- Fearless
- Chapter 1: Trapped with the Unknown
- Chapter 2: Drama in the Council Room
- Chapter 3: Unwanted Company
- Chapter 4: When Curiosity Becomes Obsession
- Chapter 5: The Transfer Student
- Chapter 6: A Band-Aid for a Demon
- Chapter 7: The Rooftop Encounter
- Chapter 8: Meeting the Goddess
- Chapter 9: Too Late to Turn Back
- Chapter 10: If Only She Didn’t See
- Chapter 11: Breaking the Mask
- Chapter 12: The Demon I Love
- Chapter 13: To Stay or To Let Go
- Chapter 14: A Love That Kills
- Chapter 15: The Witch’s Bargain
- Chapter 16: The Bond That Shouldn’t Break
- Chapter 17: The Dream That Haunts Me
- Chapter 18: Drawn to You, Again
- Chapter 19: The Day I Found You Again
- Chapter 20: Between Love and Fear
- Chapter 21: I Will Find You Again
- Epilogue
Tinatangay ng hangin ang mga katanungang gustong mabigyan ng kasagutan ni Chiara. Umangat ang nanginginig niyang kamay at huminto sa gilid ng mukha ng taong ito. Sa sandaling nagdikit ang balat nila, naramdaman niya ang libo-libong kuryenteng dumaloy sa daliri niya.
Bigla niyang binawi ang kamay ngunit agad iyong kinuha sa kanya, at ito mismo ang nagdala ng kamay niya at inilapat sa gilid ng pisngi nito. Pumikit ito at dinama ang lamig ng palad niya.
What is this?
Bumibilis ang takbo sa dibdib niya habang pinagmamasdan ito.
Samantala, hindi na napansin ni Zane ang hiwagang bumabalot sa paligid niya. Kung bakit parang buhay at may sariling isip ang mga hangin na gumagalaw sa loob ng kanyang kwarto.
Nang mga sandaling iyon, mas mahiwaga pa sa kahit anong bagay ang babaeng hawak niya. Bumukas ang mga mata niya at muli niyang nakita ang napakagandang nilalang sa madilim na kwarto.
She’s mystical and mysterious.
Madilim, ngunit nakikita niya ito. Nagliliwanag ang kagandahan nito na kahit kadiliman ay di kayang takpan. Kung nananaginip ba siya o totoo ang nakikita niya, gusto niyang malaman.
Isa lang ang naiisip niyang paraan…
Saksi ang buwan sa kapangahasang gagawin niya sa misteryosang binibini na lumitaw sa harapan niya. Hinila niya ito palapit sa kanya at sinalubong ang mga labing nag-aanyaya sa kanyang halikan ito. Wala siyang ibang hangad kundi tikman ang nakakabighaning labi nito.
Sa pagkakataong ito, si Chiara ang napapikit nang lumapat ang labi nito sa kanya.
Ang dampi ng kanyang mga labi ay parang isang lasa na matagal nang pamilyar sa kanya, isang bagay na tila matagal na niyang natikman nang paulit-ulit.
She can’t remember everything about him, but she remembers this feeling. Hindi niya gustong kumalas sa mga brasong yumayakap sa kanya, bagkus umakyat ang mga palad niya sa dibdib nito paakyat, at ikinulong niya ang batok nito sa mga braso niya upang palalimin ang halik.
She remembers his embrace…
Tinugon ni Chiara ang halik nito at hinayaan itong makapasok upang tuklasin ang init at tamis ng kanilang halik.
She’s lost… What is she doing? Why does the kiss feel so good?
Naging mapangahas at mapaghanap ang halik ni Zane sa malambot na labi nito, na parang naghahanap ng kasagutan.
Alam niya ang pakiramdam na ito, ang lasa ng kanyang halik… Ang kanyang samyo… Ang lamig ng kanyang kamay…
Dala ng pagkalito, mas mariin niyang inangkin ang kanyang mga labi. Gusto niya siyang maalala. Mayroong isang bagay, isang bagay na higit pa, na kailangang niyang matuklasan.
Gusto niyang malaman kung bakit may lungkot sa mga mata nito nang makita siya. Kung bakit nakaramdam siya ng matinding pangungulila dito. Kung bakit gusto niyang ikulong ito sa mga bisig niya.
May sariling isip ang kamay niya na humaplos sa mahaba at malambot na buhok nito, na parang hindi ito ang unang beses na ginawa niya iyon.
Sa mga sandaling iyon, isang ingay mula sa labas ang pumukaw sa kanila.
Naputol ang mainit na pagsasanib ng kanilang mga labi nang may kumatok sa pinto niya. Napalingon siya sa pinto nang bigla iyong bumukas.
“Zane?”
Pumasok si Axel sa kwarto niya at binuksan ang switch ng ilaw. Tinakasan ng kadiliman ang paligid ng kwarto niya nang bumukas ang ilaw at lumiwanag sa loob.
Kasabay nito, nawala ang nilalang na nakakulong sa kanyang yakap, parang sumama ito sa dilim at hangin na lumabas sa bintana.
Hinarap niya si Axel at tinitigan ito nang matalim.
“Woah? Anong ginawa ko?” napaatras na tanong ni Axel kay Zane.
Walang salitang tinulak ito ni Zane palabas ng kwarto at pabalibag na sinara ang pinto sa mukha nito.
Nagtataka namang nakabuka pa rin ang bibig ni Axel sa pagkagulat, na nanatiling nakatayo sa labas ng pinto.
Pagkasara ng pinto, agad iyong nilock ni Zane. Nang lingunin niya ang bintana, wala na siyang nakita.
Lumapit siya roon at tinignan ang labas.
Just like a wind. Leaving without saying goodbye. Did he just kiss a ghost?
Samantala, sa ibaba ng bahay…
Napapakamot sa ulong bumaba si Axel sa first floor. Nagtataka siya kung anong ginawa niyang mali.
Kumatok naman ako, ah. Bakit kasi hindi marunong maglock ng pinto?
Baka may ginagawa itong kababalaghan sa kwarto na ayaw niyang makita ko?
Natawa siya sa huli.
“Bakit tumatawa kang mag-isa dyan?” kunot-noong tanong ni Blake sa kanya, na nakaupo sa living room kasama si Ryker.
Tinignan ni Ryker ang likod niya kung may nakasunod.
“Nasan si Zane? Di mo ba siya tinawag?”
Magnonood sana sila ng movie kaya umakyat siya para tawagin si Zane.
“Mukhang may period ang isang ‘yon, sinarhan ba naman ako ng pinto sa mukha?”
“Ano na namang ginawa mo?” si Kriss na naghuhugas ng plato sa sink.
“Wala akong ginawa, okay? Wag niyo nga akong tignan ng ganyan,” reklamo niya.
“Pero tumatawa kang mag-isa kanina?” patuloy ni Kriss.
“Promise! I didn’t do anything! God, ganito ba kaliit ang tiwala niyo sa akin? Mukha lang talagang mainit ang ulo ni Zane, di ko alam kung bakit.”
Kibit-balikat niyang sagot.
Umiikot naman ang mga mata ni Kriss sa kanya habang tinatanggal ang gloves nito.
“Ewan ko sayo.”
Tinapon nito sa kapatid ang gloves, na wala sa loob namang sinalo ni Axel.
“Ikaw ang maghugas ng plato at kakausapin ko si Zane.”
“What? I swear!” ngunit parang walang narinig si Kriss na nilagpasan ang kapatid.
Nanatili pa ring nakatayo si Zane sa harap ng bintana, nagbabakasakaling babalik ito, ngunit kahit hangin ay wala siyang maramdaman.
Nabulabog siya ng mga katok sa pinto. Si Kriss ang napagbuksan niya.
“I’m sorry about my brother, Zane. Kilala mo naman ‘yon—” natigilan si Kriss nang makita ang natapakan nitong papel sa sahig. Pinulot niya iyon at bigla itong napangiti nang makilala ang ginuhit niya.
“So you still remember her? She’s really beautiful. Mahihirapan ka talagang kalimutan siya.”
“You know her?” parang nagising si Zane.
Naguguluhang hinanap ni Kriss ang mga mata niya.
“Ginuguhit mo si Chiara pero hindi mo siya maalala?”
“Chiara? She’s Chiara?” kinuha niya ang papel dito.
“This girl is Chiara?” hindi makapaniwalang wika niya.
Ang babaeng hinalikan niya kanina at ang babaeng nabura sa alaala niya ay iisa.
Parang hinaplos ng awa ang dibdib ni Kriss.
“I’m sorry, Zane… Hindi lang dahil nawala siya sa’yo kundi dahil sa nagawa kong kasalanan sa kanya noon, sa inyong dalawa.”
“Tell me more about her. Paano siyang nawala? How did she…” parang hindi makalabas ang mga salitang iyon kay Zane.
Did he really kiss a ghost? But it feels so real.
“Hindi namin alam ang buong detalye pero bigla na lang nawala ang records niya sa school. Maging mga teachers natin ay di alam kung paanong nangyari iyon. At maging ang chairman ay pinagbawalan kaming ungkatin ang tungkol sa kanya. And we think, ang huling beses na nagkita kayo ay noong birthday mo.”
Nahihiwagaang napaupo si Zane sa gilid ng kama niya. Umupo si Kriss sa tabi niya.
“I’m really sorry, Zane…”
Samantala, sa ibaba ng bahay…
Kung tumatawang bumaba si Axel kanina, malungkot naman ang ekspresyon ng mukha ni Kriss.
“Oh? Anong nangyari? Pinagsarahan ka rin ng pinto?” nang-aasar na tanong ni Axel sa kapatid.
Nag-aalala namang lumapit si Ryker kay Kriss.
“What happened?”
“I think Zane really needs us. Kailangan niya tayo para maibaling sa iba ang atensyon niya. Mukhang kahit nabura na ang mga alaala niya kay Chiara, hindi niya pa rin ito makalimutan.”
“You’re right. Nang sinundo namin siya ni Axel sa town, may nakita daw siyang babae at tinatanong niya si Axel tungkol kay Chiara. I think he really needs to get over her. Mas makabubuti iyon sa kanya.” dagdag ni Blake.
“Alright, matulog na lang tayo ng maaga ngayon para bukas maaga din tayong makaakyat ng falls. Ang sabi nila, tinutupad daw ng engkantong nakatira doon ang first wish mo kapag humiling ka dito.” si Ryker.
Bumarurot ng tawa si Axel sa narinig.
“Oh man, did he really just say that? Hahahaha Ryker? Anong grade ka na at naniniwala ka pa sa ganyan?”
“Kuya,” nagbabanta ang tinig ni Kriss sa kapatid.
Itinago naman ni Blake ang mukha niya na napapabungisngis din sa tabi.
“Alam mo kung anong hihilingin ko? Sana magkaroon ka ng pakpak, hahaha,” patuloy ni Axel na di pinansin ang nakakamatay na tingin ni Kriss.
Nakita ni Kriss ang sink na may mga hugasin. Naroon pa rin ang mga kubyertos at baso na ginamit nila. Lalong nadagdagan ang inis niya sa kapatid.
“Diba’t sabi ko maghugas ka ng plato?”
“Bakit? Naghugas naman ako ah!”
“Eh ano ‘yang nakikita ko?”
“Ang sabi mo plato lang ang hugasan ko, ‘di ba?”
Natatawang umakyat ito ng second floor at iniwang umuusok ang ilong ni Kriss sa galit.
Pasimple namang sumunod si Blake kay Axel.
“Don’t worry, tutulungan na kita.” napapangiting wika ni Ryker sa kasintahan.
Sa kabilang dako…
Nakalagay ang dalawang daliri ni Chiara sa mga labi niya. Nakaupo siya sa malaking sanga ng isang matayog na puno. Naroon pa rin at nararamdaman niya ang init ng halik na ibinigay ng taong iyon sa kanya.
Narinig niyang tinawag itong Zane ng kasama nito.
“Zane…”
Hindi estranghero sa dila niya ang pangalan nito.
Sumandal siya sa puno, hindi niya napansing hininto niya ang paglagas ng mga dahon na nanatili pa ring nakalutang sa ere.
Ano na ang gagawin niya?
Hindi niya alam kung saan siya magsisimula.
She kissed someone else.
Isa iyong malaking kataksilan kay Koda.
Ngunit nang mga sandaling iyon ay hindi man lang ito sumagi sa isip niya kahit saglit.
Bago sumikat ang araw, kailangan niyang makahanap ng sagot.
Sigurado siyang pinaghahanap na siya ngayon.
Bukas na siya ipakikilala ni Koda sa lahi nila.
At tulad ng sinabi ni Kalous, mamarkahan siya nitong muli na pag-aari nito sa mata ng buong lahi nila bilang kabiyak nito.
Isa lang ang ibig sabihin nito, habang buhay nang maseselyuhan ang buhay niya para kay Koda, at ito sa kanya.
Wala siyang makapang kahit katiting na pagsisisi sa kanyang dibdib dahil sa ginawa niya kanina.
Ngunit ang nangyari ngayong gabi ay hindi niya mapagtatakpan, at wala siyang planong itago ito.
Pumikit siya ng mariin at nag-isip ng malalim.
“Our deal is over. Wala na akong dahilan para bisitahin siya.”
“What kind of deal?”
“Things that you don’t need to know.”
Nagmulat siya ng mata at napatuwid ng upo. Alam na niya kung sinong makapagbibigay ng linaw sa kanya.
Tuluyang nalaglag ang mga dahon nang maging hangin ang katawan ni Chiara at iniwan ang malaking puno.
Samantala, sa ibang dako…
Nagmamadali ang mga kilos ni Celestine sa pagliligpit ng kanyang mga gamit nang maramdaman niya ang nag-aambang panganib na paparating sa kanya. Nakikita niya ang kapalaran ng iba, ngunit hindi niya nakikita ang sarili niyang kapalaran. Iyon ang sumpa na hindi niya matatakasan.
Nabitawan niya ang boteng hawak nang pabalibag na bumukas ang kanyang pinto at pumasok ang malakas na hangin. Nabasag ang bote at ang mahikang nakakulong sa loob noon ay nakawala nang itaboy ito ng malamig na hangin.
“Celes…”
Lumitaw ang kagandahang pinangarap niyang makuha simula nang makita niya ito.
“Chiara…” pilit ang ngiti sa kanyang mga labi habang umatras ang kanyang mga hakbang. Naroon pa rin ang takot sa kanyang dibdib pag nakikita niya ang prinsesang ito.
Naaalala niya pa kung paano namatay ang kanyang kapatid sa mga kamay nito, ang gahaman niyang kapatid na tinangkang nakawin si Chiara kay Koda noong maliit pa lamang ito.
Ang hindi nito alam, halimaw ang batang nais nitong nakawan ng dugo. Isang halimaw na nagtatago sa perpekto nitong anyo.
“N-naparito ka? Anong maipaglilingkod ko sa iyo?”
“Sa tingin ko alam mo na kung anong pakay ko.”
Sinara ni Chiara ang pinto at ikinulong ang bahay gamit ang isang malakas at makapal na hangin na nakapalibot sa buong bahay.
Animo’y may malakas na bagyo dahil sa nagliliparang mga halaman at gamit sa labas.
“Walang makakalabas at makakapasok sa loob hangga’t hindi mo nasasagot ang mga katanungan ko.”
Umupo si Chiara sa mahabang sofa ni Celes at sinenyasan din itong umupo sa harap niya.
“He will kill me! Kilala mo si Koda, himala nang nabuhay pa ako pagkatapos ng ginawa ng kapatid ko sa’yo.”
“Mamili ka, mamamatay ka ngayon o hahayaan kitang makatakas? Alam mo ang kaya kong gawin, Celes. Ibibigay ko sa’yo ang dugo ko na matagal mo nang hinahangad, ngunit alam mong dalawa ang kahahantungan mo kapag ginawa ko iyon.”
Napalunok si Celes.
“Kapangyarihan o kamatayan?” iyon ang nais iparating sa kanya ni Chiara.
Her blood can be a cure or a poison.
Kapag ibinigay ni Chiara ang kapangyarihang hinahangad niya, magagawa niyang makapagtago kay Koda at may pag-asa pa siyang mabuhay. Ngunit kung hindi niya ibibigay ang gusto ni Chiara, ito na ang huling araw niya.
Hindi na niya kailangang magdesisyon pa.
Umupo siya sa harap nito.
“Mabuti naman at nagkakaunawaan tayo. Sabihin mo sa akin ang lahat ng kailangan kong malaman.”
Inilahad ni Celes ang palad niya na biglang nagsilab ng apoy. Lumitaw ang itim na tela sa kamay nito.
“Dito nagsimula ang lahat.” tukoy nito sa manipis na itim na tela.
“Sinabi ko kay Koda na huli na para paghiwalayin kayo. Kahit burahin ko ang alaala niyo sa isa’t isa, hindi makakalimot ang puso.”
Tumigil sa pagwawala ang hangin sa labas pagkatapos iyong marinig ni Chiara.
“I don’t want to believe it—that a demon like you will still fall to a human kahit sinira ko na ang koneksyon ninyong dalawa. Ngunit pinatunayan mong mali ako. Mahirap paghiwalayin ang dalawang nilalang na nakalaan na para sa isa’t isa…”
Kinabukasan, sa pagputok ng araw…
Sumisikat na ang araw nang lumabas si Chiara sa bahay ng mangkukulam.
Napangiti siya sa di malamang dahilan habang pumapatak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Sinalubong niya ang sinag ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Samu’t saring emosyon ang nararamdaman niya.
Isang madilim na anyo ang naghihintay sa kanya sa labas ng pinto.
“Koda…”
Bumaba siya sa huling hagdan hanggang magtama ang mga mata nila.
“Gusto kong magalit sa’yo… I want you to feel what I feel right now. Kinuha mo sa akin ang isang bagay na hinahanap ko sa loob ng napakahabang panahon. Gusto man kitang kamuhian, ngunit alam kong tinutupad mo lang ang huling habilin sa’yo ng aking ama. Binura mo maging ang mga alaala ko sa pamilya ko dahil ayaw mong masaktan ako.”
Pinahid niya ang mga luhang nagbabalak tumulo.
“And you want me to forget about him because you wanted to save me. You did everything to protect me… but Koda, you didn’t save me… He did. Even if it’s just a day, a second… I want to spend it with him. Kahit ilang beses mo pa siyang burahin sa alaala ko, siya pa rin ang pipiliin ko.”
Lumambot ang mga tingin ni Koda, na parang sumusuko na ito. Pinahid nito ang ilang luha sa pisngi niya.
“It will be hard and painful. Are you sure that this is what you want?”
Tumango siya habang napapikit at hinayaang tumulo ang mga sariwang luha.
“Promise me one thing, then I will let you go.”
“Tell me.”
“Don’t cry.”
Niyakap siya nito at ikinulong sa mga bisig nito.
“Even if I’m not watching…”
“I won’t. I promise.”
Dinala niya ang mga kamay sa likod nito.
She understands one thing. He loves her…
“I’m sorry…”
Samantala, sa isang bahagi ng bundok…
If I continued to wait, she will find me.
Ito ang tumatakbo sa isip niya habang naglalakbay sila ng mga kasama niya paakyat ng bundok.
It doesn’t matter if she’s a ghost, a mystical creature, or just his hallucination, all he wanted is to see her again…
“Guys? Malayo pa ba?” humihingal na tanong ni Axel na umupo sa gilid ng isang malaking ugat ng puno.
“Ayon dito sa mapa, malapit na tayo.” si Ryker na nakakunot ang noo habang pinag-aaralan ang mapa.
“Baka kaya tinawag na hidden falls dahil nakatago ito?” si Blake na hindi pinagpawisan at halatang excited sa adventure.
Natawa nang malakas si Axel bago huminto at tinignan ng masama si Ryker.
“Siguraduhin mo lang na hindi tayo nawawala.”
“Ano ba? Wala ka na bang alam gawin kundi magreklamo?” si Kriss na sumandal sa balikat ni Ryker.
“Ano ba? Wala ka na bang alam gawin kundi ipagtanggol ‘yang boyfriend mo, ha?”
Parehong namula si Kriss at Ryker sa narinig.
Kinuha ni Zane ang mapa kay Ryker at tinignan iyon para matapos na.
“It should be here—” turo niya sa kaliwa nila.
Ngunit natigil sa ere ang kamay niya nang may makita siya.
Bigla iyong nawala nang sundan ng tingin ng mga kasama niya ang direksyong tinuro niya.
“Guys, I think you should just wait here. Ako na ang maghahanap. Tatawagin ko na lang kayo.”
Mabilis na iniwan niya ang mga kaibigan.
“Zane, wait! We need to stick toge—”
“Just let him go. Hindi ‘yon mawawala. Ang mabuti pa, kainin na lang natin ‘yung pagkaing dala niyo at gutom na ako.” suhestyon ni Axel na ikinailing ng tatlo.
“Come on!”
Samantala, sa gitna ng kagubatan…
“Is that you?” tanong ni Zane nang mapalibutan siya ng mga puno, matapos niyang tumakbo at hanapin ito.
“I know it’s you…”
Hangin ang sumagot sa kanya na nanggaling sa mga sanga ng malalaking puno.
Nakasandal ang buong katawan ni Chiara sa likod ng isang higanteng puno habang pinapakalma niya ang paninikip ng kanyang dibdib.
He doesn’t remember her.
Bumalik ang lahat ng alaala niya, ngunit hindi kay Zane.
Napapikit siya ng mariin nang maramdaman niya ang papalapit na presensya nito.
Hindi naaalala ni Zane kung kailan unang nagtagpo ang kanilang mga mata… Hindi nito naaalala ang unang halik nila sa rooftop… Hindi rin nito naaalala na minsan siyang inangkin nito bilang kanya…
Hindi siya nagtagumpay na pakalmahin ang kanyang dibdib dahil lalo lamang iyong nanikip.
“Chiara?”
Nagmulat ng mga mata si Chiara nang marinig niyang muli ang kanyang pangalan sa mga labi ni Zane.
Isang malamig na hangin ang dumaan at natagpuan na lang ni Zane na may nakayakap sa kanya mula sa kanyang likod.
“You remember my name?”
Masakit na nakalimutan siya nito, ngunit mas masakit na nakalimutan niya ito.
“Forgetting you is the saddest thing that happened to me…”
Lalong humigpit ang pagkakayakap ni Chiara dito.
God, she’s real. Even if she’s not, he’s okay with it.
Tinanggal ni Zane ang pagkakayakap nito sa kanya saka ito hinarap. Mas lalong nagliliwanag ang ganda nito sa araw.
“I miss you.”
Kinakabahang ikinulong ni Zane ang mukha nito sa mga palad niya. Natatakot siyang bigla na namang itong mawala na parang hangin.
“I miss you so much. I may have forgotten everything about you, but my heart would never betray me. I love you… even if I can’t remember you… I still love you.”
Unti-unting napapawi ang higpit sa dibdib ni Chiara. Napangiti siya. Hindi niya dapat minaliit ang pagmamahal nito sa kanya.
“And I love you… so, so much… Even if you forget everything about me, I will make you fall for me over and over and over…”
Dinampian niya ng halik ang pisngi nito.
Napalunok si Zane. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin makalimutan ang halik na pinagsaluhan nila kagabi.
Naputol ang ngiti ni Chiara nang biglang lumapat sa labi niya ang labi ni Zane.
He’s warm and she’s cold, but when they kiss, she’s melting.
Lumipad ang hangin na umikot sa paligid nila habang sumasayaw ang mga dahon sa mga sanga ng puno.
Nanghihinang nagbitaw ang mga labi nila.
Pareho silang napangiti nang magtama ang kanilang paningin at nagdikit ang kanilang mga noo.
Sa gitna ng kagubatan, nagpatuloy ang mahiwagang sandali…
Ang mga puting paro-paro na nabulabog dahil sa malakas na hangin ay nagsilabasan sa kanilang pinagtataguan.
Lumipad ang mga ito sa taas ng balikat ni Chiara at pinaikutan sila ni Zane, bago nagtungo sa ibang direksyon na parang niyayaya silang sundan.
Hinila ni Zane ang isang kamay niya, nagtatanong ang mga matang sinundan ito ni Chiara.
Pumasok sila sa mabatong bakod na napapalibutan ng mga ligaw na damo.
Itinabi ni Zane ang mga damong nagmistulang pinto.
Bumukas ang isang pasukan sa kanila. Mukhang matagal na ang panahong may naligaw sa loob nito.
Muling hinila siya ni Zane at pumasok sila sa loob.
Isang maaliwalas na paligid ang sumalubong sa kanila, kasama ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak at ingay ng tubig mula sa talon.
Isang paraiso ang natagpuan nila, tila isang tagong mundo na malayo sa ingay ng lahat. Tahimik, pero buhay na buhay. Sa pagdating nila, mas marami pang paru-paro ang nagliparan mula sa mga bulaklak, na para bang matagal nang hinihintay ang pagdating nila.
“We found it,” bulong ni Zane, may halong pagkamangha habang pinagmamasdan ang tanawin.Inikot ang paningin sa paligid na para bang bumalik siya sa nakaraan. “Dati akong naglalaro sa lugar na ito. Sabi ng matatanda, dito daw tinutupad ng mga engkanta ang kahilingan ng mga tao.”
Tahimik na lumapit si Chiara sa isang kumpol ng bulaklak at marahang pumitas ng isa, bago iniabot iyon kay Zane. “Naniniwala ka pa rin ba?.”
Saglit lang ang katahimikan bago tinanggap ni Zane ang bulaklak, at sa halip na itago o hawakan iyon, dahan-dahan niyang inilagay iyon sa gilid ng tenga ni Chiara. “Who needs a fairy when I have you?” mahina pero may ngiti niyang sabi.
Napatawa si Chiara, bahagyang umiling. “Fairy? Hmm…” Tinignan niya si Zane, at may kung anong kislap sa mata niya nang sabihing, “Kung ganon, tutuparin ko ang kahit anong hiling mo.”
“Kahit ano?” tanong ni Zane, mas seryoso ang tono habang marahang hinawakan ang kamay ni Chiara, at mararamdaman ang pag-igting ng hawak nito, parang may gustong sabihin na matagal nang tinatago.
“Kahit ano,” sagot ni Chiara, matatag ang boses pero may lambing.
Hindi nag-aksaya ng oras si Zane. Yumuko siya at pumitas ng tatlong bulaklak sa tabi nila. Pagkatapos, lumuhod siya sa harap ni Chiara, hawak ang munting bulaklak na tila alay sa kanya.
“Pakakasalan mo ba ako?”
Natigilan si Chiara. Tila huminto ang paligid. Nanatili siyang nakatitig kay Zane, pilit binabasa kung seryoso ba ito. Sa paligid nila, marahang hinihipan ng hangin ang mga dahon ng bulaklak, tinatangay ang ilan patungo sa talon, habang ang iba’y marahang lumulutang sa malinaw na tubig.
“B-but I… I’m a demon.” Mahina, halos hindi marinig, pero ramdam ang bigat ng salitang iyon sa dibdib niya.
“Kahit multo ka pa, gusto pa rin kitang pakasalan,” sagot ni Zane, hindi inaalis ang tingin sa kanya.
“Zane—”
“Sabi mo… tutuparin mo ang hiling ko?” May bahagyang panginginig sa tinig ni Zane, pero hindi ito umatras. Ito lang ang tanging paraan upang manatili ito sa tabi niya.
Ang kahungkagang naramdaman niya pagkagising niya ng hospital, ang mga piraso ng alaalang pumupunit sa puso niya kahit hindi niya ito lubos na maalala. Subalit ngayong hawak niya ito, hindi niya kayang isipin na maaari muli itong maglaho sa kanya.
Napakagat-labi si Chiara, pilit nilulunok ang luhang gustong kumawala. Ilang saglit pa, mahina siyang tumango, at sa wakas ay bumulong,”Y-yes… oo, papakasalan kita.”
Bahagya siyang yumuko para magpantay ang kanilang mukha. Doon, sa gitna ng mga lumilipad na dahon at paru-paro, sinelyuhan nila ang isa’t isa, isang halik na puno ng pangako, ng takot, at ng pag-asa para sa kanilang dalawa.

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.