- Ang Nakatagong Bituin ng Imperyo
- ANBNI | 1: Ang Punong Heneral Ng Imperyong Salum
- ANBNI | 2: Kamatayan Ang Hatol Sa Sinomang Lumabag Sa Kautusan
- ANBNI | 3: Ang Prinsesa Ng Emperatris
- ANBNI | 4: Ang Pagbabalik Ng Pangalawang Xuren Ng Zhu
- ANBNI | 5 : Ang Mabining Fenglin
- ANBNI | 6: Siya Ang Gusto Ko
- ANBNI | 7: Pinapangako Kong Ibabalik Kita
- ANBNI | 8: Ang Pang-anim Na Prinsipe
- ANBNI | 9: Sino Ang Nagpabalik Sa Kanya?!
- ANBNI | 10: Pulang Parada
- ANBNI | 11: Ni Anino Niya Ay Di Ko Nanaising Makita!
- ANBNI | 12: Ang Emperatris Ng Salum
- ANBNI | 13: Muling Tagpo
- ANBNI | 14: Ang Imbitasyon Ng Punong Guro
- ANBNI | 15: Nahanap Ko Na Siya
- ANBNI | 16: Mas Mapapanatag Ako Kung Ikaw Ang Nasa Tabi Ko
- ANBNI | 17: Magagawa Ko Bang Bitawan Ang Aking Konsorte?
- ANBNI | 18: Ikaw Ba Ang Pangalawang Xuren Ng Punong Heneral?
- ANBNI | 19: Ang Emperatris Ng Imperyong Salum
- ANBNI | 20: Huwag Kang Lalayo Sa Tabi Ko
- ANBNI | 21: Ligaw Na Palaso
- ANBNI | 22: Pulang Aklat
- ANBNI | 23: Ang Anak Ng Punong Ministro
- ANBNI | 24: Hindi Mo Siya Kailangan
- ANBNI | 25: Dequan
- ANBNI | 26: May Nagmamay-ari Na Sa kanya
- ANBNI | 27: Unang Yugto Ng Paligsahan
- ANBNI | 28: Ang Tinatagong Kahinaan Ng Zhu
- ANBNI | 29: Huling Yugto ng Paligsahan
- ANBNI | 30: Ang Puting Ibon
- ANBNI | 31: Ang Prinsesa Ang Pinakasalan ko
- ANBNI | 32: Anong Ibig Ipahiwatig Ng Lu Ryen?
- ANBNI | 33: Ang Ikalawang Prinsipe
- ANBNI | 34: Nahulog Ang Loob Niya Sa Prinsesa
- ANBNI | 35: Ang Fenglin ng Lu Ryen
- ANBNI | 36: Hindi Ko Makakalimutan Ang Insultong Ito
- ANBNI | 37: Iilan Lamang Ang Nakakaalala Sa Kanya
- ANBNI | 38: Ang Simula Ng Paglalakbay Sa Kaharian Ng Nyebes
- ANBNI | 39: Ang Imbitasyos Ng Dalawang Prinsipe
- ANBNI | 40: Kasiyahan Sa Tahanan Ng Punong Opisyal
- ANBNI | 41: Nais Mong Hamunin Ang Mga Maharlika?
- ANBNI | 42: Paano Kami Magtitiwala Na Hindi Mo Kami Ipapahamak?
- ANBNI | 43: Heneral Yulo
- ANBNI | 44: Nangako Ka Sa Aking Babalikan Mo Ako
- ANBNI | 45: Dalawang Aninong Magkasalikop
- ANBNI | 46: Ang Kasunduan
- ANBNI | 47: Huling Patak
- ANBNI | 48: Bakit Ang Taong Iyon Pa Ang Napili Nito?
- ANBNI | 49: Ang Nakakapasong Halik
- ANBNI | 50: Pribadong Kasiyahan
- ANBNI | 51: Yara
- ANBNI | 52: Kaylan Man Ay Hindi Niyo Ako Naging Pag-aari
- ANBNI | 53: Xirin Qin
- ANBNI | 54: Ano Pang Panghahawakan Ko Upang Ako Ang Piliin Niya?
- ANBNI | 55: Ang Bihag Na Mangangalakal
- ANBNI | 56: Ano Man Ang Gawin Mo, Hindi Magbabago Ang Nararamdaman Ko
- ANBNI | 57: Ang Itinakdang Pagtitipon
- ANBNI | 58: Nais Mong Panindigan Ko Ang Aking Pangako?
- ANBNI | 59: Sa Ilalim ng Mapusyaw na Ngiti
- ANBNI | 60: Bangungot Ng Nakaraan
- ANBNI | 61: Ang Lihim ng Palasyo
- ANBNI | 62: Ang Lason Ng Ligaw Na Damdamin
- ANBNI | 63: Ang Paninindigan ng Isang Zhu
- ANBNI | 64: Unang Halik
- ANBNI | 65: Sa Anino ng Fenglin
- ANBNI | 66: Pagsisimula ng Panibagong Panig
- ANBNI | 67: Sa Ilalim ng Hatol ng Xuren
- ANBNI | 68: Kapag Hindi Mo Na Ako Nauunawaan
Binisita ni Yura si Sena, ramdam niya ang pagkasabik nitong muling makita siya. Nasamyo niya ang sariwang halimuyak ng mga halaman sa paligid ng pabilyon nito, banayad na humahalo sa malamig na simoy ng hangin. Natutuwa siyang makita ang maaliwalas na anyo ni Sena, subalit hindi maaalis ang bigat na bumabalot sa dibdib niya sa kabila ng paghihiganti niya sa Ikalawang Prinsipe.
Dumantay ang kamay ni Sena sa kanyang braso, marahang hinila siya upang maupo.
“Xuren, hindi ako naghahangad ng mataas na titulo. Ayokong magkaroon ng lamat ang relasyon ninyo ng prinsesa dahil sa akin.”
“Isipin mo na lamang na proteksyon mo ito, mas mapapanatag ako kung nasa ganito kang estado.”
“Ngunit mababagabag ako kung bababa ang tingin sa inyo ng mga tao dahil pinapaboran niyo ang isang hamak na fenglin na tulad ko.”
“Sena, kailan pa naging mahalaga sa akin ang kanilang opinyon? Ang importante ay hindi magiging madali para sa kanila ang saktan ka. Ayoko nang maulit na mahulog ka sa pain ng iba. Ingatan mo ang sarili mo para sa’kin.”
“Xuren…” pilit na itinago ni Sena ang pag-init ng kanyang mukha. Simula nang may nangyari sa kanila noong gabing iyon, nararamdaman ni Sena ang pagbabago ng Xuren. “Sa akin po ba kayo tutuloy ngayong gabi?” Mahinang tanong niya, halos pabulong, tila nangangamba sa magiging sagot.
“Hindi pa ako nakakabawi ng pahinga mula sa pangangaso, nais ko munang tumigil sa aking silid.”
Marahang kumuyom at nagtago ang mga daliri ni Sena sa loob ng kanyang manggas.
Maagap na hinuli ni Yura ang pag-iwas ng tingin ni Sena sa kanya. “Huwag mong isiping tinatanggihan kita, sadya lang na nais ko munang mapag-isa.”
Tumango si Sena bilang tugon. Nauunawaan niya ang Xuren, madalas itong umaalis mag-isa ng walang bantay o di kaya’y mas nais nitong mapag-isa sa silid nito mula pa sa tahanan ng Zhu, bagaman naiintindihan niya ito, hindi niya mawari kung bakit ganito kasidhi ang kagustuhan niyang mas mapalapit dito.
Nang tuluyang mawala sa paningin niya ang Xuren, nanatili siyang nakaupo, hindi agad gumalaw. Saglit siyang napapikit, at sa katahimikan ng pabilyon ay marahang kumawala ang hiningang matagal niyang kinikimkim. Ang init na iniwan ng mga salita nito ay hindi nagdala ng ginhawa kundi pangungulila. Hindi siya itinaboy, ngunit hindi rin nito piniling manatili. At sa pagitan ng dalawang iyon, doon siya pinakanasaktan.
Pinitik ni Yura ang noo ni Kaori nang makita niyang nakakunot ito sa kanya habang nililisan niya ang lugar ni Sena.
“Xuren, katatapos mo lang suyuin ang prinsesa, huwag mong pahintulutang may pumatak muling luha mula sa kanya.”
“Kaori, siya lamang ang ibinilin kong bantayan mo hindi ang aming pagsasama.”
“Nais niyang bisitahin ang tahanan ng Zhu at naghahanda na siya ng mga handog para sa Punong Heneral at kay Ximo. Nakikita kong tuluyan nang lumambot ang prinsesa, nakahanda siyang hubarin ang kanyang titulo alang-alang sa inyo.”
Tumigil si Yura at pinigilan ang malalim na paghinga. “Ipaalam mo sa kanyang punong lingkod na sasamahan ko siya sa pagbisita.” Lumingon siya at muling pinitik ang noo ng bantay. “Itigil mo na ang pagtanggap ng suhol, nagsisimula nang humina ang matalas mong pang-amoy.”
Ang paningin ni Kaori ay nakatunghay sa likod ng Xuren habang tahimik itong naglalakad pabalik sa bulwagan nito.
Hinihimas ni Kaori ang namumulang noo habang sinusundan ang Xuren. Simula nang pagsilbihan niya ito, natutunan niyang magsuot ng dalawang mukha, ang mukha ng bantay na lubos na nagmamahal at nag-iingat dito at ang mukha ng mandirigmang hindi nagdadalawang-isip na mabahiran ng dugo ang sariling kamay para protektahan ito at tumalima sa bawat utos.
Magkasama silang lumaki ng Xuren, batid niyang walang hangganan ang pagmamahal nito sa pamilya, ang respeto at katapatan nito sa hukbo ay di matutumbasan ng anumang nakakasilaw na karangyaan. Mas pipiliin nitong maging Xuren ng Zhu sa halip na maging Lu Ryen ng pamilya ng imperyal.
Ang mga taktika nito ay madilim, matalim at walang iniiwang awa, taliwas sa pamamaraan ng Punong Heneral. Nangangamba siyang tuluyan itong maging manhid. Nais niyang magkaroon ang Xuren ng taong magpapanatili ng init sa puso nito. At nakikita ni Kaori ang pag-asang iyon sa Pangunahing Konsorte.
“Kao…”
Tumigil ang paghakbang ng bantay ng marinig ang tawag sa kanya ng Xuren. Matagal na niyang hindi ito narinig sa Xuren simula ng opisyal siyang naging bantay nito.
“Kapag dumating ang panahong hindi mo na nauunawaan ang mga desisyon ko, at ang mga utos ko ay maaaring maglagay sa akin sa panganib. Ipangako mong magtitiwala ka sa’kin hanggang sa huli.”
“Hindi ko pahihintulutang may mangyari—”
“Ipangako mo sa aking hindi mo susuwayin ang kagustuhan ko.”
Nanatili mang nakatalikod sa kanya ang Xuren at hindi niya nakikita ang mukha nito. Subalit naramdam ni Kaori na hindi iyon isang pakiusap kundi kautusan ng panginoon sa kanyang lingkod.
“Masusunod.” Hangga’t humihinga ako, hindi ko papayagang mapahamak kayo. Tahimik na pangako ni Kaori sa sarili.
Marami man siyang katanungan, tulad ng pagpapalaya ng Xuren sa Punong Ministro, hindi niya kayang itanong ang mga ito. Hindi ito nagdalawang-isip sa Ikalawang Prinsipe at sa mga opisyales na nasawi sa pagdiriwang, subalit pinanatili nitong buhay ang Punong Ministro, isang hakbang na mas mapanganib kaysa sa pagkitil ng buhay.
Ang pagiging malamig nito sa prinsesa sa kabila ng ipinakita nitong sinseridad ay nananatiling palaisipan. Hindi niya matukoy kung ang pagtanggap ng Xuren sa prinsesa ay bunga ng damdamin o bahagi ng mas malawak na plano. At marahil, mas kinatatakutan niya ang posibilidad na binago ng mga pagsubok na ito ang pagkatao ng Xuren.
Kung kaya’t sa gitna ng lahat ng pag-aalinlangan, iisa lamang ang malinaw kay Kaori. Anuman ang kahinatnan ng mga desisyon ng Xuren, mananatili siya sa likod nito, hindi dahil nauunawaan niya ang lahat, kundi dahil poprotektahan niya ang Xuren at angkan ng Zhu sa kahit na anong paraan.
Leave a Reply
You must be logged in to post a comment.