- Dangerous Thirst
- Prologue
- Chapter 1: Eighteen Again
- Chapter 2: Desperate Measures
- Chapter 3: Bargain for Freedom
- Chapter 4: Syven’s Warning Visit
- Chapter 5: Changing Fate
- Chapter 6: Second Chance
- Chapter 7: Losers but Loyal
- Chapter 8: Claiming his Heart
- Chapter 9: The Clash
- Chapter 10: Unspoken Tensions
- Chapter 11: A Life for Another
- Chapter 12: A Promise Remembered
- Chapter 13: Finding Light In The Darkness
- Chapter 14: A Night With Him
Kung ang practice ng Basketball Club ay karamihang sinusugod ng mga estudyanteng babae, ang practice naman ng Swimming Club ay binibisita ng mga estudyanteng lalaki.
Pinigilan ni Syven ang mapahikab habang binabantayan niya si Ellis. Kinawayan niya ito nang mapansin niyang naghahanap ang tingin ni Ellis sa mahabang bleachers. Lihim na naglabas ng hangin si Syven nang mag-focus si Ellis sa stretching nito. Huwag mong sabihing ganito na ang magiging papel niya? Hindi lang siya naging driver kundi naging babysitter pa siya? Bumaliktad na ang posisyon nila—siya na ang nagmumukhang possessive boyfriend nito.
Tumindig ang pagkakaupo ng mga lalaking estudyante nang magsimulang magtanggal ng robe ang mga miyembro ng swimming club. Lumitaw ang see-through fabric na suot ng mga swimmers. Karamihan ng tingin ay kay Ellis. Sunod-sunod ang paglunok ng fan club nito nang magsimulang lumusong si Ellis sa tubig. Ang korte ng katawan nito ay mas lalong nagpakita habang lumalangoy ito.
Pumikit naman si Syven at nagpahinga sa tabi nang maramdaman niyang pumipintig na naman ang kanyang sentido. Kahit uminom na siya ng pain reliever ay hindi pa rin nawawala ang kirot. Hindi niya namalayang naidlip siya, nagising lamang siya nang may tumawag sa pangalan niya.
“Syven.”
Sinalubong si Syven ng malamig na tingin. Napangiti siya nang makita niya si Bryant. Hindi siya halos binigyan ng pansin ni Bryant kaninang umaga, ngunit ngayon ay ito mismo ang naghanap sa kanya.
“We need to talk.”
“Go ahead, talk then.”
Ang isa ay dominanteng nakatayo habang nasa baba ang tingin. Ang isa naman ay kampanteng nakaupo habang nakaangat ang tingin nito.
“Ano sa tingin mong ginagawa mo?”
“Binabantayan ang girlfriend ko.” Plantadong sagot ni Syven.
“Hindi mo ba ako kakausapin ng maayos?”
“Ano sa tingin mong ginagawa ko?” Naaaliw si Syven sa bahagyang pagsingkit ng mga mata ni Bryant. Bihira lang itong magpakita ng galit, mabibilang niya lang sa daliri niya kung ilang beses itong nagalit sa kanya. Ang isa roon ay nang malunod siya dahil hindi niya ito hinintay na lumangoy sa malalim na tubig.
Kinuha ni Bryant ang isang kamay ni Syven at hinila ito palabas ng swimming club. Napansin ni Syven na hindi ganoon kahigpit ang pagkakahawak ni Bryant sa kamay niya. Hinayaan niyang dalhin siya nito sa loob ng bakanteng hallway.
“Gusto kong bawiin ng kaibigan mo ang suspension ni Troy.”
“Ikaw na ang nagsabi, kaibigan ko ang nagpa-suspend sa kanya, kaya bakit ako ang sinisingil mo?”
“Dahil alam kong sa’yo lang sila nakikinig.”
“Itigil mo na ang pagpapakabayani. Ikakamatay mo ang pagsagip sa kaibigan mo sa tuwing nalalagay sila sa alanganin.”
“Huwag mo akong itulad sa’yo. Hindi ko iiwan sa ere ang mga kaibigan ko.”
Dumiin sa pandinig ni Syven ang huling katagang binitiwan nito. Hindi niya namalayang iniwasan niya ang malalim na tingin ni Bryant na tila napapaso siya. Sinusumbatan ba siya ni Bryant? Bakit parang may bahid ng bigat ang tinig nito? Natuyo ang lalamunan ni Syven at wala siyang masabi. Nang bumaba ang tingin niya sa kamay ni Bryant, muling bumalik ang ngiti sa labi niya.
“Papayag ako sa isang kondisyon.” Inilahad ni Syven ang palad niya dito. “Ibigay mo sa akin ang susi ng sasakyan mo.” Nagtatanong ang tingin ni Bryant sa kondisyon niya. “Huwag mong sabihing susukuan mo na ang kaibigan mo?” Nanghahamon na tanong niya dito. Gusto niya pa itong tudyuin nang maramdaman niya ang malamig na bagay sa kamay niya. Walang tutol na ibinigay ni Bryant ang susi sa kanya. Lumalim ang ngiti sa labi ni Syven.
“Alright, you have my word.” Napapailing na lumabas siya ng kwarto habang pinapaikot sa daliri niya ang susi ng sasakyan ni Bryant. Nagtaka siya nang hindi na niya maramdaman ang kirot sa sentido niya.
Nang makabalik si Syven sa swimming club, nakaahon na sa tubig si Ellis. Kumuha siya ng towel at binalot ito dito.
Sa kalagitnaan ng pool, isang swimmer ang nagkaroon ng cramps. Tumalon ang kasama nito upang saklolohan ang kaibigan. Sunod-sunod ang ubo nito nang makaahon sa tubig, napahawak ito sa leeg na tila nasakal sa dami ng nainom nito.
“You seem pretty happy, huh?” Puna ni Ellis nang palihim na gumagapang ang kamay ni Syven habang pinupunasan siya.
Humalik sa gilid ng tenga ni Ellis ang mainit na hininga ni Syven na bumulong sa kanya.
“I can picture you gasping for breath on my bed.”
Nag-init ang mukha ni Ellis at tiningnan ng matalim si Syven.
Walang pakialam ang magpares sa mga matang nagmamasid sa kanila. Ang mga nanonood pa ang namumula sa pagiging open ng dalawa sa kanilang relasyon. Kahit saang anggulo ay bagay na bagay ang mga ito. Maging ang mga lihim na humahanga kay Ellis ay umatras ang mga paa nang makita nila kung sino ang lalaking nagmamay-ari na dito.
Si Ellis ang tipo ng babae na napakahirap paamuhin. Maraming sumubok ngunit kahit hibla ng buhok nito ay hindi nila mahawakan. Hindi lingid sa kaalaman ng buong school na iisang lalaki lang ang nakakuha ng interes nito.
Pinigilan ni Ellis ang kamay ni Syven bago siya tuluyang lumambot sa mga hawak nito.
“When are you planning to take me out on a date?”
Nakita niyang napaisip si Syven sa tanong niya.
Naalala ni Ellis na hindi ito naging seryoso sa mga babaeng lumalapit dito, at siya pa lang ang unang babaeng pinapasok nito kaya wala itong ideya sa nais niyang mangyari. Gusto ni Ellis na lumalim ang pagtingin sa kanya ni Syven. Magagawa niya lamang iyon kung matututunan nitong tanggapin na pag-aari nila ang isa’t isa.
“Maybe we could start with a dinner date tonight. What do you think?”
Pinahid ng daliri ni Syven ang mga butil na dumudulas sa leeg ni Ellis.
“Sounds good to me.”
Hindi na siya mag-iisa ngayong gabi. Marahil ay nagiging mahina na siya at kailangan niya si Ellis upang okupahin ang kahungkagang nararamdaman niya.
Sa isang sulok, may pares ng mata ang nakasaksi sa malalim na tingin ni Syven kay Ellis. Binawi nito ang tingin at piniling lisanin ang lugar nang tahimik.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.