This entry is part 19 of 23 in the series Fearless

This… is not a dream…

Chiara didn’t want to believe it. Hindi siya naniniwalang imahinasyon lang ito. It’s alive. The voice and those words…

Mga katok sa pinto ang bumulabog sa malalim na pag-iisip ni Chiara.

“What is it?” si Koda na nakahawak pa rin sa siko niya.

“Dumating na po ang mga panauhin niyo,” sagot ng alalay ni Koda sa labas ng pinto.

Huminga ng malalim si Koda bago siya muling hinarap.

“I’m sorry about Sena. It won’t happen again. Tomorrow, I will properly introduce you to everyone. No one will dare to touch you again.”

Mabilis na hinagkan siya nito sa noo at hindi na hinintay ang sagot niya. Nagbukas at nagsara ang pinto at naiwan siyang muling mag-isa sa malaki at malamig na kwarto.

Para siyang nilalamon ng katahimikan at kadiliman sa loob.

Sabay-sabay na nagbukas ang mga nakasarang bintana gamit lamang ang isang kumpas ng kanyang kamay. Huminga siya at nilanghap ang sariwang hangin na nagmula sa masukal na kagubatan. Napapalibutan sila ng makakapal na mga halaman at matatangkad na mga puno. Matatayog ang pagkakatayo ng mga ito na tumatayong proteksyon ng mansion sa mga kalaban.

Bawat puno ay nagtataglay ng mahika kung saan malalaman nila ang papasok at lalabas ng mansion. Nilisan niya ang mundo ng mga tao at bumalik sa tunay niyang mundo, ngunit bakit pakiramdam niya nakatali ang kanyang mga paa at kamay sa lugar na ito?

Lumapit siya sa bintana at pinagmasdan ang buwan na doble ang laki sa mundo nila. Ito ang nagsilbing araw sa napakadilim na lupain. Inangat niya ang kamay na parang hinahaplos ang nagliliwanag na buwan.

“Do I really belong here?”

Samantala, sa kabilang dako…

“What are you doing?”

Nadatnan ni Zane si Ryker sa loob ng kwarto niya at kasalukuyang nilalabas nito ang mga damit niya sa closet at binabagsak sa kanyang kama.

“Packing your things.”

Binalewala siya nito at nagpatuloy sa ginagawang paglalagay ng damit niya sa malaking bag.

“Since wala kang balak mag-ayos, ako na ang gagawa nito para sa’yo. Pinaalam na rin kita kay Tita.”

“I already told you—”

“It’s just a one-week vacation. Sisiguraduhin kong hindi mo pagsisisihang sumama sa amin.”

Dumating ang pinakahihintay na sem break nila at, para makalaya sa dami ng mga activities na ginawa nila nitong nakaraang mga araw, napagdesisyunan ng mga kasama niyang magbakasyon.

“I’m fine. I’m not going.”

Sumandal siya sa gilid ng kanyang pinto.

“Zane,” natigil si Ryker sa pag-eempake.

“Sigurado ka bang okay lang sa’yo na pag-alalahanin ang Mommy mo? You know you’re not okay. We need this.”

Lumapit ito sa kanya at hinawakan siya sa balikat.

“You need this.”

Kahit pilit na itago ng Mommy niya, alam niyang nag-aalala ito sa kanya. At iyon ang huling gusto niyang mangyari. Maging siya ay hindi maintindihan ang nangyayari sa kanya.

Maybe he really needs this.

“Okay,” sumusukong wika niya.

Gumuhit naman ang isang ngiti sa labi ng kaibigan.

“You’re going to have fun, I promise. That place is really amazing. It’s full of mystery and beauty. I read a lot of tales about it. Matagal ko na ngang plinanong pumunta doon.”

Mystery and beauty—iyon ang sumabit sa isip ni Zane.

“Come on, magbihis ka na. Naghihintay na sila sa labas,” ani ni Ryker nang matapos nitong maempake ang mga gamit niya.

Ilang sandali pa, sa labas ng bahay…

Paglabas nila ng bahay ay naroon ang Mommy niya na nakangiting naghihintay sa kanya, at ang mga kasama niya na kumakaway sa loob ng malaking van.

“Zane, I want you to have fun with your friends.”

Niyakap niya ito ng mahigpit.

“I will.”

Kung mapapanatag ang Mommy niya, gagawin niya ang makapagpapasaya dito.

Hinalikan niya ito sa pisngi bilang paalam.

Binuksan niya ang passenger seat na tabi ng driver seat kung saan si Blake ang driver nila.

“Mabuti naman at nakumbinsi ka ni Ryker,” anito.

“Paano pa ako tatanggi kung inempake na niya ang mga gamit ko.”

Tiningnan niya ang mga kaibigan sa view mirror. Magkatabi si Ryker at Kriss sa backseat na nagbubulungan habang nasa likod nila si Axel na naglalaro sa phone nito. Natatawa namang pinaandar ni Blake ang sasakyan.

Magiging mahaba ang biyahe nito. Napapailing na napapikit siya…

Samantala, sa kabilang banda…

Narinig ni Chiara ang pagbagsak ng dalawang katawan sa labas ng pinto niya. Wala siyang ginawa at nanatiling nakaupo sa sofa habang nagbabasa ng libro.

Bumukas ang kanyang pinto at pumasok ang mga tapak na papalapit sa kanyang direksyon.

“Poor princess,” bulong ng mapupulang labi sa likod ng batok niya.

“Kalous,” sinara niya ang kanyang libro. “What is it this time?” kalmadong tanong niya dito.

“Wala kang pinagkaiba sa mga alagang ibon ni Koda na nakakulong sa hawla.”

Sa isang iglap ay nakaupo na ang magandang lalaki sa tabi niya. He has a lean body na mapagkakamalan mong babae kung nakatalikod ito, at nakakaakit na mukha na mapa-babae o lalaki man ay mahuhulog dito.

“You, the daughter of the previous king, is being trapped in the four corners of this room. How pitiful.”

Akmang hahaplusin ni Kalous ang mukha niya nang agad niya itong tinignan ng matalim. Tumigil sa ere ang kamay nito.

“Gusto mo bang tulungan kitang makatakas nang hindi nila napapansin? Babalik din tayo bago magising ang mga bantay mo.”

“I’ll make it clear.” Sinalubong niya ito ng tingin. “Stay away from me.”

He and Koda are very different kahit na iisa lang ang Ama ng mga ito.

“Sa tingin mo kakagat ako sa pain mo?”

“Kaya ba hinahayaan mo si Koda na ikulong ka dito? You don’t listen to anyone but you follow him like an obedient child.”

Hindi nakasagot si Chiara dahil may katotohanan ang sinabi nito. Kahit na kaya niyang makawala dito anong oras man niya gustuhin, ay hindi niya magawa dahil iyon ang sinabi ni Koda sa kanya.

“Well, kung iyon ang gusto mo, ang maging sunud-sunuran, hindi kita pipilitin—”

“I’ll go,” akmang tatayo na si Kalous nang marinig niya si Chiara. Napangiti ito at inilahad ang kamay sa prinsesa.

“Shall we?”

Pagkalapat ng kamay ni Chiara dito, agad silang nawala sa ere at nag-iwan ng itim na usok sa loob ng kwarto.

Bumagsak sa sahig ang kanina’y hawak na libro ni Chiara.

Samantala, sa isang bakasyunan…

“Finally!”

Humahangang umikot ang paningin ni Axel sa paligid ng two-story na bahay na nirentahan nila. Isang kilometro ang layo ng mga katabing bahay kaya kahit mag-ingay sila ay walang kokontra.

Minamasahe naman ni Blake ang kabilang balikat dahil sa mahabang biyahe.

Nagtulungan ang magkakaibigan na ipasok ang gamit nila sa loob at nagkanya-kanya silang namili ng kwarto.

Dalawang palapag ang bahay. Si Ryker, Zane, at Blake sa taas, habang ang magkapatid ay sa baba. Malawak ang living room at malaki ang kusina sa baba na may dalawang kwarto, habang may apat na kwarto sa taas at may maluwang na terrace.

Pinuno ng caretaker ang laman ng kusina at refrigerator na kaya pang abutin ng dalawang linggo.

“Dapat noon pa natin ito ginawa,” si Axel na kumakagat ng apple habang nagluluto si Kriss at Ryker.

Nag-ipon-ipon sila sa kusina.

Nagbukas naman si Blake ng ref para kumuha ng tubig at nagsalin sa baso nito.

“Nasan nga pala si Zane?”

“Maglalakad-lakad lang daw siya sa labas,” sagot ni Blake matapos uminom ng malamig na tubig.

Nakita ni Blake habang nagmamaneho siya kanina na malapit lang sila sa downtown. Hindi man maikukumpara sa mga shop ng city ang shops sa lugar na ito na simple lamang, ay mas maganda pa ring pasyalan dahil sariwa ang hangin at malinis di gaya ng sa siyudad.

Mabibilang lang ang mga taong dumadaan at mga sasakyan. Napakatahimik ng lugar, tamang-tama ito sa mga taong gustong mag-relax at naghahanap ng kapayapaan sa dibdib.

Samantala, si Zane…

Kinabit ni Zane ang earphone niya pagkatapos niyang makapili ng mga kanta sa playlist.

Napakaaliwalas ng lugar at karamihan sa nakikita niyang kulay ay berde dahil nababalutan ang lugar ng mga puno at halaman.

Sinalubong siya ng malamig na hangin habang naglalakad.

It was cold, but he feels warm inside.

This feeling… It was strange, but for some reason, it comforted him.

Nakuha ng atensiyon niya ang maliit na town sa baba niya, dinala siya roon ng mga paa niya…

Sa kabilang banda…

“Ito ang pinakamalapit na lupain ng mga tao sa teritoryo natin,” wika ni Kalous sa tabi ni Chiara habang naglalakad sila sa gilid ng mga shop.

Hindi pinahalata ni Chiara ang tuwang nararamdaman niya dahil nakalabas siya pagkatapos niyang makulong sa mansion ng tatlong buwan.

Pakiramdam niya ay lumuwag ang pagkakatali sa kanya.

Idagdag pang hinahanap ng katawan niya ang init ng araw—what? She misses the sun? That’s strange…

Napahinto sila ni Kalous sa tapat ng candy store nang dumaan sa harap nila ang mga batang nag-uunahang pumunta ng candy store para bumili.

Nadapa ang isang batang lalaki na huling nakabuntot sa mga kasama nito.

Bumaba si Chiara at tinulungan itong tumayo bago niya pinagpag ang damit nito.

Nakangiting nagpasalamat sa kanya ang bata bago nagpaalam at sumunod sa mga kasama nito.

Yes, she was like these kids. Masaya na siya sa mga ganitong simpleng bagay.

Koda is back in her life, she is back in her home, so why? Anong pumipigil sa kanya?

Sinundan niya ng tingin ang mga batang kalalabas lang ng store, bitbit sa mga kamay nila ang iba’t ibang hugis at kulay ng mga candies. Napakatamis ng mga ngiting nakasabit sa mga labi ng mga ito.

Natakpan siya ng lilim mula sa sinag ng araw nang may huminto sa harap niya. Napakalawak ng daan, bakit hindi ito dumaan sa gilid nila at kailangan pang huminto sa harap niya?

Tumayo siya upang tingnan kung sinong nagmamay-ari ng aninong tumakip sa kanya.

Natagpuan niyang nakatitig sa kanya ang dalawang pares na mga mata.

A good-looking human is staring intently at her.

Saglit na napakunot siya ng noo nang makita niya ang pagkagulat sa mga mata nito.

Humans love her appearance, ngunit hindi ang isang ito. Nahihiwagaang pinag-aralan niya ito.

“Let’s go.”

Tawag sa kanya ni Kalous na pumutol sa koneksyon nila.

Sumunod siya kay Kalous na nauna sa kanya at nilagpasan ang lalaking nanatili pa ring nakatayo roon.

Those eyes… She feels like she saw it before.

“Wait.”

Huminto siya matapos ang sampung hakbang. Nilingon niya ang lalaking nakita niya kanina, ngunit hindi na niya nasilayan kahit anino nito.

May parte ng dibdib niya ang humapdi at nanikip nang hindi niya ito nakita.

“What is it?”

Sinundan ni Kalous ang tinitingnan niya.

“Nothing…” wika niya saka sila nagpatuloy sa paglalakad sa harap ng mga antique house.

“Ah, this is really good. Ano kayang magiging reaksyon ni Koda kapag nalaman niyang itinakas kita?”

Halatang naghihintay si Kalous na makakuha ng reaksyon mula sa kanya. Ngunit nililipad ang isip niya kaya wala siyang oras para ibigay ang gusto nito.

“I think I deserve a reward. Maybe a kiss?”

“Or maybe I should just kill you.”

Napilitan siyang ibigay ang atensyon dito.

“What’s so good about my brother? He’s a manipulative maniac.”

“And you?”

“Ako? Hindi kita ikukulong at itatali sa tabi ko, Chiara.”

“He’s only doing that to protect me.”

“You think?”

Hindi niya ito sinagot at itinuon ang atensyon sa mga batang naglalaro ng saranggola sa malawak na park.

Maliban kay Koda, wala na siyang ibang maisip na mapupuntahan.

Tumayo itong magulang niya, kapatid, at ngayon ay kasintahan niya.

He is everything she needs.

That’s why she needs to get rid of this doubt, these hallucinations.

Marami na itong nagawa para sa kanya.

Wala siyang karapatang pagdudahan ito.

Gusto niyang sampalin ang sarili dahil gusto niyang kumawala dito kahit wala siyang ibang mapupuntahan kundi sa tabi nito.

“Let’s go back.”

Nagtatakang sinundan siya ni Kalous sapagkat mahaba pa ang oras na pwede nilang itagal sa labas bago mapansin ng mga bantay na nawawala si Chiara. Matapang ang pampatulog na binigay niya sa mga ito.

Samantala, sa kalsada…

“Stop!”

Naiiritang hindi pinakinggan ni Blake si Axel na ihinto ang sasakyan.

Kanina ay pinahinto siya ni Axel nang may nakita itong candy store na puno ng matatamis na pagkain.

Parang hinakot na nga nito ang laman ng store sa dami ng binili, ngayon naman ay gusto niya ulit itong patigilin. Ano na naman kayang nakita nito?

“I said stop,” ulit nito nang hindi siya tumigil.

“Narito tayo para sunduin si Zane at hindi bumili ng kung anu-ano.”

“Hindi naman ‘yun eh! Parang nakita ko si Chiara kanina.”

Nakalabas ang ulo ni Axel sa bintana habang nakatingin sa likod nila.

Binitawan ng isang kamay ni Blake ang manibela at binatukan si Axel.

“Baliw ka ba? Alam mo namang wala na siya. ‘Wag na ‘wag mo yang mababanggit kay Zane.”

Napapakamot sa ulong pinasok ni Axel ang ulo sa sasakyan.

“Baka nga namamalikmata lang ako.”

Napapailing na lang na tiningnan ito ni Blake.

Pagdating sa coffee shop…

Sinundo nila si Zane sa isang coffee shop malapit sa mga antique house.

Walang salitang maririnig sa tatlo habang nagbibiyahe sila pabalik sa rest house.

Tanging ang wrapper ng mga candy na binubuksan ni Axel at sunod-sunod na sinusubo sa bibig nito ang maririnig.

Mas mainam nang lagyan niya ng laman ang bibig niya kesa madulas ang dila niya, naisip nito.

Napansin din nilang sobrang tahimik ni Zane sa center seat simula nang sinundo nila ito sa coffee shop.

Nadatnan nila itong nakaupo lang doon at hindi nagalaw ang lumamig na kape sa harap nito.

“Ang sabi ni Ryker, bukas bago tumaas ang araw, aakyat tayo ng bundok para puntahan ang hidden falls ng lugar na ito.”

Basag ni Blake sa katahimikan nang hindi na nito matiis ang ingay ng bibig ni Axel sa tabi niya.

“Ax,”

Nagtaka si Axel nang siya ang tinawag ni Zane at hindi si Blake.

“What does she look like? Does she also have beautiful eyes?”

Nabulunan si Axel dahil hindi iyon ang hinihintay nila mula dito. Wala siyang mahanap na tubig kaya kinabog-kabog niya ang dibdib.

“W-who?” wika nito nang makabawi.

“That girl, Chiara. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyo itong itago sa akin.”

“Hindi ba’t mas mainam nang nakalimutan mo siya?” si Blake ang sumagot dito. “Kahit maalala mo ang lahat tungkol sa kanya, hindi mo na siya maibabalik.”

Nakatanggap ng masamang tingin si Blake mula kay Axel.

“Iyon din ang naisip ko, ngunit kanina habang naglalakad ako sa town may nakita akong babae. Pareho sila ng mga mata ng mga larawang ginuguhit ko.”

Naglabas ng malalim na buntong-hininga si Zane at muling ikinabit ang earphone niya.

“I must be really obsessed with those eyes.”

Binuksan niya ang bintana ng sasakyan at hinayaang makapasok ang hangin.

“I need to get over this.”

Nababahala ang mga matang nagpalitan ng tingin si Blake at Axel ngunit parehong pinili nilang manahimik.

Samantala, sa mansion…

Bagsak pa rin ang dalawang bantay ni Chiara nang dumating sila ni Kalous sa mansion. Himalang hanggang ngayon ay wala pa ring nakakapansin na lumabas sila.

“I told you.”

Wika ni Kalous na naghihintay ng papuri niya.

“Leave.”

Utos niya dito.

“You’re welcome.”

Hindi ito nakinig at ito pa ang naunang pumasok sa loob ng kwarto niya.

Sumusukong sinundan niya ito.

“Bukas ka na ipapakilala ni Koda sa lahat bilang pag-aari niya. Bakit ko sasayangin ang mga natitirang oras nating magkasama? Baka magbago ang isip mo at ako ang piliin mo.”

Pinaupo siya nito sa sofa at wala sa loob na ginawa niya iyon.

Nabigla siya nang lumuhod sa harap niya si Kalous. Hindi niya inaasahang ito ang magtatanggal ng sandal niya.

Maingat nitong ginawa iyon na parang ginto ang kanyang mga paa.

“What do you want from me, Kalous?”

Sumandal siya sa kanyang likod.

Binaba nito sa gilid ang natanggal na sandal at inangat ang isang paa niya. Dumaan ang malamig na daliri nito sa ilalim ng kanyang paa na parang may ginuguhit ito roon.

“Your heart…” saka ito yumuko at hinagkan iyon.

“Your soul…”

“In other words, you want my blood.”

“At first. But now… I want you.”

Lumalim ang tingin sa kanya ni Kalous at nagliwanag ang mga mata nito.

“I want you, Chiara.”

“You must be really desperate.”

Binawi niya ang mga paa dito.

“Hindi ko inaasahang magpapakababa ng ganito ang konseho para lamang pabagsakin si Koda.”

Tumayo siya at tinalikuran ito.

“Hindi ko rin inaasahang ganito kalalim ang pagkamuhi mo sa kapatid mo, Kalous. Ngunit magpakaganon pa man, hindi mo makukuha ang gusto mo.”

“Ni minsan hindi ko nakuha ang gusto ko. Ngunit ikaw, sigurado ka bang ito ang gusto mo? Ang makulong sa mga kamay niya?”

Narinig ni Chiara ang papalayong tapak nito.

“I’m giving you an option. It’s not too late.”

Wika nito bago lumabas ng kwarto at isinara ang pinto.

Hindi man nakita ni Chiara ang sinseridad sa mga mata ni Kalous, ngunit iyon ang dahilan kung bakit hindi niya ito nagawang harapin.

Dahil alam niyang totoo ang nararamdaman nito sa kanya, at alam din niyang hindi niya ito maibabalik.

Ni minsan, hindi niya narinig ang mga salitang iyon kay Koda, at ganoon din siya dito.

Malinaw at malabo ang nararamdaman niya para dito.

Ang relasyon nila ay nakaplano at inaasahan na niyang mangyari simula pa noong bata siya.

Ito lang ang nakalaan sa kanya at wala nang iba.

Ngunit kapag dinadalaw na siya ng kanyang panaginip, nakakalimutan niya ito…

Sa mundo ng kanyang panaginip…

“What is he doing here?”

Napakapit si Chiara sa bedsheet niya.

Alam niyang nanaginip na naman siya, ngunit hindi siya makatakas, at may parte niya ang gustong manatili at ayaw bumitaw.

“He’s here again?”

“What are you doing, Chiara?”

“Spying.”

“What’s so interesting about him?”

“I don’t know.”

“Remember the rule.”

“I know.”

“Then stop following him!”

“Chiara…”

Biglang bumilis ang tibok sa dibdib niya nang muli niyang marinig ang pangalan mula sa estrangherong ito.

Gusto niyang makita ang anyo nito, ngunit malabo ang mga imaheng nagpapakita sa kanya.

“I know I still have a long way to go…”

“Despite all that, don’t let go… Wait for me…”

She wanted to see him. She needed to see him!

Unti-unting nabubura ang liwanag na tumatakip sa mukha nito. Lalong humigpit ang pagkakawak niya sa bedsheet.

Unang luminaw sa paningin niya ang mga mata nito, sunod ang perpektong korte ng kanyang ilong, at mga labing alam niyang malambot kahit hindi niya pa natitikman.

Agad na rumehistro sa kanya ang anyo nito bago siya nagising sa nakakabinging ingay sa loob ng kanyang dibdib.

“It’s him?”

Naguguluhang bumukas ang mga mata niya.

Kailangan niyang mahanap ang sagot. Hindi niya na kayang hintayin ang isa pang panaginip upang masagot ang katanungan niya.

Binuksan niya ang bintana at, walang pagdadalawang-isip, tumalon siya mula sa pang-apat na palapag.

Hindi siya bumagsak sa lupa kundi humalo siya sa hangin.

Pinakalat niya ang alaga niyang mga hangin upang hanapin ang nilalang na laman ng kanyang mga panaginip.

He exists! He’s not a dream.

Nakita niya ito ngunit hindi niya ito nakilala…

Did he recognize her?

Hindi siya nito tititigan ng ganoon kung hindi siya nito kilala.

Then why didn’t he say anything? How did she forget about him? What is he to her?

Lalong naging desperado ang mga hangin niya na hanapin ito dahil nagsiliparan at sumama ang mga napitas na dahon ng mga bulaklak sa paghahanap dito.

Gininaw ang magkasintahang naglalakad sa gilid ng daan dahil sa malamig na hanging dumaan sa kanila.

Dumaan ang mga hangin sa bawat bahay at inisa-isa ang mga ito.

Lumipad ang mga lobo na nakasabit sa isang bakod at namatay ang mga kandilang sinindihan ng isang ginang sa altar nito.

Hanggang sa sunod na pinasok ng hangin ang isang rest house sa gilid ng bundok na may dalawang palapag.

Nabulabog ng malakas na hangin ang kwarto ni Zane.

May nakapasok na mga dahon ng bulaklak sa kwarto niya.

Nilipad ang mahabang kurtina sa kanyang kwarto.

Hindi niya malaman kung saan nagsimula, ngunit hindi niya magawang isara ang kanyang bintana kahit saang kwarto pa siya matulog.

Lalapit na sana siya sa bintana dahil sa mahabang kurtinang nagwawala sa lakas ng hangin nang matigilan siya.

A dark shadow appeared behind the cover.

Nang muling ilipad ng hangin ang kurtina, nasilayan niya ang nagmamay-ari ng nakakabighaning mga mata na ginuhit niya kanina sa mga papel at ngayon ay nakakalat sa sahig at nililipad ng hangin.

Nahuli ni Chiara ang isang papel na lumipad sa harap niya.

Nang tignan niya iyon, nakilala niya agad kung sinong nakaguhit doon.

“Who are you?”

 Why am I dreaming about you? Bakit ako ang nakaguhit sa larawang ito?

Hindi nagawang isatinig ni Chiara ang ibang katanungan niya nang makita niya ang lalaki na ngayon ay nasa harapan na niya at hindi na lang sa panaginip.

Sa loob ng kwarto, nagkaharap sila…

Lumapit si Zane at itinabi ang tabing na tumatakip sa misteryosang babae na bigla na lang lumitaw sa harapan niya.

Ang tinig nito, hindi siya maaaring magkamali, ito ang tinig na naririnig niya sa kanyang mga panaginip.

Nahihiwagaang pinagmasdan niya ang kabuuan nito.

Saan ito nanggaling?

“What are you?”

Bumuka ang bibig ni Chiara ngunit walang salitang lumabas mula sa kanya nang magtagpo ang mga mata nila.

Hindi niya maipaliwanag ang lungkot na bumabalot sa dibdib niya.

This is insane, wala siyang ibang gustong gawin ng mga sandaling iyon kundi halikan ang labi ng taong ito.

Nakalimutan niya ang dahilan ng paghahanap niya dito at nilipad na rin ng hangin ang mga katanungan niya…