Two years later…
“Kilala niyo ba si Tricia?”
“Sino bang hindi makakakilala sa campus queen na ‘yun?”
“Campus flirt kamo. Halos lahat ng gwapo dito sa university, pinatulan na niya.”
“Oo, pero deadma siya dun sa bagong freshmen. Niyaya niya ito sa party niya pero nireject lang siya. Kung nakita niyo lang ang mukha niya, grabe, hindi maipinta.”
“Sino ba ‘yung bagong freshmen?”
“He’s hot!”
“Dati daw siyang Student Council President sa high school na pinanggalingan niya.”
“Talaga? Kaya pala naperfect niya ‘yung entrance exam. Ang hirap kayang makapasok sa university na ito ng may mataas na score, pero siya, naperfect niya pa sa unang try. Wow, ang talino niya ha.”
“At hindi lang ‘yun, ubod pa ng gwapo! Para ngang malalaglag ang panty ko sa tuwing nakikita ko siya eh! Ang swerte naman ng magiging girlfriend niya.”
“Sorry guys, pero may narinig akong rumor tungkol sa kanya…”
“Ano ‘yun?”
“He’s already married.”
“What?! Pero ang bata niya.”
“Nagpakasal daw siya nung last year niya sa senior high.”
“He must be really in love with that girl.”
“Yes, they said she’s ridiculously beautiful!”
“Ugh, kahit isang gabi lang…”
“Pahiram ng asa—”
“Pahiram ng asa—”
Samantala, sa ibang lugar…
Naslice ni Chiara ang gilid ng daliri niya habang humihiwa siya ng carrots. Natatawa namang sinunog ni Celes ang asul na tela sa kamay nito. Iyon ang ginamit niya upang silipin nila ang bagong school na pinasukan ni Zane.
“He became really popular on his first day. Well, hindi ko sila masisisi. Nag-mature siya agad sa napakaikling panahon. And for a human, he’s really attractive.”
Mabilis namang gumaling ang sugat ni Chiara bago pa tumulo ang dugo. Tinapon nito ang mga nahiwang carrots at kumuha ulit ng bago. Halatang lumamig ang ekspresyon nito. Maging ang temperatura sa kusina ay lumamig.
“A fearless demon cooking dinner for her human husband. How epic…” si Celes na tumikim ng beef steak na agad din nitong iniluwa.
“Ito ang pinapakain mo kay Zane? Paano niya nagagawang lunukin ang mga niluluto mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Celes kay Chiara.
“He said it’s good.”
Napangiti si Celes nang mapansin ang inis sa tinig ni Chiara.
“O marahil nasanay na siya sa timpla ng luto mo, sa tagal ba naman na hinahain mo ito sa kanya, o sadyang nabulag na pati panlasa niya.” Natutuwa siyang makita ang kahinaan nito.
“Or maybe I could just feed you my blood so you can shut your mouth forever.”
“Ooops.” Umatras si Celes at kumuha ng apple sa mga prutas na nasa tabi ni Chiara. “Bakit ‘di ka na lang pumasok sa school na pinasukan niya para mabantayan mo siya at hindi mo na kailangan ang katulad ko para maging spy mo?”
“Baka nakakalimutan mong ikaw ang lumapit sa akin? You said you don’t serve anyone but you begged me to keep you.”
“Iyon ay dahil nakakatuwa kayong panoorin ni Zane. Gusto kong makita kung hanggang saan aabot ang love story niyo.”
Simula nang ibigay sa kanya ni Chiara ang kapangyarihang hinahangad niya, nakulong siya sa isang kontrata. Hindi niya akalaing ito ang magmamay-ari sa kanya. Every witch has a master. May nakalaang panginoon para sa kanila na kailangan nilang pagsilbihan habang buhay.
Ang buong akala niya ay nagawa niya iyong masira gamit ang mga mahikang naipon niya sa loob ng mahabang panahon upang makamit ang kalayaang hinahangad niya at hindi matulad sa kanyang mga kapatid na naging alipin ng kanilang pinagsisilbihan. Ngunit nang sandaling matikman niya ang dugo ni Chiara, alam niyang hindi niya ito matatakasan.
May malaking parte niya ang gustong manatili sa tabi nito at protektahan ito. Napabuntong-hininga siya ng malalim. Hindi niya iyon sinabi kay Chiara ngunit may pakiramdam siyang alam nito iyon. Wala itong balak itali siya sa tabi nito dahil ang mahalaga lang dito ay ang taong pinagluluto nito ng dinner ngayon.
“Wala ka bang tiwala sa kanya?” Kumagat siya ng apple habang hinihintay ang sagot nito.
“He doesn’t want me to be overly protective of him.”
“Natural, sa inyong dalawa siya ang lalaki. Minsan kasi nakakalimutan mo ‘yun.”
“What?”
“Una, binili mo ang napakalaking bahay na ito nang hindi hinihingi ang opinyon niya. Binigyan mo siya ng sasakyan, hindi lang isa kundi lima. Binayaran mo ang buong tuition niya hanggang makagraduate siya. Ano pang kailangan niyang patunayan sa’yo? He’s a human and his wife is a demon. Doon pa lang napakalaki na ng agwat niyo. Ngunit mas lalo mo lang iyong minarkahan.”
“Bakit ko pa siya pahihirapan kung kaya ko namang ibigay ang lahat ng iyon sa kanya?”
Napailing-iling si Celes. “Nakakapagtakang simula nang kinasal kayo ay hindi pa kayo nag-aaway.”
“Hindi ba’t mas mabuti ‘yon?”
Muling napailing si Celes. “Bakit ayaw mong magtanong tungkol sa school niya? Kung bakit pinili niya ang mas malayong university? Dahil ayaw mo ng conflict. Alam mo sa sarili mong may hindi ka maintindihan sa mga desisyon niya at natatakot kang magtanong.”
Natigilan si Chiara sa paghiwa.
“Do you think he regret it? Marrying me…” tinignan niya ang singsing sa kanyang daliri, tanda ng pag-iisang dibdib nila ni Zane. “Ito lang ang kaya kong ibigay sa kanya, mga materyal na bagay. Sa tuwing naglalakad kami ng magkasama at nakikita naming dumadaan sa harap namin ang isang pamilya, lalong nagiging malinaw sa akin na hindi ko siya kayang bigyan ng pamilya.”
“What are you saying? Ikaw na ang pamilya niya.”
“Celes, look at me. I didn’t change a bit. But he became taller, he aged 2 years and I still look the same. I’m scared sa tuwing dumarating ang birthday niya, dahil alam kong lumiliit na lang ang natitirang panahon namin sa isa’t isa. Kaya natatakot akong magtanong, ayokong magalit siya sa’kin. Ayokong masayang ang oras namin na hindi kami nagkakaintindihan.”
“At lalong masasayang ang oras ninyo kung wala kang gagawin. At ikaw, nagsisisi ka ba?”
“He means the world to me. Ngunit minsan naiisip ko… Paano kung pinakawalan ko siya noong hindi niya pa ako naaalala? He can continue his life without me. He can have a normal family. A normal life. A child… He can have all that. But because I’m selfish and because I love him, I don’t wanna let him have that life without me.”
“You know, you will still regret it even if you let him go.” Inagaw ni Celes ang knife mula kay Chiara at ito ang nagpatuloy ng paghiwa ng carrots. “Nakalimutan mo na bang may kakayahan akong makita ang kapalaran ng isang tao? Kung hindi ka nagpakita sa kanya at hinayaan mo siyang makalimutan ka, mabubuhay at mamamatay siyang mag-isa. He won’t be able to fall or love anyone. Ang mas malala, hindi niya alam kung bakit. Iyon ay dahil binigay na niya ang puso niya sa’yo.”
Napuno ng katahimikan ang kusina.
Muling natigilan si Chiara nang unti-unting tumagos sa kanya ang sinabi ni Celes. Napangiti siya nang maintindihan niya ang gusto nitong iparating sa kanya. Inagaw niya ang knife dito.
“It’s my job.”
Napapangiti ding muling kumuha ng mansanas si Celes.
“Minsan, hindi ko gusto ang presensya mo, ngunit dahil marami akong bakanteng kwarto at hindi ka nagpapakita o nagpaparamdam kay Zane, hahayaan kitang manatili pa dito nang mas matagal.”
“Napakahirap ba talaga sa’yong mag-thank you?”
“Did you forgot—”
Pareho silang natigilan nang marinig nilang huminto ang sasakyan ni Zane sa labas ng mansion.
“He’s already here?”
Nakita ni Chiara ang dining table na ‘di pa naayos at ang niluluto niya. Agad na tumakbo si Celes sa lamesa at binaliktad ang tablecloth. Sa isang iglap, nasa ayos na ang lahat. Bumigkas ito ng ilang kataga na hindi niya maintindihan at nabura ang mga na-slice ni Chiara na carrots, maging ang mga niluluto nito sa oven. Lumitaw ang lutong pagkain sa lamesa.
Nawala ang pag-aalala sa mukha ni Chiara at napalitan ng ngiti.
“Thank you.”
Tinanggal ni Chiara ang suot na apron para salubungin si Zane.
“You finally thank me.” Umikot ang mata ni Celes bago naglaho ang katawan nito at naging manipis na tela na lumutang sa hangin, palipad sa pangalawang palapag ng mansion kung saan ang kwarto nito.
Hindi alam ni Chiara kung paano nito nagagawang ilabas at itago ang kwarto nito, ngunit iyon ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi ito napapansin ni Zane. Hindi niya gustong malaman ni Zane na may kasama silang mangkukulam. Isa pa, pumayag siyang tumira sa kanila si Celes dahil kaya nitong protektahan si Zane kapag wala siya. Gusto niya lang makasiguradong lagi itong ligtas. Kahit pa ipinangako ni Koda na kontrolado nito ang lahat at kontrolado din ni Kalous ang konseho, mas gusto niya pa ring makasigurado na hindi ito mapapahamak.
Sa pagbukas ng pinto…
Siya ang nagbukas ng main door at hinintay na makapasok si Zane sa loob. Hinanap nito ang mga labi niya at siniil siya ng halik.
“Did you miss me?” bulong nito sa kanya at lumipat ang labi nito sa leeg niya saka dinampian ng mainit na halik.
“A lot…” namamaos na tugon niya dito. Muli siya nitong siniil ng halik sa labi.
Habang kumakain…
Nakatitig ng mabuti si Chiara kay Zane habang tinitikman nito ang pagkain na nakahain sa harap nito. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtataka sa gilid ng mga mata ni Zane.
“Did you order this?”
Siya naman ang nagtaka sa tanong nito.
“Paano mo nalamang hindi ako ang nagluto?” Ganoon ba talaga kasama ang lasa ng mga pagkain niya? Napahawak siya sa noo.
“Paanong hindi ko malalaman ang luto ng asawa ko? It’s special because you made it for me.”
Nakagat ni Chiara ang ibabang labi niya.
“I love you…”
“And I love you…”
Sa kwarto…
Bumukas ang pinto ng master bedroom. Binuhat siya ni Zane at dinaganan sa kama nang hindi pinuputol ang halik. Ikinulong siya nito sa pagitan ng mga kamay nito, na parang nangangamba itong makawala siya.
Nang maghiwalay ang labi nila, nagtama ang kanilang paningin…
They both understand… They wanted this…
Muli nitong inangkin ang labi niya.
Lalong uminit at naging mapangahas ang paghalik ni Zane sa nakakalasing na labi ni Chiara, na ngayon ay nilulunod niya sa isang malalim na halik.
It’s not enough. He wanted more.
Nag-aalab ang damdamin niyang angkinin ang kanyang asawa. Naging mapusok ang kanyang mga kamay na gumapang sa katawan nito.
He loves every inch of her. And he’s getting addicted to her day by day…
“Z-Zane…” tawag nito sa pangalan niya nang bumaba ang halik niya sa dibdib nito. Lalo itong napakapit sa likod at buhok niya.
“Zane…”
