Pumasok si Zavier sa loob ng lounge bar, dala ang malamig na tingin at mabigat na lakad. Kasunod niya si Katty na tahimik sa tabi niya.
Sa dulo ng silid, naroon si Gritt, ang matalik na kaibigan ng ama niya. Nakahilig si Gritt sa isang leather couch, may hawak na basong may laman pang kalahating whiskey. Nang makita niya ang dalawa, sumilay ang pamilyar na ngisi sa kanyang labi—parang alam na niya agad ang dahilan ng pagbisita.
“Zavier,” ani Gritt, sabay salubong ng tingin. “What a surprise. And you brought… ah,” tumigil ang paningin nito kay Katty, “The girl who caused quite the stir.”
Tinitigan siya ni Zavier. Malamig ang tingin, pero nanatiling magalang ang tono. “Uncle, alam kong alam mo kung nasaan si Dad.”
Naglakad si Gritt papunta sa bar. Nagbuhos ito ng whiskey sa kristal na baso, tila wala sa urgency ng sitwasyon. Pagkatapos ay lumingon siya, bahagyang natawa, sabay tungga sa whiskey.
“Walang paliguy-liguy. Mana ka talaga sa ama mo.” Tumingin uli ito kay Katty. “I see it now,” bulong ni Gritt. “Kung bakit nahulog ang kaibigan ko sa girlfriend mo Zavier. She looks like her… pero hindi lang siya kamukha nito. She’s her own kind of trouble.”
Saglit na natahimik si Katty. Hindi niya maipaliwanag, pero may kakaibang bigat ang pagkakasabi nito—parang may alam si Gritt na hindi niya alam. Tiningnan niya si Zavier, ngunit hindi ito lumingon.
Huminga nang malalim si Zavier. “Uncle, we’re not here for your amusement. Kailangan naming makita si Dad. Ngayon.”
Ngumisi lang si Gritt, saka dahan-dahang uminom mula sa kanyang baso.
“The son… and the girlfriend. Looking for the father who disappeared.”
Sumikip ang dibdib ni Katty sa pagkakabansag sa kanya. Hindi niya alam kung may panghuhusga sa tono o kung may pang-unawang ayaw niyang tanggapin.
Naglakad si Gritt pabalik sa kanyang leather couch.
“Alam ko kung nasaan siya. Of course I do. But the real question is… What exactly are you planning to do once you see him?”
Parehong natigilan ang dalawa.
Ngumisi si Gritt, saka sinandalan ang upuan, tila tinitimbang kung ibibigay ba ang sagot o patatagalin pa ang laro. Pero sa huli, nagbuntong-hininga ito at inilapag ang baso sa lamesa.
“He’s there, hiding in plain sight. But if you want an address—fine.”
Kumuha siya ng maliit na papel mula sa drawer, saka nagsulat ng ilang linya. Inabot niya iyon kay Zavier na agad namang kinuha.
“Tell him I didn’t tell you,” dagdag ni Gritt, malamig ang tono. “He needs to face this himself.”
Napatingin si Katty kay Zavier, at si Zavier naman ay tumango lang kay Gritt.
“Salamat, Uncle,” malamig pero maayos pa ring wika niya bago siya tumalikod.
Habang papalayo ang dalawa, ngumiti si Gritt sa sarili. “Let’s see how this ends…”
Tahimik ang gabi. Ang mga ilaw mula sa mga bintana ng condominium ay tila malamlam sa bigat ng tensyon na palapit. Nasa loob ng kotse si Katty, nanatiling tahimik habang nakatanaw sa pintuan ng gusali kung saan pumasok si Zavier. Hindi niya alam ang eksaktong mararamdaman—takot, kaba, o pangamba sa kung anong maaaring kahinatnan ng pagkikita ng mag-ama.
Si Zavier, kalmado pero madiin ang hakbang, umakyat ito sa unit na ibinigay sa kanya ni Gritt.
Pagkabukas ng pinto, bumungad agad sa kanya ang malamig na presensya ng kanyang ama. Si Hux, nakaupo sa sofa. Sa tabi nito, si Jade—na halatang kagigising lang, naka-robes ito, at may bahid ng pawis sa leeg.
Nagtagpo ang mga mata ng mag-ama.
“Zavier,” mahinang tawag ni Hux, walang emosyon sa boses.
“Dad,” sagot ni Zavier, hindi man lang tumingin kay Jade. “I had to see for myself kung ikaw nga ba ‘yung lalaking nagturo sa’kin kung paano maging responsable. Kasi sa totoo lang, ang nakikita ko ngayon ay isang duwag na nagtago sa likod ng babae.”
Napatalas ang tingin ni Hux. Tumayo ito, at humarap sa anak.
“Careful with your words,” malamig niyang wika.
“Why?” balik ni Zavier, walang inis sa tinig pero ramdam ang bigat ng laman. “Hindi ba iyon ang ginagawa niyo ngayon?”
Tumahimik si Hux. Sa gilid, nanatiling walang imik si Jade. Ramdam niya ang tensyon, kilala niya ang ugali ni Hux—kapag tahimik, mas mapanganib.
“Pinili mo akong talikuran. You betrayed me, you left her.”
Hindi kaagad sumagot si Hux. Sa halip, tiningnan niya ang anak, hindi bilang lalaki kundi bilang batang minsan niyang pinangakuang iingatan niya, hindi sasaktan. Ngunit eto sila ngayon—nasira ang relasyon dahil sa babae.
Zavier clenched his fists. “You didn’t just walk away from her… you walked away from me. Sa lahat ng taong inaasahan kong kakampi ko, ikaw pa. Ikaw, Dad. Ang gumago sa girlfriend ko.”
Napasinghap si Jade mula sa gilid ngunit nanatiling tahimik. Hindi niya lugar ang usapang ito.
Ang sakit na naroon sa tinig ni Zavier ay hindi galit na pasabog—ito’y parang lason na matagal nang nilulunok. Nasa bawat salita, bawat sulyap, ang bigat ng pagtitiwala na nadurog.
At kahit walang sinabi si Hux, halata sa mukha niya ang pagsisisi. Hindi kayang tingnan ng buo ang anak. Hindi dahil sa kahihiyan, kundi dahil sa bigat ng mga salitang tinanggap niya mula sa mismong taong pinalaki niya ng buong puso.
Hindi matanggap ni Zavier na siya mismo ang bumasag sa imahe ng ama na minsan niyang itinuring na huwaran. Na sa lahat ng sinabi niya, siya pa ang bumitaw ng pinakamasakit. Pero gusto niyang makita kung may natitira pa sa ama niya ang dati niyang kilala.
“What do you want, Zavier?” ani Hux, mababa ang boses, pero mabigat.
“Responsibilidad.” Diretso ang sagot. “Alam kong hindi mo kayang bawiin ang sakit. Pero kaya mong panagutan ang ginawa mo. Buntis siya. At anak mo ang dinadala niya.”
Nilamon ng katahimikan ang paligid. Tumigil ang paggalaw ng oras para kay Hux, tumitig sa anak, saka dahan-dahang umupo muli.
“What did you just say?” aniya, halos hindi marinig.
“Six weeks. I checked. Ikaw ang ama.”
Sa gilid, bahagyang gumalaw si Jade. Hindi man siya nagsalita, bumigat ang paghinga niya. Noon, nabuntis ni Hux ang ex nito, ang babaeng minsang dahilan ng pagtanggi sa kanya ni Hux. Ngayon, may laman na ang sinapupunan ng bago nitong babae.
Muli nanaman bang mawawala sa kanya si Hux? Tila unti-unting nilalamon si Jade ng kabang hindi niya kayang itago.
“Are you telling me na—na magiging ama ulit ako?” tanong ni Hux, hindi makapaniwala.
“Yes,” sagot ni Zavier. “At kung may natira pa sa’yo bilang ama, bilang lalaki… you won’t run away from that.”
Nahilamos ni Hux ang mukha. Lalong bumibigat ang kanyang pagkakasala.
Sa labas ng pinto, hindi pa rin alam ni Katty kung papasok ba siya o maghihintay. Pero sa bawat segundong lumilipas, nilulukob ng matinding kaba ang kanyang dibdib.
