- Fearless
- Chapter 1: Trapped with the Unknown
- Chapter 2: Drama in the Council Room
- Chapter 3: Unwanted Company
- Chapter 4: When Curiosity Becomes Obsession
- Chapter 5: The Transfer Student
- Chapter 6: A Band-Aid for a Demon
- Chapter 7: The Rooftop Encounter
- Chapter 8: Meeting the Goddess
- Chapter 9: Too Late to Turn Back
- Chapter 10: If Only She Didn’t See
- Chapter 11: Breaking the Mask
- Chapter 12: The Demon I Love
- Chapter 13: To Stay or To Let Go
- Chapter 14: A Love That Kills
- Chapter 15: The Witch’s Bargain
- Chapter 16: The Bond That Shouldn’t Break
- Chapter 17: The Dream That Haunts Me
- Chapter 18: Drawn to You, Again
- Chapter 19: The Day I Found You Again
- Chapter 20: Between Love and Fear
- Chapter 21: I Will Find You Again
- Epilogue
Bumukas ang mga mata ni Chiara nang marinig niya ang pag-iiba ng tunog sa wall clock, hudyat na umaga na. She really loves every morning dahil may dahilan siya para ipagluto ng agahan si Zane.
Akmang babangon na siya nang may mga brasong pumigil sa kanya at lalo siyang ikinulong sa mga yakap nito.
“Hey…” namamaos na wika nito at hinalikan ang batok niya.
Humarap siya kay Zane at sumiksik sa hubad nitong dibdib. They’re both naked under the warm blanket. Hindi na niya alam kung anong oras sila natapos kagabi dahil hindi siya tinantanan ni Zane hanggang hindi ito napagod.
“Morning…”
“Hm…” Hinanap nito ang leeg niya at mariin iyong hinalikan. Nakikiliting iniwasan niya ito.
“Zane!”
Ngunit hindi ito tumigil sa pakiusap niya at dinaganan pa siya nito saka hinila ang kumot para itakip sa kanila. Napuno ng tawanan ang loob ng kwarto.
Samantala, sa kusina…
Umiikot ang eyeballs ni Celes habang kumakagat ng toast bread sa kitchen. Lalo tuloy tumamis ang strawberry jam na filling niya dahil sa naririnig niyang lambingan ng bagong gising na lovebirds.
Bakit ba hindi nila lagyan ng soundproof ang kwarto nila?
Napahugot na lang siya ng hangin at muling sinubo ang bread sa kanyang bibig. Sa tagal ng panahon na ginugol niya sa mundo, karamihan ng mga nilalang na lumalapit sa kanya ay dahil sa pag-ibig. Gusto nilang mapaibig ang minamahal nila, gusto nilang sa kanila lang ito titingin at wala nang iba. Nagbabayad sila ng malaki kapalit nito, kahit buhay pa nila ang hingin niya.
Ngunit hindi niya akalaing ang sumunod na dumating sa kanya upang magpatulong na mapaibig ang sinisinta nito ay ang tao ding bumihag sa puso niya.
Bakit niya ibibigay dito ang mahika na magiging hadlang sa kanya para dito?
Ni minsan, hindi naisip ni Celes na darating ang panahon na siya ang gagamit ng kanyang mahika para sa sarili niya. Nabulag ito at umibig sa kanya, ikinulong niya ito sa kanyang pagmamahal. At minahal siya nito dahil sa itim na mahika na nilagay niya sa puso nito, ngunit kahit magkaganoon pa man, hindi niya naramdaman ang tunay na tuwa sa kanyang dibdib.
Dahil sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang hindi siya nito mahal. Sa huli, nagawa niya itong pakawalan…
Ang gusto niyang pag-ibig ay tunay at wagas. Tulad ng meron si Chiara at Zane, na kahit pinaghiwalay at binura niya ang kanilang mga alaala ay babalik at babalik pa rin sila sa isa’t isa. Walang makakapigil sa kanila kahit na magkaiba silang nilalang.
Ngayong nahanap na niya ang nagmamay-ari sa kanya, wala nang lugar ang pag-ibig sa puso niya dahil tanging ang katapatan niya kay Chiara ang namamayani. She will be stuck with her for the rest of her life.
Muli siyang napahugot ng malalim nang marinig niya ang matatamis na lambingan ng dalawa.
“This is torture…”
Nasuya siya sa tamis kaya agad na hinigop ang kanyang mainit na kape. Napangiwi siya nang mapaso ang kanyang bibig. Nabitawan niya iyon na gumawa ng malakas na ingay.
“Shit…”
Sa kabilang banda, sa kwarto…
Parehong natigilan si Zane at Chiara nang marinig nila ang ingay sa labas.
“I think your little witch is sneaking into our kitchen again,” komento ni Zane.
“Don’t underestimate her. She’s small but she’s older than me—wait, what?” Gulat na napatingin si Chiara kay Zane.
“When did you—”
“Do you really think you can hide her?” Napapangiting pinisil ni Zane ang tungki ng ilong ni Chiara.
“May nakita akong babae na pumasok sa isang kwarto. Nang binuksan ko iyon, hindi ko siya nakita sa loob. At ng sumunod na araw, isang manipis na tela ang nakita kong lumulutang papunta ng kitchen. Naroon ulit siya at tumitingin ng cupcakes sa drawer.”
Napahawak sa noo si Chiara at tinakpan ang mga mata. Oh, that old hag!
“I’m sorry… Dapat hindi ko siya tinago sa’yo. I just… I just want you to live a normal life. Alam kong nahihirapan ka dahil ako ang pinili mo. Iniwan mo ang pamilya mo at mga kaibigan mo dahil sa akin. I don’t want you to be careful because of me. Gusto kong magawa mo ang lahat ng gusto mo nang walang pumipigil sa’yo.”
Bumaba ang tingin ni Chiara at hindi niya masalubong ang tingin ni Zane.
“I don’t want you to regret it…”
“Wala akong pinagsisisihan.”
Inangat ni Zane ang baba ni Chiara at siniil ng mainit na halik ang labi nito.
“I will regret it if I never have you in my life…”
Hinaplos niya ang magulong buhok ni Chiara na lalong nakadagdag sa karisma nito. This beautiful girl is mine… All mine…
Hanggang ngayon, hindi makapaniwala si Zane na pag-aari niya si Chiara. Para lamang siyang nabubuhay sa isang panaginip.
4 years later…
“I’m going to hunt,” paalam ni Chiara kay Celes. “Bantayan mo siya para sa akin. Pakiramdam ko may panganib na nakaabang sa kanya.”
Hindi malaman ni Chiara kung bakit nadadagdagan ang pangamba niya sa tuwing napapalayo siya kay Zane.
Everything is perfect. They’re living a beautiful life together. Malapit na ang graduation ni Zane sa college and they’re going to celebrate it tonight with his birthday.
Kaya hindi niya maintindihan kung saan nanggagaling ang kaba sa dibdib niya.
“Naiintindihan ko. Ako na ang bahala sa kanya pero Chiara…”
Hinintay ni Chiara ang susunod na sasabihin ni Celes, ngunit nagdalawang-isip ito.
“Never mind.”
“Protecting him is protecting me. I would lose myself if anything happened to him.” paalala niya.
“I know. You should go. You need to feed.”
Napasandal si Celes sa main door pagkaalis ni Chiara. Walang emosyon ang mga matang sinundan niya ang papaalis na anino nito.
“Hindi mo siya mapo-protektahan laban sa sarili niya. It was his fate.”
Nakita na niya ang mangyayari kay Zane, ngunit hindi niya akalaing mapapaaga ito.
“Thank you.”
Napalingon si Celes sa likod niya at nakita niya si Zane na nakatayo sa dulo ng hagdanan.
“She’s going to kill me. Kailangan mo na itong sabihin sa kanya. Hindi mo na ito pwedeng itago, at hindi makakatulong ang pagtatakip ko sa’yo. Nararamdaman na niyang nanganganib ang buhay mo, ngunit hindi niya alam na ang dahilan noon ay ang sakit mo.”
Tinulungan niya si Zane na pagtakpan ang sakit nito upang hindi mahalata ni Chiara. She used a barrier to hide his heart disease. Kung hindi, matutuklasan agad ni Chiara ang hindi normal na pintig sa dibdib nito.
Tumango si Zane, ngunit may bahid ng lungkot at takot ang mga mata niya. Hindi para sa kanya kundi para kay Chiara. Hindi niya ito gustong iwan, ngunit wala siyang magagawa.
Naiintindihan na niya kung bakit pinalaki siyang binibigay ang lahat sa kanya ng mga magulang niya. Na ni minsan ay hindi sila kumontra sa mga desisyon niya. Ni minsan ay hindi niya nakita ang mga itong nagalit sa kanya, at iniiwas siya sa mga emosyonal na bagay.
Pinalaki siyang kulang sa emosyon, iyon ay upang maprotektahan niya ang sarili niya.
Nagbago ang lahat ng iyon nang dumating si Chiara.
From the start, he knows that she’s dangerous to him…
Ngunit kahit magpakaganon, alam niyang ito at ito pa rin ang pipiliin niya.
Makalipas ang ilang buwan…
Tatlong mahihinang katok ang maririnig sa pinto. Bumukas ng maluwang ang pinto at pumasok ang malamig na hangin kasama ng mga tuyong dahon na sumama dito. Humahangin ng malakas sa labas na sumasalamin sa pagluluksa ni Chiara.
Dalawang matangkad na panauhin ang pinapasok sa loob ni Celes.
“Hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto niya.” wika ni Celes kay Koda.
“Ilang buwan na siyang nagluluksa. Nalagas na ang lahat ng dahon sa labas, hindi pa ba nauubos ang luha niya?” komento ni Kalous.
Tinignan naman ito ng matalim ni Koda.
“What?”
“When was the last time she fed?” tanong ni Koda kay Celes.
“Hindi niya ginalaw ang mga taong dinala ko. I can’t control her if her inner demon takes over.”
Samantala, sa itaas ng mansion…
Umakyat si Koda sa taas ng kwarto ni Chiara. Nakita niya si Chiara, nakadapa sa kama nito habang hawak-hawak ang damit ni Zane. Tahimik na umiiyak ito.
Umupo si Koda sa gilid ng kama at hinagod ang likod ni Chiara.
“So this is what you mean when you said that?”
Hindi natutuyo ang pisngi ni Chiara dahil napuno ng hinagpis ang dibdib niya.
“It will be hard and painful. Are you sure that this is what you want?”
No. This is not what she wants.
Gusto niya pang manatili ito sa tabi niya nang mas matagal. Kung pwede niya lang isuko ang buhay niya, gagawin niya para dito. Ngunit kahit maging siya ay walang kakayahang baguhin ang kapalaran nito.
A demon’s blood can only save a human life once. Kaya kahit matuyo ang katawan niya, hindi na niya ito maibabalik.
“The reason why I wanted to take you away from him is because of this… Ang sakit na iiwan niya sa’yo. Mag-iiwan ito ng sugat na hindi na maghihilom.”
“Hindi ito maghihilom dahil hahanapin ko siya. Kahit ilang beses pa siyang mawala, ibabalik ko siya sa tabi ko.” wika ni Chiara sa gitna ng kanyang mga hikbi.
“Then you need to be strong to do that.”
Napakagat-labi si Chiara at sinamyo ang kumukupas na bango na naiwan ni Zane.
She will find him and make him fall for her over and over.
Dinala niya ang singsing ni Zane sa labi niya at dinampian iyon ng halik.
I will find you…

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.