This entry is part 19 of 21 in the series Lost Heart

Isang gabi sa isang maliit na museo sa baybayin, muli silang nagtagpo. Tahimik ang paligid, tanging mahinang ugong ng air conditioner at yabag ng ilang bisita ang maririnig. Ang ilaw ay nakatuon sa mga obra, habang ang ibang bahagi ng silid ay halos nilalamon ng dilim.

Nakatayo siya sa harap ng isang art piece, mga kamay na magkakahawak na yari sa metal na parang pilit pinagdikit matapos mapilas. Ang bawat daliri ay may bakas ng sugat ngunit nananatiling magkaugnay. Matagal niya itong tinitigan, saka mahina ang boses niyang bumulong.

“Hanggang kailan mo balak magtago?”

Hindi niya kailangang lumingon. Ramdam niya ang presensyang matagal nang nakasunod sa kanya. Ilang sandali ng katahimikan ang lumipas bago tumugon ang tinig na matagal na niyang kinamuhian. Ngunit ngayong gabi, iba ang tunog nito. Hindi na matalim, hindi na puno ng higpit. Mas mababa, mas mabigat, parang nabawasan ng lakas.

“Hanggat kaya mong huwag nang tumakbo.”

Dahan-dahan siyang humarap at nakita si Ar. Hindi na ito ang Ar na dati’y kilala niya, ang Ar na puno ng bangis at pwersa. Nandun pa rin ang bigat ng titig, oo, pero ngayong gabing ito may kasamang pagod. May halong pag-amin na matagal niyang inantay. Isang anyo ng pagpapakumbaba.

Hindi siya agad nagsalita. Tiningnan niya muna ang paligid. Ilang bisita ang nakaupo sa bench, may ilang nagkukuwentuhan, ngunit parang walang nakakakita sa bigat ng eksenang iyon.

“Hindi kita tinakasan,” wika niya sa wakas. “Pinili ko lang ang sarili ko.”

Tumango si Ar. Mabagal, parang may laman ang bawat paggalaw.

“At kung iyon ang pinili mo,” sagot nito, “handa akong hintayin kung kailan mo ako muling haharapin.”

Tahimik ang sumunod na sandali. Walang pilit, walang galit. Wala na rin ang boses na dati’y puno ng banta. Ang natira na lamang ay dalawang taong nakatayo sa gitna ng museo, parehong sugatan, parehong may bitbit na alaala, ngunit ngayon ay magkaiba na ang posisyon. Para kay Hale, iyon ang unang pagkakataon na naramdaman niyang pantay sila.

Naglakad siya palapit sa art piece, muling tiningnan ang mga kamay na magkakahawak. Hindi niya alam kung ano ang mas mabigat, ang obra ba o ang presensyang nasa likod niya.

“Funny,” mahina niyang sabi, “this piece is about holding on.”

“Or letting go,” sagot ni Ar.

Tumingin siya rito, nagulat. “You’ve changed.”

Ar bahagyang ngumiti pero mabilis ding nawala. “Three years can do that.”

“Three years didn’t change everything,” sagot niya.

“Some things remain,” tugon nito.

Napatigil siya. “Like what?”

Hindi agad sumagot si Ar. Sa halip, tumingin ito sa art piece. “Like the memory of the one we lost.”

Mabilis siyang napahawak sa dibdib. Muling bumigat ang pangalan ng anak na nawala. Ngunit sa halip na lumuhod sa bigat ng alaala, nanatili siyang nakatayo.

“Don’t,” sabi niya. “Don’t use that.”

“I’m not,” sagot nito. “I’m just acknowledging it. Because for a long time, I couldn’t.”

Nagtagal ang katahimikan. Ang liwanag ng ilaw sa kisame ay bumagsak sa kanilang dalawa, tila ba sila mismo ang obra.

“Why now?” tanong niya sa wakas. “Why here?”

“I don’t know,” sagot ni Ar. “Maybe because this is the first time I thought you’d actually face me.”

“You think I ran away?”

“You didn’t run,” sagot nito. “You walked away. There’s a difference.”

Napangiti siya ng mapait. “You finally see that.”

“Yes,” sagot ni Ar. “And I finally see you.”

Hindi siya umimik. Ang mga bisitang dati’y nasa loob ay isa-isang lumabas. Parang sila na lang ang natira sa silid. Ang oras ay tumigil.

“I was wrong,” mahina ang boses ni Ar.

“I know,” sagot niya.

“I hurt you.”

“You did.”

“I took your freedom.”

“You did.”

“I can’t change that anymore.”

Tumango siya. “You can’t.”

“Then what can I do?” tanong nito.

“You can stop.”

Tahimik si Ar. Tumingin ito sa kanya, tapos sa obra.

“That’s harder than you think,” sagot nito.

“Then try,” sagot niya. “Because I’m done carrying you.”

At doon niya nakita ang pagbagsak ng balikat ni Ar, ang pagbaba ng titig nito. Hindi na iyon ang titig ng taong sanay makuha ang gusto. Ito ang titig ng taong natutong tanggapin na may hangganan din ang lahat.

Lumapit siya ng kaunti. Hindi para hawakan ito, hindi para yakapin. Sapat na ang distansya.

“For the first time,” sabi niya, “I don’t hate you.”

Nag-angat ng tingin si Ar. “And for the first time,” sagot nito, “I’m not asking for anything.”

At doon, sa gitna ng maliit na museo sa baybayin, sa pagitan ng dalawang taong pinagtagpo ng sugat at oras, may kapayapaang hindi pa niya naramdaman noon. Hindi ito malakas, hindi rin permanente, pero sapat para sa gabing iyon.

Naglakad siya palayo, dahan-dahan. Hindi na niya tiningnan kung susunod ba si Ar. Hindi na kailangan. Ang gabing iyon ay hindi tungkol sa kung sino ang aalis o mananatili. Ito’y tungkol sa pagtanggap na may mga sugat na hindi kailanman mabubura, pero maaari nang mabuhay kahit dala ito.

Paglabas niya ng museo, sinalubong siya ng hangin mula sa dagat. Huminga siya nang malalim. Sa wakas, magaan. Sa unang pagkakataon matapos ang mahabang taon, magaan ang dibdib niya.

Hindi niya alam kung iyon na ang huling beses na makikita niya si Ar. Pero ngayong gabi, sapat na ang kanilang pagkikita. Hindi para muling magsimula, kundi para wakasan ang tanong na matagal nang bumibigat sa kanya.

At sa katahimikan ng baybayin, naramdaman niya ang kapayapaan na matagal niyang pinangarap.