-I know you’re not ready for this… I know you’re too young—”
“Then, do you also know this…” Ikinulong ni Ken ang mukha niya sa mga palad nito. Sari-saring emosyon ang nakita niya sa mga mata ni Ken. “You give me more reason not to let you go.”
Nakaramdam si Fara ng init sa paraan ng tingin ni Ken sa kanya, na parang siya ang pinakaperpektong babae sa mundo.
“Now… You can’t escape me.” Hinuli nito ang labi niya at nilunod siya sa isang malalim na halik.
Ken is like a thread—masusugatan ka kung hahawakan ka niya nang mahigpit. Umangat ang kamay niya sa batok nito. Dinama ng daliri niya ang bawat hibla ng buhok nito. Kahit magkapiraso-piraso ang puso niya, hahawak pa rin siya sa kamay nito.
“He’s my nephew.” How could she say that? Hindi niya dapat iyon sinabi, kahit pa inunahan siya ng takot. He is more than that.
“I’m so sorry, Ken,” wika niya nang bumitaw ang labi nila sa isa’t isa. “I’m such a coward.”
Kahit na dinadala na niya ang anak nito, pilit niya pa rin itong tinatanggi.
Muli siya nitong siniil ng halik. “No. It’s my fault. Hindi dapat kita hinayaang mag-isa. Tayong dalawa ang haharap sa kanila.”
“I promise. We don’t have to hide anymore.”
Pakiramdam niya ay wala siyang dapat ikatakot ngayong kasama niya ito.
“You’re shaking,” puna ni Ken sa kanya habang nagmamaneho ito papunta sa Ate Jara niya, na naghihintay sa kanila. Iniwan nila ang dinner kagabi, kaya alam niyang mag-uusisa ito dahil pareho silang nawala ni Ken. Kinuha nito ang isang kamay niya na pinagpapawisan.
“I’m scared,” pagtatapat niya. Huminga siya nang malalim at hinarap ito. “But you’re with me, so it’s okay. We need this.” Ibinalik niya ang atensyon sa daan. “I need this…”
Pagdating nila sa bahay nito, sinalubong sila ng katahimikan. Napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Ken. Sa magkahawak nilang mga kamay unang natuon ang atensyon ng Ate Jara at Kuya Ian niya. Nakaupo silang apat sa living room, nag-uusisa ang mga tingin ng mga ito kung ano ang importanteng sasabihin nila.
“Mom, Dad.” Kalmadong sinabi ni Ken sa kanila ang tungkol sa kanila, na parang nagpaalam lang itong ilalabas siya. Nagulat man si Fara sa pagiging kampante ni Ken, nakakuha naman siya ng lakas ng loob dito.
Parehong naging tahimik ang mag-asawa nang marinig nila ang sinabi ni Ken. Kinakapa naman ng konsensya ang kanyang dibdib. Dahil sa pagiging makasarili niya, masasaktan niya ngayon ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay niya—ang dalawang taong tumayong magulang niya sa kanyang paglaki at naging matalik na kaibigan at kapatid.
“Ate—”
“Pwede ba tayong mag-usap?” wika sa kanya ni Ate Jara. “Ian,” wika nito sa asawa, na parang pinapahiwatig na ganoon din ang gawin nito kay Ken. Tumango naman si Kuya Ian dito.
Lalo siyang kinakabahan dahil wala siyang makitang ibang reaksyon mula sa mga ito. Nag-aalalang sinulyapan niya si Ken bago siya sumama sa Ate niya palabas ng living room.
Pumunta sila sa garden ni Tita Eliza.
“Ate, matagal ko nang gustong sabihin sa inyo ito pero natatakot ako—”
“Fara.” Mahinahong putol sa kanya ni Jara. “Mga bata pa lang tayo, laging ang pamilya natin ang iniisip mo. Wala akong maalalang bagay na sinuway mo ako. Hindi ako nahirapan sa pagpapalaki sa’yo. Kung mayroon mang problema, lagi mo iyong sinasalong mag-isa dahil ayaw mong mag-alala kami sa’yo. Pero pamilya tayo. Kung mayroon mang bagay na bumabagabag sa’yo, dapat ako ang unang nakakaalam.”
“I’m sorry, Ate.” Kagat-kagat ang labi niyang pinigilan niya ang mga luhang gustong tumulo.
“Did he force his feelings on you?”
“No—”
“Kilala ko ang anak ko, Fara. Ako ang nagpalaki sa kanya. Nakita ko kayo kagabi ni Ken, at hindi simpleng away ang nangyari sa inyo. Sa paraan ng tingin niyo sa isa’t isa, alam kong malalim ang pinanggagalingan nito. Bata pa lang si Ken, nakita ko na kung gaano siya kalapit sa’yo.
Nang mag-fourteen siya, nahuli kong tinatago niya ang mga litrato mo sa kwarto niya. Hindi ko iyon pinansin noong una. At nang mag-sixteen siya, marami siyang gustong gawin. Gusto na niyang humiwalay sa amin—he wanted to become an adult, na sobrang ikinagulat namin ng Daddy niya. Gusto niyang maging independent, ipakita sa amin na kaya na niya ang sarili niya. Huli na nang maintindihan kong ginagawa niya ang lahat ng iyon para sa’yo.”
Hindi maipaliwanag ni Fara ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Hindi niya rin masalubong ang tingin ng Ate niya.
“Gusto mo ba talaga si Ken? O napipilitan ka lang dahil ayaw mo siyang masaktan?”
Doon umangat ang tingin niya upang salubungin ang mga mata nito.
“D-do you really think I… I would come here, holding his hand if I didn’t love him?”
Hinayaan niyang tumulo ang mga luha niya. Nakita niya ang pagkagulat sa mga mata ng Ate niya. Lumapit ito sa kanya at pinunasan ang kanyang mga luha. Makikitang naiiyak rin ito.
“Kung gano’n, wala kang dapat ikatakot. Ako ang dapat na matakot dahil ang buong akala ko’y ang nararamdaman ni Ken para sa’yo ang sisira sa relasyon ninyong dalawa. Hindi ko inakalang… mamahalin mo rin siya.”
Niyakap ito ni Fara nang mahigpit. “Hindi ko alam ang gagawin ko kung hindi mo kami matanggap ni Ken. It would break my heart if you started hating me. I love you so much, Ate.”
Napapangiting pinunasan nito ang kanyang mga luha. “I love you too, baby girl.”
Unti-unting gumaan ang bigat na dinadala niya sa kanyang dibdib. Hindi niya lubos akalaing madali itong matatanggap ng Ate niya. Reica is right. She really needs her.
Pagbalik nila sa living room, nakita nilang seryoso ang anyo ng mag-ama. Nagtanong ang mga mata niya sa dalawa.
“Ian?” si Jara.
Nabaling ang atensyon ni Ian kay Jara. Natakot si Fara dahil masayahing tao ang Kuya Ian niya. Bibihira lang maging seryoso ang ekspresyon ng mukha nito.
“Mahigpit na binilin ko kay Ken na kailangan niyang magtapos ng college bago niya mahawakan ang kamay ni Fara.”
Biglang nanghina ang tuhod ni Fara sa narinig. Dahan-dahan siyang napaupo sa tabi ni Ken. Hindi pa nila nasasabi ang isa pang sekreto nila.
Makikita sa mga mata ni Ken ang pagtitimpi.
Ngunit ngayon, ito na ang tamang pagkakataon upang makabawi siya kay Ken.
Tumikhim si Fara at inagaw ang atensyon ng mga ito. “There is still something you need to know.” Makahulugang tiningnan niya si Ken. Yumakap ang isang kamay nito sa likod niya.
Lakas-loob niyang sinalubong ang tingin ng Ate niya at ni Kuya Ian bago siya nagtapat sa kanila. “I’m six weeks pregnant.”
Nakita niyang nagkatinginan ang dalawa bago lumipat ang tingin nila kay Ken.
“KEN?!” gulat na bulalas ng dalawa nang tuluyang magsink-in sa kanila ang sinabi niya.
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Jara ang anak. Kasalanan niya bang pinalaki niya si Ken na hindi dapat matakot sa mga desisyon nito? Na kung alam nitong iyon ang gusto niyang makuha, hindi ito dapat sumuko hangga’t hindi niya ibinibigay ang lahat? Na dapat niyang angkinin kung alam niyang karapat-dapat itong mapunta sa kanya?
Hindi lubos akalain ni Jara na ginawa ni Ken ang lahat ng iyon kay Fara. Napahawak siya sa dibdib niya, habang si Ian ay nanlamig sa tabi.
“I want to marry her.”
Sagot ni Ken, na lalong ikinagulat ni Jara. Maging si Fara ay nabigla sa narinig.
“I’m eighteen. I’m now legal to marry her,” pagdidiin nito.
“Ken, kailangan natin itong pag-isipang mabuti,” wika ni Fara dito.
“Anong pang kailangang pag-isipan? We’re going to get married. Unless you have other plans?”
“What? How could you say that?” Hindi makapaniwalang tanong ni Fara sa kanya.
“Then why don’t you want to marry me?”
“I didn’t say I don’t want to marry you. It’s just that you didn’t tell me first.”
Nakalimutan niyang nasa harap nila ang Ate at Kuya Ian niya. Handa siya sa pagkakaroon nila ng baby ni Ken, ngunit hindi agad sumagi sa isip ni Fara ang kasal.
He sighed. “I already told you. You just don’t remember.” Nahimigan niya ang tampo sa tinig nito.
“Then promise me one thing.”
“Marry me. When I get taller than you, you have to marry me.”
Napakagat-labi si Fara. He’s really serious. Hindi makapaniwalang tinitigan niya ito. Hindi niya maipaliwanag ang kiliting bumabalot sa kanyang dibdib. Ang inosenteng proposal nito noon sa kanya ay matagal nang nakaukit sa puso nito.
Napahawak naman si Jara sa noo sa inakto ng anak. Ngayon niya lang napagtanto na wala pang ipinapangako si Ken na hindi nito tinutupad pagdating kay Fara.
“Fara, why don’t you live with us para mabantayan kita?” si Ian kay Fara. Mahahalata ang pag-aalala nito.
Nagpapasalamat si Jara dahil hindi marunong magalit ang asawa niya. Ni minsan ay hindi nito napagbuhatan ng kamay si Ken. Marahil kasalanan din nila kung bakit lumaking spoiled ang anak nila.
“Dad, don’t you think it’s too late for you to say that?” Mahihimigan ang inis sa tinig ni Ken.
Ito ang isang dahilan kung bakit pumayag si Ken na ilihim nila ni Fara ang relasyon nila. Dahil alam niyang magiging overprotective ang ama niya kay Fara at mahihirapan siya.
“Ken, be good to her,” seryosong wika ni Ian sa anak. “Wala akong ibang iniisip kundi ang ikabubuti ninyong dalawa. You are going to be a father. You need to be responsible in every decision you make.”
“I know, Dad. You taught me everything I need to know.”
Makikita sa mga mata ni Ken ang mataas na respeto nito kay Ian, sa kabila ng alinlangan nito sa ama.
Napangiti naman si Jara sa mag-ama. Inabot nito ang kamay ni Fara.
Gustong magsisi ni Fara kung bakit hindi niya sinabi sa kanila nang mas maaga ang tungkol sa kanila ni Ken. This is her family. She should have trusted them.
Sa sumunod na araw, hindi siya ang ang lumipat sa bahay ng Ate Fara niya kundi ang mga ito tila lumipat sa bahay ni Fara,
“Ate? Don’t you think this is too much?”
Kagat ang labing tanong ni Fara sa kapatid, habang abala si Jara sa paglalagay ng mga fresh na pagkain sa refrigerator niya. Bumili pa ito ng isang malaking refrigerator para magkasya lahat ng pagkain, maging ang mga vitamins niya.
Hindi niya ito masisisi. Nang malaman nito mula sa doktor niya na maselan ang kanyang pagbubuntis, mas lalo itong nag-alala.
Si Kuya Ian naman ay kanina pa pabalik-balik sa playroom na ginagawa nito at ni Ken, kahit kahapon pa natapos ang kwarto. Hindi maitago ng mag-asawa ang excitement nila. Halos araw-araw silang nasa bahay ni Fara.
Nang maipasok ng Ate niya ang lahat ng pagkain, hinarap siya nito.
“Dito na lang kaya kami mag-dinner? Ako na ang magluluto.”
“No, Mom.”
Mabilis na sagot ni Ken pagpasok nito sa kitchen. Walang emosyon ang mukha nito, na mahahalatang hindi na ito natutuwa sa nangyayari.
“Mukhang pagod na si Dad. Mas mabuting umuwi na kayo para makapagpahinga kayo nang maaga.”
“What are you saying, son? Hindi pa ako pagod,” sumbat ni Kuya Ian, na bagong pasok sa kusina.
“No, Dad. Kanina ka pa hinihingal.”
Kinuha ni Ken ang shoulder bag ng mommy nito sa table at hinila ang dalawa palabas ng bahay.
“Good night.”
Sabay sara nito ng pinto sa dalawa.
Napapailing si Fara sa ginawa ni Ken ngunit nakahinga rin siya ng maluwag. Ilang araw na silang binabantayan ng Ate at Kuya Ian niya. Napipilitang umuwi ang mag-asawa na sumakay sa sasakyan nila.
Alam na nilang naubos nila ang pasensya ni Ken.
“Finally,” sambit ni Ken pagkarinig nitong nakaalis na ang mga magulang niya.
Agad na hinanap siya ng mga mata ni Ken. Malalaki ang hakbang nitong lumapit sa kanya, pinakawalan ang kanina pa nitong pagtitimpi, at nilusob ang labi niya.
Ginantihan niya ang gutom na halik nito at inihain ang dila niya, na agad nitong inangkin. Bumagsak ang katawan nila sa carpet, at sinimulan nitong hubarin ang damit niya.
Ibinaon nito ang isa niyang korona sa bibig nito bago iyon siniil at hinila.
“Haaa…”
Nagsimulang bumaba ang halik nito sa puson niya.
“W-wait… Let me take a shower first.”
Isinara niya ang pagkahiwalay ng kanyang mga hita.
Umangil ito. “It’s mine.”
“But…”
Hindi pa siya nakakaligo dahil maaga silang binisita ng Ate niya.
Humigpit ang hawak ni Ken sa mga hita niya, na muli nitong pinaghiwalay.
“I want your scent.”
“H-huh…”
Wala nang nagawa si Fara nang maramdaman niyang lumapat ang dila nito sa kanya. Napakapit siya sa carpet nang dumausdos ito sa dahon ng kanyang kaselanan. Wala na siyang nagawa kundi umungol nang magsimulang lumikot ang daliri nito sa bukana ng kanyang lagusan.
“Ken!”
He’s out of control. Lalo na ngayong malaya na nitong nagagawa ang gusto nito sa kanya.
WAKAS.
Sa tingin mo, deserve ba nina Ken at Fara ang ending nila?