- Dangerous Thirst
- Prologue
- Chapter 1: Eighteen Again
- Chapter 2: Desperate Measures
- Chapter 3: Bargain for Freedom
- Chapter 4: Syven’s Warning Visit
- Chapter 5: Changing Fate
- Chapter 6: Second Chance
- Chapter 7: Losers but Loyal
- Chapter 8: Claiming his Heart
- Chapter 9: The Clash
- Chapter 10: Unspoken Tensions
- Chapter 11: A Life for Another
- Chapter 12: A Promise Remembered
- Chapter 13: Finding Light In The Darkness
- Chapter 14: A Night With Him
Nagpaalam si Syven kay Chase na hindi siya makakapunta sa lakad nila.
“Seryoso ka talaga sa kanya?” si Chase nang sabihan siya ni Syven na bawiin ang suspension ng basketball player na nag-iwan ng pasa sa mukha niya.
“Gawin mo na lang ang sinabi ko.”
“Babawiin ko ang suspension hindi dahil sa girlfriend mo kundi dahil gusto ko muling makita ang mukha ng player na gumawa sa akin nito.”
“Chase, banggain mo na kung sinong gusto mo, huwag mo lang gagalawin ang team ni Bryant.”
Namangha si Chase nang bigyan siya ng mabigat na babala ni Syven. “Bryant? ‘Yun ba ang pinsan ni Ellis? Ayaw niya ba sa’yo para sa pinsan niya kaya sinugod mo siya? Kung gano’n, siya ang sinasabi ng player na ‘yun na kaibigan nito.” Unti-unting nalilinawan si Chase.
“Kailan ka pa naging usisero?”
“Simula nang hindi ka na nagsasabi sa amin ng mga plano mo,” naging seryoso ang ekspresyon ni Chase. “Wala akong problema kung seryoso ka kay Ellis. Pero kahit ilan ang naging girlfriend ko, hindi ako nawawala sa mga lakad natin.”
“Gusto niya ako, pero hindi ibig sabihin noon ay gusto ko rin siya.”
Nagtatanong ang tingin ni Chase kay Syven.
“Naalala mo nang sinabi kong nilagyan niya ng gamot ang inumin ko?” Lumalim ang pagkakunot ng noo ni Chase. “Hindi ako naging maingat sa kanya ng gabing iyon. Nalaman kong nirecord ni Ellis ang nangyari sa amin. Kapag lumabas ito—”
“That damn bitch! Bakit hindi mo sinabi sa akin ito nang maaga? Binablackmail ka ba niya?”
“Ang mahalaga ay makuha ko ang loob niya. Nagawa ko nang humiwalay kay Dad. Hindi maaaring magkaroon ako ng problema ngayon. Naiintindihan mo ba?”
Huminga ng malalim si Chase at pinisil ang balikat ni Syven. “Pasensya na, hindi ko alam.”
Binalik ni Syven ang pisil sa balikat ni Chase. “Kasalanan ko rin, hindi ako nagsabi sa’yo.” Sinigurado ni Syven na hindi na dadagdag si Chase sa aalahanin niya. Hindi siya nagpadala sa blackmail ni Ellis noon. Hinayaan ni Syven na masira ang pangalan niya at ang reputasyon ng kanyang pamilya. Ito ay lubos na ikinagalit ng ama niya na halos naisin nitong bawiin ang pangalan nito sa kanya.
Hindi pa man ito nangyayari, at walang malay si Ellis na alam niya ang tungkol sa plano nito kapag hindi siya bumigay dito. Pinagkatiwala ni Syven kay Chase ang bagay na ito dahil kailangan niya ang suporta ng kaibigan upang hindi ito makasira sa mga plano niya.
Alam niyang hindi titigil ang kaibigan niya hangga’t hindi nito nalalaman ang tunay na nangyayari sa kanya. Kapag nagkainteres ito sa isang tao, mahirap itong pigilan sa gusto nitong gawin. Higit sa lahat, hindi niya gustong biguin si Bryant. Hindi niya gustong makita na nag-aalala ito para sa ibang tao.
Matapos makausap si Chase,tinawagan ni Syven ang staff ng hotel…
Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Ellis ng makita ang hinandang sorpresa ni Syven sa kanya. “You prepared this?”
“You mentioned wanting it to be romantic.” Ipinaghila ni Syven ng upuan si Ellis sa dinner table.
Ang malamlam na liwanag sa paligid na sinalinan ng malamyos na tugtugin ay nanghihikayat ng mainit na gabi para sa dalawa.
Hindi maipaliwanag ni Ellis ang nararamdaman niya. Kung noon ay isa lamang itong malabong panaginip, ngayon ay binigyang katuparan ni Syven ang mga bagay na hinangad niyang gawin kasama ito.
Humigpit ang yakap ni Syven sa baywang ni Ellis habang sinasabayan nila ang malambot na musika. “Sigurado ka bang hindi mo pa ito ginagawa sa iba?” si Ellis nang maramdaman niyang hindi ito bago kay Syven.
“Ang mahalaga ay kung sino ang kasama ko ngayon.”
Bumaba ang mainit na hininga ni Syven sa hubad na balikat ni Ellis. Nalanghap niya ang naghalong pabango at ang matamis na halimuyak ng katawan nito. Dumampi ang labi ni Syven sa makinis na balat nito. Mapang-akit ang backless na suot ni Ellis, lalong pinatingkad ng itim na kasuotan ang malambot na balat nito.
Gumuhit ang daliri ni Syven sa likod nito. “Did you prepare this for me?” Dumausdos ang daliri niya pababa. “Can I unwrap it?”
Bahagyang nilayo ni Ellis ang sarili kay Syven. “Not tonight.”
Gusto niyang higit pa sa katawan niya ang mahalin nito. Hindi niya matukoy kung dahil sa nangyari sa kanila kaya nagbago ang isip ni Syven o dahil tuluyang nahulog ang loob nito sa kanya. Hangga’t hindi nakakasigurado si Ellis, hindi siya agad susuko dito. Kumalas siya sa mga kamay ni Syven at nagsalin ng alak sa dalawang wine glass. Inabot ni Ellis ang isang hawak niya kay Syven.
Kinuha ni Syven ang kamay ni Ellis at dinala niya ito sa isang silid kung saan may mahabang sofa. Sa labas ng glass wall ay makikita ang kabuuan ng mga gusali sa baba nila. Pinatay niya ang ilaw ng kwarto upang ang mga ilaw sa labas ang tanging nakikita nila.
“Nang dumating ako dito sa hotel, ito ang naging paborito kong view.”
Nang mamatay ang ilaw ng silid, bumalot ang kalungkutan sa paligid. Humigpit ang hawak ni Ellis sa kamay ni Syven. Binubuksan ba nito ang sarili nito sa kanya? Marahan siyang inalalayan ni Syven na umupo sa mahabang sofa, ngunit hinila niya ito at umupo sa kandungan nito.
“Not tonight?” Napapangiting pinagsalikop ni Syven ang mga daliri nila.
“I never said I didn’t want to be spoiled a little.”
Kinalas ni Syven ang high-heeled sandals sa mga paa ni Ellis. Mula sa namumulang daliri ng mga paa ni Ellis ay naglakbay ang kamay niya paangat.
“Syven, please…”
“Alright.” Tinaas ni Syven ang kamay niya. “Sabihin mo sa akin kung paano ako kakalma kung inaakit mo ako?”
“Hindi ko na mabilang kung ilang beses kitang inakit noon pero hindi mo ako tinapunan ng kahit isang sulyap.”
“Kaya ba pinaparusahan mo ako ngayon?”
“Isipin mo na lang na bumabawi ako.”
Sumimsim ng alak si Ellis upang itago ang ngiti niya.
Sumunod din na sumimsim ng alak si Syven. Nililibang niya ang sarili sa halimuyak ng alak at ni Ellis.
Sumunod din na sumimsim ng alak si Syven. Nililibang niya ang sarili sa halimuyak ng alak at ni Ellis. Kung hindi lamang ito pinsan ni Bryant, marahil ay nagustuhan niya rin ito noon.
Siya ang taong pabago-bago ng desisyon. Kaya ang gusto ni Syven ay ang taong hindi nagbabago tulad ng nararamdaman ni Ellis para sa kanya. Hindi man mapagkatiwalaan ni Syven ang sarili niyang nararamdaman, alam niyang mapagkakatiwalaan niya ang nararamdaman ni Ellis para sa kanya. Sapat na iyon upang naisin niyang manatili ito sa tabi niya.
“Naalala ko na hindi ka marunong lumangoy noon, natatakot kang lumapit sa pool kapag nakikita mo kaming lumalangoy ni Bryant,” sabi ni Syven.
“At naalala mo rin ba na ikaw ang dahilan kung bakit natuto akong lumangoy?” sagot ni Ellis.
Kumunot ang noo ni Syven. “Hindi ko matandaan na tinuruan kita.”
“Hindi mo ako tinuruan. Paano mo ako tuturuan kung hindi ka rin marunong lumangoy? Nakalimutan mo na bang lumusong ka noon sa malalim na tubig at nalunod ka? Ako ang unang nakakita sa’yo at hindi ko alam ang gagawin ko noon. Mabuti na lamang at agad na dumating si Bryant para sagipin ka. Simula noon ay nagsikap akong turuan ang sarili kong lumangoy dahil ayokong matulad sa’yo.”
Hindi makakalimutan ni Ellis kung ilang beses siyang nalunod matuto lamang siyang lumangoy, dahil nais niyang sa susunod ay siya naman ang magliligtas kay Syven.
Bumaba ang tingin ni Syven sa hawak niyang wine glass. Hindi lamang isang beses kundi maraming beses na siyang niligtas ni Bryant. At sa huli, hindi nito naligtas ang sarili nito.
“Natatandaan mo pa ba noong unang magkita tayo?” tanong ni Ellis habang pumulupot ang kanyang mga kamay sa batok ni Syven.
Ngumiti si Syven. “Naalala kong ayaw mo sa akin noong unang magkita tayo. Inimbitahan ako ni Bryant na dumalo sa kaarawan mo pero hindi mo tinanggap ang regalo ko.”
“Dahil nabawasan ang oras at atensiyong binibigay sa akin ni Bryant nang maging magkaibigan kayo. Iniwan ako ng magulang ko sa pamilya ni Bryant dahil madalas silang lumuluwas ng bansa. Halos sa kanila na ako lumaki, at si Bryant ang tumayong kapatid ko. Pinunan nila ang oras at atensiyon na hindi ko makuha sa sarili kong pamilya.
Pero nang dumating ka sa buhay ni Bryant, nabawasan ang oras niya sa akin. Kaya noong ipinakilala ka niya sa kaarawan ko, nagselos ako dahil pakiramdam ko inagaw mo siya sa akin. Hindi ko inakalang darating ang araw na pagseselosan ko si Bryant dahil sa kanya mo lang binibigay ang atensiyon mo.”
Marahil dala ng alak ay nagagawang ilabas ni Ellis ang nasa loob niya.
“Syven.”
“Hm?”
Lumapit ang mukha ni Syven sa leeg ni Ellis kung saan nagmumula ang matamis na halimuyak ng pabango nito.
“Hindi mo ako iiwan tulad ng ginawa mo kay Bryant, hindi ba?”
Tumigil ang paglapat ng labi ni Syven sa leeg nito.
“Kapag ginawa mo ‘yun, hinding-hindi kita mapapatawad.”
Dumulas ang wine glass sa kamay ni Syven, lumikha ng malakas na ingay sa madilim na silid. Sa isang iglap, bumalik sa kanya ang tunog na humihiwa sa pandinig niya—hinihila siya pabalik sa nakaraan nila…
“Syven?! Syven! Syven!”
Sunod-sunod ang sigaw ni Ellis sa pangalan niya nang sundan siya nito matapos niyang lisanin ang baguet hall.
Nagkasundo ang magulang ni Ellis at ama ni Syven na ipagkasundo silang dalawa upang isalba ang reputasyon ni Ellis at malinis ang pangalan ng pamilya niya. Iaatras lamang nila ang kaso kung pakakasalan niya si Ellis.
Hindi matanggap ni Syven na matatali siya sa manipulasyon ng isang babaeng nais siyang gawing pag-aari nito. Hindi pa ba sapat na dinidiktahan siya ng kanyang ama? Hanggang kailan siya magpapahawak sa mga taong gustong manipulahin ang buhay niya?
Buo ang loob na tinanggihan ni Syven ang engagement nila ni Ellis. Walang halaga sa kanya kung muling madungisan ang reputasyon nito at mapahiya ang pamilya niya. Mas nanaisin ni Syven na makulong kaysa matali sa kagustuhan ng mga ito.
“Syven—!”
Magkasabay na huminto ang pagtawag ni Ellis sa pangalan ni Syven at ang hakbang niya nang isang malakas na putok ang umalingawngaw, dumagundong sa buong banquet hall. Sumabog ang takot sa mga mata ng mga bisita. Kasunod nito ang mga sigaw—nagkakagulong tinig, umaalingawngaw sa bawat sulok ng engrandeng silid.
At sa gitna ng kaguluhan, isang pangalan ang umabot sa pandinig ni Syven.
“Bryant!”
Bumalik ang kanyang mga hakbang. Masama ang kutob niya. Nang makita niya ang tanawin sa loob, biglang tumigil ang mundo niya.
Nagkalat sa puting marmol ang dugong tumagas mula sa katawan ni Bryant. Ang puting dress ni Ellis ay may bahid ng pulang likido. Nakatayo ito, namumutla, nanginginig.
Lumipat ang tingin ni Syven sa nakadapang katawan ni Bryant—hindi gumagalaw, hindi na humihinga.
Naramdaman niyang humigpit ang hawak niya sa sariling mga kamao, ngunit tila wala siyang lakas para lumapit.
Mabilis na dinakip ng mga security guard ang lalaking namaril, ang kamay nito ay nanginginig pa rin habang mahigpit na nakapulupot sa baril. Hindi ito lumaban. Wala itong ibang ginawa kundi titigan ang duguang si Bryant, waring hindi makapaniwala sa sarili niyang ginawa.
Nagsimulang mag-ingay ang mga sirena ng paparating na ambulansya. Ramdam ni Syven ang panlalamig ng kanyang katawan habang pinagmamasdan ang rescue team na pilit na binubuhay si Bryant.
Wala na siyang naririnig. Wala na siyang ibang makita kundi ang kamay ni Bryant na bumagsak mula sa stretcher habang inihahatid ito palabas.
At doon niya napagtanto—hindi na mababago ang nangyari.
Hindi na niya mababawi ang lahat.
“Syven?”
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Syven nang muli niyang marinig ang boses ni Ellis. Naging sariwa ang sugat ng nakaraan sa dibdib niya, ipinaalala sa kanya kung ano ang maaari muling mawala sa kanya.
Binalot niya ng mahigpit na yakap si Ellis, pilit na itinatago ang panlalamig sa loob niya.
“Hindi ko na muli ‘yun gagawin sa’yo,” pangako ni Syven sa sarili niya.
Nakatulog si Ellis sa mahabang sofa. Binuhat ito ni Syven at dinala sa isa sa mga silid niya. Umupo siya sa baba ng kama pagkatapos niyang ihiga si Ellis. Sandali niyang pinagmasdan ang mukha nito—payapa, walang bahid ng mga alaalang bumabagabag sa kanya.
Nanatiling malamlam ang liwanag na nagsisilbing ilaw ng silid. Dumiin ang daliri ni Syven sa malamig na sahig…
Hinabol siya ni Ellis nang lisanin niya ang banquet hall, ngunit pinigilan ni Bryant ang pagwawala nito at kinulong ito sa mahigpit na yakap. Walang nagawa si Ellis kundi tawagin ang pangalan niya. Puno ng hinanakit at galit ang hiyaw nito sa kanya.
Ito ang nadatnan ng lalaking nakasuot ng uniform ng security guard. Nagpanggap itong isa sa mga security ng hotel at kinumpirma kay Bryant kung siya ba si Syven Claw. Hindi nakaligtas kay Bryant ang nanlilisik na mga mata ng security guard at ang mariing pagkakahawak nito sa baril.
Hindi pa nakakalayo si Syven nang muling tawagin ni Ellis ang kanyang pangalan. Mabilis na inako ni Bryant ang pangalan niya nang makita nito ang pagkalito sa mata ng lalaki.
Saglit na katahimikan.
Sumunod ang isang iglap ng trahedya.
Walang babala nang bumigat ang daliri ng security guard sa gatilyo. Hindi nagdalawang-isip ang security guard na kalabitin ang gatilyo ng baril nang makumpirma nitong kaharap niya ang anak ng taong nagpakulong sa kanya. Nais niyang wakasan ang buhay ng taong naging dahilan ng pagkasira ng buhay niya.
At nagtagumpay ito, dahil simula noon ay hindi na humihinga si Syven para sa sarili niya—kundi para sa buhay na ninakaw niya.
Nangyari ang lahat ng iyon dahil naging makasarili siya.
Bumaon ang mga daliri ni Syven sa palad niya. Lumipas ang mahabang gabi nang hindi niya namamalayan.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.