Pamilyar kay Chiara ang mukha nito. Ah… Naalala niyang ito ang isa sa mga kasama ni Zane ng unang beses na tumuntong ito sa Havaianas. Nilagpasan niya ito habang nananatili itong natitigilan sa tabi.
“Wait!” Parang nabuhusan naman ng malamig na tubig si Axel nang mapuna niyang napakalampa ng first impression niya dito. She’s so frail, saan nanggaling ang lakas nito? Anyway, hindi niya hahayaang ganito ang magiging first impression niya.
Tinatamad na nilingon ito ni Chiara. “Hm?”
“I…” Nawala sa focus si Axel nang diretsong tumitig sa kanya ang misteryosong mga mata nito.
Mahabang katahimikan ang dumaan.
“I think you should go.” Hindi ba’t kaya ito nagmamadali dahil sa next period nito? Gustong mapailing ni Chiara bago nagpatuloy sa second floor.
Ang tanging naiwan kay Axel ay ang nakakaakit na halimuyak nito. Saglit siyang napaisip nang maging pamilyar sa kanya ang napakatamis nitong amoy. Hindi man niya maalala kung kailan ang birthday ng magulang niya, subalit hinding-hindi niya makakalimutan ang iba’t ibang klase ng pabango at amoy, lalo na kung nag-iwan ito ng malalim na impression sa kanya.
Naagaw ang kanyang atensyon ng mga estudyanteng nag-uunahan sa klase nila. Naalala niyang late na rin siya.
“Shit!” Nagmamadaling tumakbo siya papunta sa klase niya.
Tumatagos sa laman ni Axel ang matalim na tingin sa kanya ng teacher nila pagpasok niya sa loob ng classroom. Gusto niyang magwala! Kapag si Zane ang nalalate, napakatamis pa ng ngiti nito. Ano bang pinagkaiba nila?! Pero dahil nasa good mood siya ngayon, ay binalewala niya ang mala-laser na tingin nito.
Agad na umupo siya sa kanyang upuan na nasa likod ni Zane at kinalabit ito.
“What?” Hindi interesadong wika nito sa kanya na ‘di nag-abalang tapunan siya ng tingin.
He wanted to explode! Gusto niyang sabihin dito ang nangyari sa kanya, ngunit napakatamlay nito.
“My heart, oh God, my heart,” exaggerated na wika niya para mapansin nito.
Nakita niyang hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat, na hindi apektado sa nararamdaman niya.
“A drop-dead thief stole my heart!” Niyugyog niya ang upuan ni Zane.
Pakiramdam niya ay tinamaan siya ng kidlat kanina. He’s so lame. Bakit wala siyang mabuong salita sa harap nito? His crush. Nagmukha siyang tanga sa harapan ng babaeng bumihag sa puso niya!
Nakakuha ng atensyon sa mga katabi nila ang drama niya.
“So you met her? Chiara Kein!” wika ng isa sa classmate ni Axel na nagmukhang die-hard fan, kasama ng grupo nito.
Akala noon ni Axel ay exaggerated lang ang mga naririnig niya tungkol sa bagong transfer student, ngunit ngayong siya mismo ang nakasaksi, ay tinamaan siya ng husto.
Nagmistulang mga bubuyog na nagbubulungan ang mga nasa likod ni Zane.
Pilit na ini-ignore niya ang mga ito at nag-focus sa ginagawang report.
Ngunit biglang nahinto siya sa pagsusulat nang marinig ang kwento ni Axel.
I was pushed to the ground but she held him?
Kung gano’n, ay kahit na sino ay tutulungan nito.
Dumiin ang pagsulat niya sa papel. He feels like he was betrayed.
“So you like this girl.”
I, Zane Saffron, am not a fool. I am nothing like them. Tukoy niya sa mga zombie sa likod niya.
Kaylan lang ay mga normal na estudyante ang mga ito, ngayon ay parang nasapian ng demonyo dahil biglang nag-iiba sa tuwing nababanggit ang pangalan ni snow white.
“Are you afraid that you would fall to me?”
“Who do you think you are?
“Then stay.”
Argh, just forget her. Forget her. Forget her…
“What’s wrong with him?” Naiinis na tanong ni Blake habang nakatingin kay Axel na parang nasa outer space.
Maingay ang loob ng cafeteria dahil sa dami ng mga estudyanteng nagdadatingan.
Ngunit kahit maraming space na upuan sa long table nila, ay walang outsider sa grupo nila ang naglalakas ng loob na tumabi sa kanila.
Mataas ang tingin sa grupo nila sa loob ng school. Kung meron mang pyramid, sila ang nasa taas.
Dumating si Ryker at Kriss, dala ang kani-kanilang tray, maging ang kambal na laging nakabuntot kay Kriss na nagmukhang right and left hand nito.
“Oh! My baby sister!” Biglang napaatras si Kriss at umiwas sa bear hug ng kapatid.
Nagulat siya sa pagbabago nito na nakangiti nang maluwang sa kanya.
Imbes na matuwa, ay kinilabutan siya.
“Disgusting. Stay away from me!” she warned.
Napipilitang bumalik si Axel sa upuan nito ngunit nakangiti pa rin.
Lumayo si Kriss dito at umupo sa tabi ni Zane.
“You should eat something.” Napunta kay Zane ang atensyon ni Kriss.
Nakita niyang bottled water lang ang hawak ni Zane.
“I lost my appetite.” ang tugon ni Zane.
Napansin ni Kriss na nakatingin ito kay Axel.
Maging siya ay nawalan ng gana nang makita ang mukha ng kapatid.
Mas gusto niya pang inaaway siya nito.
“What is wrong with you?” Naiiritang tanong niya dito.
Si Blake naman ay napapailing sa tabi at binasa ang bagong dating na message sa phone niya habang si Ryker ay nilalaro ang cheesecake sa harap nito.
“Sis, you need to help me.” He is giving her puppy eyes na akala naman nitong uubra sa kanya. Ngunit umubra ito sa dalawang kambal na pinaggitnaan ito. Nagmukhang sandwich ang tatlo.
“Babe, kung ayaw kang tulungan ni Kriss, nandito naman kami.” Si Yannie na ‘di mapigilang dampian ng halik ang pisngi ni Axel.
“Hey! You can’t do that.” Nagulat ang kambal sa reaksyon ni Axel. Kung dati-rati ay wala lang dito kahit papakin nila ito ng halik.
“May nagmamay-ari na sa akin.” Seryosong wika nito.
Ang lakas ng tawa ng kambal nang marinig nilang lumabas iyon sa bibig ni Axel, na parang may sinabi itong joke na nagpasakit sa tiyan ng kambal.
Walang nagmamay-ari kay Axel dahil pag-aari ito ng lahat ng mga babae sa school. Hindi rin mapigilang mapangiti nila Blake at Ryker nang marinig iyon.
Nagdikit naman ang kilay ni Kriss at tinitingnan ang kapatid na parang hindi nito kilala. Habang si Zane ay blangko ang ekspresyon.
“I’m serious.” Nagsimula nang makaramdam ng inis si Axel.
“Chiara Kein. Mark my words, I’m gonna make her fall in love with me.”
Natigil sa pagtawa ang kambal at nagkatinginan.
“Then we’re here to comfort you when you got rejected.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi ng kambal.
“What? You said you will help me.”
“Um… how do we say this…” patuloy ni Yannie.
“Sa loob ng classroom, walang nakakalapit sa kanya. She will give you the kind smile but you will never have the courage to go near her or talk to her. Her existence is very intimidating. Maging ang mga teacher ay hawak niya sa kanyang mga daliri.”
Tagos kay Axel ang sinabi ni Yannie dahil naranasan niya iyon. How could he confess his love kung hindi siya makabuo ng salita sa harap nito? He’s doomed from the start.
Nanlulumong binagsak niya ang katawan sa upuan.
“Guys, I need to go. Nag-text sakin si Mike.” paalam ni Blake sa mga kasama. Si Mike ay isa sa kasama ni Blake sa baseball team.
Tumayo din si Zane.
“I’ll come with you.” wika ni Zane na ipinagtaka ni Blake.
Matagal na niyang niyaya si Zane na makipaglaro sa kanila pag nagkayayaan ang tropa, dahil dati din itong member ng team, pero lagi siya nitong tinatanggihan.
“Anong nakain mo?” Inakbayan ito ni Blake palayo sa grupo nila.
“I’m just bored.”
“Yeah, that bastard keeps talking about those shits. It’s starting to get on my nerves.” Naiinis na wika ni Blake.
How could he forget if they keep talking about her?
Humigpit ang hawak ni Zane sa baseball bat na parang doon niya nilalagay ang lahat ng frustration niya.
Si Blake ang pitcher at pumoporma na ito sa harap niya.
Chiara Kein… I’m gonna make her fall in love with me.
Kumuyom ang kamao ni Zane nang marinig niya ‘yon mula kay Axel. Ayaw niyang marinig ‘yon, hindi mula kay Axel, at lalong hindi mula kaninuman.
Sumiklab sa kanya ang galit na may halong matinding selos, isang damdaming ni hindi niya alam na meron siya hanggang ngayon. Parang apoy na unti-unting lumalamon sa kanya mula sa loob.
Mabilis na nagpakawala si Blake ng fastball, at malakas na tinamaan iyon ni Zane. Pak! Umalingawngaw sa buong field ang tunog ng bola na lumipad papalayo. Home run.
Pero sa halip na maglakad dahil panalo ito, tumakbo si Zane nang buong lakas, parang may tinatakasan, parang may gustong iwanan.
Napakunot-noo si Blake habang sinusundan siya ng tingin. Una, natatawa pa siya. Pero agad iyong napalitan ng pagtataka. “May problema ‘to ah,” bulong niya sa sarili. Ngayon lang niya napansing may bumabagabag kay Zane, at mukhang matindi ito.
Pagkatapos ng laro, dumiretso si Zane sa shower. Nakasandal ang pagod na katawan sa malamig na pader, habang hinahayaan ang tubig na dumaloy sa kanya.
Pero kahit gaano kalamig ang tubig, hindi nito mapatay ang apoy na naglalagablab sa dibdib niya.
Pero ngayong gabi, habang mariing nakapikit at mahigpit ang kamao, isang bagay ang sigurado siya.
Hindi na siya aatras. Hindi na siya manonood mula sa malayo.
Si Chiara ay sa kanya.
Hindi niya man maintindihan kung saan nanggagaling ang damdaming iyon, isang atraksiyong hindi niya maipaliwanag, pero hindi rin niya kayang isantabi.
Paulit-ulit niyang pinipilit itanggi sa sarili, pero sa tuwing itataboy niya ito, mas lalo lang siyang nahuhulog, mas lalo siyang nilalamon ng pagnanasa at pag-aangkin na ayaw niyang aminin.
Nahihirapan siya, sa bawat pagtanggi niya sa nararamdaman niya para dito. Para siyang sinasakal sa tuwing pinipilit niyang kumbinsihin ang sarili na wala siyang pakialam, pero ang totoo, sa bawat sulyap niya kay Chiara, mas lalo lang niyang gustong angkinin ito.
May kung anong malakas na puwersa sa pagitan nila, isang magnetismo na kahit anong pilit niyang takasan, palagi siyang hinihila pabalik.
“I’m not afraid of you…” mahina ngunit matatag na sabi ni Zane, kahit kabaligtaran ang sigaw ng puso niya.
Napapikit si Chiara, bahagyang napangiti, isang ngiting alam ang kanyang sikreto.
“I know.”
Sumabay ang malamig na hangin sa kakaibang init na namamagitan sa kanila.
Nakikita ni Chiara kung paano siya nilalabanan ni Zane, at mas lalo siyang nahuhumaling dito. The way his lazy, sharp eyes look at her but avoid falling deeper, yet she knows he’s already falling.
Humakbang si Chiara palapit. Mabagal. Maingat.
At sa bawat hakbang nito, ramdam ni Zane ang pagbilis ng tibok ng kanyang puso.Nang ilang pulgada na lang ang pagitan nila, huminto si Chiara.
Marahan, itinukod ni Chiara ang kamay sa dibdib niya. Malamig ang palad nito kahit maiinit ang hangin. Tinitigan siya nito, hindi na basta titig, kundi isang pag-angkin.
“Why are you here, Zane?” bulong nito, pero hindi na siya makasagot.
His body stiffened, but his heart screamed for her touch.
Walang babala, dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya, ngunit si Chiara ang unang gumuhit ng distansya.
At nang maglapat ang kanilang labi, parang biglang huminto ang mundo.
Mainit ang labi nito, at ang halik ay banayad sa simula, tila tinatantiya kung hanggang saan ang kayang ibigay ng isa’t isa.
Pero nang hindi siya umatras, lalong lumalim ang halik nito, hindi na pag-aalinlangan, kundi pag-angkin.
Sa bawat segundo, bumabagsak ang mga muwang ni Zane. Sa bawat haplos ng labi nito, unti-unting gumuho ang pader na itinayo niya.
God, why is it so hard to admit?
When she’s here—so close, so real—and not holding back?
Napapikit siya at ipinulupot ang kanyang mga braso sa baywang nito, hinihila ito palapit, ayaw na pakawalan.
She tastes like danger and heaven—and he was already too far gone.
Bumitaw si Chiara, ngunit hindi pa siya lumalayo. Hinaplos niya ang mukha nito, tinutukso ng daliri ang gilid ng labi ni Zane.
“You asked me if I like you…” Muli siyang ngumiti, isang ngiti na may hawak na sikreto, bago muling hinila ang batok nito at hinalikan ulit.
“I think I do.”
Sa bawat halik, mas lalong nahulog si Zane. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito, pero sa oras na iyon, hindi na iyon mahalaga.
