- Ang Nakatagong Bituin ng Imperyo
- ANBNI | 1: Ang Punong Heneral Ng Imperyong Salum
- ANBNI | 2: Kamatayan Ang Hatol Sa Sinomang Lumabag Sa Kautusan
- ANBNI | 3: Ang Prinsesa Ng Emperatris
- ANBNI | 4: Ang Pagbabalik Ng Pangalawang Xuren Ng Zhu
- ANBNI | 5 : Ang Mabining Fenglin
- ANBNI | 6: Siya Ang Gusto Ko
- ANBNI | 7: Pinapangako Kong Ibabalik Kita
- ANBNI | 8: Ang Pang-anim Na Prinsipe
- ANBNI | 9: Sino Ang Nagpabalik Sa Kanya?!
- ANBNI | 10: Pulang Parada
- ANBNI | 11: Ni Anino Niya Ay Di Ko Nanaising Makita!
- ANBNI | 12: Ang Emperatris Ng Salum
- ANBNI | 13: Muling Tagpo
- ANBNI | 14: Ang Imbitasyon Ng Punong Guro
- ANBNI | 15: Nahanap Ko Na Siya
- ANBNI | 16: Mas Mapapanatag Ako Kung Ikaw Ang Nasa Tabi Ko
- ANBNI | 17: Magagawa Ko Bang Bitawan Ang Aking Konsorte?
- ANBNI | 18: Ikaw Ba Ang Pangalawang Xuren Ng Punong Heneral?
- ANBNI | 19: Ang Emperatris Ng Imperyong Salum
- ANBNI | 20: Huwag Kang Lalayo Sa Tabi Ko
- ANBNI | 21: Ligaw Na Palaso
- ANBNI | 22: Pulang Aklat
- ANBNI | 23: Ang Anak Ng Punong Ministro
- ANBNI | 24: Hindi Mo Siya Kailangan
- ANBNI | 25: Dequan
- ANBNI | 26: May Nagmamay-ari Na Sa kanya
- ANBNI | 27: Unang Yugto Ng Paligsahan
- ANBNI | 28: Ang Tinatagong Kahinaan Ng Zhu
- ANBNI | 29: Huling Yugto ng Paligsahan
- ANBNI | 30: Ang Puting Ibon
- ANBNI | 31: Ang Prinsesa Ang Pinakasalan ko
- ANBNI | 32: Anong Ibig Ipahiwatig Ng Lu Ryen?
- ANBNI | 33: Ang Ikalawang Prinsipe
- ANBNI | 34: Nahulog Ang Loob Niya Sa Prinsesa
- ANBNI | 35: Ang Fenglin ng Lu Ryen
- ANBNI | 36: Hindi Ko Makakalimutan Ang Insultong Ito
- ANBNI | 37: Iilan Lamang Ang Nakakaalala Sa Kanya
- ANBNI | 38: Ang Simula Ng Paglalakbay Sa Kaharian Ng Nyebes
- ANBNI | 39: Ang Imbitasyos Ng Dalawang Prinsipe
- ANBNI | 40: Kasiyahan Sa Tahanan Ng Punong Opisyal
- ANBNI | 41: Nais Mong Hamunin Ang Mga Maharlika?
- ANBNI | 42: Paano Kami Magtitiwala Na Hindi Mo Kami Ipapahamak?
- ANBNI | 43: Heneral Yulo
- ANBNI | 44: Nangako Ka Sa Aking Babalikan Mo Ako
- ANBNI | 45: Dalawang Aninong Magkasalikop
- ANBNI | 46: Ang Kasunduan
- ANBNI | 47: Huling Patak
- ANBNI | 48: Bakit Ang Taong Iyon Pa Ang Napili Nito?
- ANBNI | 49: Ang Nakakapasong Halik
- ANBNI | 50: Pribadong Kasiyahan
- ANBNI | 51: Yara
- ANBNI | 52: Kaylan Man Ay Hindi Niyo Ako Naging Pag-aari
- ANBNI | 53: Xirin Qin
- ANBNI | 54: Ano Pang Panghahawakan Ko Upang Ako Ang Piliin Niya?
- ANBNI | 55: Ang Bihag Na Mangangalakal
- ANBNI | 56: Ano Man Ang Gawin Mo, Hindi Magbabago Ang Nararamdaman Ko
- ANBNI | 57: Ang Itinakdang Pagtitipon
- ANBNI | 58: Nais Mong Panindigan Ko Ang Aking Pangako?
- ANBNI | 59: Sa Ilalim ng Mapusyaw na Ngiti
- ANBNI | 60: Bangungot Ng Nakaraan
- ANBNI | 61: Ang Lihim ng Palasyo
- ANBNI | 62: Ang Lason Ng Ligaw Na Damdamin
- ANBNI | 63: Ang Paninindigan ng Isang Zhu
- ANBNI | 64: Unang Halik
- ANBNI | 65: Sa Anino ng Fenglin
- ANBNI | 66: Pagsisimula ng Panibagong Panig
- ANBNI | 67: Sa Ilalim ng Hatol ng Xuren
Sa pagsibol ng bagong umaga, payapa ang tahanan ng Palasyong Xin, marahil ay dahil panatag ang mga katiwala na wala ng tensiyon sa pagitan ng kanilang punong pinagsisilbihan.
Maagang nagpahanda si Dao ng agahan para sa Lu Ryen at sa Konsorte nito. Hindi mahulog ang ngiti sa mukha ng punong tagapaglingkod, pakiramdam niya’y ito na ang simula ng pagbuo ng tahanang matagal na niyang inaasam para sa Lu Ryen. Hindi niya maitago ang pagkasabik sa pagsalubong sa huling henerasyong handa niyang paglingkuran.
Pagmulat ni Keya, nawala ang natitirang antok niya ng masilayan ang Lu Ryen na tahimik na umiinom ng tsaa habang hinihintay siyang magising. Ang balat nitong bahagyang nababanaagan ng liwanag ay lalong nagmistulang hindi makamundo sa ilalim ng madilim nitong kasuotan.
Nang sandaling iyon… marahan, halos hindi niya maipaliwanag, nais niyang mapanatili ang saglit na iyon, na para bang gusto niyang makulong sa mismong panahon na iyon.
Pakiramdam niya’y isang ilusyon ang lahat… at anumang oras ay maaaring mabasag.
Bumangon si Keya at hinayaang sumayad ang suot niyang manipis na puting seda sa sahig. Umupo siya sa harap ng Lu Ryen at maingat na sinalinan ng mainit na tsaa ang hawak nitong kopa.
Ang buhok ng konsorteng malayang nakalugay ay mahinang hinahawi ng hangin mula sa durungawan. At sinomang makakakita sa kanila sa sandaling iyon ay tiyak na iisiping perpektong larawan sila ng magkatipan.
Nang lisanin ng Lu Ryen ang silid, may malamig na espasyong naiwan sa tabi ni Keya, isang kakulangang hindi niya maipaliwanag. Hindi siya lubusang masaya, sapagkat naroon pa rin ang takot na bumabagabag sa kanya mula nang malaman niyang wala siyang kakayahang magdalang-tao.
Ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi siya susunod sa yapak ng kanyang ina, na kung magmamahal man siya, sisiguraduhin niyang tapat ang taong pipiliin niya, at siya lamang ang mamahalin nito. Hindi siya gagamit ng dahas, ni magtatangkang magtanim ng mga pain upang patahimikin ang sinumang maaaring maging kaagaw sa atensiyon ng kanyang kabiyak.
Subalit sa mga nagawa niyang desisyon, napatunayan niyang tunay nga siyang Prinsesa ng Emperatris. Ginawa niya ang mga bagay na kinamumuhian niya sa kanyang ina.
At marahil, kung hindi niya maaangkin ang pagmamahal ng lalaking nakalaan sa kanya, hihigitan pa niya ang mga ito sa hinaharap.
Pinatawag ni Keya ang kanyang punong alalay upang tulungan siyang mag-ayos para sa pagbisita niya sa Emperatris.
“Kamahalan,” tawag ni Chuyo habang maingat na binabalot ng tuyong tela ang basang katawan ng prinsesa na kakaaahon lamang mula sa tubig.
Sinigurado niyang sila lamang ang nasa loob ng silid at walang ibang makakarinig sa kanilang pag-uusap.
“Patawarin ninyo ang aking pagmamalabis,” nag-aalangan ang tono ni Chuyo, “subalit matagal ko na pong gustong itanong ito sa inyo.”
Napalingon ang prinsesa sa kanya, may halong pagtataka sa mga mata.
“Maaari ko po bang malaman kung… may nangyari ba sa inyo ng Lu Ryen kagabi?”
Hindi na napigilan ni Chuyo ang tanong nang muli niyang makita ang balat ng prinsesa, malinis at walang bakas ng kung ano mang karanasan na lalong nagpasidhi sa kanyang pag-aalinlangan.
Nag-init ang mukha ni Keya at mabilis siyang umiwas ng tingin.
Bahagyang bumuka ang labi ni Keya, tila hindi malaman kung paano sasagot.
“W-Walang nangyari… pero…” Hindi niya matuloy ang pangungusap, masyadong malakas ang pintig ng kanyang puso. “Hindi ako… makahinga…”
Nanlumo si Chuyo nang tuluyan niyang maunawaan ang ibig sabihin ng prinsesa.
Kasalanan niya ito, dapat ay pinigilan niya si Keya noong itinaboy nito ang mga ginang na itinalaga upang turuan siya ng pagsasanib ng gabi ng magkabiyak.
Marahil ito ang dahilan kung bakit mas pinapaboran ng Lu Ryen ang isang Fenglin na bihasa, kaysa sa isang prinsesang walang karanasan o kaalaman sa ganitong bagay.
Kung nagawa lamang niyang pigilan ang prinsesa noon, marahil ay hindi nito mararanasan ang ganitong pagkalito ngayon. At marahil… hindi sana lumayo ang Lu Ryen sa kanya.
Subalit hindi pa huli ang lahat. Kita sa mata niya ang ideyang matagal nang tinatago.
“Kamahalan, nahanap ko na ang kahinaan ng Lu Ryen.”
Ikinuwento ni Chuyo kung paano niya nakuha ang loob ng isa sa bantay ng Lu Ryen. Nakita niya kung paano pakitunguhan ng Lu Ryen ang kanyang mga bantay, na para bang tunay na kapatid ang turing niya sa mga ito. May isa sa mga bantay na tila madaling lapitan. Inalam niya ang mga hilig nito, at ayon sa mga tagapagluto, may isang espesyal na pinapahandang pagkain ang Lu Ryen para sa bantay na iyon.
Sinasadya ni Chuyo na agawan ng pagkakataon ang tagapaghatid, at doon niya nakukuha ang sandali upang makilala ito. Hindi niya inasahang tila inosenteng bata pala ang inaaakala niyang matalas na tauhan ng Lu Ryen. Nang makita nitong malungkot si Chuyo, hindi nagdalawang-isip ang bantay na pakinggan ang kanyang mga hinaing tungkol sa prinsesa niyang laging nasasaktan sa tuwing nagiging malamig ang Lu Ryen dito. Hindi inaasahan ni Chuyo na labis itong maaapektuhan, na para bang kasalanan nito ang lahat.
“Mahal na Prinsesa, sa tingin ko, mahina ang puso ng Lu Ryen pagdating sa mga babaeng nangangailangan ng proteksiyon. Hindi ba ninyo napapansin kung bakit malambot ang puso niya sa Fenglin na iyon? Mayroon siyang mapait na nakaraan, kaya malapit sa kanya ang babaeng iyon. Higit pa roon, malapit ang Fenglin na iyon sa pamilya ng Zhu.”
Natigilan si Chuyo, may bagong naisip.
“Marahil panahon na upang bisitahin ninyo ang tahanan ng Zhu, Kamahalan.”
Hindi maitago ni Keya ang kanyang pag-aalala. Sinuway niya ang tradisyon ng Zhu sa araw ng kanilang matrimonyo, isang malaking pagtalikod sa sagradong tradisyon ng pamilya nito. Batid niyang nasira na niya ang kanyang reputasyon sa pamilya ng punong heneral. Kaya wala siyang lakas ng loob na humarap sa kanila.
“Hindi ko kayang humarap sa kanila,” wika niya, halos pabulong. “Paano kung hindi nila ako tanggapin? Paano kung muling lumayo ang loob sakin ng Lu Ryen?”
Marahang lumapit si Chuyo, “Kamahalan, ang pagtatama ng pagkakamali ay hindi nasusukat sa laki ng kasalanan, kundi sa lakas ng loob na harapin ito. Ang Lu Ryen… hindi ninyo siya maaabot kung hindi kayo gagawa ng paraan upang makuha ang basbas ng kanyang pamilya.”
Hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ni Keya, pero may pag-asang bumabalot sa kanyang mga mata.
“Kung nais ninyong makuha ang puso ng Lu Ryen, kailangan ninyong buksan ang pinto na una ninyong isinara. At wala nang mas epektibong paraan kundi ipakita sa Zhu ang inyong sinseridad.”
Napakapit si Keya sa gilid ng telang nakabalot sa kanya. “Paano… ko iyon gagawin?”
“Kailangan ninyong sundin ang kagustuhan ng Lu Ryen na italaga ang Fenglin bilang Ikalawang Konsorte.” sagot ni Chuyo, magaan ngunit walang pasikot-sikot. “Ito ay pagpapakita ng paggalang sa kanyang desisyon. Huwag ninyong hayaang magkaroon muli ng lamat sa pagitan ninyo dahil lamang sa babaeng iyon. Anuman ang titulong ipagkaloob sa kanya, mananatili kayong Prinsesa ng Imperyal at pangunahing konsorte ng Lu Ryen.”
Unti-unting lumuwag ang paghinga ni Keya, ngunit may kirot na nananatili sa ilalim nito. Hindi iyon madaling tanggapin, ngunit alam niyang may katwiran si Chuyo.
Kung nais niyang manatili sa tabi ng Lu Ryen, kailangan niyang matutong harapin ang mga bagay na dati niyang iniiwasan.
Huminga nang malalim si Keya, pinilit pakalmahin ang sarili.
“Naiintindihan ko.”

Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.