Five years later.
Tumatawa si Zuriel habang patakbong nilalampasan ang mga bisita sa garden. Naka-party hat pa ito at bitbit ang bagong toy car na may remote control.
“Daddy! Daddy!” sigaw niya, sabay yakap sa hita ng ama. “Ang galing mo! Ang ganda ng regalo mo!”
Lumuhod si Hux para salubungin ang yakap ng anak. Pinagmasdan niya ang kinang sa mga mata ni Zuriel, at sa saglit na iyon, parang tumigil ang oras.
“Nagustuhan mo?” tanong niya, nakangiti habang pinunasan ang pawis sa noo ng bata.
“Super! Sobra! Mas maganda pa sa toys nila sa TV! Sabi ko na nga ba ikaw ang best daddy ever!”
Tumawa si Hux, pinisil ang pisngi ng anak. “Magpasalamat ka sa mommy mo, siya ang naghanap n’yan.”
Napatingin si Zuriel sa paligid. “Nasaan na si Tito Zavier? Di ba sabi mo pupunta siya? Birthday ko ngayon tapos excited na akong buksan ‘yung gift niya.”
“Darating ‘yon,” sagot ni Hux, habang pinatong ang kamay sa ulo ng anak. “Alam mo naman ‘yung Tito mo, laging last minute ang dating.”
Parang sumagot ang tadhana dahil ilang sandali pa’y dumating si Zavier, kasabay ang asawang si Nadine. Agad tumakbo si Zuriel sa kanila.
“Tito Zaaaav!” tawag niya, sabay talon sa braso nito.
Hinuli siya ni Zavier sa ere, pinayakap ng mahigpit at tinapik ang likod. “Happy birthday, buddy.”
“Nasaan ‘yung gift ko?” pilyong tanong ng bata.
“Eto na, eto na. Pero promise mo, wag mo agad sirain ah,” sagot ni Zavier, sabay abot ng kulay asul na kahon.
Sa di kalayuan, lumapit si Katty sa tabi ni Hux, may ngiti sa labi habang pinapanood ang dalawa.
“Ang bilis lumaki ng anak natin,” bulong niya, sumandal sa balikat ng asawa.
Yumakap si Hux sa bewang niya. “Kamusta na ‘yung mga handa?”
“Maayos. Marami pang surprises mamaya. Pero mukhang hindi na natin kailangang hintayin ‘yung huli, sobrang saya na niya.”
“Hindi ko akalain… makakarating tayo sa ganito,” mahina pero punong-puno ng damdaming sabi ni Hux.
Tumango si Katty. “Ni sa panaginip, hindi ko inakalang magiging ganito tayo.”
Nagpatuloy ang kasiyahan. May palaro, kantahan, at tawanan hanggang sa lumalim ang gabi. Sa huli, bagsak si Zuriel sa kandungan ni Hux habang pinapanood pa ang huling fireworks.
“Lakas niyang maglaro pero talo pa rin ng antok,” sabi ni Zavier, natawa si Nadine sa sinabi ng asawa nito.
“Thanks sa party, Katt.” Pasalamat ni Nadine kay Katty.
“Mauuna na kami Dad,” paalam ni Zavier kay Hux.
Tumango si Hux. “Salamat din sa pagpunta.”
Nagpaalam ang mag-asawa, at naiwan sina Hux at Katty na buhat si Zuriel papasok sa bahay.
Tahimik nilang nilagay ang bata sa kama, maingat na tinanggal ang party hat at medyas, at siniguradong kumot ang katawan. Sa pintuan, isang saglit ng katahimikan. Parang sinasariwa nila ang limang taon ng tahimik na laban at tahimik na pagmamahal.
Nang maisara ang pinto, biglang niyakap ni Hux si Katty mula sa likod.
“Alam mo,” bulong nito sa kanyang tainga, “Pakiramdam ko… panahon na para sundan natin si Zuriel. Habang malakas pa ako.”
Napatawa si Katty, sabay hampas sa dibdib ng asawa. “Hux naman…”
“Wala, sinasabi ko lang.” tukso nito, sabay halik sa batok niya.
“Kung hindi lang tayo natapos ng maaga kagabi, baka hindi ako nakabangon para asikasuhin ‘tong party!”
“Gano’n ba? So dapat next time, pahabain ko pa lalo.”
“You’re crazy,” natatawang sabi ni Katty, pero ang totoo’y napakapit na siya sa batok nito, pinipigilan ang sarili.
Walang kahirap-hirap siyang binuhat ni Hux, papasok sa master bedroom.
Sa hallway, dumaan ang kasambahay at napailing na lang nang makarinig ng mga pamilyar na ungol mula sa kwartong iyon.
Sanay na siya.
Sa loob, maririnig ang mga paggalaw ng upuan na tila sinasakyan ng matinding bugso ng damdamin. Hawak ni Katty ang sandalan ng upuan, habang binabalot ng init ang buong katawan niya.
“Hux…” ungol niya, nanginginig ang boses.
Sa bawat galaw, maririnig ang tunog ng kahoy, ang upuang sumasayaw sa bugso ng kanilang kapusukan—pero mas malakas ang tunog ng mga daing at bulong sa pagitan nila.
“Katty…” bulong ni Hux habang dinidiin ang bawat galaw, punong-puno ng pagnanasa at pananabik—pero higit sa lahat, may init na hindi nawala kahit ilang taon ang lumipas.
Ang dating relasyong halos masira ng maling panahon at maling pagkakataon ay ngayon nakatayo sa pinakamatibay na pundasyon—pamilya, tiwala, at isang pagmamahalang kahit ilang taon man ang lumipas, ay lalong tumitibay.
Ang bawat ungol, bawat halik, bawat yakap ay patunay na kahit ilang pagsubok ang dumaan sa kanilang buhay, nanatili silang magkasama—hindi bilang dalawang taong pilit pinagtatagpi ang sirang nakaraan, kundi bilang mag-asawang natutong magmahal sa paraang mas malalim, at mas matatag.
Habang magkahinang pa rin ang kanilang katawan sa gitna ng madilim na kwarto, tanging liwanag ng buwan ang saksi sa pag-iisa nila.
Sa bawat impit na ungol at paghinga nila sa pagitan ng init ng gabi, isang bagay lang ang malinaw—sa dulo ng lahat, sila pa rin ang pipiliin ng isa’t isa, kahit ilang ulit pa silang masaktan, kahit ilang ulit pa silang maligaw.
At sa pagkakaakap nilang iyon, walang salita ang kailangan. Ang katawan nila ang nag-uusap.
Ng pangakong: Hanggang dulo, ikaw pa rin.
Wakas.
This story lives here. And if you want this home to stay, your quiet support means everything.
