- Dangerous Thirst
- Prologue
- Chapter 1: Eighteen Again
- Chapter 2: Desperate Measures
- Chapter 3: Bargain for Freedom
- Chapter 4: Syven’s Warning Visit
- Chapter 5: Changing Fate
- Chapter 6: Second Chance
- Chapter 7: Losers but Loyal
- Chapter 8: Claiming his Heart
- Chapter 9: The Clash
- Chapter 10: Unspoken Tensions
- Chapter 11: A Life for Another
- Chapter 12: A Promise Remembered
- Chapter 13: Finding Light In The Darkness
- Chapter 14: A Night With Him
Pinunasan ni Syven ang pamumula ng mga mata niya. Sinuot niya ang shades nang kumalma ang kanyang paghinga bago siya bumaba ng sasakyan. Sa likod ng itim na salamin ay naagaw ng makulay na kumpol ng bulaklak ang kanyang pansin. Naalala niyang ngayon ang death anniversay ng ina niya.
“Kung may makakakita sa’yo, iisipin nilang ikaw ang anak niya.”
“Nangako ako sa ina ng kaibigan ko na mag-iiwan ako ng bulaklak sa tuwing dadaan ako sa kalsadang ito,” mahinang tugon ni Bryant. Hinila nito ang pulang laso na nakatali sa bulaklak.
Tumigil ang tingin ni Syven kay Bryant. Hinahanap niya ang dahilan kung bakit siya binalik sa nakaraan para sagipin ito, gayong hindi nito gustong maligtas. Tinalikuran ni Syven ang paglubog ng araw at sumandal sa railing ng bridge. Hinarang niya ang liwanag na tumatama kay Bryant.
“Bakit hindi mo subukang maging makasarili minsan? Unahin mo ang sarili mo bago ang ibang tao. Nasisiguro kong hahaba ang buhay mo kung gagawin mo ito.”
“Hindi ko ito gagawin sa kahit na sino lang.” Lumapit si Bryant sa railings at maingat na pinakawalan ng palad nito ang kumpol ng bulaklak. Tinangay ito ng dumaan na hangin, malayang lumipad ang makulay na mga bulaklak sa himpapawid.
“Nag-iiwan ka ng bulaklak sa taong hindi mo pa nakikita.”
“Mahalaga siya sa’yo kaya mahalaga rin siya sa akin.”
“Sinong nagsabing mahalaga siya sa’kin?”
“Nandito ka ngayon, hindi pa ba iyon sapat na dahilan?”
Bumalik ang kirot sa sentido ni Syven. Ininda niya ang sakit at hinarap si Bryant.
“Marahil gusto ko siyang pagtawanan dahil walang katuturan ang pagkamatay niya. Ang buong akala niya ay hindi siya makakalimutan ni Dad, na makokonsensya ito sa ginawa nito sa kanya, pero hindi iyon ang nangyari dahil pagkawala niya ay pinalitan siya nito agad. Na maging anak niya ay hindi na nito kinikilala. Kaya naman kinamumuhian ko ang taong kinalimutan ang sarili nila para sa iba. Wala siyang halaga sa akin dahil hindi niya pinahalagahan ang buhay niya…”
Nanginig ang kalamnan ni Syven. Bumigay ang bigat na kanina pa niya dinadala. Maagap na sinalo siya ni Bryant bago siya bumagsak sa tuhod niya. Nahulog ang salamin niya at nagsimulang dumilim ang kanyang paningin. Narinig niyang tinawag ni Bryant ang pangalan niya bago tuluyang namanhid ang kanyang pakiramdam.
Nagmulat si Syven nang makarinig siya ng malakas na bahing sa tabi niya.
“Oh? Nagising ba kita?” Inilayo ni Troy ang doughnut sa mukha nito nang maramdaman nitong babahing uli ito.
“Pang-apat mo na ‘yan,” paalala ni Rex na lumayo kay Troy at baka mahawa siya kung sakaling may sakit ito.
“Bakit hindi pa kayo umaalis?” si Bryant sa dalawang kasama nang makita niyang nasa living room pa ang mga ito.
“Pinapaalis mo na kami pagkatapos naming sunduin ang sasakyan niya sa haunted na highway na ‘yun?” angil ni Troy at muling kumagat sa doughnut niya.
“Mas mabuti pa na iwan na natin sila nang makapagpahinga siya. Ang sabi ni Dr. Gibs ay overfatigue ang tumama sa kanya. Hindi makakatulong kung mahawaan mo pa siya.” Tumayo si Rex at tinapik ang balikat ni Bryant. “Katukin mo lang kami kung may kailangan ka.”
Napilitang tumayo si Troy bitbit ang box ng doughnut. Tiningnan nito si Syven na muling nagpikit ng mata. Lumipat ang tingin ni Troy kay Bryant.
“Pakisabi na lang na humihingi ako sa kanya ng dispensa.”
Nang malaman ni Troy na magkaibigan ang dalawa ay hindi niya pa rin gustong maniwala. Nakumbinsi lang siya nang makita niya ang pag-aalala dito ni Bryant. Nakalimutan niya ang estado ni Bryant dahil hindi nito pinaparamdam ang agwat nila. Kung hindi niya pa nalaman na pinsan ito ni Ellis Laurel, na kilalang heiress ng isang malaking kumpanya, ay hindi nila malalaman ang tunay na background nito.
Sumama si Bryant sa kanila nang rentahan ng mga miyembro ng basketball team ang mga kwarto ng isang palapag ng condominium. Nakisalamuha ito na isa sa kanila. Kaya naman ang kaibigan nito ay kaibigan niya.
“Sa kanya lang ako humihingi ng dispensa at hindi sa kaibigan niya. Binawi man nito ang suspension ko, hindi ibig sabihin nito ay makikipag-ayos na ako.”
Muling nilingon ni Troy si Syven bago siya nagpaalam kay Bryant.
Binabaan ni Bryant ang temperature ng aircon nang makita nitong nilalamig si Syven.
“Kailangan mo munang kumain bago ka uminom ng gamot.”
Nanatiling nakasara ang mga mata ni Syven habang hinihilot niya ang kanyang sentido.
“Wala akong gana.”
Tinanggal ni Bryant ang kamay ni Syven sa noo nito.
Nagmulat si Syven at tiningnan ng malamig si Bryant. Napilitan siyang bumangon nang ilapit sa kanya ni Bryant ang mainit na bowl. Natuyo ang kanyang lalamunan nang malanghap niya ang sabaw ng noodles. Hindi na siya nagdalawang-isip nang marinig niyang kumalam ang kanyang sikmura.
Sunod-sunod ang subo at higop ni Syven na hindi niya namalayan ang naaaliw na mga matang tahimik na nagbabantay sa kanya.
Pagkatapos niyang kumain ay sunod na inabot ni Bryant ang gamot at tubig. Walang tanong na tinangap niya ito. Kung ang lason ay kusa niyang sinusubo, ang gamot pa kaya na makakapagpagaling sa kanya? Sumagap siya ng hangin na parang ngayon lang siya muling nakahinga dahil sa magkakasunod na subo niya kanina.
Lumibot ang tingin ni Syven sa tinutuluyan ni Bryant. Masikip ang lugar at iisa lang ang bedroom. Nang makita niyang kinuha ni Bryant ang bowl na wala nang laman, hindi akalain ni Syven na instant noodles ang pinakain nito sa kanya.
“Kailan pa kayo nabankrupt?” Sinubukan niyang tumayo pero pinigilan siya ni Bryant. Bumalik siya sa sofa nang maramdaman niyang nanghihina pa rin siya. Sumunod ang tingin ni Syven dito nang pumunta ito sa sink upang hugasan ang bowl na ginamit niya.
Sinong mag-aakala na ang tagapagmana ng pinakamalaking korporasyon ng Laurel ay tagahugas ng plato niya? Nang mabasa ni Syven ang report tungkol dito ay napapailing na lamang siya. Mas mabigat ang responsibilidad nito kaysa sa kanya pero mas malaya ito.
Mga piling kaibigan lamang ang meron si Syven na nasa pareho niyang estado, samantalang ito naman ay hindi namimili ng mga kasama. Hindi natatakot si Bryant na mapagsamantalahan o magamit ng ibang tao.
Walang narinig si Syven mula kay Bryant tungkol sa ginawa niya dito sa locker room o sa pag-iwan niya dito noon. Tanging siya lang ang maraming gustong itanong dito. Nais niyang malaman ang mga bagay na nawala kay Bryant dahil sa maaga nitong pagpanaw. Kung hindi iyon nangyari, ano na ang ginagawa nito pagkalipas ng sampung taon? Marahil nakabuo na ito ng sarili nitong pamilya at mas malayo ang mararating nito.
Ngunit wala nang saysay ang mga tanong na iyon. Dahil sa panahong iyon, hindi na siya bahagi ng buhay nito.
Hindi nagawang makalapit ni Syven sa funeral ni Bryant dahil hindi niya kayang makita ang hinagpis ng magulang nito. Kung siya ang nawala, natitiyak niyang hindi magsasayang ng luha ang ama niya sa kanya.
“You should stay here tonight. Mahina pa ang katawan mo kaya ‘di mo pa kayang magmaneho.”
Ang payo ni Bryant ang nagpabalik kay Syven sa kasalukuyan. Mapait na napangiti siya dito.
“Nang tinanong kita kung kaya mong mag-drive dahil natamaan ang kamay mo, nakinig ka ba sa akin?”
“Ito ba ang rason kung bakit kinuha mo ang susi ng sasakyan ko?” si Bryant na huminto sa pagpupunas ng kamay matapos niyang maghugas.
“Saan mo ako planong patulugin? Iisa lang ang bedroom mo,” pag-iiba ni Syven at nilibot ang tingin sa paligid ng kwarto maliban kay Bryant.
“Ako na ang matutulog sa sofa para makapagpahinga ka nang maayos.”
Bumalik ang tingin ni Syven kay Bryant. Matagal na nanatili ang tingin niya dito. Pinaalis nito ang dalawa nitong kasama kanina, ngayon ay gumagawa ito ng paraan para dito siya tumigil ngayong gabi.
Sumisid ang mapanglaw na init sa dibdib ni Syven. Ang taong binura niya sa buhay niya noon ay siya ring bumalik sa kanya sa pangalawang pagkakataon.
At sa pagkakataong ito, hindi niya hahayaang mawala ito.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.