This entry is part 11 of 23 in the series Fearless

She waited a thousand years to meet him. Ang buong akala niya’y alamat lamang iyon at paniniwala ng mga nakakatanda sa lahi nila. A myth that Koda always tells her before she goes to sleep. Ngunit sa dami ng kwento sa kanya ni Koda, wala pa siyang naririnig na tulad ng sa kanila ni Zane. It was always a demon and a demon. A mystical creature and a mystical creature. She never heard a human and demon before. The reason why Zane is not afraid of her, the reason why she cannot sense a fear from him, is because he was born for her. Zane is her soulmate.

“Just what the hell have you done?”

Simula ng unang araw na pagpasok niya sa mundo ng mga tao, hindi na niya mapakalma ang inner demon niya, ngunit ng mga sandaling ito ay kalmado ito.

“You felt it too.” Kahit gaano siya nito tutulan, hindi nito maitatangging iisa ang nararamdaman nila.

Mula sa isang mataas na building, nakikita niya sa baba ang mga taong pumaparoot-parito sa night market. Human is always fascinating to her, but this is the first time she wanted to have one and make it her own.

“You are breaking the rules. Kahit anong isipin mo, hindi pwedeng magsama ang apoy at tubig.”

Anwen is right. He’s the light and she’s the night. Alam niyang hindi pwedeng magsama ang araw at gabi. Ngunit kapag kasama niya si Zane, hindi sumasagi ang bagay na iyon sa isip niya.

“It’s too late…”

She closes her eyes and lets herself fall and turn into a black mist. Magaan na lumapag ang mga paa niya sa madilim na alley. She perfectly blends herself in the dark kaya walang nakakapansin sa paglaho at pagpapakita niya sa dilim.

“Living in the dark for so long… This is the first time I want something this bad.”

Paglabas niya ng madilim na alley ay humalo siya sa maraming tao. She can hear their thoughts. She can feel their emotions. She’s been watching them for a very, very long time.

She always wonders… What it felt to be like them? Inside, she knows that these are all just fantasies. The barrier won’t fade just because she wanted him. Nais niya munang maging bulag sa katotohanan at mabuhay sa isang ilusyon.

Alannis, High School Campus.

Limang minuto nang nakatayo si Kriss sa labas ng pinto ng Student Council. Nang makapagdesisyon siya, ay binuksan niya ang pinto. Nakita niyang nag-iisa si Ryker sa loob ng office na abala sa pag-e-encode sa table ni Zane. Umangat ang tingin ni Ryker mula sa laptop papunta sa nagbukas ng pinto.

“Dissapointed ka ba dahil wala dito ang hinahanap mo?”

“Kaya madalas na ikaw ang napagkakamalang President dahil ikaw ang laging nandito sa office.” sagot ni Kriss pagpasok sa loob.

“Pinapunta ka ba ni Axel dito para tumulong?”

“Maluwag ang schedule ko, bakit hindi.”

“Kaya naiispoiled si Zane eh.”

“Wala ka sa lugar para sabihin ‘yan, dahil ikaw ang laging sumasalo sa kanya.” Parehong natawa ang dalawa at napailing.

“Kriss, hindi umaabot sa mata mo ‘yang ngiti mo.”

“Wala talaga akong maitatago pagdating sa’yo.” Umupo si Kriss sa sofa at inilapag ang paper bag na may lamang cookies.

“Hindi ka natatakot ipakita ang totoong nararamdaman mo. Zane is a fool not to see that.”

“Ni minsan, hindi niya ako binibigyan ng atensyon. Paano niya ‘yon makikita?” Napabuntong-hininga na lang si Kriss. “He must think I’m desperate.”

“I don’t think you’re desperate.”

Sa pagkakataong ito, totoong napangiti si Kriss, pero agad din iyong naglaho. Napansin ‘yon ni Ryker at huminto sa ginagawa. Tinabihan niya si Kriss sa sofa.

“Kriss.”

“Bakit parang may kakaiba sa kanya nitong mga nakaraang araw?”

Nakita ni Ryker ang pag-aalala at takot sa mga mata ni Kriss. Siya ang nasasaktan para dito, dahil alam niya ang dahilan ng pagbabago ni Zane. Nahahati siya, hindi alam kung paano ito poprotektahan. Akmang hahawakan ni Ryker ang kamay ni Kriss nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Axel. Mabilis niyang inalis ang kamay.

“Damn! I can’t find her. Where did she go?” tanong ni Axel sa sarili, sabay upo sa tapat nina Ryker at Kriss. Sinundan niya si Chiara, pero nang lumiko ito sa kaliwang hallway, parang hangin na lang itong nawala. Yes, he became a stalker overnight. Gusto niyang iumpog ang ulo sa pader nang paulit-ulit. Axel being Axel—either he can’t read the mood or he just doesn’t care.

“What?” tanong nito sa dalawa. Napabuntong-hininga at sabay na napailing ang mga ito. These two would be a perfect couple, naisip ni Axel. Napansin niya ang paper bag sa center table at agad niya itong dinampot nang maamoy ang mabangong cookies.

“Ito pala ang ginagawa mo kagabi.” Hindi pa niya naipasok ang kamay sa paper bag nang maagaw iyon sa kanya.

“Hindi ‘to para sa’yo.”

“Gano’n? Mas mahal mo pa si Zane kaysa sa kapatid mo?” Napahawak pa ito sa dibdib na kunwari’y nasasaktan. “Anyway,” mabilis na bumalik sa carefree na sarili at diretsong sinabi, “Why don’t you just bang him para matapos na paghihirap mo?”

Napahawak sa noo si Kriss. Naiintindihan naman niyang ganito talaga kababaw ang IQ ng kuya niya.

“What kind of brother gives his sister shitty advice like that?” Hindi tinago ni Ryker ang galit sa tinig niya. Halatang apektado siya sa sinabi ni Axel.

“Come on, alam n’yo namang responsableng tao si Zane. Pinaninindigan niya kung ano man ang pinasok niya. I’m sure pananagutan niya ang kapatid ko.” Para lang itong nagrerecite habang lumalabas ang mga salita sa bibig niya.

“Maybe I really need to use that bat to hit his head.”

“I told you.” Kibit-balikat na lang ni Kriss kay Ryker.

Nasalubong ni Ryker si Zane paglabas nito ng Art Room. Nitong mga nakaraang araw, bihira na nilang makasama si Zane, at alam ni Ryker kung ano, o mas tamang sabihing sino — ang pinagkakaabalahan nito.

“Kung hindi ka marunong magtago, bakit hindi mo na lang sabihin sa kanila?” wika ni Ryker habang naglalakad sila sa hallway.

“I’m not hiding anything. Hindi ko lang sinasabi sa kanila.”

“Wala akong pakialam kay Axel, pero si Kriss… she deserves to know. Naging mabuti siya sa’yo. The least you can do is tell her what you really feel.”

Huminto si Zane at hinawakan siya sa balikat.

“Are you talking about yourself? Ry, magaling kang magbigay ng advice pero hindi mo naman ginagawa. Stop being the good guy and be selfish sometimes.”

Hindi sumagot si Ryker, halatang umiiwas, at naunang naglakad. Kinuha niya ang susi mula sa bulsa at ibinato kay Zane, na sinalo naman nito.

“What’s this?”

“Key ng library. Nag-resign ang student assistant kaya hindi magamit ang lugar. Hindi ko rin alam kung paano ‘yung bookworm na ‘yon biglang naging chickboy. Akala ko pa naman siya na ang perfect sa trabahong ‘yon.”

“Why don’t you just tell me to shut up?”

“She likes you.”

“But you like her.”

Ryker fell silent.

Sa kabilang parte ng school…

“M-Miss C-Chiara…”

Huminto si Chiara sa harap ng isang chinitong estudyante na nanginginig habang inaabot sa kanya ang isang box na may pulang ribbon. Kanina lang, may sumusunod sa kanya, ngayon naman, confession na naman. Ikatlo na ngayong araw.

Pinanatili niya ang matamis niyang ngiti kahit malamig ang hangin at nanginginig na sa ginaw ang mga estudyante sa paligid. Mukhang mahihimatay na ang lalaki anumang sandali. Marami na siyang nakita at nakilalang mga mukhang kagaya nito sa tuwing lumalabas siya gamit ang kanyang anyong tao.

Naamoy ni Chiara ang namumuong takot sa dibdib ng chinitong estudyante, lumalim ang kanyang tingin dito. Umangat ang kamay niya sa hawak nitong box, hanggang sa masagi ng kanyang daliri ang kamay nito.

Dumaloy ang takot sa kamay niya hanggang unti-unti niyang hinihigop ang takot sa dibdib nito. Pinigilan niya ang sariling bungkalin ang bangungot na bumabalot dito upang tumapang pa ang pagkaing nahihigop niya.

“Miss Chiara!” nabitiwan ng chinito ang box at mariing hinawakan ang kamay niya.

Nauuhaw na nais itong hilain ni Chiara palapit sa kanya subalit natigilan siya nang maramdaman ang isang pamilyar na presensya. A pair of lazy eyes instantly caught her attention — si Zane. He was walking tall and straight, parang walang pakialam sa paligid. Napalunok siya at hindi naiwasang kumabog ang dibdib nang magtagpo ang kanilang mga mata.

Tumalim ang tingin ni Zane. Kita sa mga mata niya ang hindi maipaliwanag na galit. Bigla niyang binawi ang kamay mula sa chinitong estudyante.

“I’m sorry. May magagalit kapag tinanggap ko ‘yan,” malamig pero sapat na lakas ang sabi ni Chiara — isang linyang sinadya niyang marinig ni Zane.

Hindi sumagot si Zane. Tiningnan siya nito ng matalim, makahulugan, bago lumagpas sa kanya.

Follow me.

Parang na-hypnotize, sinundan niya ito. A demon following a human. Her inner demon growled, but she ignored it. Sinundan niya si Zane papasok sa library. Hinintay siya nitong makapasok bago isinara ang pinto.

Pagkasara ng pinto, walang sabi-sabing hinila siya ni Zane palapit, mariing napasandal si Chiara sa shelves. Mabilis ang hininga niya, lalo na nang maramdaman ang init ng katawan nito, halos dikit na dikit sa kanya.

“I didn’t ask them to fall for me,” mahina niyang bulong, pilit tinatago ang kaba.

“You let them think they could.” Mababa at madiin ang boses ni Zane, ramdam sa bawat salita ang selos.

Napangiti si Chiara, tinataas ang baba na parang nang-aasar. “There’s only one guy on my mind—”

Bago pa siya matapos magsalita, hinalikan siya ni Zane, mainit, mabigat, walang babala. Mula sa marahan, naging mapang-angkin, lumalim ang halik. Napakapit siya sa balikat nito, humihigpit ang hawak habang ang labi ni Zane ay parang gutom na gutom na humahagilap sa kanya.

Dumausdos ang dila nito sa pagitan ng mga labi niya, nilasahan siya nang buong pagnanasa, at kusang bumuka si Chiara para sa kanya. Napakapit siya sa buhok ni Zane, hinila niya ito palapit sa kanya.

Humigpit ang hawak ni Zane sa baywang niya, halos hindi siya makahinga sa init ng katawan nito. Nang maghiwalay sandali ang mga labi nila, parehong habol-hininga, pero hindi pa tapos si Zane.

Mabilis, gumapang ang labi nito sa panga niya, pababa sa leeg.

“Zane…” mahina, nanginginig ang tinig niya habang napakapit pa lalo sa likod nito.

Dinampian siya nito ng mahihinang halik, dinilaan ang sensitibong balat, at nang maramdaman niya ang bahagyang pagdampi ng ngipin nito sa leeg niya, napasinghap siya, ramdam ang apoy na gumagapang sa katawan niya.

Bumalik si Zane sa mga labi niya, mas mabangis, mas malalim ang halik.

Madiing hinapit siya ni Zane palapit, halos mawalan ng hininga si Chiara sa lapit nila. Napasandal siya sa shelves, ramdam ang matigas na dibdib nito na sumasayad sa kanya.

Mainit ang hininga ni Zane sa tainga niya, mabigat, puno ng pagpipigil.

“Stop giving your attention to somebody else… don’t look at them—just look at me.”

Mababa, madiin, at halos pakiusap pero may bahid ng utos. Ramdam niya ang pagsabog ng selos sa bawat salitang binitiwan nito.

Hindi pa siya nakakaganti ng sagot nang marahas pero kontroladong dumausdos ang kamay ni Zane mula baywang niya, pababa sa hita, saka mariing humawak sa pagitan nito, sakto sa balat na alam niyang sensitibo. Napasinghap si Chiara, napakapit sa braso nito, nanginginig sa pinaghalong gulat at pagnanasa.

Ang kabilang kamay nito, dumapo sa batok niya, kinulong siya sa pagitan ng shelf at katawan nito, hinahaplos ang batok pababa sa balikat, pilit kinokontrol pero bakas ang pag-angkin.

“Look at me,” mariing utos nito, ang labi halos dumikit sa gilid ng pisngi niya. “Just me.”

Huminga nang malalim si Chiara, pilit binabalanse ang sarili, pero hindi inalis ang tingin sa nag-aapoy na mata ni Zane.

“Ikaw lang ang nakikita ko.” 

Pagkasabi niya niyon, mariing hinalikan siya ni Zane, hindi marahan, kundi halik na puno ng pag-angkin at poot sa selos. Ang dila ni Zane ay mabilis na pumasok sa loob ng labi niya, tinikman siya nang malalim, parang gusto siyang ubusin.

Maging ang kamay nito ay naging mas mapangahas, walang alinlangang umokupa sa pagitan ng kanyang mga hita. Marahan pero mariin ang paghaplos nito, dama ang bawat sensasyon sa sensitibong parte niya na natatakpan lang ng manipis na tela.

Ramdam ni Chiara ang init ng palad ni Zane na parang dumadaloy sa balat niya, pinapadaloy ang kiliting hindi niya kayang itago. Humigpit ang kapit niya sa balikat nito habang ang daliri ni Zane ay gumuhit ng mapaglarong mga galaw, tila pinapaalala sa kanya kung kanino siya nabibilang. Pinipigilan niyang mapaungol, pero ang bawat dampi ng daliri nito, bawat madiing hagod, ay nagpapahina sa kanyang tuhod, parang gusto siyang ipagkanulo ng sariling katawan.

Napakapit si Chiara sa batok nito, halos bumaon ang mga kuko niya sa balat ni Zane. Iba ang gutom na nadarama niya ngayon, hindi ito pagkain subalit uhaw na uhaw siya sa init ng katawan ni Zane.

Humigpit pa ang hawak ni Zane sa hita niya, itinulak ito pataas para mapalapit siya sa katawan nito, halos maiangat siya sa sahig. Ramdam niya ang init ni Zane sa pagitan nila, ang tensyon na pumupunit sa hangin.

“Don’t ever give them that smile again,” bulong nito sa labi niya habang magkadikit pa sila, halos mapugto ang hininga. “That smile belongs to me.”

Hindi siya nakakibo. Parang natunaw siya sa paraan ng paghawak nito sa kanya, sa halik na muling gumagapang na pababa sa kanyang panga, papunta sa leeg niya.

Dinilaan siya ni Zane sa leeg, mabagal, parang sinusulit ang bawat pulgada ng kanyang balat, bago tuluyang hinigop at sinipsip ang sensitibong parte sa ilalim ng kanyang tainga, para bang gustong iwanan ng marka.

Napakapit si Chiara sa buhok nito, pilit pinipigilan ang pag-ungol pero lumabas pa rin ang mahina niyang daing.

“Zane…”

Tumigil ito sandali, humihingal, habang nakatitig sa kanya nang mariin, ang mga mata na puno ng pag-angkin.

“You belong to me.”

Nilamon siya muli ni Zane ng halik na puno ng pagnanasa at pag-angkin, halik na mariin, malalim, at walang iniwang pagdududa sa nararamdaman nito. Halik na para bang kinukuha siya nito ng buo, sinisigurong mararamdaman niya kung sino ang may hawak sa puso’t katawan niya.

Sa gitna ng kanilang matinding paglalapat ng labi, marahas pero kontrolado, isang iglap na hinawi ni Zane ang mga libro sa shelf, walang pakialam kung saan bumagsak ang mga iyon sa sahig, kumalat sa paanan nila.

Mabilis at may kasamang gigil na inangat siya ni Zane, pinatong sa bakanteng shelf na kanina’y puno ng libro. Napasinghap si Chiara, nanlaki ang mga mata sa bilis ng galaw nito, pero hindi siya tumutol, lalo pa siyang nag-init sa ginawa nito.

Pinaghiwalay ni Zane ang kanyang mga hita, walang paalam, isiniksik ni Zane ang sarili sa pagitan ng kanyang mga binti, ang mga kamay nito’y dumaan sa balat niya na tila binabasa ang buong pagkatao niya.

“Zane…” mahinang ungol ni Chiara, nanginginig ang boses, habang ang init ng palad nito ay gumapang sa hita niya pataas, marahan ngunit puno ng intensyon.

Tuluyan siyang napasinghap nang walang kahirap-hirap na hinila ni Zane pababa ang manipis na saplot niya, ang natitirang tela na hadlang sa pagitan nilang dalawa. Ramdam niya ang init ng hangin na dumampi sa sensitibong balat niya, at lalo pa nang maramdaman niya ang magaspang ngunit mainit na palad nito na humagod sa kanya, tila tinatandaan ang bawat piraso ng kanyang katawan,walang alinlangang humaplos sa pinakatagong parte niya.

Napapikit si Chiara, napakapit sa balikat ni Zane, halos mapunit ang suot nitong damit sa higpit ng kapit niya.

Marahan siyang hinagod ni Zane, ang mga daliri nito gumuhit ng mga paikot-ikot na galaw, mabagal ngunit puno ng pag-angkin. Hindi niya mapigilan ang mga ungol na kusang lumalabas sa kanyang labi, lalo na nang maramdaman niya ang pagdiin ng galaw nito, pinapalalim ang paghaplos na tila nanunukso.

“Sa’kin ka lang,” madiin at mababang bulong ni Zane sa kanyang tainga, na may kasamang bahagyang kagat sa kanyang earlobe.

Naramdaman niyang napalitan ng matigas na katawan ni Zane ang daliri nito sa pagitan ng kanyang mga hita, ang init nito na tila apoy na gumagapang sa kanyang balat.

Nang tuluyan silang magtagpo, isang mahinang daing ang kumawala sa labi ni Chiara, isang ungol na puno ng pagnanasa at pag-suko sa lalaking nasa harap niya. Ang unang pagsanib ng kanilang katawan ay mabagal, puno ng panginginig, pero malinaw na pag-angkin, bawat pagpasok nito sa kanya ay nagmamarka, isang paalala kung sino ang nagmamay-ari sa kanya.

“Z-Zane…” halos pabulong na pangalan nito ang tanging lumabas sa labi niya. Hindi lang katawan niya ang inaangkin nito kundi maging ang halimaw na naninirahan sa kanyang katawan. Sa bawat pag-angkin pinigilan ni Chiara ang paglabas ng kanyang mga pangil, at pagbabago ng kulay ng kanyang mga mata.

Ramdam niya ang bawat paggalaw nito, bawat mabagal pero mariing ulos na nagpapaikot sa kanyang mundo. Napakapit siya sa leeg nito, habang si Zane ay nakatitig lang sa kanya, parang inuukit sa isipan nito ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha.

“Look at me,” madiin nitong utos, hawak ang kanyang baba para iangat ang mukha niya at salubungin ang tingin nito.

Pilit niyang iminulat ang kanyang mga mata, at doon niya nakita ang lagkit ng pagnanasa at ang lalim ng damdamin sa mga mata ni Zane.

“Only me, Chiara,” bulong nito, bago siya muling halikan nang mariin, sabay sa lalong pagbilis ng mga galaw nito, pinupuno siya, sinasalubong ang bawat pintig ng kanyang katawan.

Hindi na niya alam kung saan hahawak, sa balikat nito, sa buhok, o sa shelves na parang gigiba sa lakas ng tensyon sa pagitan nila.

Ang bawat ulos ni Zane ay may kasamang ungol, paghabol ng hininga, at mas lalong pagdiin sa kanya, para bang gusto siyang sakupin hanggang kaluluwa.

Sa talas ng pandinig ni Chiara, malinaw niyang naririnig ang paghinga nilang pareho ng mabigat, ang tunog ng shelf na patuloy sa pag-uga sa bawat galaw ni Zane sa pagitan ng kanyang hita, ang mga libro na isa-isang bumabagsak, at ang sariling malakas na tibok ng kanyang puso na umaalingawngaw sa tenga niya.

Sa kalagitnaan ng matinding pag-angkin ni Zane, dahan-dahang bumukas ang mga mata ni Chiara. At sa malabong liwanag ng library, agad niyang nasilayan ang pares ng matang puno ng sakit at galit na kanina pa lihim na nagmamasid sa kanila.

Kilala niya ang mga matang iyon.

Ang babaeng may malalim na pagtingin kay Zane.

Pero sa halip na matigilan, mas hinigpitan pa ni Chiara ang pagkakayakap kay Zane, naramdaman na niya ang preseniya ni Kriss bago pa ito makapasok sa loob ng library, subalit hinayaang niya lang itong masaksihan ang masakit na katotohanang pagmamay-ari niya ang lalaking mahal nito.

Malalim magselos si Zane subalit mas madilim, mapanganib, at mas malupit ang halimaw na tulad niya, na handang wasakin ang sino mang aagaw ng kanyang pagmamay-ari.

Sa di kalayuan, nanlaki ang mga mata ni Kriss habang nanginginig ang kanyang mga kamay, pilit tinatakpan ang bibig na ngayo’y hindi na kayang pigilan ang panginginig. Ramdam niya ang bigat sa dibdib, ang tila kutsilyong paulit-ulit na tumatarak sa puso niya habang pinagmamasdan ang hindi maitatangging pag-aangkin ni Zane kay Chiara.

“Zane…” bulong niya sa sarili, halos walang boses, habang dumadaloy na ang luha sa kanyang mga pisngi.

Plano sana niyang sorpresahin si Zane. Maingat pa niyang tinago ang hawak na susi, ang duplicate key ng library na si Ryker pa mismo ang nagbigay sa kanya.

Pero hindi niya inaasahang siya ang masusugatan.

“No…”

Basag, nanginginig ang bulong niya. Puno ng sakit, galit, at pagkalito.

Kitang-kita niya kung paano hawakan ni Zane si Chiara, ang mahigpit na pag-angkin, ang lalim ng halik, ang paraan ng paghawak nito sa katawan ni Chiara na para bang siya lang ang babae sa mundo.

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Kriss.

Isang matalim na tunog ng libro ang muling bumagsak mula sa shelf, sabay sa pagbagsak ng kanyang luha.

At bago pa siya tuluyang mapansin ng dalawa, patalikod siyang tumakbo, pilit pinipigil ang pag-iyak na ngayo’y halos sumabog mula sa kanyang dibdib.

Pero kahit gaano siya kabilis tumakbo, hindi niya matakasan ang mga imaheng tumatak na sa kanyang isipan, ang init ng katawan ni Zane na para kay Chiara lamang, ang mga matang punung-puno ng pagnanasa na hindi kailanman ibinigay sa kanya.

Sa bawat hakbang ni Kriss palayo, para siyang unti-unting ginigiba.

Pagkalabas niya ng library, nabitiwan ni Kriss ang paper bag na hawak-hawak. Kumalat ang mga cookies sa hallway, gumulong sa sahig, pero ni hindi niya iyon pinansin.

Hindi lang ang bag ang nahulog, kundi pati na rin ang lahat ng pag-asang matututunan siyang mahalin ni Zane — hangga’t mananatili siya sa tabi nito.

Pero ilusyon lang pala ang lahat. At hindi siya magigising sa katotohanang iyon, kung hindi niya mismo nasaksihan kung paano siya winasak ng dalawang taong nasa loob ng library.

Fearless

Chapter 9: Too Late to Turn Back Chapter 11: Breaking the Mask