This entry is part 17 of 23 in the series Fearless

Magkayakap na nakahiga si Zane at Chiara sa malawak na kama. Wala ni isa sa kanila ang gustong bumitaw. Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng mabagal nilang paghinga at pintig ng puso.

Napakadilim ng kwarto, pero unti-unti na ring nasasanay si Zane sa dilim, isang bagay na noon ay hindi niya akalaing kakayanin niya. Lagi siyang humahanap ng liwanag, pero ngayong katabi niya si Chiara, tila sapat na ang  presensya nito para luminaw ang mundo niya.

Sino ang mag-aakalang ang liwanag at dilim ay pwedeng magsama? Pero heto sila, magkayakap.

Hinagkan niya ang noo ni Chiara, marahang hinaplos ang buhok nitong nakalugay sa kanyang braso. Pinikit niya ang mga mata, sinisikap damhin ang bawat segundo.

Kung hindi niya ito nakilala, baka hanggang ngayon, ligaw pa rin siya. Walang direksyon, walang dahilan. Pero dumating si Chiara, at sa kabila ng lahat ng misteryo na dala nito, nagkaroon ng halaga ang buhay niya.

Sa tabi niya, ramdam niya ang bawat paghinga ni Chiara, mabigat at mabagal, parang pilit na kinakalma ang sariling damdamin. Tulad niya, takot ding mawala ang sandaling ito.

Hinawakan niya ito nang mas mahigpit, parang pagbitaw niya ay katapusan na ng lahat. Gusto niyang sabihin kung gaano niya ito kamahal, pero parang walang sapat na salita para ilarawan ang bigat ng nararamdaman niya.

Ramdam niya ang paggalaw ni Chiara, ang marahang pagbaon ng mukha nito sa dibdib niya, na parang doon lang ito ligtas.

Sa bawat pintig ng puso niya, tila sinasagot ng tibok ng puso ni Chiara — magkaibang mundo, pero iisang ritmo.

Naisip ni Zane, kung pwede lang huminto ang oras, pipiliin niyang manatili silang ganito,  magkadikit, magkarugtong, walang ibang iniintindi kundi ang init ng isa’t isa.

Kung wala si Chiara, siguro hindi niya malalaman kung gaano kabigat at kagaan ang magmahal. At ngayon, hindi niya alam kung paano mabubuhay kung mawawala ito.

Sa katahimikan ng dilim, doon niya lalong naunawaan: ito na ang babae na hindi niya kayang pakawalan.

Samantala, sa lihim na lugar ni Celestine…

“Isang mapaglarong koneksiyon ang mayroon sila. Isa itong puwersang pilit nag-uugnay sa dalawang puso, gusto mo man o hindi.”

Ang pulang tela na nasa kamay ni Celestine ay unti-unting naging puti habang nababalutan ito ng itim na mahika.

“If we are going to break it, we need to taint it first.”

“Taint it?”

“Koda, hindi ko makukumpleto ang seremonya nang walang tulong mo.” Makahulugang nginitian siya ni Celes at hindi niya nagustuhan ang nakikita niya.

“A demon needs a demon to heal their wounds. Gusto kong gawin mo ang bagay na di mo nagawa sa kanya sa loob ng napakahabang panahon.”

Napatayo si Koda at hinampas ang katawan ng mangkukulam sa wall. Inangat niya ang kamay na nakahawak ng mahigpit sa leeg ni Celestine hanggang sa di na maabot ng paa nito ang sahig.

Nanatiling nakangiti ang mangkukulam sa kabila ng pagkakasakal ni Koda sa kanya.

“This is the reason why you lost her to a human,” hirap na wika ni Celestine.

“You didn’t do anything to make her fall for you. You waited a thousand years and now you’re losing her!”

Kumalas ang kamay ni Koda sa leeg ni Celes at hinayaang itong bumagsak sa sahig habang hinahabol ang paghinga.

“I told you this wouldn’t be easy,” bumalik ang ngiti sa labi ni Celestine.

 “For you.” nanunuksong dagdag ng mangkukulam. Natutuwa siyang makita na mawalan ng kontrol ang malamig na demonyong ito.

Tumayo si Celes at sinalubong ang malamig na tingin ni Koda.

“Ito na ang tamang panahon para angkinin mo ang dapat na sa’yo, Koda.”

Kumalat ang malamig na hangin sa paligid nila at namatay ang lahat ng ilaw ng kandila.

Naaliw ang mangkukulam sa nakikita niya. The pure-blooded demon is now being shaken.

“Mark her.”

Muling bumalik ang kamay ni Koda sa leeg nito at pinaramdam niya kay Celes ang kaya niyang gawin dito.

“You have to make sure that you will be able to break it, or I will end you.”

Binigay nito ang manipis na puting tela kay Koda.

“When the color turns black, you have my word. I will break the bond before dawn.”

Kinuha ni Koda ang puting tela. This is the only way to break that curse… To bring back Chiara on his side again.

He always thought that staying with her was enough. Hindi niya akalaing darating ang araw na maaagaw ito sa kanya.

The witch is right. If he knew this day would come, he should have marked her as his before she met this human.

Sa kabilang banda, tahimik na pinagmamasdan ni Zane si Chiara habang mahimbing na natutulog ito.

Kahit sa panaginip, huwag kang lalayo nang hindi kita naaabot. Dito ka lang sa tabi ko

Noong hindi pa nagtatagpo ang landas nila ni Chiara, lumilipas lang ang mga araw na hindi niya namamalayan.

Ngunit ngayong nasa tabi niya ito, bawat oras, bawat segundo, ay mahalaga sa kanya.

Natigil ang paghaplos niya sa mukha nito nang lumitaw ang isang anino sa harap nila.

Blangko ang ekspresyon nito nang magtama ang paningin nila.

Tumayo siya at sinundan ito nang magbukas ito ng isang pinto na may paakyat na hagdanan sa taas.

Sa itaas, sa isang lihim na rooftop…

Sumalubong ang isang malawak na rooftop pag-akyat niya.

May maliit na pool at minibar sa gilid ng rooftop.

Nakita niya rin ang kabuuan ng Havaianas.

Hindi niya akalaing may matatagpuan siyang ganitong lugar sa pusod ng haunted na lugar na ito.

Madilim ang buong paligid maliban sa kinaroroonan nila.

“Hindi ko alam kung anong intensyon mo kung bakit mo ako dinala kay Chiara, ngunit gusto kong malaman mo na hindi ko siya pakakawalan.”

“I want her to live, but you want to kill her? Humans are really the selfish creatures in this world.”

“Kung iiwan ko siya, masisiguro mo bang mabubuhay siya? Nilayo mo siya sa akin, ngunit bakit mas lumalala ang kalagayan niya?!”

Naitikom ni Koda ang kanyang kamay. Biglang humampas ang katawan ni Zane sa pool. Lumubog ito sa tubig.

“Celes! What’s the meaning of this?!”

“Huli na para paghiwalayin sila. Malalim na ang naukit ng kanilang relasyon. Their feelings can’t be broken. Even if they are apart, their hearts would never forget. The bond needs to be broken. It’s the only way we can save her.”

Bumalot ang itim na usok sa katawan ni Zane na humila sa kanya papalalim sa tubig. Tuluyang sinakop ng dilim ang kanyang paningin. Tanging mga bula ang umangat sa ibabaw ng tubig.

“She doesn’t need you.”

Samantala, sa kwarto ni Chiara…

Napabangon si Chiara habang hawak-hawak ang kanyang dibdib.

“Zane?”

Nakita niyang wala si Zane sa kanyang tabi.

“Zane…”

Mabilis siyang bumaba ng kama, ngunit dahil mahina pa ang kanyang mga paa, bumagsak siya sa sahig.

Pinilit niyang tumayo, at parang isang batang natutong maglakad, dahan-dahan siyang umakyat papunta sa rooftop kung saan niya nararamdaman ang presensya ni Koda.

“Nasaan siya?” tanong niya kay Koda na nakatalikod sa kanya.

“Anong ginawa mo sa kanya?! I told you not to touch him! Even if it’s you, I won’t forgive you!”

Humarap si Koda sa kanya at hinablot ang baywang niya palapit dito, hanggang sa magdikit na ang kanilang katawan.

Sa unang pagkakataon, nakita niya ang galit sa mga mata nito.

“Pababayaan mo ako dahil sa kanya? Ako, na kasama mo buong buhay mo? Mas pipiliin mo siya kaysa sa akin?”

“Siya ang itinakda para sa akin… nakatadhana akong makasama siya,” mahina at malalim ang tinig niya, halos pabulong, habang nakatingin sa mga mata ni Koda. Ramdam niya ang bigat ng kanyang mga salita, parang bawat salitang binitawan ay lalo lang nagpapasikip ng dibdib niya.

Bahagyang lumapit si Koda, malamig ang tingin, pero may apoy sa likod ng mga mata nito. “Kaya kailangan ko na itong wakasan… ang sumpang nag-uugnay sa’yo sa kanya.” Ibinulong niya iyon sa mismong gilid ng tainga ni Chiara, mababa at puno ng bigat.

“Koda, a-anong ibig mong sabihin?” halos wala nang lakas ang boses niya, nanginginig ang labi, habang unti-unting lumiliit ang distansya nila. Ramdam niya ang init ng hininga nito sa balat niya, at ang damdamin nitong matagal nang kinikimkim.

Naputol ang mga salita niya nang biglang lumapat ang labi ni Koda sa kanya.

Pagkabigla at pagkagulat ang agad na sumiklab sa dibdib niya. Nanlamig ang buo niyang katawan sa gulat. Si Koda, hindi ito kailanman nagpakita ng ganitong klaseng damdamin sa kanya.

Nang tuluyan niyang maunawaan ang ginagawa nito, agad siyang nagpumiglas, pinilit itulak si Koda palayo. Pero mahina siya. Para bang lahat ng lakas niya ay naubos na. Hindi gumagalaw ang mga kamay niyang pilit tumutulak sa dibdib nito, at sa halip, lalo pa siyang hinigpitan ng yakap nito.

Ramdam niya ang marahang paggapang ng dila ni Koda sa pagitan ng kanyang mga labi, malaya, mapang-angkin, at puno ng pananabik na matagal nang ikinubli.

Nilabanan niya ang bawat sandali, bawat haplos, bawat galaw. Ngunit habang ang puso at isipan niya ay tumatanggi, may isang bahagi sa kanyang malalim na kalooban ang hindi niya maitanggi.

Matagal na niyang hindi naririnig ang tinig ni Anwen, ang kanyang halimaw, pero sa sandaling iyon, nagising ito — parang matagal nang natutulog at ngayon ay nagbabalik.

At mas lalong kinatakot ni Chiara ang sarili niya.

Ayaw man niyang aminin, pero ramdam niya ang kakaibang init na sumiklab mula sa halik na iyon. Isang init na hindi sa kanya, kundi sa halimaw sa loob niya.

Habang pilit siyang lumalaban, naroon ang malupit na katotohanan, may bahagi sa kanya ang natagpuan ang init sa mapusok na halik ni Koda.

Pinakawalan ni Koda ang kanyang mga labi, pero agad bumaba ang halik nito sa kanyang leeg, mainit at mabigat, sa balat niya. Ramdam ni Chiara ang paggapang ng kamay nito sa kanyang katawan, mabagal ngunit mariin.

Sa isang iglap, sumakop ang makapal na itim na usok sa kanilang paligid, parang nilalamon ang liwanag sa paligid nila. Bumalot ang matinding kaba sa dibdib niya ng maramdaman niyang nagbago ang kanilang kinalalagyan.

Nasa mundo na siya ni Koda. Sa kwartong puno ng mga alaala nilang dalawa. 

Kumalat ang mahabang buhok ni Chiara sa malambot na higaan nang dahan-dahan siyang ihiga ni Koda.

“No… no…” sigaw niya sa isipan, ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.

Pumikit siya nang mariin, pilit itinataboy ang katotohanang ayaw niyang harapin. Isang masakit na luha ang dahan-dahang gumulong sa pisngi niya.

Mas pipiliin pa niyang mamatay kaysa markahan ng ibang lalaki.

Pero lalong humigpit ang hawak ni Koda sa kanya, parang kandado na hindi na mabubuksan. Ramdam niya ang pangil nitong dahan-dahang bumaon sa kanyang balat, habang magkahalo ang hininga nilang dalawa sa masikip na espasyo ng gabi.

Sa dilim, nagliwanag ang mga mata nilang dalawa, tila apoy na naglalaban.

Nanghina ang katawan ni Chiara, hindi makakilos. Pilit siyang lumalaban sa isipan, pero ang halimaw sa loob niya ang pumipigil sa kanya. Unti-unti nang sinakop ni Anwen ang kanyang katawan.

At si Koda, bumitaw na rin sa pagpipigil. Sa bawat haplos, sa bawat halik, pinakakawalan nito ang sariling halimaw, ang itinatago nilang anyo ay sumanib na sa dilim ng gabi.

Sa bawat pagdampi ng labi nito, sa bawat bakas na iniiwan sa kanyang balat, para siyang nilalamon ng alon ng sariling takot at pagkamuhi.

Pinilit niyang isara ang puso’t isipan sa lahat ng nangyayari. Ngunit ang katawan niya, hindi niya kayang ipaglaban.

Ang mga ungol na umalingawngaw sa kwarto, hindi sa kanya, kundi sa nilalang na umuukopa sa kanya.

Isang matalim na kirot ang sumaklap sa kanyang laman, at kasabay noon, lalo pang kumislap ang apoy sa kanyang mga mata, nangingibabaw ang kulay ng apoy sa dilim.

Pinakawalan ni Koda ang kanyang mga labi, pero agad bumaba ang halik nito sa kanyang leeg, mainit at mabigat, sa balat niya. Ramdam ni Chiara ang paggapang ng kamay nito sa kanyang katawan, mabagal ngunit mariin.

Sa isang iglap, sumakop ang makapal na itim na usok sa kanilang paligid, parang nilalamon ang liwanag sa paligid nila. Bumalot ang matinding kaba sa dibdib niya ng maramdaman niyang nagbago ang kanilang kinalalagyan.

Nasa mundo na siya ni Koda. Sa kwartong puno ng mga alaala nilang dalawa. 

Kumalat ang mahabang buhok ni Chiara sa malambot na higaan nang dahan-dahan siyang ihiga ni Koda.

“No… no…” sigaw niya sa isipan, ngunit walang boses na lumalabas sa kanyang bibig.

Pumikit siya nang mariin, pilit itinataboy ang katotohanang ayaw niyang harapin. Isang masakit na luha ang dahan-dahang gumulong sa pisngi niya.

Mas pipiliin pa niyang mamatay kaysa markahan ng ibang lalaki.

Pero lalong humigpit ang hawak ni Koda sa kanya, parang kandado na hindi na mabubuksan. Ramdam niya ang pangil nitong dahan-dahang bumaon sa kanyang balat, habang magkahalo ang hininga nilang dalawa sa masikip na espasyo ng gabi.

Sa dilim, nagliwanag ang mga mata nilang dalawa, tila apoy na naglalaban.

Nanghina ang katawan ni Chiara, hindi makakilos. Pilit siyang lumalaban sa isipan, pero ang halimaw sa loob niya ang pumipigil sa kanya. Unti-unti nang sinakop ni Anwen ang kanyang katawan.

At si Koda, bumitaw na rin sa pagpipigil. Sa bawat haplos, sa bawat halik, pinakakawalan nito ang sariling halimaw, ang itinatago nilang anyo ay sumanib na sa dilim ng gabi.

Sa bawat pagdampi ng labi nito, sa bawat bakas na iniiwan sa kanyang balat, para siyang nilalamon ng alon ng sariling takot at pagkamuhi.

Pinilit niyang isara ang puso’t isipan sa lahat ng nangyayari. Ngunit ang katawan niya, hindi niya kayang ipaglaban.

Ang mga ungol na umalingawngaw sa kwarto, hindi sa kanya, kundi sa nilalang na umuukopa sa kanya.

Isang matalim na kirot ang sumaklap sa kanyang laman, at kasabay noon, lalo pang kumislap ang apoy sa kanyang mga mata, nangingibabaw ang kulay ng apoy sa dilim…

Sa ospital, kinaumagahan..

“Is he okay?” nag-aalalang tanong ng Mommy ni Zane sa doktor.

“Wala naman kaming nakitang findings sa x-ray niya. Kailangan niya lang ng pahinga.”

Nakahinga ng maluwag ang ginang.

Nagpaalam na ang doktor upang tignan ang ibang pasyente.

Binalikan niya ang anak, na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok ang mga kaibigan ng kanyang anak.

“Tita, anong nangyari kay Zane?” si Axel na bakas ang pag-aalala sa mukha.

Ganoon din sina Blake at Ryker na nakasunod dito.

“Wala kayong dapat ipag-alala. Nakausap ko ang doktor at sinabi niyang kailangan niya lang ng pahinga.”

Lahat sila ay napatingin sa direksyon ni Zane nang makita nila itong gumalaw.

Agad na lumapit ang ginang sa anak.

“Son, can you hear me?”

Tumango ito at pilit na iminulat ang mga mata.

Nakita niya ang Mommy niya at ang tatlo niyang kaibigan sa likod nito.

“Why am I here?” tanong niya at tinulungan siya ng Mommy niyang bumangon at sumandal sa headboard ng kama.

Alam niyang nasa loob siya ng ospital base sa mga gamit sa loob ng kwarto.

“Ako dapat ang magtanong sa’yo, anak. Bakit basang-basa ka sa loob ng kwarto mo? Wala ka nang malay nang maabutan kita. Hindi ko alam ang gagawin ko. Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo.”

Wala siyang matandaan.

Napahawak siya sa sentido habang pilit na inaalala ang mga nangyari.

Napahugot naman ng hangin si Axel at napailing na lumapit kay Zane.

“Bro, naiintindihan kita. Kahit ako, magkakaganyan kung iniwan ako nang walang paalam ni Chiara, pero ‘wag mo sanang pabayaan ang sarili mo.”

“Chiara?” kunot-noong tanong ni Zane nang marinig ang estrangherong pangalan na iyon.

“I don’t understand. Who’s this person?”

Sabay-sabay na nagtinginan ang tatlo.

Hinaplos naman ng ginang ang mukha ng anak.

“How could you forget about her? Ikaw itong laging nagsasabi na gusto mo siyang ipakilala sa akin. Even if I didn’t meet her, I still learned how beautiful and sincere she is to you dahil lagi mo siyang nababanggit sa akin. Son, kahit na nasaktan ka, hindi mo kailangang magpanggap sa harapan namin.”

“What?”

Nagtatanong ang mga matang palipat-lipat ang tingin sa kanila.

It’s his mom, kaya alam niyang hindi ito magsisinungaling sa kanya.

“But I don’t really remember her. I really don’t know what you’re talking about, and why do you sound like I have some romantic relationship with her?” lalo siyang naguluhan.

Nakita niyang napabuntong-hininga na lang ang kanyang ina, at maging ang kanyang mga kaibigan.

“Okay, okay. Let’s just not talk about her kung ayaw mong pag-usapan natin siya,” wika ng kanyang ina.

“Ang sabi ng doktor, kailangan mong magpahinga.”

“But I really—”

“Shh. It’s okay, son. We understand.”

Lumapit ang ina niya sa kanyang mga kaibigan at sabay-sabay silang lumabas ng kwarto.

Iniwan siyang naguguluhan ng mga ito.

Hindi rin nakaligtas sa kanya ang pagtataka sa mga mukha ng tatlo.

“Chiara?”

Ito ang unang beses na narinig niya ang pangalang iyon, ngunit bakit naninikip ang dibdib niya?

Samantala, sa kinaroroonan nina Koda at Celestine…

“Once the bond is broken, memories will fade.

Kahit magtagpo ang landas nila, magiging estranghero lamang sila sa isa’t isa.

They’re going to pass each other like strangers,” wika ni Celestine habang nakatingin sa malaking salamin at hinahangaan ang bago niyang anyo.

Ang dating kulay puti niyang buhok ay naging itim na itim ngayon, maging ang kanyang mukha at katawan ay bumalik sa anyo ng isang dalagita.

“At ano na ang plano mo, ngayong tuluyan na siyang napasaiyo?”

“Dadalhin ko siya sa  lugar kung saan hindi na magtatagpo ang landas nila. Sa mundo na hindi kayang pasukin ng mga tao.”

“You really want to trap her in your world.”

“Doon siya nararapat. Matagal ko nang hinihintay ang panahong ito na maaari ko na siyang ipakilala sa aking angkan. She’s now ready to meet her kind, to be mine.”

“Finally, the little princess will return to her home.”

Namatay ang buong angkan ni Chiara, na dating may hawak ng pinakamataas na trono sa kanilang mundo.

Itinago siya ni Koda at itinakas sa mundo nila.

Naging magulo at madugo ang naging labanan para sa bakanteng trono na naiwan ng ama ni Chiara.

Ngayong natanggal na niya ang lahat ng balakid at napatunayan niyang siya ang karapat-dapat na magmana ng trono, wala nang maglalakas-loob na gumalaw kay Chiara.

“What took you so long?”

Halos magdikit ang kilay ni Chiara nang salubungin si Koda.

“Don’t tell me you’re with that old hag again?” nakakibit-balikat na tanong nito sa kanya.

“I thought you wanted to rest,” pag-iiba ni Koda.

“Yeah, but I had this weird dream. Anyway, if you’re going to that old hag, take me with you,” she demanded.

“Our deal is over. Wala na akong dahilan para bisitahin siya.”

“What kind of deal?”

“Things that you don’t need to know.”

Lumamig ang tinig ni Koda.

“Okay,” matamlay na sagot ni Chiara.

Kilala niya si Koda. Alam niyang may mga bagay na ayaw nitong pag-usapan, mga sikreto na pinipili nitong itago sa dilim. At dahil dito, hindi na siya nagtatanong pa. Pero hindi ibig sabihin noon ay wala na siyang pakialam. Sa katunayan, lalo lang nadaragdagan ang kuryusidad niya sa bawat lihim na hindi nito sinasabi.

Mula sa kinatatayuan niya, tinitigan niya si Koda, pilit hinahanap sa mga mata nito ang mga sagot na hindi nito kayang sabihin.

“So… ibig bang sabihin nito, isasama mo na ako?” mahina niyang tanong, pilit pinapakalma ang kaba sa kanyang dibdib. Hindi akalaing ito na ang panahong dadahil siya ni Koda pabalik sa orihinal nilang mundo.

“Oo.” Diretso ang sagot ni Koda, walang pag-aalinlangan.

Sinalubong nito ang tingin niya, malamig pero may lalim, parang may mga salitang ayaw pang bitawan.

Napakunot ang noo ni Koda nang mapansin ang pagbabago sa mukha ni Chiara, mula sa kaba, ngayon ay parang may mabigat na gumugulo sa isip niya.

“Bakit? Anong problema?” tanong nito, hindi inaalis ang titig sa kanya.

Bahagya siyang napayuko, pilit nilalabanan ang nararamdamang hindi niya maipaliwanag.

“Pakiramdam ko…” malalim ang buntong-hininga niya bago nagpatuloy, “Parang may iniiwan akong isang bagay… isang bagay na sobrang mahalaga.”

Matagal siyang tinitigan ni Koda, seryoso, malamig, at mapagmasid, tila sinusuri ang bawat piraso ng damdamin niya.

“May nasabi ba akong mali?” tanong niya ulit, halos pabulong, ramdam ang bigat ng sagot na maaaring dumating.

Umiling si Koda, at sa malamig nitong tinig, mababa pero malinaw, sumagot:

“Wala.”

At bago pa siya makapagtanong muli, marahan siyang hinila ni Koda sa kamay.

Saglit siyang nag-atubili, pero sa huli, sumunod siya. Parang wala siyang ibang pagpipilian.

“Ako lang ang kailangan mo…” bulong ni Koda, malapit sa kanyang tainga, mahina pero matalim — parang utos, parang isang babala.

Habang naglalakad sila sa dilim, ramdam ni Chiara ang bigat ng bawat hakbang niya. Para bang sa paglapit niya kay Koda, may bahagi niya ang unti-unting nawawala.