Sa Amsterdam, sa isang maliit na coffee shop na amoy kape at ulan, nakaupo siya sa sulok na malapit sa bintana. Nakapatong ang libro sa kanyang kandungan, at ang baso ng latte ay unti-unti nang lumalamig sa gilid ng mesa. Doon niya unang naramdaman ang kakaibang presensya.
Ilang mesa lang ang pagitan. Hindi niya nilingon, pero ramdam niya. May nakaupo, tahimik, walang ginagawa kundi uminom ng kape at magbasa rin. Hindi ito nagpumilit lumapit. At sa halip na kabahan, ngumiti siya. Binuklat niya ang pahina ng librong hawak at binulong sa isip:
So, you’re here too.
At doon nagsimula ang kakaibang laro.
Sa Rome, sa loob ng isang lumang museo, napako ang tingin niya sa isang painting. Isang babae ang nakalarawan, kalahati lang ang mukha, ang kabilang bahagi ay natatakpan ng dilim. Habang tinititigan niya ito, napansin niyang sa salamin ng frame, may aninong nakatayo sa di kalayuan.
Hindi niya kailangang lingunin. Kilala niya ang aura na iyon. Kilala niya ang bigat ng titig na matagal nang nakaukit sa kanyang likod. Tahimik lang itong nakamasid, walang kilos na nagbubunyag ng intensyon.
At ang nakakagulat, hindi na siya natakot. Hindi na siya nadurog. Ang dating Hale na mangunguluntoy sa takot, ngayo’y nanatiling nakatayo, kalmado, tila ba may alam siyang hindi maunawaan ng iba.
Sa Kyoto naman, sa gitna ng templong nababalutan ng pulang dahon, naglakad siya sa kahabaan ng landas. Ang mga yapak niya’y marahang kumaluskos sa lupa. At doon niya muling naramdaman iyon. May kasabay siya. Hindi ito lumalapit, hindi rin nagsasalita. Basta naroon lang, nakikiayon sa ritmo ng kanyang mga yapak.
She didn’t turn. She didn’t run. Instead, she whispered under her breath, “So, you’re still there.”
Bawat lungsod na puntahan niya, naroon din ito. Hindi araw-araw, hindi sa lahat ng oras. Pero laging may pagkakataon na ramdam niya ang mga matang nakasunod. Sa café, sa museo, sa lansangan. At bawat pagkakataon, hindi niya ito tinatakasang muli.
Minsan, kasama ang mga kaibigan, nababanggit niya nang pabiro.
“Feels like someone’s always watching me,” sabi niya minsan sa Berlin habang naglalakad sila ni Mateo papunta sa hostel.
Mateo laughed, raising his camera. “That’s just paranoia. Or maybe you’ve become too famous. Bestseller life, remember?”
“Maybe,” sagot niya, sabay ngiti. Pero sa loob niya, alam niyang iba.
Sa isa pang pagkakataon, habang nakaupo sila ni Elisa at Rina sa isang pub sa Dublin, nagkuwentuhan sila tungkol sa mga love stories ng iba’t ibang bansa.
“So, Gaby,” tanong ni Elisa, tipsy na habang nakangiti, “is there someone… following you around? A lover from the past, maybe?”
Napatawa siya, umiling. “Something like that.”
Rina leaned closer, squinting at her. “You don’t look scared. If it’s really true, shouldn’t you be terrified?”
Gaby sipped her drink and replied simply, “I’m done being afraid.”
Tahimik ang mesa nila saglit bago sumabog muli ang tawanan. Pero siya, nakatitig lang sa baso, alam na may katotohanan sa biro niya.
Isang gabi sa Prague, lumabas siya mag-isa at naglakad sa tulay na dinaraanan ng mga ilaw mula sa mga lumang poste. Ang malamig na hangin ay dumadampi sa kanyang mukha, at ang lungsod ay parang isang kuwadro ng nakaraan.
At doon, sa dulo ng tulay, ramdam niyang naroon na naman ito. Hindi siya lumingon. Basta nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang marating ang gitna.
Tumigil siya. Huminga nang malalim. At saka mahina niyang sinabi, “You’re really stubborn, aren’t you?”
Walang tugon, walang sagot, walang kilos mula sa likod. Pero alam niyang naroon siya.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at ngumiti. “Fine. Stay if you want. Just don’t expect me to run anymore.”
Sa bawat aninong sumusunod, natutunan niyang makita si Ar hindi bilang banta, kundi bilang saksi. Saksi sa bawat yapak na tinatahak niya. Saksi sa bawat tawa na matagal na niyang ipinagkait sa sarili. Saksi sa bawat bagong simula.
At minsan, naisip niya, baka iyon na ang tanging paraan ni Ar para manatili. Hindi bilang amo, hindi bilang kulungan, kundi bilang isang anino na sumusubaybay mula sa malayo.
She whispered to herself, “If you’re here just to watch, then so be it. I won’t stop you.”
At sa halip na kabahan, para pa siyang naaliw. Isang kakaibang laro ng dalawang kaluluwang nagdaan sa parehong bagyo, ngunit ngayon ay nasa magkaibang pampang.
Isang umaga sa Barcelona, habang nagkakape siya sa terrace ng maliit na inn, napansin niya ang isang lalaking naglalakad sa kabilang kalsada. Hindi malinaw ang mukha, nakasumbrero at nakayuko. Pero kahit sa ganoong distansya, alam niya.
At imbes na itago ang sarili, ngumiti siya. Hindi pilit, hindi rin patago. Isang simpleng ngiti na parang nagsasabing, I see you. And I’m fine with it.
Mabilis lang iyon, at tuloy-tuloy ang lalaki sa paglalakad, naglaho sa kanto ng kalye. Pero sa puso niya, sapat na ang sandaling iyon.
Tatlong taon na ang lumipas mula nang iwan niya ang isla. Marami na siyang natutunan, marami na siyang tinanggap. At ngayon, kahit na may aninong sumusunod, hindi na iyon isang tanikala.
Sa halip, ito’y naging alaala ng kanyang nakaraan at paalala ng kanyang pinili: ang lumabas, ang huminga, at ang mabuhay.
Hindi na siya biktima. Hindi na siya nagtatago.
At kung si Ar man ay nariyan pa rin, hindi na ito habulan. Isa na lamang itong kakaibang kasunduan.
So, you’re still there.
At hindi niya iyon tinakasan.
